You are on page 1of 46

PAGHAHANDA NG MGA RESIDENTE NG BAAN, RIVERSIDE SA PANAHON

NG PAGBAHA

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap ng Kaguruan ng Departamento ng Filipino,

BP. Pueblos Senior High School, Father Saturnino Urios University

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangngailangan ng

Asignaturang Filipino 122, Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik

ng

Pangkat 3, St. Edith Stein

Marso 2017
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino122,

Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel

na ito na pinamagatang Paghahanda ng mga residente ng Baan, Riverside sa

panahon ng pagbaha ay iniharap ng pangkat mula sa Bp. Pueblos Senior High School

seksyon ng St. Edith Stein.

Abegail E. Tan Shyra S. Sumalinog

Loren C. Aguelo Mariefer T. Pequit

Princess Mae T. Cortez Mharienelle G. Gallentes

Honeygail D. Hidalgo Chabelita Alcoy

Kitz Shoundel Boy L. Rulona

_______________________________________________________________________

Tinanggap sa pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Unibersidad ng Bp. Pueblos


Senior High bilang isa sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 122, Pagbasa at
Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

G. Ryan V. Balolot, MAPF

Guro
PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga susumusunod na


indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo
sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito.

Kay G. Ryan V. Balolot ang aming masigasig na guro sa Filipino122 sa pagtulong


sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa pamamagitan ng
pagturo ng tamang paggawa at mga tamang hakbangin sa pagsulat ng isang
pamanahong-papel.

Kay G. Kim Durango, Civil Officer II ng Office of Civil Defence, sa pahintulot sa


amin na siya ay makapanayam upang madagdagan an gaming kaalaman hinggil sa
paksang ginawan na naming ng pamanahong-papel.

Sa mga awtor, editor at mga mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan naming ng


mahahalagang impormasyong aming ginagamit sa pagsulat ng una at ikalawang
banata ng pamanahong-papel.

Sa aming mga respondente, sa paglalaan ng panahon at sa matapat na pagsagot sa


aming inihandang kwestyoner.

Sa aming kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at paghintulot sa amin na umuwi na


hindi kinagawian matapos lamang ang pamanahong-papel, at higit sa lahat,

Sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalung-lalo na sa sandaling


kami ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos namin ito nang maayos sa
itinakdang-panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po.

- Mga Mananaliksik

\
LISTAHAN NG MGA TALANAHAYAN AT GRAP

A. Talahanayan 1: Distribusyon ng mga Respondente sa Una


hanggang Ikalawang araw sa pagsasagawa
ng sarbey ng mga respondent ng Baan,
Riverside.

B. Grap 1: Distribusyon ng mga Respondente


ayon sa Kasarian.

C. Grap 2: Distribusyon ng mga Respondente


ayon sa Edad.

TALAAAN NG NILALAMAN
Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1. Introduksyon
2. Layunin ng Pag-aaral
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
4. Saklaw at Limitasyon
5. Depinisyon ng Terminolohiya

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata III, Desinyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Mga Respondente
3. Instrumentong Pampananaliksik
4. Tritment ng mga Datos

Kabanata IV, Presentasyon ng Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Lagom
2. Kongklusyon
3. Rekomendasyon

Listahan ng mga Sanggunian

APENDIKS

A. Pormularyo ng Pagpapatibay ng Paksang Pamagat ng Pag-aaral


B. Liham na Paghingi ng Pahintulot sa Interbyu
C. Transkripsyon ng Interbyu
D. Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Pagsasarbey
E. Sarbey-kwestyoner
F. Liham Paanyaya sa mga Panelist
G. Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel
H. Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pasalitang Presentasyon
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon
Ang mga sakuna ay ang mga kaganapang natural at sanhi ng mga tao kung saan
potensiyal na nagdudulot ng pinsala sa isang bansa o komunidad. Ang mga kaganapang
kaugnay sa sakuna ay maaaring magpuspos ng tugon sa kayamanan at pagkakaroon ng
pinsala sa ekonomiya, panlipunan at kapaligiran. Ang lahat ng natumpok sa binasa ay
may kaugnay sa paghahanda sa pagbaha.

Ayon sa Philippine Daily Inquirer (2013), ang pagbaha ang pinakariniwang sakuna sa
bansa na ang iba ay sanhi ng mga tao. Maaaring maganap ang pagbaha sa bawat
komunidad sa isang bansa. Gayunpaman, hindi magkakapareho ang lahat ng pagbaha.
Ang iba ay maaaring mabuo sa mabagal habang may matagal na pag-ulan, o sa mga
panahon ng tag-init kasunod ay malakas na pag-ulan. Ang pagdudulot ng labis na pag-
ulan, biglaang pagbuhos ng ulan, pagka-ipon ng tubig dahil sa pagbabara ng mga
daluyan ng tubig at tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw ay magdudulot ng
pagataas ng tubig na higit sa kapasidad ng mga ilog at ibang daluyan, na ang resulta ay
ang pag-apaw nito sa lugar na nasasakupan. Ang tanging magagawa ng mga apektadong
lugar ay ang paghahanda sa pagbaha, kung sapat na ba ang mga karanasang kanilang
naharap sa sakunang hindi mapipigilan kung kayat marami pang magagawag
paghahanda ng mga tao ngayon ayon kay Jose (2012).

Ang pagbaha ay nagdudulot ng masalimuot na pangyayari kung saan may isa sa


pamilya ang maaaring mawala, tahanan at kagamitan. Ang paghahada sa kung sa ano
mang sakuna na maranasan ay may posibilidad na magkaroon ng ligtas na layunin sa
mga tao.

