You are on page 1of 14

Narrator: Sa isang madilim na kagubatan, may malaking kahoy ang matatagpuan, ang mga bulaklak ay puti pawing kulay

luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy. Mga hayop na gumagala karamihay Siyerpe, Basiliko, Hiena at Tigre . Sa gitna ng malungkot na gubat may punong Higerang dahoy kulay-kupas, ditto nakapugal ang kahabag-habag, isang pinag-usig ng masamang palad. Dangan dooy walang Oreadang Ninfas, gubat na palasyo ng masidhing Harpias nangaawa disit naakay lumiyag sa himalang tipon ng kariktat hirap. Florante: Mahiganting langit. Bakit Mo akko pinarusahan, ano ang ginawa at ang Reyno ng Albania ay puno ng kahirapan. Ang magandang asal ay ipinapalibag, sa laot ng dagat ng kutiyat hilahil. Ang magagaling ay ibinabaon at inililibing ng walang kabaong. Bakit ganito, ang mga lilot masamay iniluklok sa trono ng puri. Ang sinumang magsabi ng katotohanan ay tiyak na makakalanggap ng kamatayan. Sa korona dahil ang Haring Linceo at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang ipinangahas ng Konde Adolfo sabugan ng sama ang Albaniang Reyno. Maawaing langit, akoy iyong kahabagan. Narrator: Ang tanging nakapagpapagaan sa paghihirap ni Florante ay ang maalala si Laura na kaniyang sinta. Florante: Kung akoy ibig mong magdusa, hiling ko lamang sa aking pagpanaw, si Laura ang aakay sa aking bangkay.Labis ang aking pananaghoy na si Laurang sinta ko ay nasa piling ni Konde Adolfo. Narrator: Nagkataong siyang pagdating sa gubat isang girero bayani ang tikas, matatanaw sa kaniyang pananamit na siya ay isang Moro na galing sa Persiang siyudad. Pinigil ang lakad ay natanaw-tanaw Anakiy ninita ng pagpahingahan. Ang morong lalaking ito ay naupo sa isang puno upang magpahinga. Aladin: At kung kay Fleriday iba ang umagaw at di ang ama kong dapat igalang, hindi ko masabi kung ang pikangtangan bubuga ng libot laksang kamatayan. Bakit ganito? Bakit ang ama ko pa? at yuyurakan na ang lalong dakila- bait, katwiray ipanganganyaya; buong katungkulay wawal-ing bahala, sampung hiningay ipauubaya. O ama, labis ang pagkagalit na aking nararamdaman, sa pag-agaw mo sa aking kasintahan, ngunit nirerespeto pa rin kita. biglang sumigaw si Florante na nananaghoy); (magugulat sa Aladin) Aladin: Sinong nananaghoy dito sa ganitong ilang? Florante: Laurang aliw niring budhi, paalam ang abang kandong ng pighati. Wala na akong magagawa kung sa piling niyay ikay masaya. Kung mabangis ka mat nagsukab sa akin, mahal ka ring lubha din sa panimdim, at kung mangyayari, hanggang sa malibing ang mga buto ko, kitay sisintahin.

