You are on page 1of 22

AGENDA

Filipino sa Piling Larang (Akademjk)


Talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal napulong. Sumusulat ng agenda upang bigyan
ng impormasyon ang mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping
nangangailangan ng pansin at tugon.

Nakasulat din kung sinu-sino ang mga dumalo, anong oras nagsimula at nagwakas ang
pagpupulong gayundin ang lugar na pinag-gaganapan nito. Ito ang nagsisilbing tala ng isang
malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinalakay.

Ito ay listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa isang


pulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibwal.
Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad.

ANO NGA BA ANG AGENDA?


Ayon kay Sudaprasert (2014) ang Adyenda ang
nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang
pagkakaroon ng maayos at sistematikong Adyenda ay
isa sa mga susi ng isang matagumpay na pulong.

Sudaprasert (2014)
>Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng
pagpupulong.
>Sa pangkalahatan, ang Agenda ay ipinapadala kasama
ng paunawa ng pulong.
>Ito ay nakasulat sa maikli ngutit tahasang paraan.
>Inayos ito alinsunod sa kahalagahan ng pagtatapos.

Katangian ng Agenda
>Layunin nitong bigyan ng ideya ng mga paksang tatalakayin at sa
mga usaping nangangailangan  ng atensyon. Nakasaad din ang mga
inaasahang pag usapan sa pulong.

>Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa


pagpupulong na magaganap para sa kaayusan at organisadong
pagpupulong. 

LAYUNIN
MABIGYAN NG PAGPOPOKUS ANG
PAGPUPULONG

Karaniwan ang mga gumagawa nito ay ang


responsable sa pagsulat ng agenda tulad ng
presidente, ceo, direktor, tagapamahala, pinuno
atbp. Madalas silang nakikipagtulungan sa
kanilang mga kalihim.
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na
magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail
naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga
dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG AGENDA


3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o
nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format
kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong
naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may
kaugnayan sa layunin ng pulong.

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling
ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.

5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

MGA HAKBANG PAGSULAT NG ADYENDA


Introduksyon
Pagtala ng Bilang ng Dumalo
Pagpresenta at Pagtatalakay ng mga
Paksa/Aktibidad
Talakayin at aprubahan ang panukala para sa
mga layunin
Suriin ang mga pagpaplano
Karagdagang Impormasyon
Pangwakas na Salita

MGA BAHAGI NG ADYENDA


1. Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda. Gawin ito sa araw
mismo ng pagkakaroon ng desisyon sa petsa at tema.
2. Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at ang oras kung kailan
ito magsisimula at matatapos.
3. Bigyang-halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng pagpupulong.
4. Bigyang-pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong.
5. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat
dumalo sa pulong. 

MGA DAPAT GAWIN AT DAPAT TANDAAN SA


PAGSULAT NG AGENDA
PORMAT NG ADYENDA

PORMAL IMPORMAL
• Ang salitang pormal ay tumutukoy sa isang bagay na
ginagawa alinsunod sa mga patakaran at regulasyon na
• Ang salitang impormal ay
nauukol sa okasyon o lugar. tumutukoy sa isang bagay na hindi
ginagawa alinsunod sa mga
• Ito ay parang mapa na nagsisilbing gabay na patakaran at regulasyon na
nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano
mararating nang mabilis ang patutunguhan nauukol sa okasyon o lugar.
• Ang pormal na sumusunod sa protocol samantalang
• Ang impormal ay hindi sumunod
sa protocol.
HALIMBAWA NG AGENDA
MARAMING
SALAMAT!

You might also like