You are on page 1of 4

Alamat Ng Mga Alamat

Noong unang panahon, sa baba ng kabundukan ng Mae Lwin, ay may


naninirahang tribong nagngangalang Shan. Bago pa man sumikat ang araw,
nagising si Nok Lek, ang datu ng tribo. Lumabas siya sa kanyang silid at
tumungo sa tabing ilog at naupo sa isang malaking bato. Nagising ang
kanyang asawa na si Khin Myo at sinundan si Nok Lek sa may ilog. “Mahal
ko, pasensya na kung nagising kita”, sabi ni Nok Lek sa kanyang asawa.
“Ayos lang. Napansin ko nitong mga nakaraang araw na para bang may
bumabagabag sa isip mo. Maari ko bang malaman iyon?”, tanong ni Khin
Myo. “Wala naman. Naisip ko kasi na parang hindi ko naiintindihan ang mga
bagay-bagay dito sa mundo. Kung saan ba sila nagmula, kung may lumikha
ba sa kanila o wala. Gusto kong mabigyang linaw kung bakit namumulaklak
ang mga bulaklak, kung paano naging matataas na lupa ang mga bundok,
kung bakit napakataas ng langit. Para bang may istorya sa likod ng lahat ng
bagay na hindi natin alam, pati na sa ating mga tao at gayun din ang mga
hayop at halaman.” Nahinto sa pagsasalita ang datu. Tiningnan niya ang
kanyang asawa na ngayo’y nakatitig sa kabundukan. “Ah…”, sabi ni Nok Lek.
“Pasensya na kung napakadami kong saloobin na ngayon ko lamang
naibahagi sa’yo.” “Naiintindihan ko. Minsan din ay napapaisip ako tungkol sa
mga bagay na iyan. Nais ko rin maunawaan ang lahat, mahal ko.” Sagot ni
Khin Myo sa asawa. Dahang dahang inilagay ni Nok Lek ang kanyang braso
sa balikat ni Khin Myo. Sumandal sa kanya si Khin Myo. Magkahawak kamay
nilang pinanuod ang unti unting pagsalubong ng araw sa kalangitan.

Nang araw din na iyon, naisipan ni Nok Lek na umpisahan ang


pagsulat ng mga istorya tungkol sa mga bagay sa paligid niya. Mula sa mga
bagay na nasa lupa hanggang sa mga bagay na nasa langit. Itinago niya ang
mga ito sa isang baul. Naisipan niya na ipapasa niya ito sa kanyang anak at
ipapasa ng kanyang anak ang mga ito sa kanyang apo, at sa apo ng
kanyang mga apo. Nais niyang magkaroon ng kahulugan ang lahat ng
bagay. Naisip din niya na balang araw, gagawa din ang kanyang mga
magiging apo ng sarili nilang kwento tungkol sa mga bagong bagay na
makikita at matutuklasan nila.

Nagiisa lang ang anak na babae nila Nok Lek at Khin Myo. Iyon ay si
Mala. Masayahin ang batang ito. Palabiro, palakaibigan, kung minsan ay
pasaway ngunit mabait. Matalino rin siya. Kakaiba ang talino at husay niya
sa ibang batang kasing edad lang niya. Anim na taon pa lang siya ngunit
marunong na siyang magsulat na kasing ganda at kasing linis ng sa mga
manunulat. At napakagaling din niyang tumula, kamangha mangha talaga.
Nais pa sanang sundan ng datu at reyna ang panganay nila ng isang anak na
lalaki ngunit hindi sila biniyayaan ng diyos. Ikinalungkot ito ng magasawa
ngunit nakuntento na lamang sila sa saya na dulot ng kanilang nagiisang
anak. Lumaki si Mala bilang isang maganda at matalinong babae. Bukod sa
pagiging maganda, magaling din si Mala sa paghawak ng mga armas at
pakikidigma. Tutol man ditto ang kanilang mga magulang, nais talaga ni
Mala na matuto tungkol sa iba’t ibang bagay.

