You are on page 1of 16

Aralin 1: Konsepto ng

Kontemporaryong Isyu
ARALING PANLIPUNAN -10
Ano ang Kontemporaryong Isyu?
Ito ay nagmula sa salitang Latin na contemporarius,
na ang ibig sabihin ng "con" ay "together, with"
(pinagsama) at ang "tempus, tempor" ay "time" (oras).
Ang kontemporaryo nangangahulugang kasalukuyan,

moderno, uso, o napapanahon. Ang isyu naman ay


ang mga paksang pinagtatalunan o tinatalakay nang
mainitan; isang bagay na nagdudulot ng pagkabahala .
Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o
ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o
mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay
maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan,
karapatang-pantao,
relihiyon, ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon, o
pananagutang pansibiko at pagkamamamayan.
Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na
kontemporaryong isyu ito ay:
 mahahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan;
may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa
mga mamamayan;
 nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding
epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang
panahon;
 at mga temang napag-uusapan at maaaring may
maganda o positibong impluwensiya o epekto sa
lipunan.
Ang Kontemporaryong isyu ay tumutukoy: Sa iba’t ibang hamon o
problema na hinaharap ng ating lipunan at daigdig at sa
kasalukuyan. Ito rin ay tumutukoy sa mga pangyayari o ilang
suliraning bumabagabag o gumagambala at nag papabago sa
kalagayan ng ating pamayanan, bansa o Mundo sa kasalukuyang
panahon. Ayon Charles Wright Mills (1959) isang sosyolohisya at
professor ng sosyolohiya at ayon sa kanya, ang buhay ng isang
individual ay lubos na nakatali sa kanyang lipunan ginagalawan, sa
kasaysayan nito at sa mga institusyon nakapaloob dito.
Ang salitang “Kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t
ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay ang paggamit
ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa
panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing
naalala pa ng mga tao sa ngayon. Isa pang halimbawa
nito ay ang paggamit ng kontemporaryong kasaysayan
na tumutukoy naman ito sa panahon mula sa pagitan ng
ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan.
Ang paggamit ng salitang “Kontemporaryo” sa iba’t- ibang Konteksto;
 Kontemporaryong Daigdig: ito ay nag lalarawan sa panahon mula ika
20 dantaon hangang sa kasalukuyan.
 Kotemporaryo kasaysayan- tumutukoy sa panahon mula sa pagitan ng
ika 20 dantanon hanggang sa kasalukuyan.
Ang kontemporaryong isyu ay may pitong saklaw;
 Isyung Pangkapaligiran
 Isyung Pang-kabuhayan at pang Ekonomiko
 Isyung Politikal at kapayapaan
 Isyung Karapatang pantao
 Isyung may kinalaman sa kasarian at sexualidad
 Isyung pag- kalusugan
 Isyung Pang-edukasyon

Halaw: https://www.youtube.com/watch?v=X&feature=youtu.be
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito ang ating
mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito ang ilan
1. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa
mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensiya sa mga tao, pamayanan, bansa, at
mundo
2. Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga
pangyayari
3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba't ibang sanggunian
para makakalap ng mga impormasyon
4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos
tungkol sa mga pangyayari sa lipunan
5. Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba't ibang sanggunian, at
pagsasaliksik
6. Mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasiya, mabisang
komunikasyon, pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang
pananaw
7. Malalim na pag-unawa at pagpapa halaga sa sama-samang pagkilos
at pagtugon sa mga pandaigdigang suliranin
8. Paggalang sa iba't ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit
ito ay naiiba o salungat sa sariling paniniwala o pananaw
9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura,
paniniwala, at paggalang sa kanilang dignidad at karapatang pantao
10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa
kagustuhan ng iba
Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang tayo bilang
mabuting mamamayan. Nalilinang nito ang:
1. Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan
upang makalahok sa mga makabuluhang gawain para sa ikabubuti ng
pamumuhay ng pamayanan, bansa, at daigdig.
2. Pang-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin upang
maitaguyoang pagkakaisa, pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan
sa ating bansa at sa buong daigdig.
3. Pang-unawa sa iba't ibang aspektong mga suliranin at isyu ng lipunan:
heograpiya, ekonomiya, kultura, pamahalaan, at pansibiko gamit ang
mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba't ibang disiplina.
4. Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at
pagtugonsa mga pambansa at pandaigdigangsuliranin.
5. Masidhing damdaming makabayan,makatao, makakalikasan, at
maka sandaigdigan na mag-uudyok upangmaging produktibo at
makatulongsa paglutas ng mga suliranin sakasalukuyan at
pagpapanday ngmaunlad at mapayapang pamayanan,bansa, at
mundo.
6. Aktibong pagganap sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan
sa tahanan, paaralan, at pamayanan.
Gawain 1: Larawan ko,
Suriin Mo!

Panuto: Tuklasin at suriin ang


larawan na nagpapakita ng iba’t
ibang isyu na nangyayari sa
ating lipunan at daigdig.
Pagkatapos ay gawin ang mga
sumusunod na gawain sa ibaba.
Pamgprosesong tanong:
1. Bakit ito matuturing na isyu o
suliraning panlipunan?
2. Bakit mahalaga na maunawaan
mo ang iba’t-ibang isyung
panlipunan?
Panuto: Gamit ang
bubble map ibigay
ang pitong saklaw
ng
Kontemperaryong
isyu.
Isyung Isyung Politikal at
Pangkapaligiran kapayapaan

Isyung Pang- Isyung Karapatang


kabuhayan pantao
at pang
Ekonomiko

Isyung may
kinalaman Isyung pag-
sa kasarian at kalusugan
sexualidad
Isyung Pang-
edukasyon
Panuto: Magbigay ng mga 3 halimbawa na may kaugnayan sa sumusunod na
saklaw ng Kontemporaryong Isyu.

a. Isyung pangkalusugan
b. Isyung Pang- Edukasyon
c. Isyung pangkapaligiran
d. Isyung karapatang pantao

You might also like