Professional Documents
Culture Documents
I. PAMBUNGAD
Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, umiiral na ang iba’t ibang uri
ng pamayanan sa Pilipinas. Laganap ang sistemang sultanato at relihiyong Islam sa Mindanao.
Dominante ang pyudal na sistemang paghahari ng mga sultan at datu. Umiiral din ang
sistemang alipin sa ilang pamayanan at sistemang primitibo komunal sa hilagang bahagi ng
Luzon.
Sa panahon ding iyon, relatibong maunlad ang agrikultura bilang pangunahing batayan
ng ekonomiya ng bansa. May maunlad na pagsasaka, pangingisda at paninisid ng perlas.
Mayroon na ring masiglang kalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa nito
tulad ng Tsina at Arabo. Laganap ang barter bilang pangunahing uri ng komersiyo sa buong
kapuluan.
1
Sa pagdating ng mga Kastila ay nadatnan
nila ang ating mga ninuno na may
maipagmamalaking sariling sining at kultura. May
paghahabi’t paglililok, paglikha ng mga alahas na
ginto, pagpipinta, paggawa at pagpapanday ng
mga kagamitang pandepensa at pandigma tulad
ng pana, kris, tabak, kampilan at mga panangga.
Mayroon ding sariling literatura sa anyo ng mga
epiko tulad ng Biag ni Lam-ang, Hudhud, Alim at
Indararapatra and Sulayman. Sa panahong ito rin
nagkaroon ng unang naitalang alpabetong Pilipino
na kilala natin ngayon bilang alibata.
Ginamit ng kolonyalismong Kastila ang espada at krus upang sakupin at pagharian ang
Pilipinas. Ang sinumang lumaban ay pinapaslang sa pamamagitan ng espada at ang sinumang
sumang-ayon ay pinaluluhod sa krus.
Walang pag-aalinlangang binura at sinunog ng mga Kastila ang halos lahat ng mga
manuskripto at ebidensiya ng edukasyon at kultura ng mga ninuno natin sa paniniwalang ito
raw ay gawa ng diyablo. Kung hindi dahil sa pagsasalin-salin sa wika ng mga awit, epiko, at
alamat, baka tuluyan na nating nakalimutan ang makulay na nakaraan ng ating lahi.
Pinag-aral sa mga sekondaryong paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno sa
mga barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo at
cabeza de barangay. Itinayo ng mga Heswita ang Colegio de Niños noong 1596 para sa
adhikaing ito, subalit nagsara rin ito matapos ang limang taon. Ang iba’t ibang mga misyonero
2
at kongregasyon ay nagtayo ng mga pamantasan. Itinatag ng mga Heswita ang Colegio
Maximo de San Ignacio noong 1589 at ito’y naging unibersidad noong 1621.Itinatag din nila
ang College of San Ildefonso (1599, ngayo’y University of San Carlos sa Cebu), College of San
Jose (1601), College of the Immaculate Conception (1817, ngayo’y Ateneo de Manila
University). Itinatag naman ng mga Dominikano ang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo
Rosario (1611, ngayo’y Unibersidad ng Santo Tomas) at Seminario de Niños Huerfanos de
Pedro y San Pablo (1620, ngayo’y College of San Juan de Letran).
Elitista ang edukasyong pinatupad ng mga Kastila. Ipinagkait ang edukasyon sa mga
indio. Ipinako sa lupa at hindi binigyang pagkakataong makapag-aral ang mayorya ng mga
Pilipino. Ayon kay Jose Rizal, “ang ugat ng kamangmangan at kahirapan sa Pilipinas ay ang
kakulangan ng edukasyon at kaalaman, na isang sakit mula sa kapanganakan hanggang sa
katapusan.” Tinuligsa nya ang mga Kastila at mga prayle dahil hindi nakakatugon sa
pangangailangan ng mga Pilipino ang edukasyon sapagkat wala man lamang mga libro sa
kasaysayan, heograpiya, moralidad ng Pilipinas na nakabatay sa karanasan nito sa isang
sistemang pyudal. Naging hiwalay ang mag-aaral sa kanyang pinag-aaralan.
