Professional Documents
Culture Documents
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong
palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon
at narining angtinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo,
napakarami!" angpagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas.
At kapagnakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi
naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng
kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang
lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon
at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging
isang itim naibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
aynabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng
uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At
sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto
sa pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya
ay malapit na, napadaansiya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya
ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa
bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa
ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais.
Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na
upanganihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-
bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito
athumanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-
ani bukas at huhulihin upang patayin!"
Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay
lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo
upang manirahan dito."
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay
nadumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-
anak ako lalapitupang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"
"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina.
Ngunitmuli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang
siya aasa hindimagsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga
iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang
magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na
bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan
kundi ang ating mga sarili!"
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito
ang sinabi ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi
ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala!
Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"
Si Pagong at Si Matsing
“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang
pagkain” dagdag pa nito.
“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling
Muning” sabi ni Pagong
Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni
Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.
“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na
lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.
“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko
itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni
Pagong
“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”
“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?”
nakangising sabi ni Matsing
Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang
si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta
ang tanim na saging ni Matsing.
Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo
nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.
“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at
natuyo”sabi ni Matsing
“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang
bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong
“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito
“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.”sabi ni
Pagong
“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t
bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing
Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno.
Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.
“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!”
tuwang-tuwang sabi ni Matsing
Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik
sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng
tulong kay Pagong.
“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang
uulan ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing
“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang
malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni Pagong sabay
alis papunta sa bahay ni Aling Muning
Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si
Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita
niya itong naglalakad sa may kakahuyan.
“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.
“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at
susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni Pagong
“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka” sabi ni Matsing
“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at
matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni
Pagong
“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa
malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing
“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong
lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong
Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong
itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-
bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan
nito sa tubig.
“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa
dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong
Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan.
Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.
Sabi nga:
Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng pagkain
para sa panahon ng tag-ulan.
Ang mayabang na tipaklong naman ay pakanta kanta lang. Panay ang pamamasyal. Kung pagod
na siya ay matutulog na siya. Nang dumating ang tag-ulan, walang naipong pagkain ang
tipaklong.
Humingi ng pagkain ang tipaklong sa langgam, nagdahilan siya na mayroon siyang sakit.
Tinanggap ni tipaklong ang pagkain kahit nahihiya siya kay langgam. Nangako siya sa sarili na
magiging masinop na rin siya para mapaghandaan ang tag-ulan
Isang araw, isang pagong (turtle) ang naghihingalo dahil sa labis na gutom at uhaw. Dalawang
ibon ang nakakita sa pagong na iyon. Tinulungan siya ng mga ibon na kumuha ng isang
kahoy. Hinawakan nila ang kahoy sa magkabilang dulo gamit ang
kanilang tuka. Nakasabit sa gitna ng kahoy ang pagong, gamit naman ang kanyang
bibig. Inilipad siya ng dalawang ibon na ito upang dalhin siya sa ligtas na lugar.
Nasa himpapawid sila ng marinig nila ang usapan ng mga taong nag-uusyoso. “Tingnan
ninyo! Kamangha-mangha ang mga ibon! Hila-hila nila ang isang pagong.”
Ibig magyabang ng pagong at nais niyang magpasikat sa mga tao. “Kumusta na kayo?” sigaw
niya.
Nakita ng uwak ang agila na dala-dala ang isang tupa sa himpapawid. Nakita rin niya nang
dalhin nito ang tupa sa pugad.
Naiingit ang uwak kaya ginaya niya ang agila. Sa kanyang paglipad, nakakita siyang tupa at ito
ay kanyang dinagit. Nagulat siya sa kanyang natuklasan na bukod sa mabigat ang tupa, sumabit
pa ang kanyang kuko sa balahibo nito.
Nakita siya ng nag-aalaga ng tupa kaya’t agad siyang hinuli nito at inilagay sa kulungan.
Pinagtawanan siya ng agila at ng mga ibon nang makita siya ng mga ito.
Isang araw, may isang lobo na pumunta sa bukid ni Mang Isko. Nakita ni Mang Isko ang lobo,
nabaitan siya dito dahil hindi man lang hinabol ng lobo ang mga alaga niyang tupa. Sa halip,
binabantayan pa ng lobo ang mga tupa.
