You are on page 1of 26

ISANG GABI, dinalaw ng

malakas na ulan ang Barangay


Denggoy. Walang gustong
lumabas ng bahay. Nakatatakot
kasi ang mga kulog at kidlat.
Sinabayan pa ng brown-out. Kaya
habang nakaikot sa gasera,
nagkuwentuhan na lang ang
magkakapatid na Moncito, Elise
at Vincent hanggang sa sila’y
antukin at makatulog.
KINAUMAGAHAN, “Ay bumaha
pala!bungad ni Elise.
“Yehey! Wala tayong pasok
ngayon!” sagot ni Moncito.
“Makakapaglaro tayo sa
baha!”hiyaw ni Vincent.
Nagmamadaling kumuha si
Moncito ng mga papel. Iginawa
niya sina Elise at Vincent ng
bangkang papel at sinimulan na
nila ang karera ng mga bangka.
Maya-maya , naisip ni Vincent na
meron pa pala siyang jovos o pulbos
na pang-tina na natira mula sa isang
project nila sa eskwela. Kinuha niya
ito at sila’y nagpaligsahan sa
paggawa ng pinakamagandang
kombinasyon ng mga kulay ng jovos
sa tubig-ulan at inipon sa mga
walang laman na bote ng softdrink,
patis, at toyo.
“Ang ganda naman ng inilagay
mong kulay sa bote mo, Vincent.
Akin na lang!”
Hindi puwede , Ate Elise, akin
ito.” At itinago ni Vincent ang bote
sa bodega, doon sa hindi makikita
nina Moncito at Elise.
Unti-unting humupa ang baha.
Nalimutan na nina Moncito, Elise at
Vincent ang kanilang mga bangkang
papel at ang mga boteng may lamang
tubig-ulan.
At lumipas ang maraming araw.
ISANG UMAGA, may lamok
na dumating sa Barangay
Denggoy. Naghahanap ito ng
tirahan. Hirap siyang lumipad
dahil buntis siya at kailangan
nang mangitlog. Handa nang
sumalubong ang mga kanal at
estero sa kanyang pagdating.
Pero —- “Yak, ang dumi-dumi.
Nakakadiri! Hindi ako bagay
rito!” kinilabutan si Lolit
Lamok nang makita niya ang
kanal.“ Baka magkasakit ako
rito!”
Napansin ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok na bulong nang bulong.
“Ano bang problema mo?” masungit na tanong ng ipis.
“A, e, naghahanap kasi ako ng
matitirahan. Malapit na akong mangitlog. Gusto ko sana ay ‘yung
tubig na malinis. May alam ka ba?” tanong ni Lolit Lamok.
Naisip agad ni Tsipis Ipis ang boteng may tubig-ulan sa
bodega. Ilang beses na niya itong tinikman. Kaya tiniyak niya kay
Lolit na wala itong lason.
“Tubig na malinis sa loob ng bote! Solb na ang problema mo!”
At sinamahan ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok sa bodega. “Iba ka sa
mga lamok na kilala ko. Malinis ka!” hangang-hangang sabi ni
Tsipis.
Nangiti si Lolit Lamok. Sa loob-
loob niya, “madali palang lokohin ang
ipis na ito. Kung alam lang niya kung
ano ang pakay ko sa lugar na ito!”
At siya’y bumunghalit ng isang
nakatatakot na tawa. “Bwi hi hi hi hi
hi!Bwa ha ha ha ha ha!”
Samantala, doon sa kisame ng
bodega, pinapanood ni Gugu
Gagamba ang mga nagaganap.
“Hmmm…mukhang may gagawing
di maganda ang lamok na ito!”
HINDI NAGTAGAL AT
NANGITLOG SI LOLIT.
Tuwang-tuwang nakipanood
ang mga baby na ipis ni
Tsipis sa mga kikibot-kibot
na kiti-kiti na nanggaling sa
napisang
itlog ni Lolit. Ang mga anak
naman Gugu Gagamba ay
naglalambitin sa sapot para
masilip ang mga bagong-
pisang lamok.
“Sige, silipin n’yo ang
mga kiti-kiti ko.
Kailangan ko kayo para
magawa ko ang balak ko
sa lugar na ito!”bulong
sa sarili ni Lolit Lamok.
Walang kaalam-alam
sina Tsipis at Gugu na si
Lolit Lamok ay
impektado pala ng
Dengue virus.
DUMATING ANG ARAW na gutom na
gutom na si Lolit. Gustong-gusto na niyang
sumipsip ng dugo ng mga bata. “Ngayon na
ang panahon ng pagkakalat ko ng lagim!”

Agad niyang kinausap si Tsipis Ipis.