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga


paghahanda ng mga residente ng baan, riverside hinggil sa sakunang dulot ng pagbaha at
naglalayung matugunan ang mga sumusunod na katanungan.

a. Alam ba ng mga residente ng baan, riverside na madaling magkaroon ng


pagbaha sa lugar?
b. Alam ba ng mga residente ng baan, riverside kung ano ang maaaring maidudulot
ng pagbaha?

c. Handa ba ang mga residente sa panahon ng pagbaha? Alam ba nila ang


paghahandang kailangan sa panahon ng pagbaha?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nananalig at buong pusong naniniwala na ang pananaliksik


na ito ay mahalaga. Ito ay nagsisilbing salik na kaalaman na magagamit ng mga
residente sa baan, riverside upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pagkamit ng
kaligatasan at paghahanda.

Mahalaga ang mga datos at impormayong nakalahad dito dahil malaki ang
maitutulong nito hindi lamang sa mga residente ng Baan, Riverside kundi ang mga tao.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring malaman ang mga kakulangan ng


gobyerno sa pagresponde sa pagbaha at kung handa ba ang mga tao sa panahon ng
pagbaha at iba pang impormasyon kaugnay sa karanasan nga mga tao sa panahon ng
pagbaha na dapat paunlarin.

4. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito nakatuon sa pagsuri sa pananaw at kaalaman ng mga residente


ng Baan, Riverside hinggil sa paghahanda sa panahon ng pagbaha.

Nilimitahan ang pananaliksik na ito sa mga residente ng Baan, Riverside at mga


ahensiyang may kaugnay sa pamanahong papel na ito. Naniniwala ang mga
mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng masuring
paghahanda sa panahon ng pagbaha.

5. Depinisyon ng Terminolohiya
Upang mas maging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat
ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya
batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel.

Ang basic subsistence na tumutukoy sa pangunahing ikabubuhay ng isang lugar.

Ang Coastal Ecosystem Management ay isang proseso para sa pamamahala ng


baybayin ng paggamit ng isang pinagsamang diskarte.

Ang Department of the Interior and Local Government ang ahensiyang


responsable sa pagtaguyod ng kapayapaan at pagsunod sa mga batas na matiyak ang
seguridad at patibayin ang kakayahan ng local na gobyerno.

Ang Disaster Preparedness na tumutukoy sa paghahanda sa anumang


kapahamakan.

Ang Disaster Prevention and Mitigation na tumutukoy sa pagpigil at pag-iwas sa


kapahamakan.

Ang Disaster Relief na tumutukoy sa kaluwagan ng sakuna

Ang Disaster Risk Reduction Management (DRRM) ang responsabli sa pagtiyak


ng proteksyon at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna at krisis.

Ang economic ay tumutukoy pangkabuhayan sa bansa.

Ang Environmental Governance ay tumutukoy sa pamumuno sa kapaligiran.

Ang Environmental Plans ay planong pangkapaligiran.

Ang Emergency Services ay ang paglilingkod sa panahon ng kagipitan

Forest Ecosystem Management ay ang pagsaalang-alang ng mga organismo at


ang pakikipag-ugnayan sa kanila.

Ang Framework ay balangkas.


Ang Fresh Water Ecosystem Management tumutukoy sa pag-uugali ng pag-aaral
tulad ng mga kakayahang magpadala at pang ekonomiyang pagtatasa ng mga lawa at
ilog upang suportahan ang patakarang pagbabalangkas proseso.

Ang Guide to Action ay pagbibigay sa mga aksiyon na maaaring gawin ng mga


tao.

Ang innovation ay tumutukoy sa pagbabago.

Ang Kit tumutukoy sa lagayan ng mga importanteng kagamitan.

Ang Lifetime Kit ay tumutukoy sa habang buhay na pagkakaroon ng


importanteng kagamitan.

Ang Leadership ang pamumuno ng isang tao, ahensiyang mayroong


kinapalooban.

Ang National Disaster Risk Reduction Management Council ay isang sangay ng


pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng kagawaran ng tanggulang pambansa ng na may
pananagutan na tiyakin ang kaligtasan at kabutihan ng mga mamamayan sa panahon ng
sakuna.

Ang partnership ay tumutukoy sa isang samahan.

Ang Philippine National Red Cross ito ay nagbibigay ng palingkurang


pangkaligtasan at paglingat sa mga tao.

Ang Predominantly tumutukoy sa nakakarami.

Ang Public Assistance tumutukoy tungo sa tulong sa mamamayan.

Ang Public Safety tumutukoy sa seguridad ng mamamayan.

R.A 10121 of 2010 batas na nagsasaad kung paano pangasiwaan ang


pagbabawas ng risgo at pagtugon sa mga sakuna.

Ang short-term tumutukoy sa panandaliang plano.


Ang social tumutukoy sa panlipunan.

Ang thematic tumutukoy sa pampakay na lugar.

Ang Urban Ecosystem Management tumutukoy sa pag-unlad sa lungsod o


bayan at ang pag suporta sa itinayong imprastraktora sa apektado sa parihong lungsod
kapaligiran at sa lugar na nakapaligid sa urban area.

