You are on page 1of 5

Lektyret ng Panimulang Pag-aaral at Unang Yugto ng Gitnang Panahon Ang Panahong Medyibal na tinatawag ding Kalagitnaang Panahon ay naganap

sa pagitan ng pagbagsak ng kanluran imperyo ng Roma (hindi kasama ang Byzantium) noong 476 AD at ang paglitaw ng makabagong Europa sa mga huling taon ng 1400. Sa mga unang taon ng Kalagitnang Panahon naganap ang Panahon ng Karimlan (Dark Ages). Sa panahong ito ang kapangyarihan ng Roma ay lubusan nang nawala at ang matandang Kanlurang Imperyo ay nahati sa mga tribong barbaro. Maaaring ang Kalagitnaang Panahon ay larawan ng panahong magulo at walang malinaw na antas ng kanluran. May mga katangian ang bawat pangyayari na nagkakatugma-tugma upang mula rito ay unti-unting dumating ang Kabihasnang Medyibal. Sa panahong ito nagsimula ang pundasyon ng ating mga institusyon tulad ng simbahan. Sa mga makabagong historyador, ito ang kalagitnaang punto ng pag-aaral ng pagaaral sa paglinang ng kanlurang tao. Kung sa pagbilang naman naman ng panahon, binubuo ito ng mga libong taon sa agitan ng pagbagsak ng Imperyong Romano at ang simula ng Makabagong Panahon. Makikita sa panahong ito ang kapaligiran ng Europa na nasalanta ng mga tribong barbaro. Nagwakas ito nang maunlad na ang kabuhayan sa mga lungsod, may masiglang kalakalan dahil sa nasakop na mga lupain, at ang mga pamahalaan ay naguunahan sa pagpaparami ng mga kolonya upang mapadakila ang kabihasnang kanilang pinagyaman. Ang unang limang dantaon pagkatapos bumagsak ang Kanlurang Imperyo ng Roma ay waring isang panahon ng kalituhan, labanan at kaguluhan. Tinagurian itong Panahon ng Karimlan sa Europa. Bagaman naghahari ang kaguluhan, dumating ang sandali na kinikilala ang simbahan. Gumanap ito ng mahalagang papel sa kasaysayan ng Europa. Mga Yugto ng Kasaysayan ng Gitnang Panahon 1. Pagbagsak ng Roma a. Panahon ng Karimlan b. Barbarisasyon c. Pagtaas ng Impeyong Aleman 2. Paglakas ng Simbahang Romano a. Paglaganap ng Kristiyanismo b. Paglakas ng Kapapahan c. Mga Suliraning Kinaharap ng Simbahan 3. Pag-usbong ng Islam 4. Paglakas ng Imperyong Carolingian 5. Piyudalismo a. Manoryalismo b. Kabalyerismo at Kamaginoohan 6. Krusada 7. Pag-usbong mga Bayan at Lungsod a. Sistemang Guild 8. Pagkakaroon ng mga Unibersidad 9. Pagkakaroon ng mga Gitnang Uri o mga Bourgeoisie 10. Debelopment ng Kultura ng Gitnang Panahon Panahon ng Karimlan: Pagbagsak ng Imperyong Romano Ang imperyo ay naging napakalawak, napakatuso, at napakagulong mekanismo. Ang imperyo ng Roma na malubha ang suliraning pangkabuhayan mula pa noong ikatlong siglo, ay hindi kayang balikatin ang kanyang sariling bigat Kahit sa pagpapatupad ng kanyang kapangyarihan, nangangailangang pakiputin ng estado ang kanyang larangang ginagalawan. Ang ganito ring pangangailangan ang humati sa kanlurang Europe sa mga estadong may bahaging Romano at bahaging barbaro. Ang huli ay muling nagkawtak-watal at walang tigil na pangyayaring ito ay naganap sa loob ng daan-daang taon hanggang noon ika-12 dantaon. Sinamahan din ang ganitong paghina ng pangmadlang sigla at ganap na nagpatuloy ito hanggang sa winasak ang pagkaunawa ng mga mamayan tungkol sa kapakanan ng pamayanan noong kapanahunan ng barbarismo Lot at Gibbons Mga Salik ng Pagbagsak ng Imperyong Romano 1. Kakulangan ng mga tapat at may kakayahang pinuno 2. Paglubha ng krisis pangkabuhayan 3. Paghina ng hukbong Romano 4. Pagkawala ng katuturan ng pagkamamayang Romano 1

5. Pagbaba ng moralidad ng mga Romano 6. Pagsalakay ng mga Barbaro sa Roma Pagsalakay ng mga Barbarong Aleman Tribong nanalakay sa Roma; Vandal Lombard Ostrogoth Visigoth Frank Burgudian Alamanni Scandinavian Anglo-Saxon Dutch halos magkakapareho sila ng kultura at wika ngunit wala silang pagkakaisa Mga teritoryong barbaro; Teritoryo Espaa at Hilagang Gaul Gitna at Katimugang Gaul Kabila ng Gaul hanggang Silangan Lamabak ng Rhine Palibot ng Timog Africa Italya Brtitanya Theodoric napasakamay ng mga

