You are on page 1of 5

Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!

)
Ang dahilan kung bakit ako sumulat ng artikulo patungkol sa ganitong tanung ay upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso. Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon. Ang mga nakasulat sa artikulo kung ito ay base sa aking pansariling karanasan at obserbasyon sa mga taong aking kakilala at malapit sa aking puso. Maaring ang mga ito ay taliwas sa karanasan na inyong narinig mula sa inyong mga kakilala at ito naman ay aking inaasahang mangyari dahil naniniwala ako sa kasabihang Everybody is unique Bukas ang aking pandinig upang pakingan o basahin ang inyong mga karanasan at maari ninyo itong ipadala sa akin, sino ang nakakaalam baka may mapulot akong bagong kaalaman mula sa inyong karanasan at maging kapaki-pakinabang ito para sa aking anak at mga magiging apo. Ngayon dumako na tayo sa tanung na Paano ba pumili ng Kurso sa Kolehiyo na hindi ko pagsisisihan? Una sa lahat mayroon akong gustong linawin tungkol sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, mayroon akong natuklasan na sa palagay ko ay mahalagang malaman ng mga estudyanteng nasa ilalim ng pagdedesisyon. Madalas na nasa isipan ng isang tao o estudyante na ang

Pagtatapos ng kolehiyo ay Pagkakaroon ng pera Totoo na pwede kang magkapera pagka nakatapos ka ng pagaaral dahil may kapasidad kang magkaroon ng trabahong pang white collar job ito ang minimithi ng karamihang kabataang pilipino kapag nakatapos sila ng pag-aaral, ang magkaroon ng magandang hanap buhay. Kapag sinabi nating magandang hanap buhay ibig sabihin malaking sweldo at magagandang benipisyo at kung pupwede rin ay madaling trabaho, lumalabas kaya tayo nag-aaral ay para magkaroon ng pera! na sa ibang aspeto ay tama naman pero dapat natin itanung na, ito ba ang totoong layunin ng pagtatapos sa kolehiyo, ang magka-pera? Mayroon akong duda sa ganitong paniniwala, dahil parang hindi magandang pakingan na nagiging Negosyo ang Edukasyon. Kung pera lang din ang layunin natin sa pag-aaral mas mainam siguro na mag-aral muna tayo kung papaano humawak ng salapi at magpatakbo ng isang maliit na negsosyo tulad ng pagtitinda ng inihaw na bituka ng manok o di kaya eh pork-chop, pwede rin ang pagpapatakbo ng isang computer rental at matapos nito ay pumasok tayo sa mga seminar ni ginoong Colayco na magtuturo kung papaano pangalagaan ang financial income, dito malinaw na magkakapera tayo at lalawak ang ating kaalaman sa negosyo at paghawak ng salapi, hindi tayo basta-basta maloloko ng kapwa natin pagdating sa mga tubo o suklian at diskarte ng paninda. Pumapasok ang mga tao sa kolehiyo para mapadami ang kaalaman patungkol sa kanilang interes. Hindi interes sa bangko kundi personal na hilig, nais gawin sa buhay, maaring sa dako ng medisina, enhinyero o kompyuter, ang kanilang pangunahing layunin sa pagaaral ay upang makakuha ng maraming kaalaman at susunod nalang siguro dito ang magkapera, kung titignan mo sa panahon ngayon ay naging baligtad na, gusto mag-aral ng mga tao dahil intensyong magkapera agad, iniisip kung saan pwedeng magpuntang bansa o kung anung malalaking kumpanya ang pwedeng pasukan, magkano ang sweldo? Na kung saan kung titignan mo noon parang hindi naman ganito ang isipan ng mga estudyante, ang layunin nila sa pagpasok ng kolehiyo ay para maabot nila ang kanilang pangarap. Kung nakapanood ka nga ng mga Little Miss Philippines sa Eat Bulaga noon ang lagging tanung sa mga bata ay Ano ang gusto mong maging? Ang sagot nila

Gusto ko pong maging Doctor Bakit? (Follow-up question) Gusto ko po kasi maging katulad ng Tatay ko na gumagamot sa mga taong may sakit at tumulong sa mga taong mahihirap. Kung mapapansin ninyo ang mga kaisipan noon ay naka-sentro sa Life Purpose para magkaroon ng sense of certainty ang buhay o para mabuhay ng makabuluhan sa mundo. Pero ngayon parang iba na yata, tanungin mo ang mga estudyanteng mag-eenrol ng ganito Ano course na kukunin mo? (tanung) Nurse!(sagot) Bakit?(Follow-up question) Kasi po gusto ko pumunta ng Amerika! Bakit gusto mo pumunta ng Amerika? Para kumita ng Dolyar! Dahil kapag Dolyar kumpara sa Peso ay mas-malaki

Sa makatuwid kaya gusto mag-nurse ay hindi dahil sa gustong gampanan ang gawaing Nurse kundi nais lang talagang kumita ng malaking salapi. Gusto kung liwanagin muna na walang masama sa mag-ambisyon o sa pagkita ng malaking pera lalung-lalo na sa pagiging Nurse pero kung ang gagawin mong batayan sa pagkuha ng kurso ay kung alin ang mas malaki magpasweldo ngayon ay hindi matibay na batayan o paraan para pumili ng kurso.

So balik tayo sa naudlot na tanung Paano nga ba pumili ng kurso sa kolehiyo o ano ang matibay na basehan sa pagpili ng kurso? Ito ngayon ang sagot

Piliin mo ang kursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaring narinig nyo na ang payong ito pero sa totoo lang ito ang matibay na basehan at tamang paraan sa pagpili ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan at obserbasyon. Matanung ninyo kung bakit? Dahil kapag sinabing Course tinutukoy dito ang direksyon sa buhay, kapag tinanung na ano ba gusto mong direksyon o kung saan mo gustong mapapunta dapat mo itong sagutin ayon sa gusto mo Hindi dahil gusto ng magulang mo Hindi dahil gusto ng kaibigan mo At higit sa lahat hindi dahil libo-libong tao ang kumukuha ng kursong ito.

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay. Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo? Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot Kaya sana ang artikulo kung ito ay makatulong sa inyo. Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nung una, sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyon ay hihina na, ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay

ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal. Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi. PS Iminumungkahi kung iyong panoorin ang pelikulang banyaga na may pinamagatangACCEPTED, na pinagbibidahan nila Justin Long, Blake Lively, Mark Derwin,Columbus Short at sa direksyon ni Steve Pink. Maari mo ring basahin ang iba pang mga artikulong akin ring isinulat na pinamagatang

You might also like