You are on page 1of 8

Si Ato sa Sangmagdamagang Pagtakas sa Kawalang-Malay ni Pat V.

Villafuerte

Alas Dos ng Umaga Isang napakalakas na dagok ang nagpahinto sa simpleng pangarap na iyon ni Ato. Kanina, sa kanyang panaginip ay magkasama sila ni May sa paghabol sa mga alitaptap. Kaybilis niyang tumakbo. Hindi siya maabut-abutan ni May, gayong madalas pa nga siyang huminto upang maabutan ng kapatid. Una siyang nakahuhuli ng alitaptap. Dinadakma niya ang mga iyon at pinaiikut-ikot sa kanyang mga palad. Hangang-hanga si May sa kakaibang gilas na kanyang nagagawa. Ngunit sa tuwing tatangkain ng kapatid na hipuin ang mga alitaptap ay pakakawalan niya ang mga iyon sa kanyang mga palad. Kaylaking panghihinayang ni May. Magkakatinginan sila. Damang-dama niya ang malaking kalungkutan ng kapatid. Ngunit siya man, sa kanyang sarili ay hindi niya maipaliwanag kung bakit kailangang pakawalan niya ang mga alitaptap upang huwag mahawakan ng kapatid na nang sumandaling iyon ay may namumuong luha sa mga mata. Binalak niyang manghuli uli ng kahit isang alitaptap. Hindi lamang niya pahahawakan ito sa kapatid kundi siya mismo ang maglalagay sa kanang palad nito upang ipaangkin nang buung-buo. Ngunit Hindi bat kabilin-bilinan ko sa iyo, Ato, ay sasalubungin mo ako sa kanto at gagabihin ako ngayon? Tutulungan mo lang pala ako, tarantado ka! bulyaw ng babaing humawan sa kanyang pagbubungang-tulog, kasabay ng isang napakariing dagok na halos kumawala sa kanyang matinong pag-iisip. Mabilis ang pagkakabangon ni Ato. Sa pakiwari niya, ang buong alapaap na bahagi ng kanyang panaginip kanina ay bumagsak sa kanyang hapong katawan. Hilung-hilo si Ato. Nagdodoble ang tingin niya sa babaing mag-iisang taon na nilang kasama sa barung-barong na iyon. Si Precy, ang kinakasama ng kanyang ama. Ang kanyang pangalawang ina. Tandang-tanda pa ni Ato nang una niyang makilala si Precy. Maghahatinggabi noon. Nagising siya sa malakas na pagsipa ng kanyang ama sa pintong malapit sa kanyang hinihigan. Pasuray-suray ang kanyang ama. Hawak ang isang bote ng alak habang ang isang kamay ay malikot at paulit-ulit na humihimas sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng babaing noon lamang niya nakita. Maliit na babae si Precy. Balingkinitan ang katawan. Hapit na hapit sa katawan ang abot-hitang bestidong may matingkad na kulay. Sa pag-angat ng mukha ni Ato ay saka lamang niya napagmasdan ang mukha ng kanilang panauhin. Magaspang ang mga pisnging napipintahan ng mamula-mulang kulay, at pinalalangis ng namumuong mga pawis. Walang tigil sa katatawa ang babae, lalot may ibubulong ang kanyang ama. At sabay silang magtatawanan.

