You are on page 1of 11

MAGANDANG

MA

UMAGA
Layunin:

Makilala ang imahismong pagdulog;


Masanay ang mga mag-aaral na
magamit ang kanilang imahismong
pagdulog at kritikal na pag-iisip sa
pag-unawa ng teksto.
IMAHISMONG
PAGDULOG
IMAHISMONG PAGDULOG

• Ang pananaw na ito ay isang


pamamalagay na kinakailangan
gumamit ng konkreto, matipid, at
maingat na paggamit ng mga salita
upang makbuo ng konkretong imahe.
• Ang layunin ng imahismong pagdulog
ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang
nais na ibahagi ng may-akda na higit
na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita.
Ang Guryon
Pahayag – Sa tulang “Ang Guryon” na isinatitik ni Idelfonso Santos ay
patungkol sa pangangaral ng isang ama sa kanyang anak. Inihahalintulad
ang guryon sa buhay ng tao. Kung papaano ang tamang pagbalanse ng
mga bagay sa buhay ng tao. Maraming maaaring kaharapin ng bawat isa
sa atin. Katulad ng isang guryon maaaring ang buhay ng tao ay dumaan sa
maraming pagsubok na tiyak na susubok sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang tulang ito ay gumamit ng simpleng lipon ng mga salita para mas higit
na maintindihan ng mga mambabasa. Sapagkat ito’y nakabatay sa
Teoryang Imahismo.
Patunay
• Tanggapin mo anak, itong munting • Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
guryon Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Na yari sa patpat at “papel de Hapon” Makipaglaban ka, subalit tandaan
Magandang laruan pula, puti, asul Na ang nagwawagi’y ang pusong
Na may pangalan mong sa gitna naroon. marangal.

• At kung ang guryon mo’y sakaling


• Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
madaig
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Nang hindi mag-ikot o kaya’y magkiling.
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
• Saka, pag umihip ang hangin, ilabas Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
At sa papawiri’y bayaang lumipad; Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
At baka lagutin ng hanging malakas Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob
Paliwanag - Sa tulang “Ang Guryon” ni Idelfonso Santos, ang
guryon mismo ang pangunahing imaheng ginamit. Ang guryon
ay isang malakas na simbolo ng kalayaan, pag-asa, at
pangarap. Ito’y ipinakikita bilang isang mapagpalayang bagay
na nagbibigay inspirasyon sa mga tao na lumaban sa mga
pagsubok at hamon ng buhay.
Inihahalintuda din ang guryon sa buhay ng isang tao
dahil ang guryon ay marupok, hindi gaanong matibay ngunit
kapag napalipad mo na ito ng mataas, titingalain ito at
hahangaan. Katulad din ng sa buhay ng tao may mga
pagsubok na hindi natin inaasahan.
Pag-ugnay – Ang Tulang “Ang Guryon” ay isang halimbawa ng
Imahismong pagdulog. Ang ginamit ng may-akda na imahe sa
akda ay ang guryon na inihalintulad sa buhay ng tao. Sa araw-
araw nating pamumuhay dapat maging matatag at may tiwala
tayo sa ating sarili upang makamit natin ang ating mga pangarap
sa buhay. Dapat nating tibayan ang ating loob sa anumang
pagsubok na dumarating sa atin. Huwag sumuko dahil ang buhay
ay parang guryon minsan ito’y hindi matatag ngunit kung ikaw ay
magsisikap na harapin lahat ng pagsubok sa abot ng iyong
makakaya, sigurado ay balang araw magiging katulad ka din ng
guryon na siyang titingalain at hahangaan sa paglipad nito. At sa
araw-araw na pagsubok huwag din nating kalimutan ang ating
lumikha na pasalamatan sa lahat ng bagay.
Pagpapatibay –

“Ang mapagkumbaba ay kinalulugdan ng Diyos,


kaya huwag magmataas.” (Santiago 4:6)

“Ang buhay ay balanse sa pagitan ng paghawak at


pagbitaw.” (Rumi)

“Ang pinakadakilang kalualhatian sa pamumuhay ay


hindi sa pagbagsak, ngunit sa pagbangon sa tuwing tayo ay
bumagsak.” (Nelson Mandela)

You might also like