Minsan, pupunta si Mang Isko sa bayan. Bibili siya ng pagkain. Kinausap niya ang lobo na
bantayan nito ang mga alagang tupa.
Pagbalik ni Mang Isko, siya ay nagulat sa nakita. Patay ang tatlong tupa na kanyang alaga at
wala rin sa paligid ang lobo.
Nasabi nalang niya sa sarili na “isang masamang hayop ang lobo at hindi ito
mapagkakatiwalaan.”
Isang araw, may isang mangangaso na nakahuli ng batang usa. Ito ay dinala niya sa kanyang
bahay. Sinalubong siya ng kanyang mga alagang aso. Pagalit na itinaboy ng mangangaso ang
kanyang mga alaga. Sinabi niya sa sarili n asana ay maturuan niya ang usa upang sumunod ditto
ang magugulo niyang mga aso.
Lumaki ang usa at nagging kaibigan niya ang mga aso.
Isang araw, lumabas ng bakuran ang usa. Maraming mga ligaw na aso ang nagkalat sa
kalsada. Pinuntahan ng usa ang mapanganib na mga aso at sinubukan niyang makipaglaro sa
mga ito. Nagulat ang mga aso sa ikinilos ngusa. Bigla siyang sinunggaban ng mga ito.
Nag isip-isip ang naghihingalong usa, naisip niya kung bakit kailangang humantong sa kanyang
wakas ang pakikipag kaibigan sa mga aso.
Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla
itong magsalita at tumutol.
"Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!"
"Bakit?" tanong ng tigre.
"Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng
mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin .
Parurusahan ka Niya."
Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa
buong kagubatan!"
"Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!"
Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng kagubatang may
mga iba't ibang uri ng hayop.
Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan nanag
takot na takot.
Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang katakutan!"
Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong
natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.
Kasalukuyang pinag-aagawan ng mga bubuyog at ng mga putakti kung sino ang magmamay-ari
ng pulot sa may pukyutan.
Sa hindi pagpayag ng magkabilang panig sa pakikipagkasundo, nauwi ito sa korte.
Ayon sa hukom (na isa ring insekto) hindi madaling magdesisyon kung sino ba ang nagsasabi ng
totoo sa magkabilang panig.
May mga testigo na nagsasabing ang mga insektong nakitang labas pasok sa pukyutang iyon ay
mga may kulay itim at dilaw. Ngunit hindi ito naging mabisang pahayag upang malaman kung
sino talaga ang nagmamay-ari ng pukyutang iyon, dahil parehong may itim at dilaw ang katawan
ng mga bubuyog at putakti.
Kaya't nagdesisyon ang hukom na maghintay pa at maghanap ng ibang impormasyon tungkol
dito.
Sa naging pahayag ng hukom, naisip ni reynang bubuyog na baka sa haba ng kanilang
paghihintay ay masira na ang mga pulot sa pukyutang iyon. Kaya't nakaisip siya ng solusyon,
sinabi niya sa hukom na nais niyang ang bawat panig ay muling gumawa ng panibagong pukyot,
at kung sino man ang mas pinakamabilis na maktapos ng pukyot ang siyang magmamay-ari ng
pulot sa pukyutang iyon.
Sa kasamaang palad, ang mga putakti ay hindi talaga nakgagawa ng sarili nilang pukyot, kaya't
hindi nila tinanggap ang suhestiyong iyon. Dahil sa hindi nila pagpayag sa kasunduang iyon,
nagdesisyon na ang hukom na ibigay ang pukyot sa mga bubuyog.
May isang inahing manok ang may anim na sisiw. Kung nasaan ang inahing manok ay naroon
ring nakasunod ang mga sisiw nito. Palagi silang sagana sa pagkain kaya sila'y palaging masaya.
Sa isang isang bakuran naroon sina inahing bibi at ang kanyang anim ring mga maliliit na bibi na
nagsisipaligo at naglalaro sa isang maliit na balon.
Natanaw ng mga sisiw ang mga nagsisipaglangoy na mga bibi. Lumapit sila sa gilid ng balon at
doo'y pinanood ang masasayang mga bibi.
"Umalis kayo sa gilid ng balon!", sigaw ni inahing manok.
