You are on page 1of 17

MGA HAYOP

NA LIGAW

Q4 Week 3
LAYUNIN
Napapahalagahan ang lahat ng
mga likha: may buhay at mga
material na bagay
b. Pagkalinga sa mga hayop na
ligaw at endangered.
BALIK ARAL
Panuto: Isulat sa patlang kung Dapat o Di-
dapat gawin ang sumusunod na gawain.

______1.Kakain ako ng maaalat na mga


pagkain kahit ipinagbawal sa akin.
______2.Hindi ko ipahihiram sa aking kaklase
ang bago kong lapis dahil baka ito’y maputol
at hindi na niya isauli.
______3.Matutulog ako ng walo hanggang
sampung oras.
BALIK ARAL
______4.Uugaliin kong maghugas ng
kamay at hindi lalabas ng bahay upang
makaiwas sa sakit na COVID 19.
______5.Tuwing gabi ako ay nagmamano
sa aking mga magulang pati na rin kay
lolo at lola.
 Bakit dapat kalingain at alagaan ang mga hayop?
Sa anong pamamaraan inaalagaan at kinakalinga
ang mga hayop na ligaw ?
 Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain
ang mga ito?
Ang mga nilikha ng Diyos ay dapat alagaan at
kalingain nating mga tao, dahil sa paraang ito
maipakikita natin ang ating pagmamahal sa Diyos,
sa kapwa at sa iba pang mga nilikha. Isa ring
magandang katangian nating mga Pilipino ang
pagkalinga sa mga hayop.
Basahin ang talata.
Ang Republic Act No. 8485, na mas kilala
bilang “Animal Welfare Act of 1988” ang
unang batas na komprehensibong
nagtatadhana sa tama at maayos na
pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat
ng hayop sa Pilipinas. Binubuo ng batas na
ito ang Committee on Animal Welfare na
siyang namumuno sa pagpapatupad ng
batas. Sinasabi sa batas na dapat mabigyan
ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga
at maaring maparusahan ang sinumang
mapatunayang lumalabag dito.
Sa Seksiyon 6 ng batas ipinagbabawal ang
pagmamaltrato at pananakit sa mga hayop.
At hindi maaring pumatay ng hayop maliban
sa mga hayop na kinakain tulad ng baka,
baboy , kambing , tupa ,kalabaw, kabayo,
manok at iba pang poultry.
May mga na ligaw na hayop din tulad ng
spotted deer, Philippine Eagle, tamaraw, pond
turtle, tarsier, crocodile, at marami pang
iba.May iba’t ibang pamamaraan ng pag-
aalaga at pagkalinga sa mga nabanggit na
hayop na ligaw. Ipinaalala rin sa bawat isa na
nararapat lang na mahalin at alagaang
mabuti ang mga ligaw na hayop.
 Ano ang batas na “Animal Welfare Act of
1988”?
 Ano- ano ang mga ipinagbabawal sa seksyon
6 ng batas?
 Bilang isang mag-aaral, handa ka bang
sundin ang batas na ito? Bakit?
 Paano mo ipinakikita ang pagpapahalaga o
pagkalinga sa iyong mga alagang hayop?
Magbigay ng isang gawain.
 Ano-ano ang halimbawa ng mga ligaw na
hayop?
Panuto:Piliin ang angkop na salita na nasa loob
ng kahon upang mabuo ang talata na nasa
ibaba.
Ang ___________ sa hayop ay isa sa
magandang_______________ nating mga
___________. Sa pamamagitan nito ay
ipinapakita natin ang ating _______________ sa
Diyos sapagkat kabilang ito sa kanyang mga
__________.
Ano-ano ang halimbawa ng mga ligaw
na hayop?

Paano mo pangangalagaan ang mga


ligaw na hayop?
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang
ang Tama kung ang mga gawain ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
hayop at Mali naman kung hindi.
______1. Pinakain ko araw-araw sa
tamang oras ang mga alaga kong hayop.
______2. Pinaliliguan ko ang mga alaga
kong aso o pusa sa bahay.
______3. Inilagay ko sa loob ng kulungan
ang nahuli kong ibon sa gubat.
______4. Hindi ako magtatapon ng basura
sa ilog upang hindi malason ang mga
isda.
______5. Makikipaglaro ako sa alaga kong
hayop habang itoy kumakain.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang bilang
kung ang isinasaad sa pangungusap ay
tungkol sa pangangalaga at pagprotekta
sa hayop na ligaw at ekis (x) naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong papel.
___1. Pagbabaon sa ilalim ng lupa ng
pond turtle.
___2. Pagbibigay sa tamaraw ng pagkaing
damo.
___3. Panghuhuli ng pond turtle upang
ibenta.
___4. Pagbibigay o paghahagis ng mga
bagay na hindi maaaring kainin ng isang
buwaya.
___5. Pagsangguni sa Animal Welfare
Committee para sa wastong pangangalaga
sa mga hayop.
TAKDA
Magdikit sa kuwaderno ng larawan
ng mga ligaw na hayop.
THANK YOU

You might also like