You are on page 1of 12

DAHILAN NG PAGMAMADALI SA PAG-

AARAL NG MGA ESTUDYANTE BAGO

ANG ISANG EKSAMINASYON

Isang pamanahong papel

para kay:

GNG. ERLINDA D. TINAZA

Bilang obligasyon para sa asignaturang

FILIPINO IV

ni:

MAUREEN M. FONTANOZ
IV-10

TALAAN NG NILALAMAN

Layunin

Pangkalahatang Layunin i

Ispesipik na Layunin i
Bilang pagkilala ii

Panimula

Pagtalakay sa paksa na itinuturing na problema 1

Haypotesis 1

Layunin ng pag-aaral 2

Kahalagahan 2

Katawan 3

Metodolohiya

Disenyo ng pag-aaral 4

Kagamitan ng pag-aaral 4

Proseso ng pag-aaral 4

Estadistikang tritment ng datos 4

Obserbasyon, Pagsusuri, Interpretasyon 4

Pangwakas

Boud ng tinalakay na paksa 5

Solusyon sa suliranin 5

Rekomendasyon 5

Talasanggunian 7

Halimbawa ng Kwestiyuner

Kwestiyuner na ginamit sa pakikipanayam 8

Talaan ng Datos ng may-akda/awtor 9

Apendiks

Mga sagot sa pakikipanayam 10

Mga larawan
Bilang pagkilala

Ang pamanahong papel na ito ay nagawa sa tulong ng ilang mga tao.

Nagpapasalamat ako, una, sa Panginoon, sa pagbibigay sa pag-gabay sa akin upang

matapos ko ang pamanahong papel na ito, pangalawa, sa aking mga magulang na sumusuporta sa

akin sa paaralan, pangatlo, sa aking mga guro na gumagabay sa akin sa paaralan, at huli, sa mga

kaklase at kaibigan kong tumulong upang magkaroon ako ng ideya sa gagawin ko sa

pamanahong papel na ito.

Natapos ko ito sa tulong nilang lahat, kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila.

Layunin
○ Pangkalahatang Layunin

• Alamin ang dahilan ng mga estudyante sa pagmamadali nilang pag-aaral bago ang

isang eksaminasyon.

○ Ispesipik na Layunin

• Alamin kung bakit hindi nakakapagbasa ang ibang estudyante sa tamang panahon.

• Alamin ang ibang pinagkaka-abalahan ng ibang estudyante.

• Alamin ang ibang epekto ng pagmamadali ng ibang estudyante sa pag-aaral sa

kanilang grado.

• Tukuyin ang mabuti at masamang epekto ng pagmamadali sa pag-aaral.

Pagtalakay sa paksa na itinuturing na problema

Sa panahon ngayon, marami sa mga estudyante ang bumabagsak sa kanilang

eksaminasyon sapagkat hindi sila nakakapag-aral ng husto, ang iba naman ay maraming

ginagawa kaya hindi sila nakakapag-aral. Ang suliraning ito ng mga estudyante ay maaaring

mapatunayan. Marami ang nagsasabi na ang prosesong ito ng mga mag-aaral ay patok sa

marami, halos lahat ng estudyante ay may sari-sariling paraan ng pag-aaral, hindi man

napapansin ng kanilang mga magulang na sila ay nag-aaral ngunit sila naman ay nakakapasa,
kani-kaniyang solusyon kung paano makapasa. Ang isang suliranin ng mga estudyanteng hindi

nakakapag-aral ay ang pag-budyet ng kanilang mga oras, ang iba ay nagmamadali sa ibang mga

gawain kaya nawawalan ng oras ang isa pang mahalagang bagay na dapat nilang gawin. Hindi

nila marahil alam kung paano mag-budyet ng kanilang oras, marahil ay para sa ibang mga

estudyante, kulang na kulang ang dalawampu’t apat na oras sa isang araw upang magawa nila

ang lahat ng bagay na dapat nilang gawin.

Haypotesis

1. Ang mga estudyante ay tinatamad nang mag-aral o magbasa ng kanilang mga aralin.

2. Ang mga estudyante ay may ibang may bagay na pinagkaka-abalahan kaya

naisasang-tabi ang kanilang pag-aaral.

3. Ang mga estudyante ay nasanay nang magbasa ng kanilang aralin isa o dalawang

araw bago ang kanilang eksaminasyon.

Layunin ng Pag-aaral

Aking napili ang suliraning ito sapagkat nais kong alamin ang mga dahilan ng mga

estudyante kung bakit sila nagbabasa ng kanilang aralin isa o dalawang araw lamang bago ang

naitakdang araw ng kanilang eksaminasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman ng mambabasa kung ano ang iba’t-

ibang dahilan sa madaliang pagbabasa ng mga estudyante at makatutulong rin ito sa mga

estudyanteng apektado o nasa nasabing sitwasyon.

