You are on page 1of 4

Taguan Ni Rolando Bernales

Nov 2, '07 11:22 PM for everyone

LAYUNIN: Inaasahang makagagawa ng isang pagsusuri sa Maikling Kwentong pinamagatang Taguan ni Rolando Bernales.

I.

Pamagat

Ang Ikatlong

Pamagat

ng

Maikling

Kwento

ay

Taguan.

Nagwagi

ito

ng

Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards Isinulat ang Maikling Kwento ni Rolando A.

for Literature, 1995. Bernales.

II.

Buod

Ang kwentong Taguan ay tungkol sa karanasan ng dalawang magkapatid na sina Openg at Kristal. Sa simula ng kwento, naglalaro ng taguan ang dalawang magkapatid na sina Openg at Kristal. Sa mga panaginip ni Openg inilahad ang mga karanasan nilang magkapatid sa buhay. Sa unang bahagi ng kwento ipinahayag ang karanasan ni Openg sa kanyang ama, ina at kapatid habang sa banding katapusan ng kwento naman inilahad ang kwento ng karanasan ni Kristal. Sa katapusan ng kwento muli naglaro ng taguan ang magkapatid.

III.

Paghihinuha / Paghuhula

Sa katapusan ng kwento, ipinakita na dadalawin nila Openg at Kristal ang kanilanh ina. Maaaring ang naging katapusan ng kwento ay nakulong ang nanay nila dahil sa pagkakapaslang sa tatay nila Openg at Kristal. Maaring inakala la mang ni Openg na siya ang nakapaslang sa kaniyang ama pero sa katotohanan ang kaniyang ina pala ang nagganti para sa kanila ni Kristal.

IV.

Paglalahat / Kongklusyon

Nananagnip si Openg na naglalaro sila ng kanaynag kapatid na si Kristal ng gisingin siya ng kanyang ina upang magtrabaho na. Walang maibigay nap era si Openg sa kanyang nanay dahil sa kinuha ng kanyang tatay ang isang kaha upang makumpleto ang puhunan niya sa pagtratrabaho. Nasalubong ni Openg si Kristal na umiiyak dahil sa panunukoso ng kaibigan nitong si Milet. Sinermonan ni Openg si Milet hanggang sa naabutan ni Aling Beth at ng kanyang ama ang panenermon nit okay Milet. Matapos ang isang linggo, nagtapat si Kristal kay Openg ukol sa pangaabuso ng kanilang ama sa kaniya at isinalaysay ito ni Openg sa kanilang ina. Paguwi sa bahay, naabutan nila magina ang pangaabuso ng kanyang ama kay Kristal at ipinaghiganti ito. Sa katapusan, muling naglaro ng taguan ang magkapatid.

V.

Pagtukoy sa Layunin

Ang layunin ng maikling kwentong Taguan ni Rolando A. Bernales ay ang magbigay ng katotohanan sa mga pangyayari sa ating pang-araw-araw na buhay at magpakilala ng kaugalian at kultura. Ang layuning pagbibigay ng katotohanan ay makikita sa mga naging karanasan nila Openg, Kristal at Milet sa kani kanilang mga buhay. Samantala ang Pagpapakilala ng kaugalian at kultura ay makikita sa daloy ng maikling kwento tulad ng paglalaro ng taguan.

VI.

Pagsusuri sa Teknik

Sa maikling kwento na Taguan ni Rolando A. Bernales, ang kwentista ay gumamit ng pamamaraang flashback, daloy ng kamalayan, at uring nakatago ang tunay na dula. Ang mga pangyayari sa panaginip ni Openg ay halimbawa ng teknik na flaskbak. Ang halimbawa ng daloy ng kamalayan ay ang pagsasalaysay ni Openg sa kaniyang ina ang karanasan ni Kristal. Samantala ang uring nakatago ang tunay na dula ay makikita sa pagtatapos ng maikling kwento.

VII.

Evaluweyt

Ang maikling kwento na taguan ay nagkaroon ng sapat na katibayan upang sumang-ayon ang mga mambabasa sa kaniyang paninindigan. Masasabi din na naging masaklaw ang pagtatalakay sa mga paksa. Para sa akin, napapaniwala ako ng awtor upang panigan ko ang may-akda. Naantig ang damdamin ko sa pagbabasa ng mga karanasan ng mga batang ito. Hindi nagbago ang paniniwala ko sa tunay na kulay at kalagayan ng mga pangyayari sa kwento. Ikinagagalak kong ipahayag na nakilala ko ang makatwirang katotohanan ng mga tagpo sa kwento. Naakit ang aking kawilihan ngunit may mga panahon an nakadama ako ng pagkabagot habang binabasa ang akda. Dahil din siguro ito sa lalim ng mga Filipinong salitang ginamit ng may-akda. Sa kabuuan, naging makabuluhan ang pagbabasa ng mambabasa sa maikling kwentong painamagatang Taguan ni Rolando A. Bernales.

You might also like