Narrator: Hindi pa man natatapos ang kaniyang sinasabi, may dumating na dalawang leong pagkatapang-tapang. Florante: Paalam, O Albaniang aking pinakamamahal! Pagkabata ko nay walang inadhika kundi paglilingkod sa iyot kalinga, di makailan kang babaling masira ang mga kamay koy siyang tumimawa. Yaong aking Laurang di mapapaknit ng kamatayan man sa tapat kong dibdib, paalam, bayan ko, paalam na ibig magdarayang sintang di manaw sa isip. Bayang walang loob, sintang alibugha, Adolfong malupit, Laurang mandaraya, magdiwang na ngayo't manulos sa tawa sa masusunod na sa akin ang nasa. Narrator: Nang dahil sa boses ni Florante, natagpuan siya ng Morong lalaki. (papatayin ni Aladin yung leon, gamit yung taga niya); (aalisin sa pagkatali si Florante);(Hihimatayin si Florante, sasaluhin ni Aladin) Nang mamulat si Florante, bigla siyang sumigaw. Florante: Nasaan ka Laura, sa ganitong paghihirap. Narrator: Nang mahimasmasan Florante: Sino? Bakit ako ay nasa kamay ng isang Moro? Aladin: Huwag kang mag-alala, ikaw ay ligtas sa aking kalinga. Ngunit kung ayaw mo, hwag kang mag-isip ng masama. Kristiyano ka pa naman. Ikay taga-Albania at ako ay Persiano. Ikaw ang kaaway ng aking bayan, ngunit ikay aking sinaklolohan. Ako man ay Moro, ngunit akoy sumusunod sa utos ng langit. Florante: Kung hindi ka dumating ay kinain na sana ako ng mababangis na leon . Narrator: Inihiga ng Moro si Florante sa isang bato. Ginamot niya ang mga sugat nito. (Gagamutin yung sugat). Kinaumagahan Florante: Salamat sa iyong pagkalinga sa akin. Aladin: Walang anuman iyon. Ano ba ang nangyayarit ikay naghinagpis? Narrator: Nagsimula nang magkuwento si Florante tungkol sa kanyang buhay. Florante: Sa isang dukado ng Albaniang syudad, doon ko nakita ang unang liwanag yaring kataunay utang kung tinanggap, sa Duke Briseo na ama kong liyag! Ngayong nariyan ka sa payapang bayan sa harap ng aking inang minamahal, Princesa Florescang esposa mong hirang tanggap ang luha sa matay nunukal. Sa tuwing akoy kakalungin ng aking ama, akoy tinagurian niyang Florante Bulaklak kong Bugtong. Iyon na ang aking pangalan.

Isang araw, kwento ng aking ina, ako raw ay natutulog, sa aming bahay na malapit sa bundok, may pumasok na buwitreng sakim. Ang ina kko ay nagsisigaw sa takot, mabuti na nga lang at dumating ang pinsan kong si Epiro mula, ang ngalan niyay Menalipo, siyay may dalang pana. Niligtas niya ako. Nang ako'y sumapit ng siyam na taon, lagi kong gawa'y mag-aliw sa mg burol. Pati na rin sa mga pagtitipon ay ako ang nagpapasaya sa mga panauhin. Kung mayroon man akong matanaw na hayop, pinapana ko ito. Ito ang aking hilig. Ako ay minamahal ng duke kong ama at inang Prinsesa Floresca ng Crotona. Ako'y laging umuupo sa tabi ng matuling bukal, ako'y mawiwili sa mga nagsasayang nayades sa batis... Ako'y laging masaya sa mga laruan at sa mga binibigay ng aking mga magulang. Mahilig akong tumingin sa mga naglalarong nayades sa batis. Duke Briseo: Hindi dapat lumaki si Florante sa saya lamang. Dahil 'pag siya ay namihasa sa saya, wala siyang matatamong ginhawa. Napagdesisyunan kong ika'y aking ipadadala sa Atenas. Mag-aaral ka roon. Prinsesa Floresca: Kailangan ba talaga? Maaari ko na lamang siya turuan dito. Duke Briseo: Hindi, dapat siyang pumunta roon. Kailangan niyang mag-aral. Prinsesa Floresca: Kugn gayon, ako'y papayag na lamang. Duke Briseo: Bukas rin ay ipadadala na kita roon. Florante: Opo ama. Prinsesa Floresca: Paalam mahal kong anak. Florante: Paalam, ama at ina. [magyayakapan sila] [Pagpapatuloy ng kwento ni Florante]: Akoy ipinadala sa Atenas upang mag-aral. Ang aking maestro ay si Antenor, siya ay galing sa lahi ni Picano. Isang buwan akong nalumbay, sa aking pagkakalayo sa aking mga magulang. Halos hindi ako makakain sa sobrang lungkot.. Mayroon akong kamag-aral, Adolfo ang kanyang pangalan. Siyay aking kababayan. Anak siya ni Konde Silenong marangal. Adolfo: Ako nga pala si Adolfo . Ikinagagalak kitang makilala. Florante: Ako si Florante. Magkababayan tayo. Akoy galing rin sa Albania .

