You are on page 1of 2

Manuel Quezon: Simbolo ng Pagkakaisa

Sa mga panauhin, sa mga bumubuo ng lupon ng inampalan, sa ating mga kababayan at ginigiliw kong kapwa Pilipino, isang magandang araw. Bago ako magsimula, may nais akong itanong, Ano ba ang pinagkatulad ng Sibilisasyon ng Ehipto, Griyego, at mga Romano? Bagaman kapwa umusbong ang lahat sa ibang lugar, ngunit ano ang kanilang pinagkapareho? Ito ay mayroon silang wika na siya namang ginagamit ng mga tao upang magkaintidihan at madala sila sa rurok ng kasaganaan at tagumpay. Ang wika ay isang instrumento ng tao upang maabot ang kanyang ninanais at matutong makibagay sa kanyang kapaligiran at makaagapay sa mabilis na pagbabago. Sa ating bansa, nakita ng ating mga bayani ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ang nagbuklod sa lahat upang makamit natin ang ating kaunlaran. Wika ang ginamit ng ilan sa ating mga bayani upang imulat ang ating puso sa nasyonalismo. Ngunit, isang tao lamang ang nagtagumpay na mapagbuklod ang buong Pilipinas sa isang wika. Magalak tayong lahat at magpasalamat, na kung hindi dahil sa taong ito, ay walang taling mag- uugnay sa mga Pilipino. Sino ba siya? Iyan din ang tanong ko sa aking isip at habang ako ay naglalakad sa kalye ng isang bagay ang tumambad sa akin. Nakakita ako ng isang pera, Oo, isang bente pesos. Swerte, naisip ko. Ngunit laking gulat ko nang makita ko ang mukha ng taong sasagot sa aking tanong na lumilito sa aking isipan, Walang iba kundi ang Unang Pangulo ng Komonwelt, ang butihing Ama ng Wika, Si Manuel Luis Molina Quezon ng Baler, Quezon (Tayabas noon). Malaki ang paghanga ko sa kanya nang mabasa ko ang kasaysayan niya; siya ay nagbata ng maraming hirap at nagtaglay ng masidhing pagsusumikap at masidhing pagnanasa upang maisulong ang ating Pambansang Wika at ang ating kasarinlan. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa pamahalaan upang isulong ang pagkakaisa nating mga Pilipino. Ipinanukala niya sa ilalim ng kanyang liderato ang ilang mga batas na nagpaganda ng buhay at pagasa sa kalayaan ang mga Pilipino.

Ano naman ang kanyang pinagkaiba sa ilang pangulo ng Pilipinas? Dahil siya ang nagpatibay ng isang natatanging batas, ang Commonwealth Act 184 noong 1936, na nagtatakda sa pagbuo ng isang Wikang Pambansa. Itinatag ni Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang pambansang wika para sa mga Pilipino. Matapos ang masusuing pag-aaral ng Surian, noong ika-30 ng Disyembre 1937 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Nakita ng buong Pilipinas kung paano magkaisa ang buong bansa sa ilalim ng isang wika. At nangyari iyon dahil sa matinding adhikain ni Manuel Quezon, kaya siya ang kinilalang Ama ng Wikang Pambansa. Naging matagumpay siyang pinuno ng ating bansa na nagiwan ng mahalagang tatak sa atin; ito ay ang pagkakaroon ng pambansang wika.

Kung sa puso at pagmamahal sa bayan, hindi rin siya mapapantayan. Kahit na nasa panahong sakop tayo ng mga Amerikano, ipinakita niyang mahal niya ang kanyang kapwa Pilipino at ang kanyang bayan, ang Pilipinas. Dahil ba sa Pangulo siya ng Komonwelt? O dahil siya ay bantog? Hindi, dahil likas ito sa kanya. Naalala ko tuloy nang minsang magtalumpati siya sa harap ng sambayanang Pilipino. Nagwika siya ng ganito: Mga kababayan, nais kong lagi ninyong alalahanin; na kayo ay mga Pilipino, at Pilipinas ang inyong bayan. Hindi bansa? Naisip ko, paano kung wala si Manuel Quezon? Ano kaya ang maaaring mangyari sa ating bansa? Isipin ninyo na kung walang pambansang wika ang Pilipinas, magiging isang bansa ba tayo? Hindi, marahil ay magkakawatak- watak tayo, magkakaroon ng kaguluhan at hindi uunlad ang ating bayan. Dahil ang wika ay simbolo ng pagkakaisa ba ito ay patunay ng wagas na pagmamahal niya sa ating

nating lahat at ito ang susi sa ating tagumpay. Kung hindi dahil kay Manuel Quezon, kung hindi dahil sa kanyang pangarap, at paniniwala, ay hindi magiging ganito ang ating bansa. Kaya nararapat siyang gawing inspirasyon at ipagpatuloy ang kanyang nasimulan. Dapat nating taglayin ang kanyang mga katangiang ipinamalas; ang marubdob na pagmamahal sa bayan. Hindi natin kailangang maging sikat na tao o maging makapangyarihan upang gawin iyon. Bawat isa sa atin ay maaring maging katulad ni Manuel Quezon. Paano? Sa pamamagitan ng ating puso. Kailangan nating taglayin ang pusong mapagmahal at mapagmalasakit sa inang bayan at nagpapahalaga sa ating wika. Huwag nating sayangin ang pagpapapagal ng mga dakilang taong nag-alay ng buhay sa bayan para sa ating lahat. Huwag nating hayaang kumupas ang mga adhikain at pangarap ng Ama ng Wika na magkaisa at umunlad ang bayan. Pahalagahan natin ang kanyang sinimulan at hayaang yumabong sa ating puso, ang dakilang pamana ng isang Dakilang ama, walang iba kundi ang ating pambansang wika. Kung nabubuhay lang siya ngayon, hindi niya gugustuhin ang mga parangal na ibibigay natin sa kanya. Mas magiging

masaya siya kapag nakita niyang pinagyayaman natin ang kanyang sinimulan at ginagamit natin ito upang umunlad ang ating bayan. Iyan si Manuel Quezon. Tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa, simbolo ng

pagkakaisa. Isa kang natatanging Pilipino. Mabuhay ka! At asahan mong kaming mga nagtaglay ng iyong pinagpaguran ay mas lalong pag- iibayuhin ang pagpapaunlad sa iyong dakilang pamana sa amin. Magandang araw sa inyong lahat.

You might also like