Hindi alam ni Ato kung siyay babangon o mananatili sa pagkakahiga. Hindi siya sanay makakita ng ganoong tagpo. Minsan lang siya nakakita ng ganoong tagpo, nang umalis ang kanyang ama, at isinama niya si May sa bahay ni Oyet upang makipanood ng telebisyon. Isang lumang pelikula ang kanilang napanood. At nakita niya kung paano maghalikan ang mga artista. Hindi nila tinapos ang tagpong iyon Malakas ang hangin sa labas ng bahay, ngunit para siyang pinagpapawisan. Umalsa nang bahagya ang kanyang harapan. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Hinawakan niya sa kamay si May at niyayang umuwi. Ibig niyang makatulog. Ayaw niyang makita ang susunod na pangyayaring maaaring maganap sa kanyang ama at sa babaing may balingkinitang katawan. Ngunit hindi siya makakilos sa pagkakahiga. Walang dingding na nakapagitan sa maliit na kabhayang ipinagawa ng kanyang ama. At saksi siya sa mga pangyayaring naganap. Ang dalawang aninong iyon na walang lubay sa kagagalaw pag-upo, pagtayo, paghiga at pagyuko ay nasaksihan niya nang buung-buo. Bigla niyang naalala si May. Nilingon niya ang natutulog na kapatid. Saka lamang siya nakadama ng katahimikan. Ilang taon ka na bang iniwan ng misis mo? narinig niyang tanong ng babae sa kanyang ama. Alam niyang ang kanyang ina ang tinutukoy ng babae. Magtatatlong taon na. Hindi ko nga alam kung buhay pa ang lintik. Kabod na lang di umuwi pagkaraang magpaalam na dadalawin ang mga magulang sa Mindoro, sagot ng kanyang ama. Hindi mo man lang hinanap? Sumulat ako sa mga biyenan ko. Hindi naman daw nagpupunta sa Calapan. Ipinagtanong ko sa mga kaibigan at ilang kamag-anak. Wala namang makapagsabi kung nasaan. Napuntahan ko na yata ang lahat ng presinto at ospital, pero wala rin. Sa madaling salita, parang bulang naglaho. Tang () babaing yan. Ngayon siya magbalik, pag hindi pinatay ko yan sa bugbog. Isipin mong iniwan sa akin ang dalawang bata. Iyang si May, iyong batang babaing madalas kong maikuwento sa iyo ang anak namin ni Nilda. Pero iyong batang lalaking nakita mo kanina, si Ato ay anak ng misis ko sa kanyang unang naging boyfriend. May tagong landi ang asawa ko, Precy. Hindi tulad mo, lantad. Hindi natigatig si Ato sa kanyang narinig. Matagal na niyang alam iyon. Sa tuwing magsasagutang ang kanyang mga magulang ay laging binabanggit ng kanyang ama ang pagkakasilang sa kanya. Ang pagkupkop nito sa kanilang mag-ina. Saka lamang nabawasan ang madalas nilang pagsasagutan nang isilang si May. Ngunit doon nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Ato. Ang lahat ng galit ng kanyang ama ay sa kanya naibubunton. Sa isang pipitsuging restaurant sa Paraaque nagta-trabaho ang kanyang ama. Intsik ang nagmamay-ari. Kayat nang paalisin sila sa Tatalon, kasama ng ilan pang

mga iskuwater ay nagpatulong ang kanyang ama sa kanyang mga kaibigan na makapagpatayo ng isang barung-barong sa may Coastal Road. Malapit ito sa pinapasukang restaurant ng kanyang ama. Ibig mag-aral ni Ato. Inggit na inggit siya sa mga batang pumapasok sa paaralan. Ngunit greyd tri lang ang kanyang natapos. Marunong ka namang bumasa at sumulat. Marunong ka nang magkuwenta. Bakit mag-aaral ka pa? Bakit ako, hindi rin nakatapos mag-aral pero nakapagtrabaho? Para sa mga may pera lang ang edukasyon, loko! Ito ang laging ikinakatuwiran ng kanyang ama. Trese anyos ka na. Dapat lang matuto ka nang maghanap-buhay. Hindi sa habang panahon ay matutustusan ko ang pagpapakain sa iyo. Hanggang tanghaling naglalako ng mga diyaryo si Ato. Sinasalubong niya ang mga humihintong sasakyan sa Coastal Road kapag humudyat na ang pulang ilaw ng traffic lights. Madalas na nalilimutang kumain ni Ato. Nalilibang siya sa oras. Nalilibang siya sa katitingin sa mga naggagandahang kotseng nagdaraan sa kahabaan ng Coastal Road. Kinalilibangan din niyang pagmasdan ang ginagawang mga bagong condominium sa may Airport Road. Kaytataas ng mga gusali. Kasabay nitoy maiisip niya ang mga taong maninirahan sa mga gusaling iyon. Mayayaman. De-kotse. Nakapag-aaral. May matatag na hanapbuhay. At siya? Ibig kumita nang malaki ni Ato. Ibig niyang makaipon. Ibig niyang makaipon upang makabili ng bagong t-shirt at maong. Tatatlong lumat nangingitim na t-shirt ang pinagsasalit-salit niyang isuot. Isang masikip na lumat kupasing maong at isang gapok ang short ang halinhan niyang isinusuot. Inggit na inggit siya kay Jhun. Kasama rin niyang nagtitinda ng sigarilyo pero laging may bagong t-shirt. Marami pang kilalang mayayaman kayat marami nang suki. Madalas ngang makita niyang tuwing umagay hinihintuan si Jhun ng isang pulang kotse. Ipapasok ni Jhun nang bahagya ang kahong kinalalagyan ng tindang sigarilyo sa may bintana ng kotse at pagkatapos ay makikita niyang may kung anong bagay na ilalagay sa kahon ang sakay ng kotse. At mabilis na paaandarin ang sasakyan. Minsang nagkatabi sila ni Jhun sa pagsalubong sa mga sasakyan ay dumating uli ang pulang kotse. Ibig niyang mapagsino ang mga taong sakay nito. Ngunit pinaalis siya ni Jhun. Alis ka muna, Ato, utos ni Jhun. Sinundan ni Ato si Jhun pagkaalis ng pulang kotse. Sa likod ginagawang gusali nagtuloy si Jhun.

