You are on page 1of 14

ADAMSON UNIVERSITY COLLEGE OF ENGINEERING MINING, GEOLOGY ANG CERAMICS DEPARTMENT

Kabataan at ang Grade Consciousness

In partial Fulfilment for the course requirements in Society and Culture with Family Planning

Submitted By: Garas, Aldeth L Cariaga, John Julius C.

Submitted To: Prof. Nolasco, Eman October 8, 2012

1.

Introduction

Sa kulturang ating kinagisnan, sadyang napakahalaga ng ginagampanang tungkulin ng edukasayon para magtagumpay sa ating mga karera. Dahil dito, ganoon na

lamang ang pagpupursige ng ating mga magulang upang tayo ay mapag-aral at mapagtapos sa kolehiyo. Sa ating parte naman bilang estudyante at dumaan sa mga pagka-estudyante, sinisikap nating makatapos agad ng pag-aaral. Ngunit may ilang indibidwal na labis na ninanais na makakuha ng matataas na marka at malamangan ang iba dahil sa ibat iba at napakaraming dahilan na aming ipaliliwanag sa mga susunod na bahagi. Dito umuusbong ang konsepto ng Grade Consciousness. Ang grade consciousness, ayon sa pinakasimpleng depinisyon nito, ay ang labis na paghahangad ng mga mataas ang pagiging sobrang sensitibo pagdating sa grade. Napakahalaga ng temang ito dahil maraming estudyanteng nahuhulog rito ng hindi nila namamalayan buhat ng kakulangan sa kaalaman tungkol dito. Ito rin ay isa sa mga isyu ng lipunan kung saan ang higit na apektado ay ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mental, pisikal at emotional na aspeto. Kailangan itong pag-aralan dahil mahirap itong iwasan at nakakabit ito sa sistema ng edukasyon ng ating bansa. Bilang mga estudyante, nabiktima na rin kami nito nang hindi naming namamalayan. Sino ba namang estudyante ang gustong bumagsak sa mga subjects nila? Sa mahal ba naman ng tuition fee ay talagang gagawin natin ang lahat para makapasa at makakuha ng matataas na marka. Ngunit nakakabahala na ang dumaraming bilang at ang paraan ng pagkilos at paggawi ng mga taong grade conscious ayon sa aming naunang obserbasyon. Dahil dito pinili namin ang Grade Consciousness bilang pangunahing paksa. Ngunit hindi lamang para sa mga estudyante ang term paper na ito. Para ito sa lahat ng tao na may pakialam sa sistema ng edukasyon ng ating bansa. Ikaw man ay propesyunal, magulang, kapatid, o kaibigan, maaari mong maibahagi ang kaalaman sa ibang mga kakilala upang maging bukas ang kanilang mga isipan tungkol sa Grade consciousness at sa mga epekto nito sa mga kabataang estudyante. Bilang paksa ng aming term paper, nais naming ipaliwanag ang salitang grade consciousness upang magbigay kaalaman at mamulat ang mga mag-aaral ito. Nais din naming ihayag at timbangin ang mga pangunahing epekto, dahilan at palatandaan ng pagiging isang grade conscious na estudyante. Nais naming isa isahin ang mga ito upang malaman ng mga apektadong estudyante ang kanilang ikinikilos at upang mabigyan ang mga mambabasa ng basehan at sila na mismo ang tumimbang sa 2.

kanilang pagiging grade conscious, kung dapat bang ituloy, bawasan o tuluyang wakasan ito. Gamit ang ilang mga reperensya gaya ng mga libro, journals, internet, at artikulo sa dyaryo, kukuha kami ng ng mga impormasyon, amin itong susuriin at bibigyan ng sariling interpretasyon ng Grade consciousness ayon sa konteksto at kalgayan ng edukasyon sa Pilipinas upang mas maging kapaki-pakinabang at impormatibo ang term paper na ito. Gagamitin din namin ang mga teorya sa sociology upang mas maipaliwanag at maunawaan ito. Ang pag-aaral sa grade consciousness ay makakatulong sa ating mga mamamayan na maunawaan ito sa mas malapit na perspektibo at makapag-aambag ito sa pagbabagong hinahangad natin sa ating sistema ng edukasyon at sa mismong lipunan.

Review Of Related Literature 3.

