You are on page 1of 16

Pang-ugnay

Presentasyon ni: G. Jonard A. Orcino


Pang-ugnay
• Ito ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng
pagkakaugnay ng mga salita, parirala o
pangungusap.
Tatlong uri ng Pang-ugnay
 Pang-angkop

 Pangatnig

 Pang-ukol
Pang-angkop
• Salitang nag-uugnay sa panuring o tinuturingan.
Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan.

na -g -ng
halimbawa;
kapatid na lalaki mapagmahal na tao

huwarang mamamayan ibong lumilipad

lalaking kapatid pitong taon


Tatlong uri ng Pang-ugnay
 Pang-angkop

 Pangatnig

 Pang-ukol
Pangatnig
• Mga salitang pang-ugnay sa mga salita o parirala
o sugnay na nagpapakita ng pagkakasunod-
sunod.
Pangatnig na Magkatimbang:
at maging
pati datapwat
saka ngunit
ni subalit
halimbawa;
1. Ang pag-aalaga sa kapatid at paglilinis sa
bahay ay kapwa kapaki-pakinabang na gawain.

2. Si Jose ay masipag saka mabait na bata.


Pangatnig na Di-Magkatimbang:
kung nang
kapag upang
dahil sa sapagkat
kaya para
halimbawa;
1. Dahil sa pandemyang ating kinakaharap, unti-
unting humihina ang ekonomiya ng ating
bansa.

2. Maaga kong natapos ang aking gawain kaya


maaari na akong maglaro.
Tatlong uri ng Pang-ugnay
 Pangatnig

 Pang-angkop

 Pang-ukol
Pang-ukol
• Katagang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang salita sa pangungusap.
ng ukol sa/ukol kay
ni/nina tungkol sa/tungkol kay
kay/kina hinggil sa/hinggil kay
para sa/para kay alinsunod sa/alinsunod kay
ayon sa/ayon kay
halimbawa;
1. Nagtungo kami kina lolo sa probinsya noong
pasko.

2. Walang pasok bukas ayon sa balita.


Tatlong uri ng Pang-ugnay
 Pangatnig

 Pang-angkop

 Pang-ukol
Takdang Aralin

Sa isang short bond paper, ilahad ang


iyong opinion sa kasalukuyang
kinakaharap ng ating bansa. Ito ay
ipapasa sa susunod na pagkikita sa oras
ng klase.

You might also like