You are on page 1of 21

Isang Pamanahong

Papel
Na Iniharap kay
Gng. Rosemarie L. Bug-os

Ipinasa ni :
Sunshine Y. Paquibot
IV-Venus
Paksa:
-isang Kondisyon ng katawan na kulang

sa bitamina o maling pagpili ng pagkain.

Suliranin:

-Paano matugunan ang kakulangan ng

bitamina sa katawan na dulot ng maling

pagpili ng pagkain?

Panimula:
Sa sistema nang buhay natin ngayon marami nang mga taong naghihirap sa

kani-kanilang buhay gaya ng mga skwater at iba pa. Kaya may ibang pamilya ditto sa

atin na hindi na natutugunan ang mga tamang pagkain na dapat kainin para sa ating

katawan, ang iba ay kung ano lang ang makakaya sa kanilang bulsa ay yon naang

magiging pang almusal, tanghalian at haponan sa kanila. Ang iba ring pamilya ay isang

beses nalang kumakain sa isang araw ito ay dahil walang pera o kulang sa budget.

Maraming mga magulang ngayon na ang ipinakain nila sa kanilang mga anak ay galing

sa mga basurang napupulot nila sa mga kalye na galing sa mga restaurant na

itinatapon ang mga tiring pagkain na mula sa mga mamimili.

Ito ang kinuha o hinihingi nang mga pamilyang umaasa sa mga pagkaing yon.

Ang mga ginagawa nila sa mga pagkaing napulot ay iniluluto ulit at yun na ang

ipapakain nila sa mga maliliit na anak. Na kung saan nag eenjoy silang kumain sa

pagkaing galing sa basura na kahit iniluto man nila ito ulit, may mga germs paring naka

dikit sa mga pagkaing yon at nagdudulot ito ng masama sa katawan at nagkakasakit at

kung hindi naman nagkakasakit nag lalakihan ang mga tiyan ng mga bata kahit hindi

sila mataba.

May iba ding pamilya na masagana sa mga pagkaing dapat sa ating katawan

ngunit kapag nasosobrahan naman ito ay nakaka sama rin sa isang tao. Gaya ng isang

“Obese” o sobra sa katabaan na nag dudulot rin nang kasamaan sa kalusugan ng isang

tao. Na nag dudulot ng ibat-ibang klase na sakit. Hindi kasi lahat nang mga matatabang

tao ay malulusog, hindi natin alam na ang likod sa kanilang katabaan ay may mga sakit

pala silang dinaramdam, gaya ng highblood, diabetes at iba pang klase na sakit na nag

mumula sa malnutrisyon.
Ang malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan nang isang tao ay hindi

nakakakuha nang sapat na sustansiyang kinakailangan upang makaligtas sa mga sakit

at mabuhay nang malusog sinasabing ang isang tao na napakahina kumain o maliit

lamanga porsiyento kung kumain ay matatawag na malnourished at ang “gutom” ay isa

ring anyo ng malnutrisyon. May mga palatandaan upang malaman kung ang inyong

anak o sinuman na inyong kasambahay ay isang malnourished, gaya ng nagbabawas

siya ng timbang; mahirap siyang kumain, at malimit walang gana; mukha siyang

palaging pagod at nanghihina; hindi siya nakakatulog; namumutla; may pagsusugat na

nakikita sa mga gilid ng labi; Malabo ang kaniyang paningin lalo sa mga lugar na medyo

madilim. Yan ang mga palatandaan ng isang malnourished.

May mga anyo rin ng malalang malnutrisyon ito ay ang marasmus, kwashiorkor,

at Xerophthalmia. Kung ang pag-uusapan natin ang marasmus ito ay sanhi ng

kakulangan ng kaloriya sa katawan o nang hindi sapat na bilang o dami ng kinakain.

Ang marasmus ay karaniwang nararanasan ng mga batang nasa mga mahihirap at

under-developed na mga bansa. Ang pasyente ng marasmus ay nagiging buto at balat,

natutuyo at nangungulubot ang mukha na parang matanda. Ang kwashiorkor naman ay

ang malabis na kakulangan sa protina. Ang mga sintomas nito ay ang pamamaga sa

mukha, mga braso at binti, nangungubot na balat na mayroong taba, buhok na nagiging

manipis at mahinang resistensiya.


