You are on page 1of 17

Aralin 9

KATARUNGANG PANLIPUNAN
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI
inililimos.
Balik-aral:
• Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang
isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
• Ang bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at
pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan na
hindi naghahangad ng anumang kapalit.
• Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng
bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may
aspekto ng pakikilahok.
Panimula
• Bilang panlipunang nilalang,
tayo ay may likas na
pangangailangan sa kapwa
lalo na sa panahon ng
kagipitan.
• Ito ay dahil ang tao ay umiiral
na kasama ang ibang tao;
isang ugnayan na dapat na
pinagyayaman ng
katarungan.
Ano ang katarungan?
• Ito ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat
sa kanya.
• Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili.
Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang dignidad
bilang tao.
• Ang pagkatao ay isang katotohanang
nangangailangan ng ating pagkilala at
paggalang. (Dr. Manuel B. Dy Jr.)
Ano ang katarungan?
• Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng
tao.
• Ang pagiging makatarungan ay pagpapakita ng
pagmamahal bilang tao na namumuhay kasama
ang iba.
• Ang paninira sa ibang tao ay isa ring
paglapastangan sa iyong sariling pagkatao.
Ano ang katarungan?
• Ang katarungan ay isang
gawi na gumagamit lagi ng
kilos-loob sa pagbibigay
ng nararapat sa isang
idibidwal.
• Ang kilos-loob ay
magpapatatag sa iyong
pagiging makatarungang
tao. (Sto. Tomas de Aquino)
Makatarungang Tao
• Makatarungan ang isang tao kung ginagamit
nito ang kanyang lakas sa paggalang sa
batas at sa karapatan ng kapwa.
• Isinasaalang-alang din nito ang pagiging
patas sa lahat ng tao.
• Kailangan mong salungatin ang iyong mismong
sarili, ang ibang tao at ang mundo sa hindi
pagiging patas ng mga ito. (Andre Comte-
Sponville, 2003)
Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan
• Ang makatarungang ugnayan ay umiiral kung
walang nang-aagrabyado sa isa’t isa.
• Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mamuhay
nang hindi hinahadlangan ng iba. Kung
nilalabag ang karapatang ito, mawawalan ng
katarungan. Maari itong magbunga ng gulo sa
buhay ng mga nasasangkot.
Nagsisimula sa Pamilya ang
Katarungan
• Ang pamilya ang unang
nagbibigay sa iyo ng kamalayan
tungkol sa katarungan.
• Dahan-dahang nahuhubog ang
iyong pagkatao sa paggabay ng
iyong mga mahal sa buhay.
• Nauunawaan mo na kapag
iginagalang mo ang mga
karapatan ng iba isinasaalang-
alang mo ang kabutihang
panlahat.
Katarungang Panlipunan
• Ito ang namamahala sa
kaayusan ng ugnayan ng tao
sa kaniyang kapwa at sa
ugnayan ng tao sa lipunan.
• Inilalagay nito sa ayos ang
panlipunang ugnayan ayon
sa kraytirya ng pagsunod sa
batas
Katangian ng Katarungang Panlipunan
• Paggalang sa karapatan ng bawat tao
• Pagpapaliban sa pansariling interest
• Pagsusuri sa kabuuang sitwasyon
• Pagsasaalang sa kabutihang panlahat
Katarungang Panlipunan at Dignidad ng
tao
• Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa
dignidad ng tao.
• Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa
kanyang pagkatao.
• May dignidad ang tao dahil mahalaga siya.
• Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na
ibigay ang nararapat sa kanya.
TAKDA
: PAGPAPAHALAGA

• Paano magiging makatarungan ang


tao? Ipaliwanag
• Paano nagsisimula sa pamilya ang
pagiging makatarungan?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• https://s-media-cache-
ak0.pinimg.com/736x/4e/a2/3a/4ea23a120515a88b0
4aa82d531e6a49e.jpg
• https://thecord.ca/wp-
content/uploads/2014/08/Volunteerism-Lena-
Yang.jpg
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Ito ang pagbibigay sa kapwa ng
nararapat sa kanya.
2. Ang pagkatao ay isang katotohanang
nangangailangan ng ating pagkilala at
paggalang ayon kay .
3. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang
ay magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungang tao.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.

4. Ang ang unang


nagbibigay sa iyo ng kamalayan
tungkol sa katarungan.
5. Ito ang namamahala sa kaayusan ng
ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa at sa
ugnayan ng tao sa lipunan.
SAGOT:

1. Katarungan
2. Dr. Manuel B. Dy Jr.
3. Sto. Tomas de Aquino
4. Pamilya
5. Katarungang Panlipunan

You might also like