[Pagpapatuloy na kwento]: Isa siyang mabait na kamag-aral, mas matanda siya sa akin ng 2 taon. Siya ang pinakamarunong sa amin. Marami akong natutunan sa Atenas. Natutunan ko nag pilosopiya at astronomiya. Antenor: Sa astronomiya, ano ang pangalawang planeta? [magtataas ng kamay.] Antenor: Florante! Florante: Ang Venus ang pangalawang planeta. Antenor: Magaling. [pagpapatuloy]: Nang dahil roon ay akoy naging kilala sa Atenas. Nang dahil doon, nadaigan ko si Adolfo. Nalaman kong pakitang-tao lamang pala ni Adolfo ang lahat. Lumabas rin ang tunay niyang pagkatao. Antenor: Ngayoy tayoy magkakaroon ng dula-dulaan. Florante, ikaw ang magiging si Eteocles, Polinice naman si Adolfo. Ikaw si Adrasto, at Menandro, ang papel na iyong gagampanan ay si Yocasta. Magkakaroon kaya ng pakikibaka. [pagpapatuloy]: At nang dumating na ang araw, nagsimula na ang dula-dulaan, nanlisik ang kanyang mata. Adolfo: Ikaw na umagaw ng kapurihan koy dapat kang mamatay! [hahambalusin si Florante. Ililigtas ni Menandro] Florante: Salamat sa iyong liksi, kundi, ang buhay ko ay nautas. Menandro: Walang anuman, Florante kong kaibigan. Antenor: Ano ang nangyari? Florante, nasakatan ka ba? Florante: Hindi po ko nasaktan. Niligtas po ako ni Menandro. Antenor: Nang dahil sa iyong ginawa, Adolfo, ikaw ay bumalik na sa Albania . Bukas na bukas na rin. [pagpapatuloy]: Bumalik si Adolfo sa Albanya. Pagkatapos noon, akoy nag-aral pa ng isang taon sa Atenas. Isang araw, may natanggap akong sulat mula kay ama. Florante, Labis akong nalulumbay ngayon. Ang iyong mahal na ina ay pumanaw na. Napakalaking dalita ito sa ating buhay. -Ama.

Florante: Aking ina! [umiiyak] [biglang mahihimatay] [pagpapatuloy]: Dalawang oras akong walang malay. Sa sobra kong lungkot, hindi ako makausap. Narrator: Matapos ng 2 oras, nahimasmasan si Florante. Florante:[umiiyak] O, laking dalita. Totoo ba ito? Wala na ang aking ina! O ina kong mahal. Antenor: Alam kong masakit iyan sa iyong kalooban Florante. Ngunit tatagan mo ang iyong loob, h'wag kang mahapis. Florante: Maraming salamat, o guro! [pagpapatuloy] Dalawang buwan akong nakaranas ng kalungkutan, ni hindi ko ninais pang maaliw kailanman. Ikalawang sulat ni ama ay dumating. Ang nilalaman nito ay: Florante, Nais kong ikaw ay bumalik dito sa Albania. May susundo sa'yong sasakyan. - Ama Florante: Guro, ako ay pinauuwi ng aking ama sa Albania. Antenor: Ganoon ba? Ako lamang ay may ibibilin sa iyo, Florante. Florante: Ano po iyon, guro? Antenor: Huwag malilingat at pag-ingatan mo, ang higanting handa ni Konde Adolfo; pag-ilag-ilagang parang basilisko, sukat na ang hilig na mata'y sa iyo. Huwag kang magpabaya, ihanda ng lihim ang iyong sandata. Mag-ingat ka, Florante. Florante: Opo, guro, salamat po. [magyayakapan sila] [pagpapatuloy] Mga kaklase ko'y lumuluha, lalo na si Menandrong aking kaibigan, palibhasa kasi'y tunay na kaibigan. Menandro: Paalam, Florante, aking kaibigan. Florante: Menandro, salamat sa lahat. Isa kang tapat na kaibigan! [pagpapatuloy] Sa sobrang hinagpis ni Menandro, hindi na siya humihiwalay sa kanyang pagkakayakap sa akin.