Ang volunteerism ay ang pagbubuluntaryo ng mga ahensiya sa pagharap sa mga


sakuna.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Marami ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng salitang paghahanda.
Paghahanda ng mga residente ng Baan, Riverside sa panahon ng pagbaha, ngunit sa
kabilang banda marami parin ang hindi nakakaintindi sa kahalagahang dulot nito hindi
lamang sa mga residente ng Baan, Riverside kundi maging sa karamihan.
Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng
Lifetime Kit bago pa may dumating na pagbaha. Ito ay dapat na practical na kayang
dalhin sa paglikas. Kailangan ng mayroon nito ang bawat miyembro ng pamilya. Gawin
ito ng kasama ang buong pamilya upang matuto ang mga bata na maghanda ng kanilang
mga kit, sa pamamagitan nito maaaring ma train ang mga bata sa pagiging handa sa
pagbaha. Nagmungkahi naman ang Department of Energy (2016), na sa tuwing panahon
ng kalamidad tulad ng baha, kailangan maging maingat sa paggamit ng kuryente upang
maiwasan ang disgrasya. Binigyang katuparan ng National Disaster Risk Reduction and
Management Plan ang nakalagdaan ng R.A No. 10121 of 2010, kung saan nagbibigay ng
legal na batayan sa mga patakaran, plano at programa upang makahanda sa sakunang
dulot ng baha. Ang NDDRMP nakapalooban ng apat na thematic na lugar, ito ay ang (1)
Disaster Prevention and Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3) Disaster Response; at
(4) Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa pamamagitan nito matitiyak ang physical
framework, social, economic, environmental plans sa komunidad, lungsod, municipality
at mga probinsiyang na sasang-ayon sa plano. Ang pakay ng mga naman ng DRRM na
ang mga nakapaloob na mga emergency services, at public assistance sa panahon ng
kaagarang responde sa mga sakuna tulad nga pagbaha upang may maligtas na mga
buhay, mabawasan ang mga epekto nito sa kasalukuyan, at upang matiyak ang public
safety at matugunan ang mga basic substance na kailangan ng mga residenteng
apektadong pagbaha. Ang pagresponde sa mga sakuna ay predomanently na nakatutok
sa kaagad at short-term na pangangailangan na tinatawag na disaster relief.

Ayon naman kay Eric (2014), sa kanyang lathalang OCD- Caraga Intensities
Disaster Preparedness Training, kinakamit ang pagkahanda sa buong tag-araw upang
mapadali ang abilidad ng rehiyon sa pagharap sa posibleng kalamidad bago paman
magsimula ang tag-ulan. Dahil sa pangyayaring pagbaha sa Butuan City ay may
nagpatulak sa mga tao upang matanto na mayroon paring dapat gawin sa mga tuntunin
sa paghahanda patungkol sa pagbaha. May mga pag-aaral na isinagawa ang
Environmental Governance and Disaster Preparedness Flooding Resiliency of Caraga
Region ayon kay Pantaleon (2006), na nagtatamo upang malaman ang katayuan ng
resiliency laban sa pagbaha ng Caraga Region, at pagtasa sa apat na kadahilanan ng
Environmental Governance sa kasunod na (1) Forest Ecosystem Management, (2) Fresh
Water Ecosystem Management, (3) Coastal Water Ecosystem Management, (4) Urban
Ecosystem Management at ang kabuuan ay natapos na ebalwasyon sa Disaster
Preparedness na leadership, fracture, guide to action, disaster preparedness at
partnership, volunteerism at innovation at ang kabuuang pangangailangan. Kabilang din
sa pag-aaral na ito ang paggamit ng mga datos ng Department of Interior and Local
Government (DILG) Regional Office of Caraga gumagawa ng indeks sa mga
probinsyang nakapaloob sa Caraga Region ay kinakaila batay sa Disaster Preparedness
Evaluation. Kung kayat sa mga nasalanta ng pagbaha sa Caraga Region kung saan
kabilang ang Baan, Riverside ay naglabas ng 8 Million pundo ang DSWD tulong sa mga
evacuees. At sabay na tumulong ang mga sundalo at pulis sa pag-iimpaki ng mga relief
goods at pamamahagi nito sa mga tao.

Sa kabuuan, ang mga artikulong nabanggit ay mga batayan sa natuklasang


nagsiwalat sa mga bagay sa panahon ng sakuna tulad ng pag-baha, ang Caraga Region
ay dapat magsikap at ibayuhin ang pagtutulungan na maging parating handa laban sa
pagbaha.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALISIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-


analitik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang
kaalaman ng mga residente ng Baan, Riverside hinggil sa paghahanda sa panahon ng
pagbaha.

2. Mga Respondente

Napili ng mga mananaliksik sa pamanahong papel na ito ang mga respondente


ng Baan, Riverside na nahahati sa anim na pangkat.

Ang mga respondente ay mayroong anim na pangkat: purok 1, purok 2, purok 4,


purok 5, purok 6, purok 7. Samakatuwid mayroong pantay na paghati ng mga
respondenet batay sa kinabibilangang pangkat. Gumamit ng random sampling upang
magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat pangkat. Pansinin ang kasunod na
talahanayan.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente sa Una Hanggang Ikalawang Araw sa


pagsasagawa ng sarbey ng mga respondente ng Baan, Riverside.

Unang Araw Ikalawang Araw Kabuuan


Purok 1 4 4 8
Purok 2 4 4 8
Purok 4 4 4 8
Purok 5 4 4 8
Purok 6 4 4 8
Puro 7 5 5 10
Kabuuan 25 25 50

Pinili ng mga mananaliksik ang una hanggang ikalawang araw sa


pangangalap ng tugon ng mga residente patungkol sa paghahanda sa pagbaha.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:


Ipinakita sa grap 1 ang ditribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Sa
limampu (50) respondente, tatlumput anim (36) sa kanila ay babae at labing apat (14)
naman ay lalaki.

Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
Tatlo (3) sa limampung (50) respondente ay may edad na 16-17. Dalawa (2)
naman ang may edad 18-19 at 20-21. Samantalang apatnaput lima (45) naman ang may
edad 22 pataas.

Grap 2

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

50

45

40

35

30

25

20

15

10

0
16-17 18-19 20-21 22 pataas
Sa limampung (50) respondente, labing anim (16) ang lugar na kinalakihan.
Dalawamput pito (27) ang nagsabing walang matirahan/mapuntahan. Lima (5) na
nakasanayan na ang ganuong sitwasyon. Bukod pa rito, mayroong dalawa (2) ang may
ibang sagot na ang tunguhin ay ang paglikas.

Grap 3

Kaalaman ng mga Respondente Higgil sa Pagbaha

50

45

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D

A. Dahil dito ang aming lugar na kinalakihan.


B. Dahil walang ibang matirahan/ mapuntahan.
C. Dahin nakasanayan na namin ang ganitong sitwasyon.
D. Ibang sagot

Ipinapakita ng grap 4 na mayroong tatlomput walo (38) respondente na


maghahanda ng mga importanteng kagamitan tungkol sa kung anong gagawin kapag
may paparating na bagyo. Siyam (9) na respondente naman ang nakikinig sa radyo at
mag-aantay ng impormasyon kung kalian sila lilikas. Tatlo (3) naman nagsabing
hahayaan nalang dahil nakasanayan na ito.

Grap 4

Kaalaman ng mga Respondente kung anong Gagawin kapag may


paparating na Bagyo

50

45

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D
A. Maghahanda ng mga importanteng kagamitan.
B. Makinig sa radyo at mag-antay ng impormasyon kung kailan kami lilikas.
C. Hahayaan nalang dahil nakasanayan na ito.
D. Ibang sagot

Sa limampung (50) residente ay mayroong labing tatlo (13) respondente na ang


sabi ay hindi nila gusto sa evacuation center. Walo (8) naman ang nagsasabing baka daw
manakawan ang kanilang bahay. Dalawamput anim (26) ang nagsasabing sapat na sa
kanila ang ikalawang palapag na bahay at duon lamang mananaitili. At tatlo (3) naman
ang nagsabing nakasanayan na nila ito.

Grap 5

Mga Dahilan ng mga Respondente kung bakit hindi lumikas agad sa


panahon ng Pagbaha.

A. Dahil hindi namin gusto sa evacuation center.


B. Baka manakawan ang aming bahay.
C. Sapat na sa amin ang ikalawang palapag na bahay at duon lamang kami
mananatili?
D. Ibang sagot

Tungkol naman sa kung maabutan ng pagbaha ang lugar nga mga residente ano
ang kanilang gagawin, may tatlomput isa (31) nagsasabing siguraduhing mailigpit ang
mga importanteng kagamitan. Lilikas at huwag ng antaying tataas ang baha naman ang
mungkahi ng labing anim (16). Humingi ng tulong at mag-antay sa agarang pagresponde
ng mga rescuer ang sabi ng tatlong (3) respondente.

Grap 6

Mga Gagawin ng Respondente kapag maabutan nang Pagbaha

50

45

40

35

30

25

20

15

10

0
A 31 B 16 C3 D0

A. Siguraduing mailigpit ang mga importanteng kagamitan.


B. Lilikas na at huwag ng antaying tataas ang baha.
C. Humungi ng tulong at mag-intay sa agarang pagresponde ng mga rescuer.
D. Ibang sagot

Hinggil sa larangan ng kalamidad kailangan may kaalaman kung ano ang


magiging dulot ng pagbaha, halos karamihan ng mga respondente ang may sapat na, na
kaalaman.

Grap 7

Kaalaman ng mga Respondente kung ano ang maidudulot ng Pagbaha

A. Oo.
B. Hindi
C. Siguro
D. Ibang sagot

Hinggil naman sa paghahanda ng mga respondente patungkol sa paparating na


bagyo, handing-handa naman ang sigaw ng apatnaput siyam (49), at isa (1) naman ang
nagsasabing hindi.

Grap 8

Pananaw ng mga Respondente sa pagiging Handa sa paparating na bagyo

50

45

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D

A. Oo.
B. Hindi.
C. Suguro.
D. Ibang sagot

Tungkol naman sa mga importanteng kagamitan na dapat dalhin tuwing may


pagbaha, mayroong apatnaput walo (48) nagsiwalat na sila ay may sapat na kaalaman
na. Habang isa (1) nagsabi na hindi. Bukod pa roon may isang (1) respondente na
kailangan magdala ng flashlight.

Grap 9

Kaalaman ng Respondente patungkol sa importanteng kagamitan na dapat dalhin


tuwing may Pagbaha.

50
45
40
35
30
25
20
15
10
5
0
A B C D

A. Oo.
B. Hindi.
C. Siguro.
D. Ibang sagot

Sa tuwing panahon ng kalamidad may mga dapat gawin tulad na lamang sa


sinabi ng labing walo (18) na huwag mataranta at making lamang sa mga balita ng mga
awtoridad. Habang dalawamput siyam (29) naman ang sabing siguraduhing ligtas ang
sarili, pamilya, at huwag kalimutan ang emergency kit. At tatlo (3) naman ang may
sabing siguraduhin nailigpit ang mga importanteng kagamitan at huwag kalimutang
patayin ang mga kabli ng kuryente.

