You are on page 1of 2

Yamang Tao Isa sa mahalagang elemento ng isang bansa ay ang mga tao.

. Ang mga tao ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa pag-unlad ng isang bansa. Sila na gumagamit ng mga talino, kakayahan, kasanayan, abilidad, at lakas sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na yaman. Ang yamang tao ay lumilinang ng mag likas na yaman ng bansa upang matamo ang kapakinabangan ng mga ito.

Sa isang bansa na salat sa likas na yaman tulad ng Hapon, ginagamit ang yamang tao upang makamit ang pagunlad. Ito ay lubhang mahalaga sa bansa. Kapag binanggit ang yamang tao, lagi itong iniuugnay sa populasyon at lakas paggawa. Mahalaga ang pag-aaral ng populasyon upang magkaroon ng maayos at epektibong planong pang-ekonomiya ang pamahalaan na makatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng mga tao.

Teorya ukol sa Populasyon Teorya ni Malthus - ito ay nagpapahayag na ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply ng pagkain. - ang teoryang ito ay ayon kay Thomas Robert Malthus, isang pari na sumulat ng aklat na An essay on the Principle of Population noong 1800. - ito ang nagbigay daan upang magising ang mga tao sa katotohanang may mabuting maidudulot ang mabils na paglaki ng populasyon. Microeconomics Theory of Fertility - ang mga katangian ng tao bilang konsyumer ay maiuugnay sa teoryang ito ng populasyon. - ang katangiang ito ang ginagamit ng mag-asawa sa pagdaragdag ng mga anak. - malaki ang maitutulong ng pamahalaan upang masugpo ang mabilis na paglaki ng populasyon sa bansa sa pagsasagawa ng mga hakbanging tulad ng: o Edukasyon para sa mga babae

- upang matutuhan ang mga kaalaman at kasanayan na kakailanganin sa kanilang paghahanapbuhay at maunawaan ang masamang epekto sa katawan ng pagkakaroon ng maraming anak. o Pagpapalaganap ng Tamang Impormasyon

- mahalagang mabatid ng bawat tao ang kabutihan ng pagkakaroon ng kaunti o maraming anak sa pamumuhay at ekonomiya ng bansa. o Pagkakataon na Magkaroon ng Hanapbuhay at Sapat na Kita

- ito ang makakatulong sa mga magulang na magkaroon ng pagkakataon na maglibang at pagtuunan ng pansin ang ibang bagay. o Pagbawas ng Infant Mortality

- ang pagkamatay ng mga sanggol ay magagawang maiwasan o mabawasan kung pagtutuunan ng pansin ang kalusugan at nutrisyon ng mga mamamayan. o Pagkakaloob ng Insentibo sa Kakaunting Anak

- tulad ng ginagawa sa ibang bansa, ang pamahalaan ay maaaring magbigay ng insentibo sa mag-asawa na1-2 lamang ang anak upang sa ganoon ay mahikayat sila na di-magdagdag nang magdagdag ng anak.

You might also like