You are on page 1of 2

Alamat ng Nagmamahalang Ibon Noong unang panahon, may isang magandang diwatang nagkatawang tao na nagngangalang Esperanza.

Mahaba ang kanyang buhok na kasing itim ng gabi. May makanis at maputing balat, may malantik na pilikmata, may kulay dagat na mata at mala rosas ang kulay ng pisngi at labi. Siyay nag-iisang naninirahan sa tuktok ng bundok kasama ang ibat ibang uri ng hapoy, siya din ang nangangalaga sa buong kagubatan at may kakayahang makausap ang mga hayop. Isang araw, handang nasa tuktok ng bundok ang dalaga isang malaking Ibon ang sa kanyay lumapit, nasabi sa kanya ng dakilang lawin na may isang estranghero na nahulog sa bangin, nawalan ng malay at nangangailangan ng tulong. Agad niya itong pinuntahan at inahon sa bangin sa tulong ng mga kaibigang hayop. Inaruga niya ito sa kanyang tahanan at ginamot ang mga sugat na natamo. Makalipas ang isang araw nagkamalay ang estranghero, laking gulat nito ng makita ang magandang dalaga. Nagpakilala si Esperanza sa estranghero at sinabi dito kung paano niya ito nailigtas. Nagpakilala ang estranghero, na siya ay si Mannuel, isang mangangaso na napahiwalay sa kanyang mga kasamahan. Habang nagpapagaling si Mannuel, unting -unti silang nagkakapalagayan ng loob at nakakasanay na din ang pang-araw-araw na pamumuhay sa bundok, tinutulungan na din niya si Esperanza sa mga gawaing bahay. Isang umaga habang kumukuha ng tubig sa batis si Mannuel, naulinigan niya na para bang may kausap si Esperanza sa hndi kalayuan sa kanya. Agad niya itong pinuntahan at inalam kung sino ang kausap nito. Laking gulat niya ng makitang isang malaking ibon ang kausap nito at nagbabalita na may nakita siyang ilang tao na pagala-gala sa kagubatan na para bang may hinahanap, marahil na si Mannuel ang kanilang hinahanap. Nagtago siya agad upang hindi siya makita ni Esperanza at makiramdam kung anong uri ng taot bakit nito nagagawang makausap ang mga hayop. Ngunit isang Unggoy ang biglang
Kimberly T. Dimabayao CTE 3-FILIPINO

sumampa sa kanyang balikat na naging dahilan upang siyay mapaigtad at mapasigaw sa kanyang kinatataguan. Laking gulat naman ni Esperanza ng makita si Mannuel. Kinausap siya si Mannuel at humingi ng paliwanag hingil sa kanyang nakita, tinanong niya dito kung anong klase siyang tao at bakit niya nagagawang makausap ang isang malaking ibon. Pinagtapat naman ni Esperanza ang kanyang tunay na pagkatao, na isa siyang diwata ng nangangalaga sa mga hayop sa gubat. At sinabi din niya kung ano ang ibinalita sa kanya ng malaking ibon, na marahil kasamahan niya ang mga kalalakihan na napadpad sa gubat upang siyay hanapin. Nagdesisyon si Mannuel na matili na lamang sa gubat at makapiling si Esperanza, alinsunod nito inihayag niya na mayroon siyang pagtatangi dito. Kung kayat mas nanaisin niyang manatili sa gubat kaysa matagpuan pa ng kanyang mga kasamahan. Subalit sinabi ni Esperanza na hindi ka makakapagtago at makikita ka din nila, kung kaya nakiusap si Mannnuel kay Esperanza na kung may nararamdaman din siyang pagtatangi sa kanya nais niyang magkaroon sila ng kasunduan. Na hindi sila maghihiwalay hanggat silay nabubuhay. At kung mamatay ang isa sa kanila, mamatay din ang isa. Ito ang sagisag na kanilang dakilang pag-iibigan. Hiling niya rin kay Esperanza na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang bilang diwata na gawin silang Ibon upang malaya silang mamuhay at lumipad kung saan man nila naising magpunta. Dahil na din sa may pagtatangi si Esperanza sa binata tinupad nito ang kanyang hiling at sa isang kupas lamang ng kamay ni Esperaza silay kapwa naging ibon na mayroong kaaya-ayang kulay na sino mang makakita ay mapapahanga sa ganda nito. At dito nagsimula ang alamat ng nagmamahalang ibon na ngayon ay mas kilala sa katawagang Love Birds.

Kimberly T. Dimabayao CTE 3-FILIPINO

You might also like