Tradisyon na ng tribo na bago pa man sumapit ang ika-dalawampung


taon ng isang dalaga ay dapat na itong magpakasal. “Anak, dalawang taon
na lang at kailangan mo ng maghanap ng asawa. Kung hindi, walang
magmamana sa aking trono. Kailangan mo ng gampanan ang tungkulin mo
bilang prinsesa.”, paalala ng kanyang ama sa kanya habang kumakain sila
ng hapunan. Alam ni Mala ang tungkol sa bagay na iyon ngunit wala lang
talaga siyang matipuhang lalaki sa kanilang tribo. Kinagabihan, habang
namamahinga sa kanyang silid, inisip niya ang tungkol sa bagay na ito
hanggang sa makatulog siya. Nang gabi na din na iyon, nanaginip siya
tungkol sa isang mysteryosong hayop. Lumapit sa kanya ang hayop at
namalayan niyang ito’y isang dragon. Nabasa ng dragon ang kanyang isip.
“Ako si Seing To, ang dakilang tagapag bantay ng inyong tribo. Nais kong
iparating sa inyo na dadating ang tagtuyot sa baying ito tatlong araw
makalipas ang panaginip mo na ito.”, sabi ng dragon. “Wala na bang ibang
paraan para maligtas ang aking bayan?”, tanong ni Mala. “Sabi ko na nga ba
na tatanungin mo iyan. Syempre meron. Kailangan niyong magalay ng isang
dalaga.”, sagot ng dragon. “Dalaga? Sinong dalaga? Saan?”

“Anak! Gising. Nananaginip ka. Mala?! Mala!” Biglang napatayo si Mala


mula sa kinahihigaan niya. Nang matauhan, nakita niya ang kanyang ina na
nasa tabi niya. “Anak ko, anong nangyari? Ayos ka lang ba?” “Opo ina. Ina...
Ang tribo natin… Daranas ng matinding tagtuyot… Kailangan… Mag-alay ng
isang dalaga.”, sabi ni Mala habang hinahabol ang kanyang hininga. “Mala,
ano ba yang sinasabi mo?”, tanong ng kanyang ina. Kinuwento ni Mala sa
kanyang ama’t ina ang nangyari sa kanyang panaginip. Nangamba ang
kanyang ama. Hindi niya nais na may magdusang pamilya ngunit mas lalong
hindi niya nais na mamatay ang lahat ng kanyang nasasakupan. Kinunsulta
ng datu ang isang orakulo tungkol ditto, tinanong kung may iba pa bang
solusyon. “Ang mga ganitong bagay ay hindi na mapipigilan pa. Kung ano
lang ang solusyon na sinabi ng elementong iyo, yun lang ang tanging
makapipigil sa pangyayari.” Kinagabihan ng ikalawang araw, nanaginip ulit si
Mala. “Kailangan niyo ng magalay bukas, kung hindi dadating na ang
tagtuyot sa susunod na araw.”, sabi ni Seing To. Naisip ni Mala na kung siya
na lang ang mag-aalay ng kanyang buhay, hindi na mahihirapan pa ang
kanyang tribo… ang kanyang bayan. “Ako na lang ang mag-aalay ng aking
sarili.”, sabi ni Mala. “Kung gayon,” tugon ng dragon, “tumungo ka sa ilog ng
Salween at doon kita susunduin.”

