You are on page 1of 4

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Madalas nagkakaroon ng pagpupulong sa isang kompanya/oranisasyon/samahan. Ginagawa ang


mga pulong upang mapag-usapan ang mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa
kompanya/oranisasyon/samahan. Ang problema, dahil sa hindi organisado ang  pulong kaya
tumatagal at nawawala na pokus ang mga pinag-uusapan. Kaya naman, dito na papasok ang
paggawa ng maayos na agenda.

Ayon sa Cambridge Dictionary, ang agenda ay ang listahan ng mga usaping pag-uusapan sa isang
pulong. Ito rin ang mga listahan ng mga hangarin o mga hinaharap na gawain.

Ayon naman sa indeed.com (2019), ang pangunahing layunin ng agenda ay mabigyang-linaw ang
mga kalakok sa mga mangyayari at pag-uusapan sa pulong. Gayundin, pinakikita rin nito kung sino
ang mamumuno at gaano kahaba tatagal ang bawat paksang pag-uusapan.

Karaniwang mga pinuno ng instistusyon o departamento tulad ng Pangulo, CEO, mga Bise-
Presidente sa bawat sangay, mga Direktor at iba pa ang mga nagsasagawa ng pagpupulong.
Nakikipag-ugnayan sila sa mga kani-kanilang kalihim upang mas maging maayos ang paggawa ng
agenda ng pulong
Maliban sa mga ispesipiko at detalyadong mga paksa, narito ang mga paksang madalas tinatalakay
sa isang pagpupulong na karaniwang isinasama sa paggawa ng agenda:

1. Pag-apruba sa katitikan ng pulong o minutes of the meeting


2. Mga isyu o usapin sa katitikan ng nakaraang pagpupulong na kailangang linawin o iwasto
3. Regular na report
4. Mga pangunahing puntong tatalakayin
5. Iba pang bagay na nais pag-usapan
6. Petsa ng susunod na pagpupulong
Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa talakayan sa modyul na ito, mangyaring bisitahin ang
sumusunod na pook-sapot. Pwede ring gamitin bilang batayan ang iba pang mga aklat na may
kaugnayan sa kurso.

Performance Task
 

You might also like