Ang Xerophthalmia ay ang kakulangan sa Bitamina A, tinatayang maaaring

pagmulan ng pagiging bulag kapag may nakitang ganitong palatandaan sa isang tao

dapat ay dalhin ito agad sa hospital upang mabigyan ng atensyong medikal.

Ang isang tao naman na malabis naming kumain ay matatawag ding

malnourished kahit na kumakain siya nang mga tamang pagkain ngunit na sobrahan ay

nagiging sanhi nang pagdagdag nang sobrang kaloriya sa kanyang katawan ay

nadadaragdagan rin ang kaniyang timbang at ang kanyang pagkilos ay tumatagal at

bumabagal at siya mismo sa kanyang sarili ay nahihirapang gumawa ng mga bagay na

gaya ng simpleng pag-eehersisyo at minsan ay nagiging tamad ito kung kumilos at

medaling mahirapan, misan ang isang tao na napakataba, habang tumataas ang

kaniyang edad ay nahaharap din siya sa malaking panganib dahil sa posibilidad na

maaari siyang magkaroon nga mga pagkakasakit na gaya ng mataas na presyon ng

dugo, sakit sa puso, diabetes o hindi maginhawang paghinga. Ang mga sakit na ito ay

dulot nang masasamang nutrisyon na napasobra sa pagkain ng isang tao.

Ang mga mapapayat na tao namanna kulang sa mga bitamina at mga mineral ay

nag dudulot nang matinding kapayatan na nagiging buto’t balat ang nakikita na

tinatawag sa ingles ay “Marasmus”.

Ang iba sa kanila ay namamatay na dahil sa sobrang gutom at wala nang mga

nutrisyon na dumadaloy sa kanilang katawan at yun ang dulot nang kanilang matinding

paghihina at walang ganang kumilos.


Ang malnutrisyon ay ang pinagmulan ng lahat ng sakit at isa rin ito sa

pinakamatinding problema ng bansang india at ibang mahihirap na bansa. Dito rin sa

Pilipinas may makikita rin tayong matatawag na mga marasmus. Ang pagiging isang

malnourished ay labis-labis na nakakasira sa ating kinbukasan dahil ikay mag titiis nang

maraming panahon hanggang sa bawian ka ng buhay. Kaya marapatin gawin habang

bata pa ay ang pag-aalaga ng resistensiya wastong diet, upang mabawas-bawasan ang

bilang ng taon nabibilang sa Malnutrisyon.

Hypotesis:

1.Gaano ba kahalaga ang mga bitamina sa ating

katawan?
2.Bakit nakakasama sa ating katawan ang sobra

sa pagkain ng mga carbohydrates?

3.Bakit itinuturing ang malnutrisyon bilang isa sa

mga pinakamalaking problema sa lipunan

natin ngayon?

Payak na Paliwanag sa Pala-

palagay:

1. Gaano ba kahalaga ang mga bitamina sa ating katawan?


➢ Napakahalaga sa ating katawan ang mga bitamina dahil ito ay nagbibigay

kalusugan sa ating katawan nagiging aktibo tayo sa mga Gawain at nagkakaroon

tayo ng malusog na katawan.

1. Bakit nakakasama sa ating katawan ang sobra sa pagkain

ng mga carbohydrates?

➢ Nakakasama sa ating katawan ang sobra sa pagkain ng mga carbohydrates

dahil nakakapagpagtaba ito na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga sakit gaya

ng highblood, rheumatic heart disease at iba pang mga sakit.

1. Bakit itinuturing ang malnutrisyon bilang isa sa mga

pinakamalaking problema sa lipunan natin ngayon?

➢ Ang malnutrisyon ay itinuturing bilang pinakamalaking problema sa ating lipunan

ngayon ito ay dahil ang malnutrisyon ay naapektuhan ang mga kalusugan ng

mga tao at nahihirapan ang iba na maghanap ng matatrabahoan dahil sa

dinaramdam nilang sakit, kaya naaapektuhan ang ekonomiya ngayon dahil

nakikita n gating pamahalaan na naghihirap ang ibang pamilya at ang ating

bansa dulot ng malnutrisyon.

Pamaraan

1.1
Ang paraan na ginamit ko ay Deductive Method”, dahil bago ko

binigyan ng kahulugan ang Malnutrisyon ay inilahad ko ang ibat-

ibang ideya na nalaman buhat dito. Marami akong pinuntahang silid-

aklatan, nagsaliksik rin ako sa internet at nagtanong-tanong sa mga

taong may kinalaman dito.