Antenor: Menandro, anak, nais mo bang sumama na lamang kay Florante sa Albania? Menandro: Kung ito ay sang-ayon sa iyong kalooban ama, opo, nais ko pong sumama. Antenor: Sige, anak, sumama ka na. Menandro: Salamat, ama. [magyayakapan] [pagpapatuloy] Magpahanggang daong ay nagsipatnubay, ang aking maestro't kasamang iiwan; humihip amh hangi't nahiwalay, sa Pasig Atenas ang aming sasakyan. Bininit sa busog ang siyang katulad, ng tulin ng aming daong sa paglayag, kaya di nalaon paa ko'y yumapak , sa dalampasigan ng Albaniang s'yudad. Pagdating ko sa Albania, nkita ko agad si ama. Florante: Ama! Duke Briseo: o, aking anak! [nagyayakapan habang umiiyak] [pagpapatuloy] Muling bumalik ang sakit, nagdurugong muli ang sugat sa puso. Narrator: Matapos ng kanilang pagkikita, dumating ang embahador ng bayang Crotona. Embahador: Ako ay ang embahador ng Crotona. May dala akong sulat mula sa monarkang aking bayan. Duke Briseo: Salamat! Sa hari at sa duke ng Albania, Kami ay nanghihingi ng tulong mula sa inyong reyno. Ang Crotona ngayon ay kinubkob ni Heneral Osmalik na galing sa Persia. Tulungan ninyo kami. Hari ng Crotona [pagpapatuloy] Ayon sa balita'y pangalawa ito, ng prinsipe niyang bantog sa sangmundoAlading kilabot ng mga gerero, iyong kababayang hinangaan ko. Narrator: Napangiti ang Morong kausap at sinabing... Aladin: Huwag kang maniniwala agad sa balita dahil bihira itong magkatotoo, kadalasa'y may dagdag ito. Kung sa katapanga'y bantog si Aladin, may buhay rin namang sukat na makitil, iyong matatantong kasimpantay mo rin, sa kasam-ang-palad at dalang hilahil