Katawan
Edukasyon, isang mahalagang aspeto sa buhay ng mga kabataan, maraming nabiyayaan

ng prebilihiyong makapag-aral, ngunit kanila ba itong pinahahalagahan? Isa sa mga suliranin ng

mga estudyante sa loob ng paaralan ay ang pagpapataas ng kanilang mga grado, ang isang

dagdag sa kanilang grado ay ang bahagdan ng kanilang eksaminasyon. Ang ibang estudyante ay

naghahanda ng husto para dito, nag-aaral ng mabuti at isinasa-isip ang kanilang mga nabasa.

Mayroon ding mga estudyanteng nagbabasa lamang isa o dalawang araw bago ang naitakdang

araw ng kanilang eksaminasyon, mas tumatatak sa kanilang mga isipan ang mga nabasa nila

kung ito ay sariwa, ang ibang estudyanteng nag-aaral ng isa o dalawang araw bago ang

eksaminasyon ay may iba ring mga dahilan, ang iba ay nagtatrabaho upang sila ay may pang-aral

kaya nababawasan ang kanilang oras para sa paaralan, ang iba rin naman ay may ibang bagay na

pinagkaka-abalahan at mas natututukan nila ang ibang mga bagay na iyon kaysa sa kanilang mga

pag-aaral. Mayroon ding mga estudyanteng nakakalimot kaya naman, makakapagbasa na lamang

sila ng ilang araw o marahil ay ilang oras bago ang eksaminasyon upang may pumasok sa

kanilang isipan, maaaring sila ay may problema sa ibang bagay tulad ng pamilya at mga

kaibigan, ang iba naman ay pansariling problema na lamang, kaya sila ay nakakalimot. Ang

nibang klase ng estudyante ay may tapang sa kanilang sariling kakayahan na kanila pang

naaalala ang mga itinuro ng kanilang guro kaya hindi na sila nagbabasa ng kanilang mga aralin,

itinuturing nilang proyekto ang kanilang mga kwaderno na hindi nagagamit, maaaring hindi rin

sila nakakapagbasa dahil sa sobrang pagod sa ibang gawain at ang iba ay ayaw lang talagang

magbasa, sila ay ang mga estudyanteng tinatamad. Marahil ang iba ay kuntento na sa mga

pahula-hula nila sapagkat alam nilang makakapasa sila dahil rito.

Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri sa mga nakuhang

impormasyon sa pakikipanayam ng may-akda sa iba’t-ibang estudyante mula sa iba’t-ibang


paaralan, ang may-akda ay nakapag-isip ng maraming mga tanong upang masagot ang kanyang

mga layunin at upang makarating sa kanyang solusyon. Ang pangalan ng mga estudyanteng

nakapanayam ng may-akda ay hindi maipapalabas sa pamanahong papel na ito at ang kanilang

mga kasagutan ay magagamit sa proseso ng pagsusuri ng may-akda.

Obserbasyon, Pagsusuri, Interpretasyon

Sa mga nakapanayam ng may-akda, iba’t-iba ang kanilang mga kasagutan, may sari-sarili

silang pananaw sa pag-aaral para sa eksaminasyon, sabi ng ilan, nakakapagbasa sila ng maayos

ayon sa kanilang mga oras, ang iba rin ay kulang ang kanilang oras para magkaroon pa ng oras

sa pagbabasa ng kanilang mga aralin sa paaralan, ang iba naman ay sadya ang pagbabasa nila ng

isa o dalawang araw bago ang eksaminasyon sapagkat mas tumatatak ang mga babasahin sa

kanilang utak kapag ito ay sariwa. Marami ang nagsabing nakatutulong ang madaliang

pagbabasa nila sa kanilang eksaminasyon sapagkat mataas naman ang kanilang mga nakukuhang

grado. Ang mga estudyanteng nagbahagi ng kanilang mga panayam ay mula sa iba’t-ibang

paaralan at may iba’t-ibang estilo ng pag-aaral. Natutunan ng may-akda na ang mga estudyante

ay may sariling estilo sa pag-aaral at hindi lahat ng nagbabasa ng isa o dalawang araw ay

tinatawag ng madaliang pag-aaral ng mga estudyante.

Pangwakas

Napatunayan ng may-akda na ang mga estudyanteng nagbabasa isa o dalawang araw

bago ang kanilang eksaminasyon ay may iba’t-ibang dahilan. Maaaring sila ay tinatamad, ang iba

ay may ibang mga gawaing pinagkaka-abalahan kaya nauubusan ng oras para magbasa ng

kanilang mga aralin at may mga estudyante rin namang estilo na nila ang magbasa ng isa o

dalawang araw bago ang eksaminasyon upang mas sariwa ang kanilang utak ukol sa mga aralin.

At ang panghuli ay ang mga estudyanteng hindi nag-aaral sapagkat sila ay tinatamad o ayaw lang

talaga nila.
Isang solusyon na maaaring makatulong sa mga estudyanteng ayaw mag-aral ay ang

pagbibigay ng mga guro ng pangunang mga eksaminasyon upang may maisaulo ang mga

estudyante bago ang mismong araw ng kanilang eksaminasyon. Maaari rin silang magbigay ng

mga nakaka-ingganyong sabi upang magkaroon ng motibo ang mga estudyante para magbasa ng

kanilang mga aralin.