Isang malaking lalaking nakasalamin nang may kulay ang sumalubong kay Jhun. Limang plastic bag ang inabot ni Jhun sa kanya. Binuksan ng lalaki ang isang plastic bag. Ipinasok ang hintuturo. Inamoy. Dinilaan. Anong sabi? tanong ng malaking lalaki. Bukas daw ng umaga ang dating ng madami. Tawagan mo raw siya mamayang gabi, sagot ni Jhun. Sigurado kang walang nakasunod sa iyo? tanong ng malaking lalaki. Maingat ako. Sayang ang kaparti ko kung patitiklo ako sa mga parak, sagot ni Jhun. Sigurado ka talaga na walang nakasunod sa iyo? ulit ng malaking lalaki. Leo, dalhin mo ang tarantadong yan, utos ng malaking lalaki. Ano? P.! Anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ko, no? galit ang tinig ni Jhun. Jhun, nabigla lang ako. Hindi na mauulit, sabi ni Ato. Walang makakaalam, Jhun. Talagang walang makakaalam dahil todas ka na ngayon, sabi ng lalaking pumipigil kay Jhun. Pare, awatin mo naman ang kasama mo. Sagot ko na si Ato. Hindi magsusuplong yan, pakiusap ni Jhun. Paano ka nakatitiyak? tanong ng malaking lalaki. Tahimik si Ato, Pare. Walang pakialam sa mundo. Matagal ko nang kilala yan. Tulad ko ring laking Coastal yan. Sige na, Pare. Sagot ko na yan, sabi ni Jhun. Kitang-kita ni Ato ang senyasan ng malaking lalaki ang lalaking pumipigil sa kanya. Dalawang malakas na suntok ang sumablay sa kanyang mukha. Napaupo siya sa nakatambak na buhangin. Naging maagap si Jhun. Nooy paalis na ang dalawang lalaki. Ikaw kasi, eh. Ikaw ang humanap ng sakit mo sa katawan. Anong naisipan mo at sumunod ka sa akin? tanong ni Jhun.

Naiinggit ako sa iyo. Lagi kang nakabago. Lagi kang may kinakausap sa kotse. Samantalang pareho lang tayong naglalako ng sigarilyo. Isama mo naman ako sa saydlayn mo, o, sabi ni Ato na panay ang punas sa putok na mga labi. Mapanganib, Ato. Ako nga, hindi ko alam kung sino ang mga taong pangingilagan ko. Hindi ko kilala ang mga iyon. Bastat ang alam koy tagapamagitan nila ako. Kung baga sa boksing eh, ako ang naatasang maging reperi. Saka, wala ako sa posisyon para ipasok ka rito. Sila ang namimili. Tulad ng pamimili nila sa akin noon. Kinaibigan ako. Panay ang bili ng sigarilyo. Hanggang alukin ako sa ganitong trabaho. Sa unay okey. Pero itong mga huling araw ay parang kinakabahan na ako. Para bang laging may mga taong sumusunod sa akin. Makakaya ko siguro, sagot ni Ato. Pag-iisipan ko, sabi ni Jhun. Iyon ang huling pag-uusap nila ni Jhun. Dahil kinabukasan, nang huminto ang pulang kotse sa tapat ni Jhun ay isang lalaki ang bumaba ng owner-type na dyip. Dearmas ang mga lalaki. Nagpakilalang mga pulis. Hindi nakapalag si Jhun. Walang saysay ang ginawa niyang pakiusap. Nilapitan ni Ato si Jhun. At habang papasok siya sa sasakyan ay narinig niya ang bulong nito: Mapanganib, di ba? Ngayoy nakilala ko na ang mga taong pinangingilagan ko noon. Matulog ka na at bukas ng alas-nuebe ay sasamahan mo ako sa Santa Monica, sabi ni Precy. May trabaho ako, sagot ni Ato. Alin, ang pagtitinda ng sigarilyo? Ayaw mo bang kumita nang malaki-laki? tanong ni Precy. Sabihin nating limang daang piso. Pano bang hihirap, eh sasamahan mo lang iyong kakilala kong Hapon sa hotel na tinutuluyan niya. Parang security guard, ganon. Susunod ka lang sa mga ipag-uutos niya sa iyo. Ganon lang. O, ano bang mahirap doon? Takang-taka siya. Napakabait sa kanya ni Precy nang umagang iyon. Pagkaalis ng kanyang ama ay inilabas ni Precy ang isang bagong t-shirt at isang mumurahing pantalon sa plastic bag na may tatak ng isang di-gaanong kilalang department store. Pagkapaligo moy ito ang isusuot mo, para naman kagiliwan ka ng Hapon. Mamata-mata lamang si May habang pinagmamasadan ang ikinikilos ni Ato. Kuya, pagkasahod mo, ibili mo ako ng bagong tsinelas, ha? Napatid na kanina yong tsinelas ko, eh, bilin ni May. Ako po, Tita Precy. Kailan mo po ako ipapasok ng trabaho? Ibig ko po sa Hapon din ninyo ako ipasok ng trabaho.

