You are on page 1of 4

Kasanayan

A. Tuklas-Dunong
 Magsuri – detalyadong pag-aaral sa isang bagay.
 Nagpapaliwanag – pahayag o ulat na lumilinaw sa isang bagay.
 Dyornal – listahan ng mga transaksyon, inpormasyon tungkol sa isang
bagay, pook, o ideya.
 Paksa – bagay na pinag-uusapan o tinatalakay.
 Obhetibo – tiyak na pagbibigay detalye sa isang tao, bagay, lugar ayon sa
totoong buhay.
 Depinisyon – pagbibgay ng kahulugan o paliwanag.
 Lengguwahe – wika ng isang naturing lugar o bansa.
 Mabisa – epektibong pamamaraan
 Nahihikayat – iba’t ibang pamamaraan upang makuha and pagsang-ayon,
pagpanig, pagsunod, pagpanig, o paglahok ng isang tao o pangkat.
 Diskurso – ito ay ang pag-uusap at palitan ng kuro.
 Paglalahad – isang detelyado at komprehensibong paglalarawan o pagpa-
paliwanag ng isang bagay, pook, o ideya.
 Akademiko – sa isang institusyon o pag-aaral, nagbibigay ng higit ng
pagpapahalaga sa pagbabasa at pag-aaral kaysa teknikal o praktikal na
gawain.
 Naglalarawan – isang paraan ng pang araw-araw na pagpapahayag na
naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa o nakikinig.
 Sensitibo – madaling masaktan, lubos na nakaintindi, mabilis na tumugon
sa kaunting mga pagbabago o pagkakaiba.
 Pangangatwiran – pagpapahayag ng katwiran, lalo na sa isang pagtatalo.
 Komplikado – nagtataglay ng maraming magkakaibang bahagi o element
kaya mahirap maunawaan o isaayos.
 Pagsasangguni – pagtuturo sa isang bukal ng impormasyon o kargadang
impormasyon.
 Pamanahong papel – isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang
ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga
pangagailangan sa isang paksa.

B. Suri at Lapat

1. Layunin – May isang kagyat na pangangailangan upang mapahusay ang kalidad


ng pangunahing edukasyon sa ating bansa tulad ng nakikita sa mga resulta ng
edukasyon ng mga mag-aaral ng Pilipino at ang pagkakasamang pagkukulang
ng Pilipinas hinggil sa ibang mga bansa. Sa ngayon, ang Pilipinas ay ang tanging
bansa sa Asya at kabilang sa tatlong natitirang mga bansa sa mundo na
gumagamit ng isang 10-taong pangunahing siklo ng edukasyon. Ayon sa isang
pagtatanghal na ginawa ng South East Asian Ministro of Education Organization
(SEAMEO-INNOTECH) sa Karagdagang Taon sa Philippine Basic Education
(2010), ang data ng paghahambing sa tagal ng Pangunahing at Pre-University
Education sa Asya ay nagpapakita na ang Pilipinas ay nagbigay ng 10 taon hindi
lamang para sa pangunahing siklo ng edukasyon kundi pati na rin para sa
edukasyon ng pre-unibersidad samantalang ang lahat ng iba pang mga bansa ay
mayroon ding 11 o 12 taon sa kanilang pangunahing siklo ng edukasyon.
2. Nilalaman – Sa programang ito, ginawang mandatory ang pagpasok ng mga
bata sa kindergarten, nagkaroon din ng junior highschool (grade 7-10) at senior
highschool (grade 11-12). Noong taong iyon 2012, maraming nagsasabi na
nagkulang ang pamahalaan sa mga paghahanda sa pagiimplementa nito, ngunit
sa nakalipas na buwan ngayong taong ito, may iilang nagsasabi na hanggang
ngayon ay kulang pa rin ang mga libro na akma sa bagong kurikulum na
gagamitin ng mga magaaralyon, bagamat  inamin ng  Kagawaran ng Edukasyon,
na naantala ang pagpapadala ng mga materyales sa mga ibang pampublikong
paaralan. 

3. Kahalagan – Taong 2016 nang simulan ang implementasyon ng K to 12 sa


bansang Pilipinas. Ang pangunahing layunin nito ay upang makasabay sa antas
ng edukasyon ang Pilipinas sa iba pang mga bansa. Ito ay upang maituring
na globally competitive ang mga Pilipino pagdating sa larangan ng edukasyon.
Bagama't ito ay naging pasakit sa ilang mga mamamayan lalo na sa mga
estudyante dahil sa karagdagang dalawang taon na gugugulin sa high school,
subalit malaki ang magiging epekto nito sa bawat estudyanteng makakapagtapos
ng kanilang pag-aaral. Matapos malagpasan ng isang mag-aaral ang
karagdagang dalawang taon sa high school, maaaring mamili kung magtutuloy
sa pag-aaral ng kolehiyo para sa isang degree o magtutuloy bilang isang
manggagawa.

C. Masid – Danas:
Abstrak:
Ang Sining, Kababaihan, Ekonomiya, at Edukasyon ay ang ilan sa mga
mahahalaga at importanteng aspeto sa ating buhay, kultura, at lipunan. Ano
nga ba ang kahalagahan ng mga ito at paano sila nagkakaugnay at
nagkakakonekta patungkol sa pagtulong sa pag-unlad ng ating kultura at
lipunan?
Mahalaga ang sining sa ating lipunan dahil ito ay nakapagbibigay sa isang
indibidwal ng kalayaang maipahayag ang kanyang sarili sa kanyang sariling
paraan, sa pamamagitan ng pagsasayaw, pagkanta, pagpipinta, at marami
pang iba.
Ang mga kababaihan mula sa nagdaang panahon ay hindi nagbibigyang
halaga sapagkat ang kanilang kakayahan at abilidad ay nalilimitahan ng ating
lipunang ginagalawan. Subalit sa paglipas ng panahon, ang paninindigan at
katapangang ipinamamalas ng mga kababaihan ay nagbunga upang sila ay
tratuhin ng respeto katulad ng respeto sa mga kalalakihan.
Ang ekonomiya ay ang mga aktabidad ng produksyon at pagkonsumo na
nagpapasiya kung gaano kakulang ang mga mapagkukunan sa isang lugar.
Kabilang dito ang lahat ng bagay na may kinalaman sa produksyon at
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. May umiiral na ekonomiya upang
masiyahan ang mga pangangailangan ng mga kalahok nito.
Mahalaga ang edukasyon sa ating lipunan dahil kung ang bawat
indibidwal ay nagkamit ng edukasyon, ay mas magiging produktibo ang ating
lipunan at magbubunga ito sa pag-unlad. Mahalaga ito sapagkat ito ang
magiging sandata ng isang indibidwal sa kahirapan, ito ang magiging susi
patungo sa pag asenso ng buhay.
Bilang konklusyon, ating masasabi na maunlad at matagumpay ang isang
lipunan kung ang lahat ng aspetong ito ay ating binibigyang pansin at
pinapahalagahan.

Sintesis:
Sining, Kababaihan, Ekonomiya at Edukasyon, ang mga nabanggit ay ang
ilan sa mga mahahalagang aspeto sa ating kultura at lipunan na dapat ay
bigyang pansin at pahalagahan. Ang bawat isa ay magkakaugnay at
makakakonekta upang magkaroon ng isang maunlad at matagumpay na
lipunan.

You might also like