Grap 10

Mga Dapat gawin ng Respondente sa Panahon ng Kalamidad

50

45

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D

A. Huwag mataranta at makinig lamang sa mga balita sa mga awtoridad.


B. Siguraduhing ligtas ang sarili, ang pamilya, at huwag kalimotan ang
emergency kit?
C. Siguraduing nailigpit ang mga importanteng kagamitan at patayin ang
kuryente?
D. Ibang sagot

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin, pananaw
at kaalaman ng mga residente ng Baan, Riverside sa panahon ng pagbaha.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo
ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa limampu (50) respondente, dalawamput lima
(25) sa unang araw, dalawamput lima (25) sa pangalawang araw .
2. Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na kongklusyon:
a. Alam nga ngunit hindi gaano ng mga residente ang patungkol sa
proseso ng paghahanda sa panahon ng pagbaha.
b. Katamtaman lamang ang kaalaman ng mga residente sa paghahanda
kung anong benepisyong dulot nito.
c. Ang mga ahensyang may kaugnay sa paghahanda na pumapel bilang
isa sa mga tumulong sa mga lugar na maaring mabahaan
d. Pagpapabuti sa area na madaling masalanta ng pagbaha ang
kailangang bigyan ng pansin upang makapanghanda pa ng lubos sa
panahon ng pagbaha.
e. Pakikipagkoopera ng mga residente sa mga ahensiyang may kaugnay
sa sakuna upang maging matagumpay ang paghahadang kailangan.
3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Para sa mga residente ng Baan, Riverside marapat na makilahok sa
mga programang ipinatutupad ng mga ahensiyang may kaugnay sa
paghahanda patungkol sa sakunang pagbaha.
b. Para sa mga lugar na madaling masalanta ng pagbaha, lalo na sa mga
lugar na kalapit ay ilog, naway maging instrumento ang kanilang
mga bagong kaalaman sa pagpapalaganap ng mga impormasyong
kaugnay sa paghahanda.
c. Para sa mga ahensiyang may kaugnay sa paghahanda, magsagawa ng
mga pagpupulong upang mapadali ang abilidad ng mga rehiyon sa
pagharap sa posibleng sakuna.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

2013. Some are natural, others are man made. Philippine Daily Inquirer.

Jose E. 2012. Planning and awareness key to disaster management, experts


agree. Philippine Daily Inquirer.

2016. Philippine National Red Cross. www.redcross.org.ph

2016. Department of Energy PAALALA: Kaligtasan tips mula sa DOE.


www.academia.edu

Mascarinas E. 2014. OCD- Caraga intensities disaster preparedness training.


www.mindanews.com

Panteleon A. 2006. Environmental Governance and disaster preparedness:


Flooding Resiliency of Caraga Region (Philippines)
APENDIKS A
PORMULARYO NG PAGPAPATIBAY
NG PAKSA AT PAMAGAT NG PAG-AARAL

Pebrero 17, 2017


Lupong Pampananaliksik
Departamento ng Filipino
BP. Pueblos Senior High School
Father Saturnino Urios University

Mga Pinagpipitagang Miyembro ng Lupon,


Bupng paggalang naming ipinapasa ang paksa at aming tentatibong pamagat-
pampananaliksik ng aming pampanahong-papel sa Filipino 2 para sa inyong
ebalwasyon at pagsang-ayon.
Larangan: Kalamidad Paksa: Paghahanda
Mungkahing Pamagat:
Paghahanda ng mga Residente sa Baan, Riverside sa panahon ng baha.

Lubos na gumagalang, Binigyang pansin:


Kitz Shondel Boy L. Rulona G. Ryan V. Balolot

Lider ng Pangkat Guro


_______________________________________________________________________

Pasya ng Lupon:

________ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat ________

________ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat ________ nang may rebisyon.


________ Iminumungkahing mag-disenyo ng ibang pamagat hinggil sa paksang napili.

________ Iminumungkahi palitan ang paksa at pamagat ng pag-aaral.

G. Ryan V. Balolot

Guro

APENDIKS B

LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG-INTERBYU

Marso 23, 2017

Mahal naming Ginoo,

Maalab na Pagbati

Kaugnay ng isinusulat naming pamanahong-papel sa Filipino 122 tungkol sa


paghahanda ng mga residente ng Baan, Riverside sa Panahon ng Pagbaha, ay nais po
sana naming humingi sa inyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa
petsa, oras at lugar na inyong itatakda.

Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong pagka dalubhasa sa nasabing


paksa n gaming pag-aaral ay makatutulong sa amin nang lubos tungo sa matagumpay na
pagsulat n gaming pamanahonang-papel.

Dalangin po naming ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap.

Lubos na gumagalang,

Kitz Shondel Boy L. Rulona

Lider ng pangkat

Binigyang-pansin:

G. Ryan V. Balolot, MAPF

Guro
APENDIKS C

TRANSKRIPSYON NG INTERBYU KAY KIM DURANGO

MARSO 23, 2017

Mga Interbyuwer,

Abegail E. Tan Shyra S. Sumalinog


Loren C. Aguelo Mariefer T. Pequit
Princess Mae T. Cortez Mharienelle G. Gallentes
Honeygail D. Hidalgo Chabelita Alcoy
Kitz Shoundel Boy L. Rulona

Abegail: Magandang gabi po, Mr. Kim Durango. Batay po sa inyong kaalaman ano po

ba ang kahalagahan ng paghahanda sa panahon ng pagbaha?