Ilang taon ka na ba? tanong ni Precy. Maglalabing-isa po sa susunod na buwan, sagot ni May. Itatanong ko sa Hapon kung puwede ka na. Kung puwede, babalikan kita mamayang gabi, sagot ni Precy. May kakaibang kaba ang nadama ni Ato sa kanyang dibdib. Alas-Nuebe ng Umaga Gandang-ganda si Ato sa kuwarto ng Hapon. Maaliwalas at punung-puno ng mga mamahaling kasangkapan. Sa pakiwari niya, parang hinihigop ang kanyang mga paa sa tuwing ihahakbang niya ang kanyang mga paa sa malambot na telang kanyang nilalakaran. At kaylamig ng buong kuwarto. Ni sa pangarap ay di niya akalaing makakatuntong siya sa ganoong kagandang kuwarto. Hindi bat mayayaman lamang ang nakarating sa ganoong lugar? Saka sumagi sa kanyang isipan ang mga nagtataasang gusali na ginagawa sa may Airport Road. Bukas, pagbabalik niya sa lugar na iyon ay tiyak na titig na may pagmamalaki na ang kanyang gagawin. Nagpaalam na si Precy sa kaibigang Hapon. May isinilid sa sobre si Precy sa kanyang bag. Pagkaalis na pagkaalis ni Precy ay binuksan ng Hapon ang betamax. Napapakislot si Ato sa mga eksenang kanyang napapanood. Sinenyasan ng Hapon si Ato na maghubad ng damit. Sumunod siya. Naisip niyang magsisimula na siyang magtrabaho. Muli niyang pinanood ang palabas sa telebisyon. Naghuhubad din ang binatilyong nasa pelikula. Nang malingunan niya ang Hapon ay nakahubad na rin ito. Muli siyang sinenyasan ng Hapon. Ipinahuhubad sa kanya ang kanyang pantalon. Naisip niya, baka bahagi iyon ng kanyang trabaho. Nakatitig siya sa telebisyon habang hinuhubad niya ang kanyang pantalon. Hiyang-hiya siya sa Hapon nang makita niyang nakaalsa ang kanyang harap. Napangiti ang singkit na dayuhan. Iniabot ng Hapon kay Ato ang isang baso ng pineapple juice. Damang-dama ni Ato ang pag-aalala ng bagong kakilala. Ininom niya ang juice nang tuloy-tuloy. Itinuro ng Hapon ang kamang sa tingin ni Ato ay kaysarap higan. Naunawaan ni Ato ang ibig ipakahulugan ng Hapon. Nahiga siya sa kama. Ngunit pagkahigangpagkahiga ni Ato ay hinatak ng Hapon ang kanyang brief nang pababa. Pinigil ni Ato ang kamay ng Hapon. Hanggang sa unti-unting nanghihina ang kanyang katawan.