3
mga Pilipino na naging bahagi ng kilusang mapag-palaya, kabilang na dito si Paciano, kapatid
ni Jose Rizal, na malaki ang naging papel upang mahubog ang kamalayan ng kapatid.
Naitatag ang First Propaganda Movement nila Rizal, del Pilar, Lopez Jaena at iba pang
ilustradong nakapag-aral sa Europa noong huling bahagi ng ikalabing-siyam na siglo. Layunin
ng kilusang ito na palaganapin ang isang makabayan at mapagpalayang kamulatan at
edukasyon sa hanay ng mamamayang Pilipino.
Gamit ang panulat at pinsel, ipinakita ang pyudal at kolonyal na uri ng lipunan at
pagsasamantala na pinapairal ng mga Kastila sa bansa. Ang La Solidaridad ng mga
propagandista ang naging daluyan ng mga subersibong ideya upang gisingin ang sambayanan
na labanan ang mahabang panahon ng pagkakalugmok sa kahirapan sa kamay ng mga
Kastila.
Naging inspirasyon ang mga rebolusyon sa Pranses, Amerika at Latin Amerika upang
masindihan ang mitsa ng unang pambansang demokratikong rebolusyon sa bansa na
nagluwal sa armadong rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan noong 1896. Malaki ang
naging ambag ng rebolusyonaryong kaisipan at kulturang ipinalaganap ng Katipunan upang
maipagtagumpay ang kalayaang hinahangad ng mga Pilipino.
Ang panukala ni Mabini ay hindi nasunod dahil ang Konstitusyong ginawa ni Calderon
ang naipasa sa Malolos. Gayunpaman, ipinakita sa atin ni Mabini ang mga demokratikong
kahilingan ng mga Pilipino sa pagsusulong ng isang makabayan, makamasa at siyentipikong
tipo ng edukasyon.
4
Pagbalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong noong 1898, agad siyang naglabas ng mga
manipesto tungkol sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa. Ito ang tala ni Prop. Teodoro
Agoncillo tungkol sa edukasyon sa panahon ng rebolusyonaryong gobyerno ni Aguinaldo:
Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang malubos ang kanilang pananakop sa
bansa at magtagumpay ang kanilang kampanya ng pasipikasyon. Pagkapanalo ni Commodore
Dewey noong 1898 ay agad pinangasiwaan ng mga Amerikanong sundalo ang 39 na
eskuwelahan sa Maynila na may apat na libong estudyante. Ang mga naunang mga gurong
pampubliko ay mga Amerikanong sundalo. Para kay General Arthur MacArthur, isang
operasyong militar ang pagtatayo ng marami pang mga eskuwelahan bilang bahagi ng
kanilang kampanyang sakupin ang bansa.
Ang gurong Amerikano ang naging kapalit ng mga prayle o misyonaryo sa paghubog ng
isip ng mamamayan. Kung krus at espada ang ginamit ng mga Kastila sa pananakop ng
Pilipinas, naging mabisa para sa mga Amerikano ang Krag rifle at ang libro na hawak ng isang
Thomasite.
Ang mga rebeldeng ayaw sumuko at patuloy na nakikidigma ay ikinintal sa isip ng mga
bata bilang mga tulisan at masasamang tao. Isang dating guro at lider ng rebolusyon, si
Heneral Artemio Ricarte ay sinamahan ang iba pang “irreconcilables” tulad nina Melchora
Aquino at Apolinario Mabini na sapilitang ipinatapon sa Marianas Islands dahil ayaw nilang
kilalanin ang pamumuno ng Amerika sa Pilipinas. Si Heneral Malvar, Vicente Lukban at
Macario Sakay ay tinaguriang bandido ng mga Amerikano kahit kinikilala silang bayani ng
mamamayan.