Narrator: Sumagot si Florante at nagwikang... Florante: [pagpapatuloy] Huwag ring maparis ang gererong bantog sa palad kong amis; at sa kaaway ma'y di ko ninanais, ang laki ng duang anking napagsapit. Duke Briseo: Ihaharap kita ngayon sa hari. Narrator: Bago pa man sila makarating sa kinaroroonan ng hari, nasalubong na nila ito. Niyakap ng hari ang duke at kinamayan naman si Florante. Haring Linceo: Sino ito't saan nanggaling na siyudad? Duke Briseo: Bugtong kong anak na inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang sa isang basalyo't alagad. Haring Linceo [yayakapin si Florante]: Mabuting panahon itong pagdating mo, gagawin kitang heneral sa hukbong dadalo upang tulungan ang Crotona mula sa mga Moro. Isasabak kita sa laban. Duke Briseo: Ako'y umaayon, mapait man ito sa aking damdamin. Haring Linceo: Maraming salamat, ikaw ay sadyang matapang. [pagpapatuloy]: Nag-upuan kami at nagkwentuhan, tungkol sa aking mga karanasan sa Atenas. Narrator: Napatigil si Florante nang makita niya ang isang dalagang napakaganda. [pagpapatuloy] Nalaman kong Laura ang kanyang pangalan. Nang makita ko siya'y tila nawala ako sa aking sarili. Ako ay pinana ni Cupido. Ngayon, malapit na akong tumulak patungong Crotona. Nagpiging ng tatalong araw ang hari sa palasyong real na sa yama'y bunyi, ay di nakausap ang punong pighati na inaasahang iluluwalhati. Salamat at nang kinabukasan, hukbo ko'y lalakad sa Crotonang bayan, sandaliang pinalad na nakapanayam ang prinsesang nihag niring katauhan. Laura: O sige Florante, kung ito ang iyong nais. Narrator: Pumunta sa isang lugar na tahimik at payapa sina Florante at Laura. Laura: Ano ang iyong sasabihin Florante? Florante: Nakita kita nang magkausap kami ng hari. Napansin kong ikaw ay isang napakagandang dilag, mahinhin ang iyong kilos at galaw, ako agad ay napaibig sa'yo, o Laura, aking sinisinta. Nais kong sabihin ito sa'yo bago kami umalis at makipaglaban sa

mga Moro. Hindi ko hinihiling na sumagot ka ng oo, kundi upang ika'y maliwanagan sa aking nararamdaman, at sa pagpanaw ko ay pinabaunan ng mga hiyang perlas na sa mata'y nukal. Laura: Naiintindihan ko, Florante. Pag-iisipan ko pa ang aking nararamdaman para sa iyo. [pagpapatuloy] Dumating na ang bukas ng aking pag-alis, sino ang sasayod ng bumugsong sakit? Dini sa puso ko'y alin ang hinagpis, na hindi nagtimo ng kanyang kalis? May sakit pa kayang lalalo ng tindi, sa ang sumisinta'y mawalay sa kasi? Guniguni lamang di na ang mangyayari, sukat ikalugmok ng pusong bayani. Narrator: Nakarating na sina Florante at ang kanyang hukbo sa Crotona upang makipaglaban. Florante: Ito na ang araw ng pakikidigma. [hihinga ng malalim] Heneral Osmalik: Halika, kita ang maglaban. Narrator: Nagsimula na ang laban.. [maglalaban silang dalawa]; [mamamatay si Osmalik] Narrator: Matapos ang limang oras, napatay ni Florante si Heneral Osmalik. [makikita ring nakikipaglaban si Menandro] [pagpapatuloy] Sa tulong ni Menandro, natalo namin ang mga Moro. Nanalo kami. Nailigtas namin ang Crotona. Hari ng Crotona: Maraming salamat, mga dakilang mandirigma. Kayo ay magigiting. [yayakapin si Florante at Menandro] [ipapakita sina Florante at Menandro sa mga mamamayan ng Crotona] Mamamayan: Salamat sa nagtanggol sa amin! [pagpapatuloy] Nagsiakyat kami sa palasyong bantog, at nakapagpahinga ang soldadong pagod; datapwa't ang baya'y tatlong araw halos na nakalimutan ang gawing pagtulog. Naging limang buwan ako sa Crotona, nais ko nang bumalik sa reynong Albania, gusto ko ang makita ang aking sinta na si Laura. [pagpapatuloy] Ngayong pabalik na kami, ako'y naiinip, gusto ko nang makabalik agad sa Albania. Tila nais ko nang lumipad.