K_D: Meron tayong apat na thematic area sa DRRM (1) Disaster Prevention and
Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3) Disaster Response; at (4) Disaster
Rehabilitation and Recovery is very important kasi ditto natin mamimitigate o
mabawasan ang epekto ng disaster. Isa din para magampanan o to prevent yung
impact ng disaster para walang mamatay at walang masirang kagamitan.

Loren: Ano po ba ang mga pamantayan sa mga paghahandang kailangan sa panahon

ng pagbaha?

K_D: pamantayan meaning anong standard ng paghahanda.Actually walang standard


ang paghahanda,ang importante lang is ang buhay at siguridad ng mga tao,Pangalawa is
ang mga siguridad ng mga gamit o ang mga properties. Wala talagang standard at hindi
talaga dapat natin bigyan ng standard ang paghahanda except na isauli natin na ang
unang ilagay natin sa ating isip is ang buhay o buhay ng ating pamilya, Pangalawa ang
mga gamit natin. Now yung standard na sinasabi siguro kung ano ang dadalhin. First is
immediate needs. Ano ba yong mga immediate needs? 1st is ang (1) clothing (2) food (3)
water (4) communication (5) important papers (birth certificate, marriage
certificate,etc.)(6) Pera

Princess: Nagkaroon na po ba ng proseso ang paghahanda sa bawat lugar?

K_D: Meron. Sa RDRRMC, meron silang tinatawag na contest of Gawad Kalasag.


Kalasag meaning shield. Kasali dito ang LGU. Kapag handa ang isang LGU gawaran
siya ng Gawad Kalasag so ibig sabihin meron na silang prosesong ginagawa in terms
of paghahanda, meron silang tinatawag na pre-empty evacuation meaning hindi pa
lang o walang pang baha na nangyari o malakas na ang pag-ulan na sa tingin ng mga tao
ay kailangan ng lumikas kasi babaha na, lilikas na sila. Hindi nan la aantayin na babaha
pa ang lugar, so ito yung pre-empty evacuation sa pamamaraan na yun, maiwasan
natin ang pagpatay at ating mga ari-arian. Those are part of preparation meron ding
tinatawag ang LGU na early warning system, malalaman ng mga tao na kalian dapat
lilikas. Anong dapat gagawin, anong dapat na dalhin yun ang proseso ng paghahanda.

Honey: Bilang mag-aaral, ano po ba ang maaaring maitulong para maging handa sa
panahon ng pagbaha?

K_D: Ang evision ng bawat DRRM Council is to make their LGUs ready whenever
disasters strikes.Yung sinabi na resiliency ng bawat LGU. Ibig sabihin, ikaw bilang
mag-aaral, malaki ang maitutulong mo sa pagdating ng INFORMATION EDUCATION
CAMPAIGN. Kung meron kang nakikita na hindi dapat ginagawa ng mga mamamayan o
ng iyong kapitbahay, dapat sabihan mo sila na ito dapat ang ating gagawin. Ikaw bilang
isang estudyante na alam yung gagawin, dapat ikaw yung mamuno. Magiging lider ka
na ngayon kung saan nangyari ang insedente.

Kitz: Out of 100%, ilang porsyento po ba ang ikatatagumpay sa paghahanda hinggil sa


pagbaha.

K_D: Kung iuugnay ko ang paghahanda ng aming ahensya doon sa mga sinasabi nating
disaster katulad ng pagbaha, I can say that the office of Civil Defense is 90% ready.

Shyra: Para po sa inyo, kalian po ba nangyari ang pinakamalakas na impact ng pagbaha


nangyari sa ating lugar?

K_D: Ayon sa nanay at tatay ko, merong baha noon di ko lang ma pin-point kung anong
taon nangyari pero mahaba daw ang pangyayari. Tumagal ng mga 3 months. 3 hanggang
6 months ang pagbaha. Hindi ko lang nalaman kung ano ang pngalan ng bagyong iyon.

Mariefer: Ano po ba ang magiging bunga kung sakaling matagumpay ang mga
paghahandang kailangan?
K_D: Kung matagumpay ang paghahanda ng bawat ahensya at ng mamamayan, wala ng
mamatay sa pagnaha kasi handa na sila eh. Wala na ring mga properties na masisisra.

Mharienelle: Handan a po ang lahat sa paghahandang ito?

K_D: Caraga Region as a whole, we could say na handa na ang lahat ng LGUs pero
hindi natin masasabi na 100% especially doon sa recently na nangyari na pagbaha dulot
ng samot-saring weather system or weather disturbances from January hanggang
February. Doon natin malaman na hindi pa talaga ganoon ka handa ang Caraga Region.
Meron pa ring lapses and those lapses kailangan na natin maituwid kailangan na natin
maecorrect. Still mga 80%.

Chabelita: Maraming salamat po sa oras na iyong ibinahagi sa amin sir.

K_D: Maraming salamat din sa inyo.


APENDIKS D

LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAGSARBEY

Marso 23, 2017

Mahal naming Kapitana,

Maalab na Pagbati!

Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral sa BP. Senior High Filipino 122.
Isa po sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel-
pampananaliksik.

Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa


Paghahanda ng mga residente ng Baan, Riverside sa Panahon ng Pagbaha.

Kaugany po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan


upang kamiy makapamahagi ng sarbey-kwestyoner sa limampu (50) mga residente sa
Brgy. Baan.

Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po nang lubos sa


mga residdente.

Inaasahan po naming ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Kits Shondel Boy L. Rulona

Binigyang pansin:

G.Ryan V. Balolot, MAPF


Guro

APENDIKS E

SARBEY-KWESTYONER

Mahal naming Respondente,

Maalab na Pagbati!

Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 122 na kasalukuyang nagsusulat ng isang


pamanahong-papel tungkol sa paghahanda ng mga Residente sa Baan, Riverside sa
panahon ng pagbaha.

Kaugnay nito, inihanda naming ang kwestyoner na ito upang makatanggap ang
mga datos na kailangan naming sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga
sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyon
ang inyong mga kasagutan.

Maraming salamat po!

-Mga Mananaliksik

_______________________________________________________________________
_

Direksyon. Punan ang angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang.
Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.
1. Pangalan
(opsyunal):_______________________________________________________
_______
2. Kasarian: Lalaki Babae
Edad: 16-17 18-19
20-21 22 pataas
3. Alam ba ninyo na madaling mabahaan ang inyong lugar? Kung oo, bakit nanatili
pa kayung tumira dito?
A. Dahil dito ang aming lugar na kinalakihan.
B. Dahil walang ibang matirahan/ mapuntahan.
C. Dahin nakasanayan na namin ang ganitong sitwasyon.
D. Ibang sagot _______________________________________________________

4. Kung merong paparating na bagyo, anong gagawin mo?


D. Maghahanda ng mga importanteng kagamitan.
E. Makinig sa radyo at mag-antay ng impormasyon kung kailan kami lilikas.
F. Hahayaan nalang dahil nakasanayan na ito.
G. Ibang
sagot________________________________________________________

5. Sa panahong ng bagyo, bakit hindi kayo lumikas agad?


E. Dahil hindi namin gusto sa evacuation center.
F. Baka manakawan ang aming bahay.
G. Sapat na sa amin ang ikalawang palapag na bahay at duon lamang kami
mananatili?
H. Ibang
sagot________________________________________________________

6. Kung maabutan ka na ng pagbaha, ano ang gagawin mo?


C. Siguraduing mailigpit ang mga importanteng kagamitan.
D. Lilikas na at huwag ng antaying tataas ang baha.
C. Humungi ng tulong at mag-intay sa agarang pagresponde ng mga rescuer.
D. Ibang
sagot________________________________________________________
7. Alam ba ninyo kung anong maidudulot ng pagbaha?
E. Oo.
F. Hindi
G. Siguro
H. Ibang
sagot________________________________________________________

8. Handa ba kayo kung mayroong paparating na bagyo?

E. Oo.
F. Hindi.
G. Suguro.
H. Ibang
sagot________________________________________________________

9. Alam ba ninyo kung anong mga importanteng kagamitan ang dapat dalhin tuwing
may pagbaha?
E. Oo.
F. Hindi.
G. Siguro.
H. Ibang
sagot________________________________________________________

10. Sa panahon ng kalamidad tulad ng pagbaha, ano ang dapat mong gawin?
E. Huwag mataranta at makinig lamang sa mga balita sa mga awtoridad.
F. Siguraduhing ligtas ang sarili, ang pamilya, at huwag kalimotan ang
emergency kit?
G. Siguraduing nailigpit ang mga importanteng kagamitan at patayin ang
kuryente?
H. Ibang sagot_______________________________________________________

APENDIKS F

LIHAM-PAANYAYA SA PANELIST

Marso 27, 2017


Guro Emmarose L. Cadavos
Guro, Bp. Pueblos Senior High

Mahal naming Guro,


Mabunying Pagbati!
Kaugnay ng pasalitang presentasyon n gaming grupo ng pamanhong-papel
naming na may pamagat na Paghahanda ng mga Residente ng Baan, Riverside sa
panahon ng Pagbaha, ay nais po naming kayong anyayahan upang maging panelist na
pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propersyonal at kapakipakinabang na
input tungo sa lalong ikatatagumpay n gaming pananaliksik.
Gaganapin po an gaming presentasyon sa Marso 27, 2017, lunes, sa ganap na
7:30 ng umaga, sa silid aralan, ikalawang gusali, ikatlong palapag.
Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya ng aming pamanahong-papel at pormularyo sa pag-
eebalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong paghahanda kung
tatanggapin ninyo ang aming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

Kitz Shondel Boy L. Rulona


Lider ng Pangkat

Binigyang pansin:
G. Ryan V. Balolot, MAPF
Guro

Marso 27, 2017

Guro Gloria Marisse Gamalo


Guro, Bp. Pueblos Senior High

Mahal naming Guro,


Mabunying Pagbati!
Kaugnay ng pasalitang presentasyon n gaming grupo ng pamanhong-papel
naming na may pamagat na Paghahanda ng mga Residente ng Baan, Riverside sa
panahon ng Pagbaha, ay nais po naming kayong anyayahan upang maging panelist na
pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propersyonal at kapakipakinabang na
input tungo sa lalong ikatatagumpay n gaming pananaliksik.
Gaganapin po an gaming presentasyon sa Marso 27, 2017, lunes, sa ganap na
7:30 ng umaga, sa silid aralan, ikalawang gusali, ikatlong palapag.
Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya ng aming pamanahong-papel at pormularyo sa pag-
eebalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong paghahanda kung
tatanggapin ninyo ang aming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