Ang consciousness ay ang pagkakabatid sa mga bagay, internal man o

eksternal samantala ang salitang grade naman ay ang mga simbolo na nagpapakita ng mga nagawa ng isang estudyante sa pamamalagi niya sa paaralan. Ayon sa Artikulong the Invisible religion of the grade conscious, ang mga magaaral na may matataas na mithiin ay mas malapit sa pandaraya. Ayon pa rito, para sa mga grade conscious na estudyante, ang matataas na marka ang magdadala sa tagumpay, magbibigay ng mataas na sahod sa hinaharap at ang pagkuha nito ay ang kanilang pangunahin layunin. Ito rin ay nakakaapekto sa ugali ng mga nila kung saan mas nagiging agresibo at nakikipagkumpetensiya sila sa iba. Ngunit malalaman lamang ng mga grade conscious ang tunay na kahulugan ng mga marka kapag sila ay nakapagtapos na, na ang mas mahalaga ay ang mga kaalaman at kasanayang nakuha nila kaysa dito. Ang grade consciousness ay bunga ng ating sariling sistema ng edukasyon kung saan sinusubukan tayo nitong bigyan ng katumbas na marka sa ating ipinapakita sa paaralan. May dalawang maaaring maging bunga ng grade consciousness; ang pagiging determinado na mag-aral o maging mas mahiyain dahil alam natin natin na may mga matang laging nakaabang sa atin. Sa ating sistema ng edukasyon, napakaraming mga honors at awards na ibinibigay sa mga estudyante. Pati ang most helpful at most industrious may medal pa. Samantala, ang ating pamilya naman, talagang proud na proud sa mga medalyang ito. Mas natutok pa ang mga estudyante sa pagkuha ng matataas na marka at pakikipagkumpetensiya kaysa matuto. Ayon sa isang artikulo sa Dyaryong Manila Bulletin na may pamagat na With Honor, maganda at masarap sa pakiramdam ang magtapos sa pag-aaral ng may natamong karangalan at magiging susi ito upang makahanap agad ng magandang trabaho. Ngunit hanggang doon na lamang ang magagawa ng matataas na marka. Oo, makakahanap ka ng magandang trabaho at magandang posisyon ngunit kalaunan ay mabubura na, na ikaw ay nagtapos na cumlaude o kahit anu mang karangalang natamo mo habang nag-aaral pa lamang. Sa huli, ang iyong natamong kaalaman at kagalingan pa rin ang iyong gagamitin upang manatili sa isang magandang posisyon o ang iyong trabaho. 4.

Discussion

Sa pag-aaral sa aming pangunahing paksa na grade consciousness, marami kaming bagay na napag-isipan, napag-talunan at natuklasan ukol dito. Ngunit ano nga ba ang grade consciousness? Ito ay ang pagtingin ng sobrang sensitibo sa mga marka o grade at ang pagkuha nito ang kanilang layunin sa pinakamadaling salita. Kadalasan, kinaiinisan sila sa paaralan dahil sa kakaibang ikinikilos nila. Maging kami ay naiinis sa kanila, lalo na kapag sobrang GC nito at nang-aaway kapag nalalamangan siya. Kaya naman pinili namin ang paksang ito upang maunawaan sila at maintindihan kung bakit sila nagkakaganon at kung dapat ba silang kainisan. May ilang mga sanhi ng pagiging GC. Una na rito ay ang pressure. Maari itong maging dahilan ng pagiging grade conscious ng isang mag-aaral dahil nagtutulak itong gawin ang mga bagay na mahirap at hindi naman talaga natin kagustuhan. Maaring napipilitan lang ang isang GC student na maging GC dahil sa pressure sa kanyang pamilya, paaralan at sa kanyang lipunang ginagalawan. Isang halimbawa rito ay kapag achievers ang mga kapatid at ang tatay mo, napepressure ka na maging achiever din. Dahil dito kailangan mong pangalagaan ang mga marka dahil ditto nakasalalay ang reputasyon mo at nakakahiya kung ikaw lamang ang hindi achiever sa inyong pamilya. Ikalawa naman ay ang kagustuhang lumamang sa iba. May ibang mga magaaral na nagiging GC dahil ayaw niya na may nakalalamang sa kanya sa kanilang magkakaklase. Karaniwan na ang mga GC na ito ay pawang mga mayayabang at maaangas na estudyante at nakararamdam sila nang panliliit sa kanilang sarili kapag may nakaaangat sa kanila. Ikatlo naman ay ang kagustuhang makaahon sa hirap ng buhay. May mga estudyante naman na nagigigng GC dahil sa kahirapan at kalagayan ng kanilang pamumuhay. Sa panahon natin ngayon na napakahirap ng buhay at lahat ay binabayaran, ang pagbagsak sa isang asignatura ay lalong magpapahirap sa isang pamilya kaya naman kailangang pangalagaan nito ang bawat marka at kung maaari ay pataaasin pa ito. Isa pa, ang mga GC na ito ay nais makamit ang vertical social mobility kung saan umaakyat ang estado ng pamumuhay ng isang indibidwal sa lipunan. 5.