6
Pilipino sa Amerika na tinawag na pensionados. Sila ang naging mga pinakamasugid na taga-
suporta ng dayuhang pananakop pagbalik nila sa Pilipinas.
Ito ang ilan sa mga obserbasyon ng Monroe Survey, ang pinakaunang sarbey sa
edukasyon sa bansa noong 1925:
Bitbit ang programang “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere”, itinuring ng Hapon
ang Pilipinas bilang isang kolonya at itinayo ang papet na gobyerno sa pamumuno ni Jose P.
Laurel kasama ang iba pang mga burgesya kumprador at panginoong maylupa.
8
Mula nang maipasa sa kamay ng papet na Republika ang pangangasiwa ng edukasyon
noong 1943, tinangkang langkapan ng konsepto ng “assertive nationalism” ang sistema ng
pagtuturo sa bansa. Ito man ay nayonalismong katanggap-tanggap sa mga imperyalistang
Hapon, hindi maikakaila ang magandang intensiyon ng ating mga lider upang itatag ang isang
makabago at makabayang edukasyon.
Hindi nagtagal matapos ang pagkatalo ng mga Hapon, ipinagkaloob ng US ang huwad
na kalayaan noong Hulyo 4, 1946, bilang pagsunod sa Tydings-McDuffie Law. Ngunit, tiniyak
ng US na dominado pa rin nito ang pulitika, ekonomiya, militar, kultura at relasyong
diplomasya ng bansa. Matapos na masira ang kalakhan ng bansa dahil sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, ginamit ng Estados Unidos ang Rehabilitation Acts at Bell Trade
Agreements upang matali pa rin ang Pilipinas sa mga dikta ng imperyalistang bansa. Sa
ganitong paraan umusbong ang malakolonyal at malapyudal na katangian ng bansang
Pilipinas.
9
Mula dekada sisenta hanggang nobenta ay mahigit walong libong mga Amerikanong
Peace Corp Volunteer ang ipinadala sa bansa upang magturo sa mga eskuwelahan na parang
mga Thomasites at naging estudyante nila maging ang mga Pilipinong guro. Sa pamamagitan
ng mga Amerikanong foundation tulad ng Ford, Luce, Rockefeller, at Fulbright ay nagpatuloy
din ang paghubog ng mga Pilipinong estudyante na tapat at sumasamba sa lahat ng
perspektibang pabor sa interes ng US.
Sa paglipas ng mga taon, ang edukasyon
Number of Private Tertiary Schools
ay pinagkakakitaan na ng malalaking
Year Schools Growth Enrollmen Distribution negosyante. Pagkatapos ng digmaan,
Rate t biglang lumobo ang bilang ng mga
1945 105 --- 40,879 90 pribadong paaralan sa bansa. Ang
1950 401 282 176,996 93 dominasyon ng pribadong sektor sa kolehiyo
1955 351 (12) 174,099 85
ay walang kaparis sa buong mundo.
1960 339 (8) 261,477 87
1965 440 30 468,000 89 Naglipana ang samu’t saring mga
1970 597 36 584,000 90 eskuwelahang namimigay ng diploma sa
1975 628 5 666,000 86 katapat na presyo na walang pinagkaiba sa
1980 774 23 1,069,000 85 iba pang kalakal sa pamilihan. Ang pagdami
1985 785 1.4 1,376,000 85 ng mga eskuwelahan ay nagdulot ng
pagbulusok ng kalidad ng edukasyon dahil
Source: DECS Statistical Bulletin, 1989
sa labis na paghangad ng tubo kaysa
magbigay ng tamang serbisyo sa lipunan.
Ito rin ang paliwanag sa tila mapagkawang-gawang donasyon ng World Bank sa sektor
ng edukasyon ng Pilipinas. Nais nitong matiyak na tutuparin natin ang ating obligasyon na
magtustos ng mga semi-skilled laborers sa pagsuporta sa ating basic education.