Waring walang narinig ang mga sisiw sa sinabi ng inahing manok. "Masdan n'yo ang mga sisiw
na nagsisipaligo sa balon," ang sigaw ng isang sisiw.
"Hindi iyon mga sisiw. Sila'y mga bibi. Hilig nila talaga ang tubig. Umalis na kayo sa gild ng
balon dahil baka kayo'y mahulog at malunod. Halina kayo't tayo'y aalis na." ang wika ng inahing
manok.
Patungo na ang inahing manok sa kanilang pugad kasunod ang limang sisiw. Ang isang sisiw ay
nagpaiwan at nanatiling nakamasid sa mga nagsisipaligong bibi.
Naisip niyang kung kayang lumangoy ng mga maliliit na bibing iyon sa tubig ay kaya rin niyang
isang sisiw. Kaya't siya'y tumalon sa tubig, ngunit huli na ang lahat nang mapag-isip-isip ng
matigas na ulong sisiw na hindi niya kayang lumangoy, kaya't siya'y nalunod..
May isang palaka na naninirahan sa isang balon at ipinagmamalaki niya ang pagtira niya roon.
"Pagmasdan mo kung gaano ako kakontento sa pagtira ko dito!", ang sabi ng palaka sa
nagdaraang pagong sa tabi ng dagat.
"Kaya kong tumalon-talon paikot sa balon kung ako'y lalabas, at sa aking pagbabalik ako nama'y
mamamahinga sa mga bato. Makakaya kong tumalon- talon at magpagulong-gulong sa putikan.
Walang sino mang maikukumparang talangka o butete sa akin. Ako ang hari ng lahat ng mga
nasa tubig at ang diyos ng balon. Ano pang mahihiling ko. Bakit hindi ka lumapit dito at
kwentuhan mo ako tungkol sa iyong tirahan.
Nagsimula na ngang magkwento ang pagong tungkol sa kanyang tirahan.
"Ang aking tirahan ay higit na mas malawak at mas malalim sa tagal ng panahon, nananatili
paring tahimik ang tubig nito kaya ninais kong manatili sa karagatan."
Sa sinabi ng pagong natahimik nag palaka at medyo napahiya sa mga ikinuwento ng pagong sa
kanya.
Isang ibon ang nangitlog ng huli sa panahon na naninirahan sa isang maisan na malapit nang
anihin.
Nagsimula siyang mag-alala nang maisip niyang nalalapit na ang anihan ngunit ang kanyang
mga inakay ay hindi marunong magsilipad.
Sa tuwing siya'y umaalis sa kanilang pugad lagi niyang binibilin sa kanyang mga inakay na
palaging talasan ang kanilang nga pandinig, at sa kanyang pagbalik ay sabihin sa kanya kung ano
man ang kanilang mga narinig.
Isang gabi sa kanyang pagbalik sa kanyang mga inakay naabutan niya ang mga itong takot na
takot.
Nagsalita ang nakakatandang inakay: "Sinabi ng may-ari ng taniman ng mais sa kanyang anak na
tumawag na ng mga kaibigan upanng masimulan na ang pag-aning mga mais."
"Iyon lang ba? Nakangiting sabi ng inahing ibon. "Huwag kayong mangamba makikita n'yo at
walang mangyayari."
Kinaumagahan wala ni isa man sa mga kaibigan ng may-ari ang dumating. Sa pangalawang
pagakataon muling nagpadala ng mensahe ang may-ari ng maisan sa kanyang mga kaibigan na
tulungan silang anihin ang mga mais. At muli hindi man lang nag-alala ang inahing ibon sa
narinig. Hanggang sa isang araw ay narinig niya ang may-ari ba sinasab sa anak nitong:
"Matagal na ang isang linggo sa paghihintay. Bukas pupunta na tayo sa bukid upang anihin ang
mga mais. Pag may trabahong dapat gawin, hindi dapat umasa sa kaibigan na gawin ito para sa
iyo."
Noon lang nagdesisyon ang ibon na tuluyan nang lisanin ang lugar. Lumakas na ang kanyang
mga inakay at kaya na ng mga itong makalipad sa tagal ng kanilang paghihintay. Ngaun may
sapat na silang lakas upang lumikas na at maghanap ng mas ligtas na lugar para sa kanila.