1.2

Sa isinagawa kung pagsusuri tungkol sa malnutrisyon, nalaman

ko na ang pangangailangan para sa nutrisyon ay nagkakilala sa

pamamagitan ng patuloy na supply ng pagkain at ang pisyolohiyang

pag proseso ng paglunok at panunaw. Ang pagkaing nagmula sa

apat na pangunahing pagkain ay nagbibigay ng mga protina,

carbohydrates, taba, bitamina at mineral na kailangan para sa

paglago ng cellular

Pagsusuring Halaga

Ang malnutrisyon ay tinutukoy bilang isang mahinang nutrisyon sa mga cells.

Ang mga pangunahing sanhi ng malnutrisyon ay ang paggamit ng mga nutrients na

hindi sapat na supply na pangangailangan ng metabolic system. Ito ay maaaring

maging sanhi n gating pagkain na may sapat na halaga sa ikinakaing pagkain.

Maraming mga bagay na maaaring ma impluwensyahan ang pagkain sa mga pagkain,


isang direktang pinagkukunanng pagkain ay maaaring hindi magagamit sa mga lugar

na sobra sa populasyon. Nakakain lang sila ng mga pagkaing hindi sapat sa kanilang

katawan. (“Adult and child Care”, Janet Miller Barber, 1977)

Sa mga batang may malnutrisyon maaaring maging isang pagpapatuloy ito ng mga

kulang sa pagkaing kinakain ng mga anak. Ang malnutrisyon bilang kawalan ng sapat

na sustansya upang mapanatili ang malusog ng katawan ay karaniwang kalakip ito ng

lubhang kahirapan sa mga bansang umuunlad habang ang malnutrisyon na bunga ng

maling pagkain, sobrang pagkain o kakulangan ng isang balanseng pagkain ay

masusumpungan sa mga bansang maunlad. (“History of Philippine Medicine”, Conrado

S. Dayrit, 2002)

Ang mga taong nag-aabuso sa pag iinom ng mga alak ay nasa mataas ng panganib

para sa sakit na malnutrisyon ito ay dahil sa parehong mga mahihirap na mga pagkain

at sobrang pag-iinom ng mga alak ay isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng

malnutrisyon (“Introductory Nutrition and Diet Therapy, Marian Maltese Eschleman,

1991)

Ang Malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan ng tao ay hindi nakakakuha nang

sapat na sustansiyang kinakailangan upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay nang

malusog. Ang pagdadiet at an gating kalusugan ay may kaugnayan.kapag ang tao ay

may hindi magandang pagdadiet sa isang mahabang panahon ay maaaring maging

sanhi ng pagkakasakit niya ng malnutrisyon. (“Modern Meals”, Roberta L.Duyff, Doris

Hasler, Suzanne Sickler oh1, 1990) Ang malnutrisyon ay isang palansak na kataga sa

kondisyong medical sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Karaniwang ginagamit ito

sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain. Mababang pagkatunaw, o


labis na pagkawala ng sustansiya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na

nutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak na sustansiya. (“Being Healthy”, 1990)

Ang malnutrisyon bilang kawalan ng sapat ng sustansya upang mapanatili ang malusog

ng katawan ay karaniwang kalakip ng lubhang kahirapan sa mga bansang umuunlad

habang ang malnutrisyon na bunga ng maling pagkain, sobrang pagkain o kakulangan

ng isang balanseng pagkain ay masusumpungan sa mga bansang maunlad na

karaniwang ipinakikita sa pagdami ng mga matataba (“Teen Health”, Mary Bronson

Merki, 1999) Ayon sa National nutrisyon Council (NNC),

Ang malnutrisyon ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang o sobra ng

mga mahahabang sangkap na naangkop sa tamang paglaki (www.scribd.com) Ang

malnutrisyon ay galing sa mahinang nutrisyon at ang interpretasyon ay galing sa

mahinang nutrisyon at ang interpretasyon nito ay sumusunod sa kawalan ng isang

balanseng pagkain, o ang kakulangan ng mga bitamina sa katawan, na kung saan ang

katawan ng tao ay humahantong sa paghihirap sa kanyang kalusugan. (“Biology

Principles and Explorations, George B. Johson,)