Ang ikaapat ay ang kompetisyon. Dahil sa kompetisyon, lalong ginaganahan ang isang mag-aaral na maging magaling sa klase at makakuha ng matataas na marka at tuluyan na itong nagiging grade conscious. At ang ikalima ay ating sariling sistema ng edukasyon. Tumatak na sa ating kultura na ang edukasyon ang makatutulong sa atin upang makaahon sa hirap ngunit ang ating sistema ng edukasyon ay nagdudulot din ng Grade consciousness. Mula prep hanggang magtapos sa College, hindi mawawala ang mga awards, trophies, ribbons, medals at speech tuwing recognition day. At iba ka kapag taon taon, umaakyat ka ng stage para parangalan ng first honor. Kaya naman, nagkaroon ng false consciousness ang mga estudyante na ito ang kanilang pangunahing layunin sa pag-aaral at para makamit ang mga ito, kailangan makakuha ng matataas na marka. Ang pagiging grade conscious ay nagbubunga ng masasamang epekto. Kasama na rito ang pagiging mapagmataas. Iniisip ng ilang mga GC na sa pagkuha ng matataas na marka, mas nagiging superyor sila kaysa sa kanilang mga kaklase at kadalasan ay nagiging dominante ito at laging gusto niya ang dapat nasusunod. May ilan ding GC ang nagbabago ang ugali at nagiging makasarili. Nakakabahala ang epektong ito sa mga GC dahil parang nagbabago sila sa ibang personalidad kapag mayroong mga pagsusulit at itinuturing niyang kalaban ang lahat ng kaniyang kaklase kahit kaibigan niya ito.Halimbawa, kapag may leksiyon na hindi naiintindihan ng kaniyang kaklase, hindi niya ituturo ang aralin dahil natatakot siya na baka matalo siya nito sa pagsusulit. Dahil dito, marami sa mga GC ang walang masyadong kaibigan at nakakaapekto na rin ito sa sosyal na aspeto ng kanilang pagkatao. At may mas matitindi pang epekto ito sa isang estudyante. Isang dahilan ang pressure kung bakit nagiging GC ang isang estudyante. Dahil dito, kailangan niyang panatilihin ang pagkuha ng matataas na mga marka at magiging resulta nito ang pandaraya sa mga pagsusulit, paninipsip sa mga professor o guro at maging pangaabuso sa kanyang pisikal at mental na aspeto.

Ang pagiging grade conscious ng isang estudyante ay nakaaapekto sa kanya sa pisikal, mental, at sosyal na aspeto ng kanyang pagkatao. Ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa pagkatao ng isang GC. Ngunit kung iniisip ninyo 6.