“Pakibantayan mo ang mga kiti-kiti ko.
Mamayang gabi, ako naman ang titingin sa
mga anak mo.”
“E bakit?”
Mas gusto ko kasing sa araw gumala.
Kabaligtaran n’yong mga ipis na sa gabi
lumalabas.
Pumayag naman si
Tsipis Ipis na mag-alaga sa
mga kiti-kiti ni Lolit.
Lumabas na ng bodega si
Lolit Lamok. Handa na
siyang maghanap ng batang
makakagat. Mula sa kanyang
sapot, kitang-kita ni Gugu
Gagamba kung saan
nagpunta ang lamok.
Hindi nabigo si Lolit sa
kanyang paghahanap. Nakita
niya agad ang mga batang
naglalaro ng luksong-tinik.
Namataan niya si Elise at
ang makinis nitong mga
binti. Sa wakas, mabubusog
na ulit siya! Sa sobrang tuwa
ay napakanta siya:
Heto na’ng araw na hinihintay.
Mga balak ko’y magkakabuhay.
Lamok na inaakalang malinis,
Iyon pala’y nagmamalinis.
Magkukunwaring mabait
Para sa biktima’y makalapit.
Isang kagat na masarap,
At lagim koy malalasap
Bwi hi hi hi hi hi!
Bwa ha ha ha ha ha!
Lagim ko’y kakalat
Para sa lahat!
Isang mariing tsuk! At
pinakawalan na ni Lolit ang
mumunting Dengue Virus sa
katawan ni Elise.
“Ay!Aray!” sigaw ni Elise.
Akala ni Elise ay kinagat
lamang siya ng isang
ordinaryong lamok, gaya ng mga
lamok na paminsan-minsang
nakakalusot sa maliliit na butas
ng kanyang kulambo.
TUWANG-TUWA ang mga
mikrobyong Dengue nang
makapasok sa sirkulasyon ng dugo
ni Elise. “Salamat kay Lolit,
nakapasok tayo sa katawan ni
Elise,” sabi ng pinunong virus na
si Bossing.
“Yehey!” hiyaw ng mga
kasamahang Dengue virus.
“Nakikita n’yo ba ang mga
ugat na yun? Sirain n’yo para
rumupok!”utos ni Bossing sa isang
grupo ng mga Dengue virus.
“Kayo naman , ubusin n’yo ang lahat ng
platelets na dumadaloy sa katawan! Kainin
n’yo! Utos naman sa kabilang grupo.
Handa na ba kayo?” sigaw pa ni
Bossing.
“Yes, sir!”
“Ano pa’ng hinihintay n’yo? Atake na!”
PAGKATAPOS NG LIMANG ARAW
matapos makagat ni Lolit Lamok, biglang
nilagnat si Elise. Naging pabalik-balik ang
kanyang lagnat sa loob ng apat na araw.
Nanakit ang kanyang ulo at mga
kalamnan, pati mga kasu-kasuan. Nawalan
siya ng ganang kumain.
“Natrangkaso si Elise,” sabi ni
Tatay Tony.
Pero duda si Nanay Riza.
Nabalitaan niya na marami ring bata sa
lugar nila ang may sakit na katulad ng kay
Elise. Ayon sa mga doctor, Dengue H-
fever raw ito.
“Trangkaso na may
kasamang pagdurugo”. Ganu’n
ang sabi ng nars kay Nanay Riza
nang magtanong siya kung paano
malalaman na may Dengue ang
kanyang anak.
Si Elise ay may trangkaso
at… nagdurugo ang ilong.
Sa ospital, sinuri agad ng
doctor ang dugo ni Elise.
Malapot na nga ang kanyang
dugo. At bagsak na ang bilang ng
kanyang platelets.
Pagkatapos ay
kinabitan si Elise ng
suwero. Sa laboratoryo ay
inihanda na rin ang dugo
na posibleng isalin kay
Elise kung patuloy na
babagsak ang bilang ng
kanyang platelets.
Nabalitaan ni Gugu Gagamba ang
nagaganap sa kanilang barangay.
“Ano ba talaga ang sakit ni Elise?”
tanong niya sa mga kapwa gagamba. Pero sila
man ay walang masabi.
Hanggang sa marinig ni Gugu ang balita sa
radio.
“Ipinapayong mag-ingat ang lahat
laban sa Dengue H-fever. Kalat na ang
Dengue virus sa ating bansa. Ito ay dala ng
mga lamok na nakatira sa malilinis na tubig o
tubig-ulan. Madali lamang makilala ang mga
ito. Sila ay may black and white stripes sa
katawan, nangangagat tuwing araw,at
mababa lamang kung lumipad.
PAGKARAAN ng dalawang araw.
“Ang daming sapot!” gulat na
sabi ng Nanay Riza habang gumagayak
papuntang ospital.
“Hayun, galing sa bodega!
Halika Vincent, alisin natin ang
agiw,”sabi ni Tatay Tony.
“Punta ka na Riza sa ospital, ako
na ang bahala rito.”
Sa bodega, nandiri sila sa sa
kanilang nakita!Kay daming mga ipis
at mga bubuwit. Lalo na ang mga
lamok! Nakakadiri!
At doon nila nakita ang bote ng
tubig-ulan na puno pa rin ng mga kiti-
kiti.
“Aha!Dito pala nakatira ang mga
lamok ng dengue!” sabi ni Tatay Tony.
Nabigla si Vincent sa nakita.
“Sorry po. Ako poang nagtago ng
boteng ‘yan.” Umamin si Vincentna
nagsisisi.
“Anak, sa susunod ay magiging
maingat na tayo.” sagot ni Tatay Tony.
Noon din ay sinimulan ang
paglilinis at fumigation sa Barangay
Denggoy. Nagpausok ng pamatay-lamok
sa buong lugar. Tatakas pa sana si Lolit
Lamok at ang pamilya nito. Pero hindi
nila natagalan ang lason na nakahalo sa
hanging ibinomba sa kanila.
Sunod-sunod na bumagsak si Lolit
pati ang napakaraming mga lamok.
Kasama ring namatay ang mga lahi ni
Tsipis Ipis, ang mga daga, at ang mga
langaw na nagdala ng iba’t ibang uri ng
sakit. Ligtas na ang mga bata sa Dengue.
Hindi na makapaghahasik pa ng lagim si
Lolit Lamok.
Mula noon, natuto na ang mga
taga-Barangay Denggoy na mag-ingat
laban sa Dengue H-Fever. Tinitingnan na
nilang maigi kung may mga lata, timba,
dram, gulong, o bote ng tubig na
maaaring pamahayan ng mga lamok at
tinatapon nila ang mga ito. Tulong-
tulong na rin sila sa paglilinis ng
kanilang paligid.
At sino ang nangunguna sa kanila?
Sino pa? E di sina Moncito, Elise,
at Vincent!

You might also like