Nang kami ay makarating, puso ko'y biglang kinabahan. Nang kami'y makabalik sa Albania, ang nagwawagayway sa kuta'y hindi na bandilang binyagan, kundi Medialuna't reyno nasalakay, ni Alading salot ng pasuking bayan. [makikita nina Florante ang kaharian] Florante: Ano ang nangyari at nagkaganito? Menandro: Hindi ko alam. Florante: Sino ang babaeng iyon? Menandro: Hindi ko alam. Sa tingin ko, siya ay pupugutan ng ulo. [naisip ni Florante na si Laura ito] Florante: Sa tingin ko'y siya si Laura. [pagpapatuloy] Bigla kong sinugod ang Morong may hawak sa babae. Agad-agd kong tinanggal ang takip sa mukha, sa aking aba'y si Laura ang aking nakita. Florante: O Laura, bakit nagkaganito ka at ang Albania? Laura: Florante, salamat sa iyong pagligtas sa akin. Muntik na akong pugutan ng ulo dahil hindi ko tinanggap si Emir. Muntikan na niya akong pagsamantalahan. Sinakop ng mga Moro ang Albania, ang ama mo't ama ko, sina Haring Linceo at Duke Briseo, ay nasa bilangguan. Florante: Ganun ba? [haharap sa hukbo] Maghanda kayo ngayon, tayo ay lulusob sa Albania. Babawiin natin ang Albania! Narrator: Sumugod si Florante, kinalaban ng kanyang hukbo ang mga Moro. Si Florante ay unang tumungo sa bilangguan. [iniligtas ni Florante ang kanyang ama atbp.] Florante: O, aking ama! Haring Linceo: Salamat sa iyong pagligtas sa amin. [pagpapatuloy] Nang mailigtas ko sila, naroon din si Adolfo. Napansin kong si Adolfo ay nagdadalamhati sa kapurihan kong tinamo ang sanhi. Haring Linceo: Tayo'y magdiwang para sa kagitingan ni Florante. Siya ang tanggulan ng s'yudad. Mabuhay si Florante! Mamamayan: Mabuhay!

Laura: Florante, napag-isipan ko na ang damdamin ko ay nahuhulog na sa'yo. Mahal na din kita, o Florante. [magyayakapan sina Florante at Laura] [makikita ito ni Adolfo at magseselos ito] Narrator: Natapos ang ilang buwan ng pagsasaya... Nilusob nanaman ang albania ng mga taga-Turkiyang masakim na lubha. Haring Linceo: Florante, ikaw ang inaasahan kong magtatanggol sa ating bayan. Florante: Naiintindihan ko po. [maglalaban sina Florante at Miramolin] [pagpapatuloy] Bukod dito'y madlang digma ng kaaway ang sunod-sunod kong pinagtagumpayan; anupa't sa aking kalis na matapang, labimpitong hari ang nangagsigalang. [may kalaban sina Florante] [maglalaban] Florante: Panalo tayo mga kasamahan! [maghihiyawan] [ may darating na mensahero] Mensahero: May sulat po kayo galing sa hari ng Albania. Florante: Salamat! Florante, Bumalik ka na sa Albania. Hari Florante: Menandro, hangad ng hari na ako'y bumalik sa Albania, ipagkakatiwala ko ang hukbo sa iyo. Menandro: Naiintindihan ko, ika'y mag-ingat sa iyong pag-uwi sa Albania. Florante: Salamat. [pagpapatuloy] Nang dumating ako'y gabing kadiliman, pumasok sa reynong walang agam-agam; pagdaka'y kinubkob.. laking kaliluhan! Ng may tatlumpung libong sandatahan. [itatali si Florante]