Ang anim na pangunahing uri ng mga nutrients na kinakailangan sa ating katawan ay

carbohydrates, taba, protina, bitamina, mineral at tubig. Ang mga malnoris na tao ay

walang sapat na kalorya sa kanilang pagkain o kumakain ng pagkain na kulang sa

kailangang protina, bitamina o mineral. (“ Health for Life”, 1990)

Ang malnutrisyon ay isang kondisyon sa katawan na may hindi magandang pakanin sa

katawan dahil sa and indibidwal ay hindi nakakakuha ng isa o higit pang mga

mahahalagang sankap ng nutritional sa kanyang pagkain, madalas ay nagreresulta rin

ito sa kahirapan o ng hindi sapat na kaalaman sa pandiyeta na kina kailangan sa


katawan, maraming mga taong madalas na gastusin ang kanilang pera sa mga pagkain

na mataas sa taba, asukal at arina, ngunit nagpapabaya sila sa pagbibili ng mga

sariwang gulay, prutas, gatas at karne na kung saan nag susuply ito ng lahat na

mahahalagang bitamina, mineral at protina sa ating katawan (“Family Health Guide and

Medical Encylopedia, Benjamin F. Miller, 1976)

Palatandaan ng mas malubhang malnutrisyon ay lalabas kapag ang nutritional na

taglay ay mauubos at ang paggamit ng enerhiya ay hindi sapat upang matugunan ang

pag-araw-araw na pangangailangan. Maraming mga malnourished na tao na

naninirahan sa mahirap na lugar. (Basic Principle of Nutritional Science”, 1995)

Ang malnutrisyon ay isang disorder na resulta kapag ang katawan ang nagtatanggap ng

masyadong maliit na pagkain og masyadong maraming pagkain o pagkain na kulang sa

mga nutrients na kinakailangan sa ating katawan. Ang pinaka-karaniwang nutritional ay

higit sa paggamit ng mataas na kalorya sa pagkain na nagiging sanhi ng labis na

katabaan. (“Encyclopedia Americana”, 2003)

Mahinang nutrisyon o malnutrisyon ibig sabihin nito ay hindi nakakakuhang sapat ng

lahat ng mahahalagang nutrients o pagkuhang masyadong marami ng ilang nutrients.

Gusto mo hindi magandang sawang ay isang kakulangan ng enerhiya at mga protina at

magkaroon sila ng maraming bitamina at mineral. (“Food and Marketing”, David J.

Schaffner, 1998)

Malnutrisyon ay isang kalagayan na resulta mula sa isang hindi sapat o labis na

paggamit ng nutrients, kahirapan sa pagtunaw, kawalan ng kakayahan upang ma


metabolize o ma obsorb ang mga nutrients, at iba pang mga medical na kalagayan. Ang

labis na katabaan ay dulot ng labis napaggamit ng mga carbohydrates o matatabang

pagkain na kung saan parehong mahirap sa pinagmumulan ng mga nutrients, isa itong

karaniwang sanhi ng malnutrisyon sa isang industriyalisadong bansa. Ang dalawang

sanhi ng malnutrisyon sa isang indutriyalisadong bansa. Ang dalawang uri ng

malnutrisyon ay kwashiorkor at marasmus. Ang kwashiorkor ay isang pangkaraniwang

uri ng mga pangunahing malnutrisyon na dulot ng isang diyeta na mababa sa protina at

ilan pang mg nutrients ngunit ay naglalaman ng sapat na calories na nagmula sa

kalakhay mula sa carbohydrates. Ang kwashiorkor ay karaniwang nag mula sa lugar na

may mababang antas ng edukasyon at sa mga lugar na ito makikita ang mga gutom na

tao. Ang pangalawang uri ng malnutrisyon ay ang marasmus na mababa sa parehong

protina at calories ito ay nagpapakilala ng kakulangan ng lakas. Ang bigat ng bata na

may marasmus ay maaaring mabawasan sa mas mababa kaysa 80% ng normal na

timbang. (“Perspective in Nutrition”, 1996)

Ang malnutrisyon ay mapanganib sa mga buntis na kababaihan at sa mga bata maaari

itong humantong sa disorder, paglago sa parehong pisikal at mental, mababawasan

ang kanilang paglaban sa sakit. (“Webster International Encyclopedia”, 1991)

Ang malnutrisyon ay kondisyon na nangyayari kapag an iyong katawan ay hindi

makakain ng sapat na pagkain, an gutom ay isang anyo ng malnutrisyon.

