You are on page 1of 1

Marie Blanca Liwanag

VI- 9 Amethyst

Ang Talambuhay ni Josefa Llanes Escoda

Ipinanganak si Escoda sa Dingras, Ilocos Norte. Siya ang pinakamatanda sa pitong mga anak nina Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Isa siyang balediktoryana sa mababang paaralan at [[salutatoryana] sa Mataas na Paaralan ng Ilocos Norte. Nag-aral siya sa Paaralang Normal ng Pilipinas sa Maynila upang makamtan ang kanyang degri sa pagtuturo, at nagtapos ng may mga parangal noong 1919. Habang naghahanapbuhay bilang isang guro, nagkamit siya ng katibayan sa pagkaguro sa mataas na paaralan mula sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1922. Pagkaraan makatanggap ng katibayan sa pagkaguro, naging isa siyang manggagawang panlipunan para sa Kabanatang Pampilipinas ng Amerikanong Pulang Krus (isang kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas noong panahong iyon). Binigyan siya ng Pulang Krus ng isang iskolarsip sa Estados Unidos, kung saan nakapagkamit siya ng degring masteral sa Sosyolohiya. Sa unang paglalakbay niya sa Estados Unidos, habang nasa Pandaigdigang Liga para sa Kapayapaan ng mga Kababaihan (Women's International League for Peace) noong 1925, nakatagpo niya si Antonio Escoda, isang reportero mula sa Tanggapan ng Pagpapahayag ng Pilipinas (Philippine Press Bureau) na pinakasalan niya sa paglaon. Nagkaroon sila ng dalawang mga anak, sina Maria Theresa at Antonio. Noong 1925 din, nakatanggap siya ng Degring Pang-master sa Gawaing Panlipunan mula sa Pamantasan ng Columbia. Nagbalik siya sa Estados Unidos noong 1933 upang sumailalim sa pagsasanay kaugnay ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Estados Unidos na may pagtangkilik ng Mga Lalaking Tagapagmanman ng Pilipinas. Pagkaraan nito, bumalik siya sa Pilipinas upang sanayin ang mga kabataang babae upang maging mga pinunong Tagapagmanmang mga Batang Babae, at pagdakang nagpatuloy sa pagtatatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Noong Mayo 26, 1940, nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang karta o tsarter ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Si Escoda ang naging unang Pambansang Tagapagpatupad ng pangkat na ito. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilusob ng mga puwersang Hapones ang Pilipinas. Hinuli ang asawa ni Escoda noong Hunyo 1944, at inaresto rin siya pagkaraan ng dalawang buwan, noong Agosto 27. Ibinilanggo siya sa Kutang Santiago, sa kulungang pinagkabilangguan din ng kanyang esposong si Koronel Antonio Escoda, na sumailalim sa parusang kamatayan noong 1944, kasama ni Heneral Vicente Lim, na nakulong din sa piling ng koronel. Huling nakita si Josefa Escoda noong Enero 6, 1945. Pagdaka, kinuha siya at ikinulong sa isa sa mga gusali ngPamantasan ng Dulong Silangan (Far Eastern University'' na ginagamit ng mga Hapones. Pinaniniwalaang pinarusahan siya ng kamatayan[1] ng mga Hapones at inilibing sa isang walang tandang libingan sa loob ng Libingan ng La Loma, na ginamit ng mga puwersang Hapones bilang isang paslangan at libingan para sa libu-libong mga Pilipinong lumalaban sa pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas.

You might also like