Humantong ang aktibismo ng kabataan sa kinikilala natin ngayong First Quarter Storm
ng 1970. Sa unang tatlong buwan ng taon ay nagdaos ng malawakang pagkilos ang mga
kabataan sa buong bansa bilang protesta sa kahirapan at umiiral na kaayusan sa lipunan.
12
Pagsidhi ng krisis sa edukasyon sa panahon ng Rehimeng Marcos
Upang itago ang idinudulot nitong krisis sa pulitika tulad ng paglaban ng mga
manggagawa, magsasaka at kabataang estudyante, kabilang na rin ang planong pagbabago
sa makadayuhang Konstitusyon, nagsagawa ang pamahalaan ng ilang pagbabago sa iba’t
ibang ahensiya nito.
Sa ulat ng PCSPE (Education for National Development, New Patterns, New Directions)
noong 1970, sinabing hindi raw napapakinabangan ng husto ang ating mga graduate dahil
hindi angkop sa manpower requirement ng ekonomiya. Nagpanukalang baguhin ang pokus ng
edukasyon sa bansa sa paghuhubog ng trainable at mobile assembly line ng mga semi-skilled
na manggagawa, farmhand, at mga craftsmen.
Malaki ang naging implikasyon ng ulat para sa edukasyon ng mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyan. Ginamit ang PCSPE upang tuluyan ng i-overhaul ang edukasyon upang maging
sandigan ng pre-industrial, backward agricultural at foreign dominated na ekonomiya ng
bansa.
Dahil sa mga pagbabagong ito, lumitaw ang mga kursong mataas ang demand sa ibang
bansa. Lumaki ang bilang ng mga manggagawang (karamihan ay inhinyero) pinadala natin sa
Middle East mula 1975 (12,500), 1977 (36,676) hanggang 1980 (157,394). Paparami rin ang
mga seamen na napapakinabangan ng mga dayuhang korporasyon at umabot ito sa rurok na
140,000 noong 1990. Tinugunan ng PCSPE ang papel ng Pilipinas sa pagsuplay ng murang
lakas paggawa sa buong mundo.
Noong 1972 ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Education Development Act of 1972
na naglalayong magkaroon ng isang “development education” sa susunod na sampung taon.
Gamit ang inisyal na alokasyon na P500 milyon at sa tulong ng WB, ginabayan nito ang pag-
13
unlad ng ekonomiya sa kanayunan upang mapadali ang integrasyon nito sa pandaigdigang
kapitalistang agrikultura.
Ginamit ang dayuhang kapital upang lalong patatagin ang pagkiling ng edukasyon sa
pagsuplay ng mga bagong graduate na may sapat na kasanayan at mapapakinabangan nang
husto ng mga dayuhan. Ang dating Philippine College of Commerce ay ginawang Polytechnic
University of the Philippines. Ang UP ay hinati sa mga autonomous unit na may kanya-
kanyang ispesyalisasyon at itinayo ang mga bagong programa mula sa pondo ng mga
dayuhang korporasyon at bangko na tumutugma sa disenyong inilatag ng PCSPE. Itinatag ang
Philippine Center for Advanced Studies sa UP Los Banos, College of Fisheries sa UP Visayas,
Health Sciences Center sa UP Manila at Asian Institute of Tourism, School of Economics,
College of Business Administration at Transport Training Center sa UP Diliman.
Luminaw pa ang tunay na layunin ng mga bagong programa sa edukasyon nang mismo
ang WB ang naglaan ng $767 milyon para sa Textbook Development Program ng bansa. Ang
plano ay ang pagsusulat ng mga bagong aklat ng mga guro at estudyante mula Grade 1
hanggang hayskul.