Ang sobra sa katabaan ay isang anyo ng malnutrisyon sa nutrients na kung saan ay

masagana ito sa pagsusuply ng mga nutrients sa katawan ng tao, na nakukuha sa mga

pagkaing masagana sa carbohydrates. (“You and Your Health”, 1970)


Katuturan ng mga Terminolohiya:

Cells – ang cells o selula ay ang pinakapayak na kayarian

ng isang organismo

Nutrients – ay ang mga sangkap na makapagpapabuti sa

ating katawan.

Diet – pagkokontrol sa mga kinakain

Carbohydrates – isang grupo ng organic compounds na

kinabibilangan ng sugars, starches, celluloses.


Vitamins – mga sustansyang kailangan para sa

kalusugan ng katawan.

Metabolism - ang hanay ng mga reaksyong kemikal na

nangyayari sa mga buhay na organism upang mapanatili

ang buhay.

Konklusyon:

Sa aking pagsusuri nalaman ko na

ang kakulangan ng bitamina sa katawan

ng dulot ng maling pagpili ng pagkain ay

matutugunan sa pamamagitan ng

pagbabalance diet at kumain ng mga


wastong pagkaing sagana sa protina,

minerals at mga bitamina.

Bibliography:

1. “Adult and Child care”, Janet Miller Barber, C.V Mas Incorporation, 1977

2. “Current Medical Diagnosis and Treatment”, Marcus A. Krupo M.D, Tange

Medical Publications, 1982

3. “History of Philippine Medicine”, Conrado S. Dayrit, Anvil Pub. Inc. , 2002

4. “Introductory Nutrition and Diet Theraphy”, Marian Maltese Eschleman, 1991

5. “Modern Meals”, Roberto L. Duyff, Doris Hasler, Suzanne Sickler Ohl,Mc Graw-

hill, 1990

6. “Being Healthy”, Harcout Brace Jovanich Inc. , 1990

7. “Teen Health”, Mary Bronson Merki, Glencoe/McGraw-hill, 1999

8. “Glenco Health”, Harcout Brace Jovanich Inc. , 1994


9. “Biology Principles and Explorations “, George B. Johson, Holt Rinehart and

Winston Inc. , 1998

10. “Health for life”, Scott, Foresman and company, Glenview Illnois, 1990

11. “Family Health Guide and Medical Encyclopedia”, Benjamin F. Miller, Readers

Digest Association Inc. , 1976

12. “Health for Life”, Julius B. RIchmand, Scott Foresman and Company Glenview,

1990

13. “Basic Principles of Nutritional Science, 1995

14. “Encyclopedia Americana”, Grolier Inc. 2003

15. “Food and Marketing”, David J. Schaffner, McGraw-Hill Comp. Inc. 1998

16. “Perpective in Nutrition”, 1996

17. “Growing Up”, Merlion Publishing, 1993

18. “People (Caring, Deciding,Growing)”, Helen Mcginley, Ginn and Company, 1980

19. “Webster International Encyclopedia”, Uitgeverij Het Spectrum B.V Utrect, 1991

20. “The Visual Food Encyclopedia”, 1996

21. “On Food and Cooking”, Harold McGee, 1991

22. “The Volume Library”, 1997

23. “You and Your Health”, Pacific Press Publishing Association, 1970

24. “Columbia Encyclopedia”, Columbia University Press, 2004


KARD KATALOG

Kard ng may akda

613.2
Es21 Eschleman Marian Maltese et
al
1991Introductory Nutrition
And Diet Theraphy
Harcourt Brace Jovanich Inc. C
1991
P.232
Kard inng
Nutrition thePaksa
life Cycle
Nutrition in the life Cycle
613.2
Es21 Eschleman Marian Maltese et
al
1991Introductory Nutrition
And Diet Theraphy

Harcourt Brace Jovanich Inc.


C 1991
Kard ng Pamagat

Introductory Nutrition
and Diet Therapy
613.2
Es21 Eschleman Marian Maltese
et al
1991
Harcourt Brace Jovanich Inc.
C 1991

P.232

You might also like