Magtatali kay Florante: hindi mo ba alam na patay na ang hari at ang duke? Kaawaawa ka naman. [pagpapatuloy] Ang nasang yumama't haring mapatanyag, at uhaw sa aking dugo ang yumakag, sa puso ng konde sa gawang masukab.. O napakarawal na Albaniang s'yudad! Ako'y ibinilanggo nila ng labingwalong araw, nang malaman kong bigla na..... Konde Adolfo: Mangako kang ika'y magpapakasal sa akin. Laura: P-p-pangako A-A-A-d-doflo. [natatakot] [pagpapatuloy] Ito ang nagkalat ng lasong masidhi, sa ugat ng aking pusong mapighati, at pagnanasang buhay ko'y madali, sa pinanggalingang wala'y maisauli. Matapos ang labingwalong araw ng pagkabilanggo, ako'y dinala sa gubat na ito. Nagising na lamang ako na nasa kandungan mo. Ito ang buhay kong silu-silong sakit, at hindi pa tanto ang huling sasapit... Narrator: Matapos magsalaysay ni Florante, ang gerero naman ang siyang nagkwento.. Aladin: Ang pagkabuhay mo'y yamang natalastas, tantuin mo naman ngayon ang kausap; Ako ang Aladin sa Persiang s'yudad, anak ng balitang Sultan Ali Adab. [tumayo sila at naglakad] Aladin: Di ako naghirap sa mga giyerang pinasukan, ang mga ito'y inaalay ko, kay Fleridang aking kasintahan. Sa kanyang kariktan, tinawag siya sa reynong Persia na isa sa mga houris ng mga propeta. Anupa't pinalad na aking dinaig, sa katiyagan ang pusong matipid; at pagkakaisa ng dalawang dibdib, pagsinta ni ama'y nabuyong gumiit. [isasadula] Nang nagbiktorya ako sa albania, pagdating ko sa Persia'y bilanggo agad. Sultan Ali Adab: Ipinag-utos ko bang iwan mo ang iyong hukbo? Aladin: Hindi po, ama. Sultan Ali Adab: Ngayon, bakit mo sila iniwan? Mga kawal, ipakulong siya. [may darating na lalaki] Lalaki: Nabawi na ni Florante ang Albania! Nabawi niya!

Sultan Ali Adab: Kung gayon, h'wag niyo na siyang ikulong, pupugutan na siya ng ulo! Bukas din ay pupugutan ka na. [nasa kulungan si Aladin] [darating ang heneral] Heneral: Napagdesisyunan ng Sultan na hindi ka pupugutan ng ulo, sa isang kondisyon. Ang kondisyong ito ay ikaw ay hindi na mabubuksan sa Reyno ng Persia. [Aladin] Sa munting pagsuway buhay ko ang dusa.. Sinunod ko ang utos ng ama ko't hari. Ngunit sa puso ko'y matamis pang lubha, na tuloy nakitil ang hiningang aba, huwag ang may buhay na nagugunitaiba ang may kandong sa langit ko't tuwa. Ngayo'y anim na ton na akong naninirahan sa gubat, laging kasa-kasama'y hirap. Narrator: Napatigil siya ng may narinig na nag-uusap. Pinakinggan nila ito. Flerida: Nang malaman kong pupugutan ng ulo ang aking mahal na nasa bilangguan, ako'y nagmakaawa sa yapak ng haring sukaban. Ako ang humingi ng tawad sa lahatlahat, kung anuman ang nagawa ng aking sintang giliw; ang sagot niya ay kundi kusa kong tanggapin ang pagsinta niya'y di patatawarin. Anong gagawin ko? Hindi ko kayng mamatay ang aking sinta, kay ako'y pumayag na lamang sa kanyang gusto,mailigtas lamang ang buhay ng aking sinisintang liyag. Sa tuwa ng hari'y pinawalan niya agad, ako naman ay lumuluha ng sobra. Umalis sa Persia ang irog ko't buhay, na hindi man lang kami nagkausap, tingni kung may luha akong ibubukal, na maitutumbas sa dusa kong taglay. Iginayak na ang reyno para sa kasal, isang gabi, ako'y nagdamit gerero. Siniguro ko muna ang kaligtasan ng aking sinta bago ako tumakas. Isang hatinggabing kadilima'y lubha, lihim na naghugos ako sa bintana; walang kinasama kung hindi ang nasamatunton ang sinta kong nasaang lupa. Ilang taon na rin akong naglagalag, itinuring kong palasyo itong gubat; dumating ka nga at ika'y aking niligtas mula sa masamang nasa niyong taong sukab... Narrator: Natigil ang kwento nang magpakita sina Florante at Aladin. Hindi maipaliwanag na kasiyahan sa puso ang kanilang naramdaman. [magyayakapan sina Florante at Laura, aladin at Flerida]

