You are on page 1of 2

Ang paniktikan ay galing sa unlaping PANG-; sa ugat ng TITIK (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod ng PAN-; at sa hulaping AN, sumakatwid:

pang* titik* an. Ang katumbas nito sa ingles ay literature . Ito ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Ito rin ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Ibat-ibang kahuluganng panitikan ayon sa ibay-ibang awtoridad 1.Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.

2.Webster- anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.

3.Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag. - lumilinang ng nasyonalismo - nag-iingat ng karanasan , tradisyon - at kagandahan ng kultura

4. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan

kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan

Bakitdapat pag-aralanang panitikan? 1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng isi p at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.

3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.

4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.

5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan.

Panulaan, under niya ay maikling tula, talambuhay, epiko tuluyan, under niya maikling kwento, nobela, sanaysay paladulaan, under niya ay dula, dula-dulaan, dulambuhay

You might also like