You are on page 1of 13

“Parental Wisdom-Filipino Style”

by: Tina Cuyugan


shared by: Ambeth Ocampo, PDI, p.11
• Si Inay, tinuruan ako HOW TO
APPRECIATE JOB WELL DONE:
“Kung kayong dalawa ay
magpapatayan, doon kayo sa
labas! Mga leche kayo, kalilinis
ko lang ng bahay.”
• Natuto ako ng RELIGION
kay Itay: “Kapag yang
mantsa di natanggal sa
carpet, magdasal ka na!”
• Kay Inay ako natuto ng
LOGIC: “Kaya ganyan,
dahil sinabi ko.”
• At kay Inay ako natuto ng MORE
LOGIC: “Pag ikaw nalaglag diyan sa
bubong, ako lang mag-isa ang
manonood ng sine.”
• Si Inay ang nagturo sa akin ng
IRONY: “Sige, ngumalngal ka pa at
bibigyan talaga kita ng iiyakan
mo!”
• Si Inay ang nagpaliwanag ng
CONTORTIONISM: “Tingnan mo
nga yang dumi sa likod ng leeg mo,
tingnan mo!!!”
• Si Itay ang nagpaliwanag ng
STAMINA: “Wag kang tatayo diyan
hangga’t di mo nauubos lahat ng
pagkain mo!”
• Si Inay ang nagturo sa amin ng
WEATHER: “Lintek talaga kayo.
Ano ba itong kuwarto nyo,
parang dinaanan ng bagyo!”
• Si Itay ang nagturo ng BEHAVIOR
MODIFICATION: “Tumigil ka nga
diyan! Huwag kang umarte na
parang Nanay mo!”
• Si Inay ang nagturo ng GENETICS:
“Nagmana ka nga talaga sa ama
mong walanghiya!”
• Si Inay ang nagpaliwanag sa amin ng
ENVY: “Maraming mga batang ulila
sa magulang. Di ba kayo
nagpapasalamat at mayroon kayong
magulang na tulad namin?”
• Si Itay ang nagturo ng
ANTICIPATION: “Sige kang bata ka,
hintayin mong makarating tayo sa
bahay!”

You might also like