You are on page 1of 1

PAG-ISIPAN MO!

MODYUL 15: MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG KURSONG


AKADEMIKO, TEKNIKAL-BOKASYONAL, SINING AT DISENYO AT ISPORTS
 PERSONALIDAD- tumutukoy sa hitsura, paraan ng pagdadala sa sarili lalo na sa harap
ng maraming tao, pananamit at maging paraan ng pananamit o paglalakad.
Halimbawa: hindi ka nararapat na maging guro kung mahiyain ka.
 PAGPAPAHALAGA- tumutukoy sa prayoridad, mga bagay o tao na pinahahalagahan
nang labis ang magiging epekto sa pagpili ng kurso o hanap-buhay.
Halimbawa: Mahihirapan ka sa kursong Social Service kung hindi mo
pinahahalagahan o pinagmamalasakitan ang pagtulong sa nangangailangan.
 DEMAND- tumutukoy sa pangangailangan ng pamayanan sa mga taong nagtapos
ng isang partikular na kurso upang mag-alok ng serbisyo sa mga tao sa isang
partikular na lugar.
Halimbawa: Japan- in demand ang trabahong welder para sa pagawaan ng kotse.
Pilipinas- in demand ang Education dahil sa pagdami ng mga mag-aaral taon-taon.
 KAKAYAHAN- tumutukoy sa talino talento na susukat kung makakaya ng isang tao na
mag-aaral ng isang tao na mag-aaral ng isang partikular na kurso o magampanan
ang hanapbuhay na kaakibat nito sa kalaunan.
 PANANALAPI- tumutukoy sa kakayahang pinansyal ng mga magulang ng mag-aaral
upang matustusan ang isang partikular na kurso.

You might also like