Laura: O Florante, aking isasalaysay ang ang nangyari sa Albaniang reyno. Di nagtagal ng pag-alis mo, nalagay sa gulo ang ating reyno. Maraming bulungbulungan, ni hindi namin alam kung anong dahilan. Isang araw na lamang, sumugod ang taumbayan, sa palasyo ng hindi inaasahan. Mamamayan: Mamatay, mamatay ang haring Linceo, nilagyan mo ng estangke ang kakani't trigo. [Laura]: Kagagawan itong lahat ni Adolfo, nagkagulo ang bayang bulag sa katotohanan, sa ngalan ng hari isinisisi ang lahat. Noon di'y si Adolfo ang kumuha sa trono ni ama. Adolfo: Ako na ngayon ang hari ng Albania.. Pugutan na ng ulo ang haring iyan. [kukunin ang hari at pupugutan ng ulo] Adolfo: Ngayon naman, Laura, 'pag hindi mo tinanggap ang hain kong ibig, dustang kamatayan iyong masasapit. Laura: Manghihingi lamang ako ng limang buwan upang makapag-isip. [Laura] Ginamit ko ang limang buwang iyon upang masulatan ka sa Etolyang bayan, naisip ko na kung hindi ka dumating, ako'y magpapatiwakal. Nang maipadala na nga ang sulat, wala pang isang buwan ay dumating ka na. Nahulog ka nga lang sa mga kamay ni Adolfo. Sa takot sa iyong palamara, kung ika'y magbalik na may hukbong dala, nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka, ng may selyong sulat at sa haring pirma. Mabuti na lamang at dumating si Menandro, at nakubkob niya ang Albaniang reyno. Sa banta ko'y siyang tantong nakatanggap, ng sa iyo'y aking padalang kalatas, kaya't ng dumating sa Albaniang s'yudad, libong nagugutom ang kahalintulad.

Noong walang magawa si Konde Adolfo, tumawag siya ng isang kapwa lilo, dumating ang gabi at kami'y umalis sa reyno, at ako'y dinala sa gubat na ito. Pagdating rito'y ako'y pinagsamantalahan, ibig niyang ilugso ang puri kong ingat, mana'y isang tunod kung saan buhat, pumako sa dibdib ni Adolfong sukab. [Flerida]: Ako'y nasa gubat noon, ako'y may narinig na binibining boses, pakiramdam ko'y siya'y binibigyang sakit, naawa ang mahabagin kong dibdib.

Nang makita ko ang kanyang ginagawa sa iyo Laura, bininit ko ang busog, ang isang palasong sa lilo'y tumapos. Narrator: Matapos ang salaysay, dumating si Menandro't dalay ehersito. Menandro: Florante, aking kaibigan! [magyayakapan] Hinahanap ko si Adolfo. Florante: Wala na si Adolfo. Pumanaw na siya pati ang kanyang kasamaan. Narrator: Yaong ehersitong mula sa Etolia ang unang winika... Ehersito: Viva si Foranteng hari ng Albania! Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura! Narrator: Bumalik na sila sa reyno upang magdiwang, nagpabinyag na rin sa pagkaKristiyano sina Aladin at Flerida, ikinasal rin sila.Namatay si Sultan Ali Adab. Umuwi agad si Aladin sa Persiang s'yudad, ang duke Florante sa trono'y umakyat, sa siping ni Laurang mumutyang liyag. Sa pamamahala nitong bagong hari, sa kapayapaan ang reyno'y nauwi; dito nakabangon ang nalulugami, at napasatuwa ang napipighati. Nagsasama silang lubhang mahinusay, hanggang sa nasapit ang payapang bayan...

You might also like