0% found this document useful (0 votes)
259 views14 pages

Agenda

Uploaded by

Zai Maligz
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
259 views14 pages

Agenda

Uploaded by

Zai Maligz
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

AGENDA

KAHULUGAN NG ADYENDA/
AGENDA
■Talaan ng mga paksang tatalakayin
(ayon sa pagkakasunod-sunod) sa
isang pagpupulong. Sa pamamagitan
nito, nililinaw nito ang layunin, detalye
ng mga paksang tatalakayin, mga
mangunguna sa pagtatalakay at ang
haba ng bawat isa.
URI NG ADYENDA

■PORMAL NA ADYENDA
■IMPORMAL NA ADYENDA
■PROYORIDAD NA ADYENDA
■TIMED O NAKAORAS NA ADYENDA
PORMAL NA ADYENDA
 May sinusunod na balangkas ang ganitong uri ng
adyenda. Isinasaalang-alang dito ang klase ng
pagpupulong na isasagawa, listahan ng mga
fasiletaytor, at mga inaasahang kalahok sa
pagpupulong. Binabanggit din dito ang mga
paksang natalakay o napagkaisahan sa nakaraang
pagpupulong bago talakayin ang mga bagong
usapin na siyang nais bigyang pansin ng
isasagawang pagpupulong
IMPORMAL NA ADYENDA
 Ito ay tala ng mga paksang uusapan, problemang
susolusyonan o kaya ay usapin na tutugunan na
inihahanda bago simulan ang mismong
pagpupulong. Hindi tulad ng pormal na agenda,
ang impormal na agenda ay hindi nagtataglay ng
madetalyeng usapin. Kadalasang isinasagawa ang
ganitong adyenda para sa mga biglaang
pagpupulong.
PROYORIDAD NA ADYENDA
 Ang ganitong uri ng adyenda nakaayos
mula sa kahalagahan ng mga paksang
dapat pag-usapan. Ang
pinakakontrobersyal na usapin ay
dapat ilagay sa pinakahuling
prayoridad na dapat pag-usapan
upang hindi maubos ang oras o
maiwasan ang pagbababad sa iisang
paksa lamang.
TIMED O NAKAORAS NA
ADYENDA
 May nakatakdang oras sa nagtalakay sa mga paksa
sa ganitong adyenda. Naglalaan ng eksaktong oras
o minuto para pag-usapan ang isang tiyak na
usapin sa pamamagitan ng mga itinakdang agwat
ng oras para sa bawat isyung tutugunan o pag-
uusapan. Halimbawa, 9:30-9:35 panimulang
pagbati, 9:35- 9:40 pagbabaliktanaw sa nakaraang
pagpupulong. Mas detalyado at espesipiko sa oras
ang ganitong uri ng adyenda.
LAYUNIN NG PAGSULAT NG
AGENDA
 Bigyan ng ideya ng mga paksang tatalakayin at sa
mga usaping nangangailangan ng atensiyon.
Nakasaad ang mga inaasahang pag-usapan sa
pulong.
 Mabigyan ng pokus ang pagpupulong
 Karaniwan ang mga gumagawa nito ay ang
responsable sa pagsulat ng agenda tulad ng:
presidente, ceo, direktor, tagapamahala, pinuno at
iba pa. Madalas nakikipagtulungan sa kanilang
kalihim.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT NG
AGENDA
 Upang masigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng
kalahok patungo sa isang direksyon.
 Mas mapapabilis ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na
pagdarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangan
talakayin, at maaaring kalabasan ng pagpupulong.
 Upang magkaroon ng espesipikong pag uusapan o tatalakayin sa
pagpupulong.
 Upang maipokus lamang ang mga kalahok sa iisang usapin lamang.
 Upang ang mga kalahok ng pagpupulong ay makasunod sa kung ano ang
nais pag- usapan.
MGA NILALAMAN NG AGENDA
■ Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong
oras ito magsisimula at matatapos?
• Upang makarating sila sa itinakdang oras at lugar.
• Upang makapagsimula na ang pulong sa lalong
madaling panahon.
• Bawat minuto ay mahalaga para sa mga kalahok,
kaya kailangang malaman nila ang detalyeng ito
MGA NILALAMAN NG AGENDA
■ Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo
sa pulong? Sa bahaging ito ng agenda, sinasagot
nito ang tanong na "Bakit tayo magkakaroon ng
pagpupulong? Dito sinasagot "bakit kayo
magkakaroon ng pagpupulong?“

• Kailangang malinaw ang layunin upang


mapaghandaan bawat kalahok ang
mgamangyayari sa pagpupulong.
MGA NILALAMAN NG AGENDA
■Ano-ano ang mga paksa o usapin ng
talakayin?
• Maaring maikli lamang o detalyado,
depende sa pangangailangan.
• Minsan ipapaliwanag na ito ay kaugnay
na email, ngunit lahat ng pag-uusapan
ay kailangan sa agenda
MGA NILALAMAN NG AGENDA
■Sino-sino ang mga lalahok sa
pagpupulong?
• Tanging ang mga taong talagang kailangang
umupo ang dapat na nasa listahan. •Huwag
aksayahin ang mga panahon ang mga
inaanyayahang lumahok na hindi naman
kailangan.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like