You are on page 1of 4

SUBJECT: Filipino sa Piling Larangan DATE: September 29, 2020

TOPIC: Akademikong Pagsulat TIME: 1:00 PM – 2:00 PM

AKTIBIDAD # 4
Panuto: Basahin ang isang artikulo sa ibaba at isulat sa ibaba ang iyong sagot ayon sa
mga sumusunod: Layunin, Paraan o Batayan ng datos, Audience, Organisasyon ng ideya at
Pananaw.

Ang Millennium Curriculum o Curriculum 2002 ng Departement of


Education

DR. EDBERTO M. VILLEGAS

Sa paggawa ng kurikulum para sa mga paaralan ng Pilipinas, ang imperyalismo


ay aktibong nanghihimasok, mula pa noong pagpondo ng WB sa panahon ng
martial law sa pagsulat ng mga textbook na tinatangkilik ang pagsisilbi ng mga
kabataang Pilipino para sa negosyo ng mga kapitalista (ang programang
EDPITAF) hanggang sa kasalukuyan sa pagpapairal ng tinatawag ng DepEd na
Millennium Curriculum o ang Curriculum 2002 para sa elementarya at
sekondaryang baytang. Sa ilalim ng Millennium Curriculum, inaalis ang mga
asignatura na may kaugnayan sa pagtuturo ng kasaysayan at sibikong
kamalayaan at iba pang panlipunang pagaaral, at pinagsama-sama ang mga ito
sa isa lamang asignatura na pinamagatang PAGSIKAP. Kinolaps ang mga
asignatura sa limang “core areas” ang English, Filipino, Math, Science at Pag-
Sikap. Pinahaba ang oras ng pagtuturo ng English at Math at ginawa muli ang
English bilang midyum ng pagtuturo. Ang mga pagbabago na ito sa kurikulum
para sa elementarya at haiskul mula Grade 1 to 10 ay batay sa isang pag-aaral
na ginawa ng WB-ADB na pinamagatang  “Philippine Education for the 21st
Century: The 1998 Philippine Education Sector Study” o (PESS). Pinayo ng
PESS ang “streamlining” ng Philippine education at pagkukulaps ng mga
asignatura lalo na yung may kaugnayan sa pagbibigay ng panlipunang
kamalayan sa mga estudyante. Ang pakay kasi ng WB at kanyang alalay na ADB
ay upang makatipid ang Pililpinas sa badyet sa edukasyon, at siyempre upang
makabayad ng utang panlabas. Kasabay din nito ang pagbuwag sa mga
asignatura na di kailangan ng bisnis ng imperyalismo at natuturuan pa ang mga
kabataan na magkaroon ng kamalayang panlipunan at kritikal na pagiisip. Sa
bagong kurikulum, nanganganib ang kabuhayan ng maraming guro na
matatanggal dahil ang kanilang mga asignatura ay di na kailangan, sa partikular
yung mga nagtuturo ng panlipunang aralin. Ngunit ang papel ng ating mga
paaralan bilang mga tagalikha ng mga gradweyt ng mahusay sa kakayahan na
kailangan ng negosyo ng mga malalaking korporasyon, kagaya ng mga call
center, tiga-silbi sa fast food, salesman, mekaniko at iba pa, ay nagreresulta sa
sobrang lakas paggawa sa ating lipunan. Dumarami ang bilang ng mga taong di-
makahanap ng trabaho na mga bagong gradwado taon-taon sapagkat lumalaki
ang sobrang pwersa sa gawa, na nadadagdagan ng mga 750,000 katao bawat
taon. Sa kasalukuyan, ang bilang ng walang trabaho sa ating lipunan ay 13% ng
kabuuang lakas paggawa ng bayan (ayun mismo sa estadistika ng gobyerno),
pinakamataas sa buong Asya.

Ayun din sa PESS: “The daunting medium-term challenge for Philippine


education, therefore, is how to preserve the quantitative gains of the past,
improve equity and raise quality – and to achieve all of these objectives during a
period of limited or zero growth in the public budgetary allocation to education as
a whole.” (PESS, p. 11, italics dinagdag) Ang ibig sabihin ng WB-ADB ay paano
mapapairal ng gobyerno ng Pilipinas ang mahusay na pagtutupad nito sa
pagalaga sa interes ng imperyalismo sa harap ng pagtitipid sa edukasyon. Ang
sagot – ikulaps ang mga asignatura at tanggalin ang mga guro na di kailangan ng
bisnes ng mga TNCs. Batay sa ganitong layunin ang PESS ay nagsaad:

“Given lower-cost labor in the People’s Republic of China and some other Asian
countries, and rising labor costs at home reinforced by minimum wage
regulations, the Philippines’ future comparative advantage lies not in unskilled-
labor production, but rather in low-end ‘high-tech’ areas, such as electronics
manufacturing and tourist services, requiring at least a secondary school
education of reasonable quality.”(PESS, p.1)

Ipinapairal ng PESS ang  teorya  ng  mga kapitalista na ang edukasyon ng isang


bayan ay iaayun sa “comparative advantage” nito sa mga kapitalistang bansa sa
harap ng kumpitesyon ng ibang bansa sa Pangatlong Daigdig. Kaya, kailangang
gamitin ang Curriculum 2002 upang makahubog ng mga manggagawa na semi-
skilled at huwag na ng mga unskilled dahil marami na nito ang ibang bansa
kagaya ng Tsina. Ang mga semi-skilled na manggagawa ay kailangan sa sektor
ng serbisyo at marunong ng Inggles.
Ang Millennium Curriculum o Curriculum 2002 ng Departement of
Education

DR. EDBERTO M. VILLEGAS

LAYUNIN BATAYAN NG AUDIENCE ORGANISASYON PANANAW


DATOS NG IDEYA

Ang layunin ng Ang awtor ay Mga guro - dahil Ang artikulo na ito Ito ay obhetibo
artikulo na ito gumawa ng upang maturuan ay planado na Dahil ito ay
ay ang isang ang mga pagsasagawa ng nagbibigay ng
pagbibigay ng pagsasaliksik studyante kung istraktura ng mga mga
impormasyon patungkol sa paano ang mga pahayag, katotohanang
tungkol sa edukasyon ukol importante ang ornagisado, at impormasyon
pagbabago ng sa pagbabago ng nasa bagong pagkakaugnay ng At ikatlong
mga asignatura mga asignatura sistema pagturo. mga ideya. panauhan ang
at estilo ng at patungkol rin Mga iskolar at ginamit sa
pagtuturo na sa sistema ng mga studyante - artikulo.
isinagawa. At edukasyon. upang
nagbigay din ng matutunan at
impormasyon malaman nila
sa nakaraan na ang kasaysayan
pagturo kung kung paano
saan ito ay nabago ang
napatigil at sistema ng
nabuo "Ang edukasyon at
Millennium matutunan rin
Curriculum o nila ang rason
Curriculum kung bakit
2002 ng binago ito ng
Department of Department of
Education" Education.
upang Mga
mabigyan ang mamamayan -
mga kabataan dahil upang
ng kamalayang malaman nila
panlipunan, kung gaano ka
kritikal na pag- importante ang
iisip at upang pag-aaral sa
makalikha ng kinabukasan at
mga semi- para sa kanilang
skilled na mga anak.
mamamayan.

Deadline: October 1, 2020

You might also like