Noong 1984, tinatayang may 85-92 milyong kopya ng mga teksbuk ng WB ang
naipamahagi sa mga eskuwelahan sa buong bansa. Ang humubog sa ating murang kamalayan
ay mga aklat na disenyo ng mga dayuhang may motibo at interes na kontra-Pilipino.
Sa kabilang banda, ang mga kursong pilosopiya, agham panlipunan, sining at literatura,
law, education, economics at business ay naging bahagi naman ng pagpapalaganap ng
kulturang maka-US at konserbatibo. Ang mga paaralan ay naging instrumento para sa
indoktrinasyon ng malakolonyal at malapyudal na kultura at kaalaman.
Isinabatas naman ang Education Act of 1982 sa kabila ng malawak na pagtutol mula sa
sektor ng edukasyon. Ito ang nagbigay daan sa malayang pagtataas ng matrikula sa mga
pribadong paaralan at nagpatindi ng krisis sa edukasyon. Ginawa ito ni Marcos bilang suhol sa
mga pribadong paaralan upang suportahan nila ang mga itinakdang programa’t proyekto ng
WB sa edukasyon.
Noong 1969, pinangunahan ng Manila Public School Teachers’ Association ang kauna-
unahang mass-leave ng mga guro upang hilingin ang pagpapatupad ng pagtaas ng sahod at
iba pang benepisyo. Noong 1974 ay kinilala ng Supreme Court ang petisyon ng mga guro sa
pribadong paaralan na magtayo ng unyon. Noong 1978 ay itinayo ang kauna-unahang welga
ng mga manggagawa sa edukasyon ng mga empleyado at guro ng Gregorio Araneta
University Foundation. Pagkaraan ng ilang linggo ay napatalsik nila ang kinamumuhiang
presidente ng pamantasan at ibinigay ang hinihiling nilang pagtaas ng sahod.
Noong 1977 ay binuo ang alyansa ng mga estudyante laban sa pagtaas ng matrikula.
Naglunsad ng mga koordinadong boykoteo, martsa at noise barrage ang mga estudyante sa
iba’t ibang kampus at maraming paaralan ang napilitang magbaba ng matrikula, habang ang
iba’y pumasok sa negosasyon at nagbigay ng konsesyon sa pasilidad sa kampus.
14
Naging inspirasyon sa maraming eskuwelahan ang patuloy na paglaban ng mga mag-
aaral at guro ng UP mula nang maipataw ang batas militar sa bansa. Iginiit ng di-iilang
pamantasan ang karapatan nilang maging daluyan ng demokratikong ideya, pabor o palaban
sa namumunong rehimen ng bansa.
Taong 1980-81 ng muling nilunsad ng mga mag-aaral ang kilusang boykot laban sa
pagtaas ng matrikula. Sa pagkakataong ito, mahigit 400,000 na mag-aaral ang lumahok sa
boykot sa mahigit 60 na paaralan sa buong bansa. Matapang na nilabanan din ang Education
Act of 1980 dahil sa idudulot nitong pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan at atake
sa awtonomiya ng mga pampublikong pamantasan. Napigil ang pagsasabatas nito ng
dalawang taon.
8.9 9
9.9 9.7
8.9
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
00
01
02
03
pa 4
/ p al)
)
0
al
19
19
19
19
19
19
19
20
20
20
19
19
19
19
19
19
19
19
19
19
19
19
20
20
ti
ti
r
ar
Education
te
ct
0 6 jec
je
16
Nagbunyi ang mamamayan sa pagpapatalsik sa diktaturyang Marcos at malaki ang
inaasahan sa bagong luklok na rehimen na isasakatuparan nito ang mga pagbabagong
kinakailangan ng bansa upang pigilan ang pagbulusok ng ekonomiya at krisis sa lipunan.
1. MECS Order #22 series of 1986 na naglagay ng ceiling ng 15% tuition fee increase para
sa non-accredited na paaralan at 20% para sa mga accredited.
2. DECS Order #37 series of 1987 10% tuition fee increase para sa mga accredited na
eskuwelahan.
