2000 Ang Programang Pilipinas 2000 Ang pangunahing naging layunin ng pamamahala ni Pangulong Ramos ay ang pagiging newly industrialized country ng Pilipinas sa taong 2000 at sa mga susunod pa. Ito ay bagamat ang kanyang panunungkulan ay nakatakda lamang ng hanggang 1998. Inihayag niya ang tatlong konseptong saligan ng kanyang pamahalaan upang makamit ang kaunlaran: pagkakaisa, pagtutulungan at katatagan. Nilayon ng Pilipinas 2000 na makasabay ang bansa sa mga mauunlad na bansa sa mundo sa larangan ng ekonomiya. Itinuon niya ang kanyang mga patakaran upang nakamit ang layuning ito.Nagsagawa siya ng mga state visits o pagbiyahe sa iba’t ibang bansa upang hikayatin ang mga dayuhang mamumuhunan na mag- negosyo sa bansa. Nagtatag din ang pamahalaan ng mga special economic expert zone sa bansa kung saan maaring makapagtayo ng mga negosyo ang mga dayuhan. Patuloy rin niyang itinaguyod ang pakikilahok ng Pilipinas sa mga samahang rehiyunal at pandaigdig tulad ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN), Asia Pacific Economic Cooperation(APEC), at United Nations (UN). MGA TANONG 1. Ano ang pangunahing layunin ng pamamahala ni Pangulong Ramos?
2. Anong meron sa Special Economic Expert Zone?
3. Ibigay ang tatlong konseptong saligan ng pamahalaang