Kitz Shondel Boy L. Rulona


Lider ng Pangkat

Binigyang pansin:
G. Ryan V. Balolot, MAPF
Guro

Marso 27, 2017

Guro Melvin Bahian


Guro, Bp. Pueblos Senior High

Mahal naming Guro,


Mabunying Pagbati!
Kaugnay ng pasalitang presentasyon n gaming grupo ng pamanhong-papel
naming na may pamagat na Paghahanda ng mga Residente ng Baan, Riverside sa
panahon ng Pagbaha, ay nais po naming kayong anyayahan upang maging panelist na
pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propersyonal at kapakipakinabang na
input tungo sa lalong ikatatagumpay n gaming pananaliksik.
Gaganapin po an gaming presentasyon sa Marso 27, 2017, lunes, sa ganap na
7:30 ng umaga, sa silid aralan, ikalawang gusali, ikatlong palapag.
Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya ng aming pamanahong-papel at pormularyo sa pag-
eebalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong paghahanda kung
tatanggapin ninyo ang aming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

Kitz Shondel Boy L. Rulona


Lider ng Pangkat

Binigyang pansin:

G. Ryan V. Balolot, MAPF


Guro
APENDIKS G

PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHON-PAPEL

Pamagat: _____________________________________________

_____________________________________________

Mananaliksik: _____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

Taon at Pangkat: _______ Semestre: _______ Taong Akademiko: ______

Sistema ng Pagmamarka

Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem.


Maaaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa
paghuhuga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos
upang makuha ang kabuuang marka.

A. Paksa at Suliranin
1. Signipikant at napapanahon ang paksa ng pananaliksik? ______
2. Sapat ba ang pagtalakay sa intorduksyon? ______
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa
upang makalikha ng valid na paglalahat? ______
4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at ang angkop
ba iyon sa paksa ng pag-aaral? ______
5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang tiyak na layunin
ng pag-aaral? ______
6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong
binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan
sa bawat isang termino? ______
Sub-total: ______
B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinalakay? ______
2. Malinaw at maayos ba ang pagtatalakay sa mga pag-aaral
at literaturang iyon? ______
3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral
sa iba pang hanguang gingamit? ______
Sub-total: ______
C. Disenyo ng Pag-aaral
1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit
sa pananaliksik? ______
2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayayon ba iyon
sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? ______
3. Sapat at angkop ba ang respondenng napili sa paksa ng
pananaliksik? ______
4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumenting ginamit
sa pangangalap ng datos? ______
Sub-total: ______
D. Presentasyon
1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? ______
2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal
tritment ang mga datos? ______
3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga
datos? ______
4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at
tabular/grapikal na presentasyon ng mga datos? ______

Sub-total: ______

E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? ______
2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon
sa mga datos na nakalap? ______
3. Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong
katanungan sa layunin ng pag-aaral? ______
4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad
na rekomendasyon? Makalulutas ba ang mga iyon sa mga
suliraning natukoy sa pag-aaral? ______
5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom,
kongklusyon at rekomendasyon? ______
Sub-total: ______
F. Mekaniks at Pormat
1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel?
Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? ______
2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng
pamanahong-papel? ______
3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkaka-edit
ng pamanahong-papel? ______
Sub-total: ______

Kabuuang/Katumbas ng Marka: ______

Ebalweytor: _________________________________

Petsa: ____________________________________

APENDIKS H

PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PASALITANG PRESENTASYON

Pamagat: _____________________________________________

_____________________________________________

Mananaliksik: _____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

Taon at Pangkat: _______ Semestre: _______ Taong Akademiko: ______

Sistema ng Pagmamarka
Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem.
Maaaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa
paghuhuga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos
upang makuha ang kabuuang marka.

A. Masteri
1. Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat
ang masteri at kahandaan sa pagtalakay ng paksang
naitakda sa bawat isa? ______
2. Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay
ng bawat isa? ______
3. Sapat at malinaw ba ang mga inilahad na paliwanag
at halimbawa ng bawat miyembro? ______
4. Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pagsagot
ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist? ______
5. Obhetibo at valid ba ang mga pahayag ng bawat isa
sa mga katanungan ng mga paneslist? ______
Sub-total: ______
B. Pamamaraan
1. Lohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat? ______
2. Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdyo-biswal? ______
3. Angkop at epektib ba ang kagamitan ng pangkat? ______
4. Epektib at kompitent ba ang pangkat sa manpulasyon
ng mga kagamitan sa presentasyon? ______
5. Angkop at epektib ba ang pamamaraan o istratehiyang
ginamit ng pangkat? ______

Sub-total: ______
C. Artikulasyon
1. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat miyembro ng pangkat
sa pagsasalita? ______
2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? ______
3. Angkop at epektib ba ang kanilang galaw, kumpas
at iba pang non-verbal clues? ______
4. Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? ______
5. Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayagan ang
kanilang bilis sa pagsasalita, tono, diin at hinto/pausing? ______
Sub-total: ______
D. Disiplina
1. Nagsimula at natapos ba sa takdang oras ang presentasyon
ng pangkat? ______
2. Naging malinaw, matapat at magalang ba sila sa pagsagot
ng mga tanong ng panelist? ______
3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon
sa presentasyon? Hindi ba monopolisado ng isa o ilan
ang mga gawain? ______
4. Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili? ______
5. Angkop ba ang anyo, ayos at kasuotan ng bawat isa? ______
Sub-total: ______
Sub-total: ______

Kabuuan/Katumbas na Marka: ______

Mga Puna at Mungkahi:

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like