3. DECS Order #39 series of 1988. Nagsaad na wala ng ceiling ang tuition fee increase.
Naamyendahan bilang 39-A matapos ang malawak na pagtutol.
4. DECS Order #6 series of 1989. Walong pisong tuition fee increase sa upperclass at
deregulasyon ng matrikula sa freshmen
5. DECS Order #37 series of 1990 na hindi na regulated ang matrikula sa mga freshmen,
hayskul at kolehiyo, pagsulat ng waiver, at pagtaas ng matrikula sa upper year ay batay
sa tantos ng implasyon.
6. DECS Order #50 series of 1990. Pagluwag sa tuition fee increase sa mga 1st year sa
mga paaralang may accredited na programang umaabot sa level 2.
7. DECS Order #136 series of 1990. Nagpahintulot ng dalawang beses na pagtataas ng
matrikula sa loob ng isang taon sa Region 3,4,5 at NCR.
8. DECS Order #16 series of 1991. Pagtataas ng matrikula batay sa regional inflation.
9. DECS Order #30 series of 1991. Nagtakda ng 30% tuition fee increase.
10. DECS Order #137 series of 1992. Deregulasyon ng tuition fee increase ng 18 “excellent
schools.”
11. DECS Order #21 series of 1993. Deregulasyon ng tuition fee increase sa lahat ng antas.
17
Higit na pinaboran ang paglaki ng papel ng pribadong sektor sa edukasyon nang
isinabatas ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o
GASTPE. Naglaan ng subsidyo ang pamahalaan sa mga pribadong eskuwelahan upang
pagtakpan ang kakulangan nito na ibigay ang libreng edukasyon sa mga Pilipino. Babayaran
diumano ang tuition ng mga mahihirap subalit hindi naman pinigilan ang taunang pagtaas ng
matrikula na siyang hinahanap na tulong ng mga kabataan at mahihirap.
Ginamit ng rehimeng Ramos ang EDCOM upang maisulong ang programang Education
2000. Nakabatay ito sa binalangkas na Medium Term Philippine Development Plan o
Philippines 2000. Lulutasin daw ang kahirapan sa pamamagitan ng “people empowerment at
global competitiveness.” Panibagong rekomendasyon ito ng IMF-World Bank na higit na
pinatingkad ang malapyudal na ekonomiya ng bansa. Upang maisakatuparan ito, ginamit na
stratehiya ang deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon.
Ang Education 2000 daw ang solusyon sa matinding krisis sa edukasyon. Kapuna-puna
ang mga panukala nito: “relaxing or liberalizing the heretofore restrictive regulatory
framework for private education; and rationalizing the role and function of the state tertiary
system of education.”
Mula 1992-95, dumoble ang bilang ng mga pribadong paaralan sa bansa. Sumulpot ang
mga pre-school na nagongolekta ng napakataas na matrikula dahil sa patakarang
liberalisasyon. Sa paanyaya ng pamahalaan, naglipana ang mga eskuwelahang nagtataguyod
daw ng ‘global competitiveness’, partikular ang mga IT schools. Napakinabangan ng husto ng
ibang bansa ang ating mga bagong graduates habang patuloy na nakapokus ang ating
edukasyon sa dayuhang pangangailangan.
Ginawa ng CHED ang Long Term Higher Education Development (LTHEDP) 1996-2005
na pawang pagsunod sa dikta ng dayuhan na bawasan ang badyet sa mga kolehiyo,
magpokus sa agham at teknolohiya at umayon sa globalisasyon ng edukasyon. Kapuna-puna
ang CHED Memo #59 na naglimita ng mga kursong social sciences sa kolehiyo. Ikinatuwa ng
mga MNCs at mga malalaking negosyante sa bansa ang pagsasabatas ng Dual Training
System Act dahil sa ibinunga nitong maramihang internship ng mga estudyante sa kanilang
mga kumpanya.