Kinabukasan, tumungo si Mala sa ilog. Hindi niya ito sinabi sa kanyang


ama at ina, pati na rin sa kahit na sino sa tribo nila. Medyo malayo layo ang
lalakarin niya. Nang mapagod siya, namahinga siya sa ilalim ng isang
malaking puno… nakatulog. Nagising siya nang may marinig siyang kaluskos
ng dahon. Sa ‘di kalayuan, may isang lalaking nakatayo, iniipon ang mga
kahoy na makita sa paligid. “Ang paligidd…”, bulong ni Mala sa kanyang
sarili. Tumingin siya sa kalangitan, “Gabi na pala.” “Gising ka na pala. Alam
mo bang delikado para sa isang kagaya mo ang maiwang mag-isa dito sa
gitna ng gubat? Anong ginagawa mo dito?”, tanong ng lalaki.”Ako nga pala
si Matsuo. Isa akong prinsipe mula sa tribo ng Mongnai.” Hindi nakasagot si
Mala, sa halip ay napatitig lamang sa mat ng lalaki. Matagal bago nagsalita
muli ang lalaki at iniwas ang tingin. “Ikaw, sino ka? At bakit ka nandito?”
“Ako si Mala, prinsesa mula sa tribong Shan. Nandito ako upang magtungo
sa ilog ng Salween. Ngunit sa palagay ko ay nakatulog ako dito habang
ako’y namamahinga.”, sabi ni Mala. Nakwento rin ni Mala ang tungkol sa
panaginip niya at ang tungkol sa pag-aalay ng kanyang sarili sa dragon.
“Hindi maaari. Hindi ka maaaring mamatay.” “Ngunit bakit?”, tanong ni
Mala. “Papunta sana ako sa inyong tribo, upang pakasalan ang prinsesa.
Ngunit heto, nakita kita dito, at ako’y nabighani sa iyong kagandahan. Nang
malaman kong ikaw ang prinsesa, nahulog lalo ang loob ko sa iyo.”
Natahamik ang prinsesa, umiiyak. “Sa palagay ko’y nahulog na rin ang loob
ko sa iyo. Dahil sa kabaitan mo, at dahil sa hangad mong ako’y mailigtas.
Ngunit hindi na mababago ang kapalaran.”, uniiyak na tugon ni Mala.
Niyakap siya ni Matsuo, mahigpit na niyakap. Ngunit bumitiw si Mala,
“Kinakailangan ko ng magmadali at tumungo sa ilog.” “Sasama ako sa’yo.”
“Ngunit paano ang pamilya mo?” “Tanging ikaw na lang ang mahalaga sa
mga oras na ito.”
Nagmadali silang tumungo sa ilog. Kakilangang makarating sila doon
bago mag-umaga. Ilang beses nadapa si Mala dahil sa madilim sa loob ng
kagubatan at tanging ay liwanag lang ng buwan ang gumagabay sa kanila.
Naghihintay sa ilog ang dragon. “Nandito na ako.”, sabi ni Mala. “Halika na
at sumama ka na sa akin.”, sambit ng dragon. Kinuha ng dragon ang
kaluluwa nito mula sa katawan ni Mala hanggang sa bumuwal siya. Nasalo
agad ni Matsuo ang katawan ni Mala. “Mala, sinta huwag mo akong iwan.
Isama mo ako sa iyo.” “Maaari kang sumama.”, sabi ng dragon. “Kung
gayon sasama ako sa inyo, sasama ako kay Mala.” Kinuha rin ni Seing To
ang kaluluwa ni Matsuo gaya ng ginawa niya kay Mala. Nakahimlay ang
katawan ng dalawa sa tabi ng ilog, yakap ni Matsuo ang katawan ni Mala.

Nang umaga na, dito na natagpuan ng mga taga-Shan at taga-


Mongnai ang katawan ng kanilang prinsesa, kasama na ang katawan ng
prinsipe. Hindi lubos na maisip ni Nok Lek at Khin Myo ang nangyari, pati na
rin ang ama’t ina ni Matsuo. “Anak ko,”, umiiyak na sabi ni Nok Lek,”Hindi
mo kinailangang gawin ito. Ngayon ang lahat ay wala na.” Niyakap niya si
Khin Myo. Isinagawa nila ang ritual para sa mga patay at sinunog ang
katawan ng dalawa, magkasama, habang dumadaloy sa ilog ang bangkang
sinasakyan ng mga ito. Pagbalik sa tribo, inilabas ni Nok Lek ang baul na
naglalaman ng iba’t ibang storya at tinipon ang lahat ng mga Shan, kasama
na rin doon ang mga taga-Mongnai. “Itong baul na ito ay naglalaman ng
iba’t ibang kwento tungkol sa iba’t ibang bagay. Pagsasama samahin ko
itong lahat at tatawagin ko itong mga alamat, mula sa pangalan ng aking
anak na si Mala, at ang kanyang mahal na si Matsuo.” Ang mga alamat na
ito ngayon ay naibahagi na sa iba’t ibang mga tao at, ang iba, ay
pinaniniwalaan ang mga ito.

You might also like