Alas-Tres ng Hapon Hapung-hapo ang katawan ni Ato nang siyay magkamalay. Masakit na masakit ang kanyang buong katawan. Bahagya siyang napaire sa sakit nang di-sinasadyay napatagilid siyat nakapa ang puwit. May nakapa siyang kung anong bagay na madulas. Tiningnan niya ang palad. Dugo! Sariwang dugo! Hayop ka, Hapon ka! Anong ginawa mo sa akin? galit si Ato. Sa halip na sumagot ay parang nakakainsultong itinuro ng Hapon ang palabas sa telebisyon. You eat, alok ng Hapon. Kaysarap na pagkain para sa isang taong naghihirap. Put () mo! Bakla! Bakla! sigaw ni Ato. Sa halip na magalit, inilabas ng Hapon ang mga larawan. Mga kabataang lalaking nakahubot hubad. Ibat ibang posisyon. Ang ibay may solong kuha. Ang ilan ay may mga kasama. Pares-pares. Lalakit babae. Lalakit lalaki. Babaet babae. May tatluhan. May apatan. Limahan. Pinagpupunit ni Ato ang nahawakang larawan. Nagsalita ang Hapon sa mga pangungusap na hindi niya maunawaan. Galit na galit ang singkit na dayuhan. Tatlong sunud-sunod na suntok ang tumama sa mukha ni Ato. Ang bangis ng dayuhan ay pansamantalang nakatulugan ni Ato. Alas-Diyes ng Gabi Hindi na matiis ni Ato ang pagkalam ng sikmura. Parang hayok sa pagkaing sinibasib ang nooy malamig nang pritong manok, tosino, longganisa, sinangag, papaya at mansanas. Napatitig siya sa tinidor na kanyang tangan-tangan. Naisip niyang itarak iyon sa kanyang dibdib upang mawakasan na ang kanyang mga paghihirap. Wala nang nagmamahal sa kanya. Tinalikuran na siya ng kanyang ina Hindi anak ang turing sa kanya ng kinagisnang ama Ipinagbili siya ni Precy Si May na lamang ang natatanging nagmamahal sa kanya Si May Halos mangalahati ang laman ng pitsel sa dami ng kanyang nainom na tubig. Saka niya naisip ang Hapon na kaninay pinagmumura niya sa matinding galit. Wala sa kuwarto ang Hapon. Mabilis siyang nagbangon. Isinuot niya ang brief at nagmamadaling tinungo ang comfort room. Doon niya pinakawalan ang lahat ng kanyang mga hinanakit. Ang

kanyang pagkapoot sa Hapon. Ang lahat ng kapunyetahang nangyayari sa kanyang buhay. Sumilip siya sa sala. Naroon ang Hapong nagsamantala sa kanya. Muling namuo ang galit sa kanyang mukha. At lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang makita niya si Precy na kausap ang Hapon. May kinakausap ang Hapon habang hinihimas-himas nito ang mukha ng kausap. Kanino ka magsusumbong, sa Tatay mo na tulog na tulog sa pagkakalasing? Sa Kuya Ato mo na hanggang ngayon ay walang malay? tinig iyon ni Precy. Si May Si May naman ngayon? Hindi ako makakapayag Hindi! Bumalik sa kuwarto si Ato. Binalikan niya ang tinidor na kaninay tangan niya. Babalikan sana niya ang Hapon nang mabosesan niya si May na sumisigaw. Ayoko po Tita Precy, maawa po kayo Tatay Kuya Ato Maawa po kayo sa akin Nagtago si Ato sa likod ng pinto. Buong diing hinawakan ang tinidor. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay hinanap ng kanyang nanlilisik na mga mata ang Hapon. Inundayan niya ito ng saksak sa dibdib. Sa braso. Sa leeg. Sa batok. Sa noo. Sa mukha. Sa sikmura. At nang mapahiga ang Hapon ay buong lakas na inundayan niyang muli ng saksak sa dibdib. Sunun-sunod Paulit-ulit Hanggang sa mawalan na siya ng lakas. Alas-Dos ng Umaga Nasa loob ng presinto si Ato. Kinakausap ng mga pulis. Tinatanong ng mga reporter. Naulinigan niya ang tinig ni Precy na waring isinasalaysay ang buong pangyayari. Nasa harapan niya ang kanyang ama. At hindi umaalis sa kanyang tabi si May. Hinawakan bi Ato ang kamay ng kapatid. Saka niya naalala ang mga itinatayong gusali sa may Airport Road. Matatagalan bago niya muling makita ang mga iyon, o maaaring hindi na. Nang maalala niya ang napaniginipan niyang paghuli ng mga alitaptap ay niyakap niya si May nang buopng higpit. Saka lamang siya napahagulgol ng iyak.

You might also like