Binuo noong Disyembre 1998 ang Philippine Education Sector Study (PESS) at
Presidential Commission on Educational Reform (PCER) at may siyam na rekomendasyon sa
edukasyon na inaprubahan ng pamahalaan kasama ang WB, ADB, COCOPEA, Philippine
Chamber of Commerce, at ang mga negosyanteng sina Aguiluz at Ayala.
Tumutugon ang pamantayan ng LTHEDP sa disenyo ng IMF-WB. Paiigtingin lalo nito ang
krisis sa edukasyon dahil layon nitong maipatupad ang mga sumusunod pagdating ng taong
2010:
• Nabawasan na ang bilang ng mga SCU ng 20% ng kabuuang bilang ngayon
• 6 na SCU ay semicorporatized na ang operasyon.
• 20% ng mga SCU ay kumikita ng sarili at hindi na humihingi ng pondo sa
pamahalaan sa pagbebenta ng mga intellectual product at mga grant.
• 50% ng mga SCU ay may aktibong income generating projects.
• 70% ng mga SCU ay may tuition na katumbas ng mga pribadong paaralan.
• 15 kolehiyo sa bansa ang may pre-baccalaureate system.
• 60% ng mga pamantasan ay may kolaborasyon sa malalaking industriya at
negosyo.
20
2. Medium Term Higher Education Development and Investment Plan (MTHEDIP) 2001-
2004. Ito ang ambisyosong programa ng CHED sa susunod na tatlong taon batay sa mga
ginawang rekomendasyon noon ng PCER at PESS. Layon nitong bigyan ng solusyon ang isyu
sa mababang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo at ang usapin ng equity o access ng
mahihirap sa mga pamantasan. Subalit tila niloloko ng CHED ang kanyang sarili dahil ang
ibinabandila nitong programa ay nais idebelop ang edukasyon sa kolehiyo sa pamamagitan ng
pagbabawas ng mga pampublikong kolehiyo sa bansa.
Binabalangkas din ng programang ito ang mapping ng mga kolehiyo sa bansa ayon sa
ekonomikong potensyal ng mga rehiyon. Aayusin ang lokasyon ng mga pamantasan batay sa
specific field of expertise ng mga rehiyon tulad ng agrikultura sa Timog Katagalugan,
pagmimina sa rehiyon ng Cordillera, fisheries sa kanlurang Visayas at Arts and Sciences sa
Maynila.
21
4. English as medium of instruction. Ipinatupad ni Gloria Arroyo ang paggamit ng
wikang Inggles sa pagtuturo ng mahigit na 75% ng mga asignatura at mga paksa sa mga
paaralan upang maagapan daw ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong marunong mag-
inggles. Naaayon ang patakarang ito sa dikta ng dayuhang merkado para sa english-speaking
cheap labor upang magtrabaho sa kanila bilang tagapag-alaga ng maysakit at matatanda,
tagasagot ng telepono, taga-transcribe ng mga diskusyong medikal, atbp. Dahil sa patakarang
ito, pati na rin ang RBEC, inilathala ng DepEd noong Mayo 2006 ang pagbaba ng average
score ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Lalong pinalala ng patakarang ito ang kolonyal na
oryentasyon ng edukasyon – isang edukasyon na nagsisilbi sa dayuhan at hindi sa sariling
bayan.
• ibatay ang MOOE sa bilang sa aktwal na bilang ng mga estudyante nang nakaraang
taon at hindi na maari pang magbigay ng dagdag na badyet sa karagdagang bilang sa
mga susunod na taon;
• mas bibigyan lamang ng prayoridad sa popondo ang mga kursong IT, natural sciences
at math, teacher education at agriiculture, ang PhD, masters at iba pang kurso ay hindi
gaanong paglalaanan ng pondo at ipephase-out alinsunod sa programa ng Asian
Development bank (ADB);
• mayroon na ring takdang bilang ng mga thesis, dissertations at studies na dapat mai-
publish upang mabigyan ng pondo sa pnanaliksik;
• upang mapanatili ang mga extension service ng SUC ay kailangang paramihin ang
output nito gaya ng bilang ng tao na nabigyan ng seminar nang walang ilalaan na
pondo upang maabot ang rekisitong ito;
• upang manatili ang mga guro sa serbisyo kailangang 80% ng kanyang estudyante ay
pumasa sa board exam.