na puro kasamaan ang idinudulot nito, nagkakamali kayo dahil may mabuting rin itong epekto. Una na rito ay ang pagigigng determinado sa pag-aaral. Sa pagiging grade conscious, naghahanap ang GC ng kakumpetensiya at ang kompetisyong ito nagtutulak sa isang estudyante na ganahan mag-aral. Dahil sa grade consciousness, lalo pang nagsisikap ang isang estudyante maabot ang kaniyang layunin. Ikalawa, naghahanap ito ng challenge para sa kaniyang sarili. Para sa isang matalinong GC student, ang pagaaral ng simple at basic na mga leksiyon ay boring kaya naman, naghahanap ito ng mas mahirap na mga pag-aaralan at magiging dahilan upang lalong mapagyaman ang kanyang kaalaman. Ikatlo naman ay ang pagtatagumpay. Kung magagamit lamang ng isang GC ang pagiging GC niya sa maayos na pamamaraan at makokontrol ito upang mapaghusay ang sarili, hindi malayo ang pagiging matagumpay na indibidwal. Kapag naririnig natin ang salitang Grade conscious o kapag nalalaman natin na ang isa nating kamag-aral ay grade conscious, madalas naiisip natin ay puro mga negatibong mga bagay. Ngunit hindi lahat ng mga GC ay ganito. Sadyang nilagyan na ng depinisyon ng ating lipunan ang pagiging grade conscious bilang isang negatibong bagay. Kahit may mga pagkakataong nakatutulong sa isang estudyante ang pagiging GC nito, negatibo parin ang tingin ng lipunan sa kanila. Sa ganitong paraan, ang konsepto ng Labelling theory ay nagagamit sa mga GC. Hindi man natin napapansin, ang ating mga institusyong panlipunan na mismo ang nagtutulak sa mga mag-aaral na maging GC. Sa ating pamilya, gusto ng mga magulang na hanggat maaari ay magtapos ng may karangalan ang kanilang mga anak. Sa paaralan naman, mas nabibigyan ng importansiya at magandang kalidad ng edukasyon ang mga estudyanteng may matataas na marka. Samantala, ang ating gobyerno ay nagbibigay lamang ng iskolarsyip sa mga mag-aaral na may matataas na marka. Ipinapakita lamang nito na mas pinaprayoridad ang mga estudyanteng may matataas na grades kaya naman marami sa mga kabataan ang nagiging sobrang GC. Ngunit saka na lamang maiintindihan ng isang GC student na hindi ito mahalaga kapag nakapagtapos na siya at nakahanap ng trabaho at ang tunay na mahalaga ay ang mga natutunan nating leksiyon at kasanayan. Hindi natin masisisi ang mga estudyanteng Grade Conscious dahil biktima lamang sila ng sistema ng ating lipunan. Kung hindi ito ang ginusto ng lipunang kanilang 7.

ginagalawan, hindi nila gugustuhin na maging GC dahil nakakapagod at masakit sa ulo ang kanilang ginagawa.

Conclusion 8. Bilang konklusyon, masasabi namin na ang pagiging grade conscious ay

maaaring magsimula sa simpleng mga bagay gaya ng presyur, kahirapan, at kagustuhan pero ang pinakanakakaapekto rito ay ang ating sariling Institusyong Panlipunan. Nakakaalarmang isipin na dumadami na ang naapektuhan ng mga Grade Conscious at maging sila mismo ay apektado na sa kanilang mga gawi at pamamaraan ng pag-aaral. Bilang mag-aaral, malaking epekto ang ganitong uri ng pag-aaral ukol sa aming kinabukasan, paraan ng pag-aaral at kung maging kami ay napapabilang na sa hanay ng mga GC. Hindi na malabong isipin na sa dinami-dami ng mga GC maging kami ay pwedeng mahawa dahil kahit sino naman ay naghahangad na makatapos ng pag-aaral ng may karangalan at mapaligaya ang mga magulang.

Sa Functionalist Theory, Sinasabi na ang bawat indibidwal ay hinuhubog ng ating lipunan at ng mga institusyon nito gaya ng pamilya, gobyerno, simbahan, edukasyon at medya. Kung magkakaroon ng dysfunction sa mga ito, maaaring makasira at makasama ito sa isang indibidwal. Sa aming pangunahing paksang 'grade consciousness', nais naming ipakita ang dysfunction sa mga institusyong panlipunan dahil nabigo silang ipakita sa mga mag-aaral ang tunay na layunin nila kung bakit sila nag-aaral. Marami rin sa atin ang naiinis sa kanila dahil nga nakakairita ang mga ugali ng mga ito at nakakainis ang pagkacompetetive nito ngunit hindi sila dapat sisihin. Hindi naman nila kasalanan na mapabilang sa ganitong uri ng lipunan kung saan mas mahalaga ang matataas na marka kaysa sa mga natutunan. Hindi rin nila kasalanan na ganito sila hinubog ng mga institusyong panlipunan. Sila ay pawang mga biktima rin lamang ng mga kamalian sa istruktura ng lipunan. Marami sa atin, kapag naririnig ang salitang grade conscious ay negatibo na agad ang nasa isip. Ngunit kung ating bubukasan ang ating mga isipan, makikita natin na may mabubuting epekto ito at kung makokontrol lamang ito ng isang grade conscious na estudyante, napakalaki nang tsansa niyang magtagumpay sa kanyang larangan. Ang pagiging GC ay isang mahalagang salik para magkaroon ng magandang hinaharap ngunit itoy may ibat ibang epekto sa buhay ng isang estudayenteng GC, maging tayo ay kasama sa mga pagbabagong mararanasan ng isang GC dahil tayo mismo ang tumatawag sa kanilang GC. 9.