Maraming dahilan ang mga estudyante, maaaring isa na ang kanilang mga emosyon

tungo sa mga eksaminasyong binibigay ng mga guro at sa mga gawaing pinapagawa ng kanilang

guro na nakakapagwala ng motibo nila upang mag-aral, ang iba pa ay ang mga pinagdadaanan

nilang mga sitwasyon sa kani-kanilang mga bahay na nakakapagpapababa ng kanilang mga

sariling kakayahan. Maaaring gugulin ang mga dahilang ito upang malaman ang malalim na mga

kadahilanan ng mga estudyanteng apektado ng sitwasyong ito.


Talasanggunian

Ang mga sangguniang nagamit ko sa aking pag-aaral ay ang mga sumusunod:

• http://www.peyups.com/posts.khtml?mode=viewtopic&topic=22850&forum=10&start=0

• http://www.mindtools.com/pages/main/newMN_HTE.htm

• http://books.google.com.ph/books?id=nZcsOR6rEjEC&pg=PA352&lpg=PA352&dq=stu

dent+factor&source=bl&ots=Nq-_70YjnD&sig=92jY0aKk8sIgvC-

K6Rgdc2PLxMo&hl=en&ei=hRuzScPUI8nUkAW7ovXJBA&sa=X&oi=book_result&re

snum=2&ct=result

• http://www.marketing-ideas.org/personal-biography-example.php?I=12345&T=&PC=-

RSS

Halimbawa ng Kwestiyuner

Kwestiyuner na ginamit sa pakikipanayam


Mga katanungan:

1. Tuwing eksaminasyon, ikaw ba ay nagbabasa ng iyng mga aralin?

Kung oo

2. Ilang araw bago ang araw ng eksaminasyon ka nagbabasa ng iyong mga aralin?

Kung higit sa dalawang araw

3. Ano ang nagiging resulta ng iyong mga grado pagkatapos ng eksaminasyon?

Kung isa o dalawang araw

3. Bakit isa o dalawang araw ka lang nagbabasa?

4. May mga ginagawa ka ba na nagiging hadlang para makapag-aral ka para sa

darating mong eksaminasyon?

5. Ano naman ang mga resulta ng eksaminasyon mo?

Kung hindi

2. Bakit naman hindi ka nagbabasa ng iyong mga aralin?

3. Anu-ano ang mga ginagawa mo kung hindi ka nag-aaral para sa eksaminasyon?

4. Ano ang resulta ng iyong grado pagkatapos ng eksaminasyon?

Kung mataas

5. Nakasanayan mo na ba ang hindi magbasa para sa isang eksaminasyon?

Kung mababa

5. Ayos na ba ang gradong ganoon sa iyo?

Talaan ng mga Datos ng may-akda/awtor

Pangalan: Maureen Malinagn Fontanoz

Araw ng kapanganakan: Enero 15, 1993 Lugar ng kapanganakan: Lungsod ng Baguio


Pangalan ng mga Magulang:

Ina: Dina Malingan Fontanoz

Ama: Rogelio Campos Fontanoz

Pangalan ng mga Kapatid (mula panganay hanggang bunso, maliban ang sarili):

Ariel Malingan Fontanoz

Roxanne Malingan Fontanoz

Zylene Malingan Fontanoz

Edukasyon:

Mababang Paaralan: Saint Louis University Laboratory Elementary School

Mataas na Paaralan: Pines City National High School

Affiliations:

Chiro Youth Movement

ABBA (Alumni of Baguio for Baguio)

Mga sagot sa pakikipanayam

“Mga 2 days before exam, minsan di rin ako nakakapag-review kasi maraming mga ibang

activities sa school, mahirap rin kasi mag-habol ng rquirements”

–isang estudyante ng PCNHS


“Bahala na system, wala lang, inaantok ganun, pero oo, mataas naman grades ko, nangongopya,

he he”

–Cesar Angara ng PCNHS

“2 days before exam ako mag-review para fresh pa yung isip ko, student-factor naman yan eh,

oo, mataas ang grades ko, siyempre ganun talaga ako mag-review eh, minsan di rin ako

nakakapagbasa kasi masyadong maraming i-rereview, nakakatamad na, tsaka kasama ko rin kasi

family, barkada ko, stress din kasi, sobrang maraming ginagawa, tapos kulang rin sa motivation,

isa pa, hindi ko lang feel mag-review”

–Drena Laxamana ng UC

“Uhm, depende sa subject, ‘pag about math mag-sosolve ako, ‘pag ung mga kailangan

magmemorize, scan lang, alam ko naman na e, nakatatak na sa utak. Generally nag-rereview ako

1 week before, tapos scan na lang bago matulog before exam. Kapag yung talagang ni-rereview

ko, oo mataas, pero kapag ‘yung mahirap at unexpected na kasama sa exam, ‘yun ang mababa.

Kapag kailangan, i-rereview ko talaga. Kapag tinatamad ako or ayaw ko talaga ‘yung subject or

walang natututunan or ayaw ko lang talaga. Ang mahirap para sa akin e kapag may dumating na

problema, kaya hindi ako nakaka-review, lalo na pag family-related or financial.”

–RJ Cayabyab ng AMA

You might also like