Nakasaad sa CHED Memo 14 ang paglalagay ng ‘tuition cap,’ o hindi paghintulot sa mga
pribadong paaralan na magtaas na matrikula ng lagpas sa kasalukuyang inflation rate. Ayon
pa sa CHED, layunin din daw ng Memo 14 na gawing regular ang mga konsultasyon ng mga
pribadong paaralan sa mga magulang at estudyante. Kasama rin sa mga saklaw ng CHED
Memo 14 ang iba pang mga panukalang pagtaas ng mga bayarin sa eskwelahan
(miscellaneous fees) bukod sa matrikula.
22
Pero nananatiling inutil ang CHED Memo 14 sa pagkontrol sa taunang pagtaas ng
matrikula. Sa halip, liniligalisa ng CHED Memo 14 ang taunang pagtaas ng matrikula at
tuluyan nang tinatanggalan ang mga estudyante at magulang ng karapatang dumalo sa mga
konsultasyon. Hindi na raw kailangan ng konsultayon kapag ang pagtaas ng bayarin o
matrikula ay katumbas o mas mababa pa sa inflation rate.. Samakatwid, awtomatiko na ang
pagtataas ng matrikula sa mga pamantasang ito. Wala itong idinulot kundi palalain ang
deregulasyon ng matrikula.
Mula nang maitatag ang CHED ay ilang beses na itong naglabas ng memorandum
upang maging makatarungan daw ang konsultasyon sa pagtaas ng matrikula. Itinulak ito ng
hindi mapigil na protesta ng mga estudyante sa loob at labas ng mga eskuwelahan. Kung
tutuusin, ang reklamo ni Dr. Feliciano ng COCOPEA (“But sadly, the education sector has the
distinction of being the only industry in the economy where the students must be consulted
by the schools to the amount of tuition fees they have to pay”) ay isang pagkilala sa pagiging
epektibo ng mga protesta laban sa pagtaas ng matrikula. Walang pribadong korporasyon sa
bansa ang pwedeng diktahan ng pamahalaan kung saan dadalhin nito ang kanilang tubo
subalit nagawa nating maging batas ang paglalaan ng 70% ng kita ng mga eskuwelahan sa
pagtaas ng sahod ng mga guro, 20% sa pagdebelop ng mga pasilidad, at 10% ang pwede lang
maging tubo.
Noong 2000, binawasan ang badyet ng UP at iba pang SCU sa bansa. Ipinagmalaki ito ni
Pangulong Estrada dahil siya raw ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito.
Sinundan pa ito ng kanyang pagtatanggol kay Lucio Tan, ang nagmamay-ari ng UE at numero
unong kapitalista-edukador. Sinabayan pa ito ng pagtaas ng matrikula sa mahigit limang
daang eskuwelahan sa bansa. Ang walang pagtatanging arogansyang ito ay hindi
palalampasin ng kabataan. Naglunsad ng mga sunud-sunod na pagkilos sa mga eskuwelahan
sa buong bansa bilang pagkundena sa mga pulisiya ni Estrada sa edukasyon hanggang sa
umabot ito sa EDSA Dos. Naging tuntungan ang mga sektoral na isyu’kahilingan ng mga
kabataan upang maging mabilis ang pagpapakilos ng daang libong mga kabataan sa EDSA at
sa iba pang sentrong bayan sa buong kapuluan. Bago pumiyok si Chavit, nagkakaisa na ang
kabataan laban kay Erap.
24