Recommendation

Bilang solusyon sa lumalala at nakababahalang pagdami ng mga kabataang grade conscious, nagbigay kami ng tatlong suhestiyon. Una, wag silang layuan.

10.

Kadalasan ay nilalayuan ang mga grade conscious dahil pagigiging agresibo, pagbabago ng ugali at pagiging sobrang kompetetib nito. Ngunit, hindi man natin alam, gusto rin nila ng kaibigan dahil may mga damdamin din sila. Sa paglayo sa kanila, lalo lamang silang nalulong sa pagiging grade conscious dahil walang nagpapaalala sa kanila kung hanggang saan dapat maging grade conscious. Ikalawa, Baguhin ang Mentalidad ukol sa mga Grade Conscious. Sa ating lipunan, nakasanayan na at tumatak na sa isipan ng bawat isa na kapag grade conscious ang isang tao, masama agad ang ugali. Kahit may masamang epekto ang grade consciousness sa isang estudyante, Mayroon din naman itong mabuting epekto at dapat din natin itong isaalang alang. Ang pagtrato at pagpaparamdam sa kanila na masama sila ay lalo lamang nagtutulak sa kanila na mapag-isa at lalong maging grade conscious. Ikatlo, Baguhin ang Sistema ng Lipunan. Kitang kita sa ating lipunan ang sobrang pagpapahalaga sa mga medalya, parangal at tropeyo at kung minsan ay natatakpan na nito ang tunay na layunnin ng isang estudyante kung bakit sila nagaaral... ang matuto. Sa Functionalist theory, sinasabi na ang mga institusyong panlipunan ay hinuhubog ang mga indibidwal ngunit kapag nagkaroon ng dysfunction, maaaring magdulot ito ng kalituhan sa mga indibidwal. Sa ating lipunan, nagkaroon ng dysfunction sa edukasyon dahil hindi nila naipaliwanag ng mabuti sa lipunan na ang tunay na layunin ng edukasyon ay ang matuto at hindi ang kumuha ng kahit ano pa mang karangalan. Nais din naming irekomenda ang paksang ito sa ibang mga mananaliksik upang makapagsagawa ng mas malawak na pagsasaliksik sa kung paano ito mapipigilan. References Multilingual Translator HarperCollins Publishers 2009, February 12,2009, Grade, September 27, 2012, http://www.thefreedictionary.com/grade.

11.

Houghton Mifflin company, October 16, 2006, consciousness, September 27, 2012, http://www.thefreedictionary.com/consciousness.

Lanuza, Gerry M, Philippine Daily Inquirer, April 13, 2011, The invisible religion of the grade-conscious, http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20110413331021/The-invisible-religion-of-the-grade-conscious

No writer attributed, The Harvard Crimson, May 17, 1954, Marks and the Man, September 27, 2012, http://www.thecrimson.com/article/1954/5/17/marks-andthe-man-pgrade-consciousness-is/?print=1

Monto Gawe, June 2007. Grade Conscious:fess up, September 26, 2012 http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=525768

Sansolis, Rachel Mae Joan N, December 14, 2008, The Faces of Grade Consciousness, September 26, 2012, http://officeofthepmgg.blogspot.com/2008/12/faces-of-gradeconsciousness.html

Timones, Jon Bon Jovi E, September 21, 2008, Grade Consciousness?, September 25, 2012, http://themakatisciencevisionarticles.blogspot.com/2008/09/gradeconsciousness.html.

Pizarro, Averill, March 21, 2012, With Honor September 25, 2012, http://www.mb.com.ph/articles/354951/with-honor

No writer attributed, March 23, 2012, why be grade conscious? September 25, 2012, https://asintunado.wordpress.com/2012/03/23/why-be-grade-conscious/

12.

13.

You might also like