hari ng mga Ostrogoth na sumakop sa Italya noong 494 isa sa mga mahuhusay na haring barbarong nanakop sa Italya sa loob ng 33 taong pamamahala ay mahusay niyang napamunuan ang mga nasasakupan pinahalagahan niya ang agrikultura at kalakalan, nagpayos siya ng mga gusali at daan, pinahalagahan ang edukasyon, at naging maluwag sa kanyang pamamalakad ukol sa relihiyon. sa kanyang pagkamatay nagsimula na naman ang pagbagsak ng Italya Odoacer unang nagtayo ng kaharian sa Italya at tinalo ni Theodoric itinayo niya ang kapital ng Ravenna sumunod siya sa mga kaugaliang Romano at iningatan niya ang mga gusali at titulo ng Imperyo nakipamuhay sa kapayapaan sa mga Romano Clovis sumakop sa Pransya hari ng Salian Franc 491 AD itinatag ang Dinastiyang Merovingian, na pinangggalingan ng Dinastiyang Carolingian nang lumaon, humina rin ang Pransya dahil napalitan ito ng mga mahihinang pinuno hanggang sa panaho ni Charles Martel Sa Inglatera

sa simula, nasa ilalim ito ng mga Romano, subait nang sakupin ng mga Angles, Saxon at Jute at tinaboy ang mga Celts sa Wales at Cornwall Alaric pinuno ng mga Visigoth kinubkob nila ang Roma sa loob ng anim na araw Attila Ang Sumpa ng Diyos pinuno ng mga Hun Genseric pinuno ng mga Vandal (mula sa Hilagang Africa) na sumakop sa Roma ng dalawang taon pakatapos ng mga Visigoth sa loob ng 14 na araw, sinalanta nila ang buong ungsod sa mga vandal nanggaling ang salitang vandalism Ilan sa mga Impluwensya ng Imperyong Romano Mga Wikang Romano paggamit ng wikang Latin na pinanggalingan ng ilang wika sa Europa gaya ng Espaol, Pranses, Portuguese, Italiano at Romanian Paglaganap ng Kristiyanismo lumaganap sa Panahon ng Karimlan, nung wala ng ibang institusyong panlipunan ang natira maliban sa simbahan, na siyang nag-aruga at kumalinga sa tao 2

Grupo ng mga Barbaro Visigoth Salian Frank Ripaurian Frank Burgundian Vandal Ostrogoth Anglo-Saxon

isa sa mga unang nakilala sa pagpapalaganap nito ay si Pope Gregory the Great Mga Monasteryo ang tanging kanlungan ng mga tao sa panahon ng kaguuhan tumayong tahanan, ospital, paaralan at tanggulan amg monasteryo ay pinamumunuan ng isang abbot na nangangalaga at namumuno sa mga monghe ang mga monghe ay nabubuhay ayon sa kautusang ora et labora si St. Benedict ang isa sa mga unang nakilalang nagtaguyod ng pangkat ng mga monghe maliban sa mga gawaing pangkabuhayan, ang monghe rin ang sumulat at kumopya ng mga matatandang manuskripto noong panahon ng kaguluhan ang simbahan ang naging tagapangalaga ng sibilisasyon Ang Paglakas ng Simabahang Romano Ang Pasimula ng Kristiyanismo ayon sa banal na tradisyon at kasaysayang eklesyastikal, ang Kristiyanismo ay nagmula kay Kristo, isang Hudyo at kinikilalang Messiah ng mga unang Kristiyano unang ipinalaganap ang Kritiyanismo ng mga apostoles at mga taga-sunod ni Kristo nakilala si Pablo, na unang naging tagausig ng mga Kristiyano subalit sa

pagdaan ng panahon isa siya sa mga sumuporta at nagpalaganap ng Kristiyanismo dumaan sa napakahabang panahon ng paguusig at paghihirap ang mga unang Kristiyano: ang dugo ng mga martir ang naging binhi ng Simbahan Edict of Milan kautusang nagbibigay pahintulot sa mga Kritiyano sa buong imperyong Romano Theodosius (395 AD) ginawang opisyal na relihiyon ng estado ang Kristiyanismo Konseho ng Nicea (325 AD) - binuo ang unang Kredo ng Simbahang Kristiyano at unang doktrina na dapat sampalatayaan ng mga kasapi nito Arius (Arian Heresy) isang paring Kristiyano na sumalungat sa mga napagkasunduan sa Konseho ng Nicea, na itiniwalag at dineklarang irehe Patristic Era San Geronimo - isinalin niya ang bibliya mula sa orihinal na Hebreo sa Latin na tinawag na Latin Vulgate San Agustin - sumulat ng The City of God Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan 1. Pagbagasak ng Imperyong Romano tangiang ang simabahan lamang ang natirang matatag na institusyong panlipunan ang nasandalan ng mga tao noong panahon ng kaguluhan

sa kabila ng ilang panggugulo sa mga simbahan, mari pa rin ang gumalang sa mga ito nahikayat din ng simbahan ang konbersyon ng ilang barbaro na nadala sa pangakong kaligtasan mula sa pag-anib sa simbahan 2. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan hirarkiya ng simbahan - Santo Papa - Kardinal - Arsobispo - Opispo - Pari - Deakono 3. Uri ng Pamunuan sa Simbahan Constantine the Great pinunong Romano na nagtaguyod ng bagong relihiyon ipinatawag at pinamunuan niya ang Edict of Milan, Konseho ng Nicea at Konseho ng Constantinople Pope Leo the Great (440-461 AD) binigyang diin ang Petrine Doctrine ibinigay ang katawagang Papa sa Obispo ng Roma Pope Gregory I pinakamatagumpay niyang nagawa ay ang konbersyon ng mga barbaro sa Kristiyanismo na naging dahilan din ng paglaganap ng Kristiyanismo Pope Gregory VII nakilala sa kanyang pagbawi sa mga hari na karapatang magkaloob ng 3

kapanyarihan (power of investiture) sa mga tauhan ng simbahan alitan sa pagitan ni Haring Henry IV ng Alemanya 4. Pamumuno ng mga Monghe ang mga monghe ay grupo ng mga pari o relihiyoso na tumalikod sa buhay ng karangyaan o kamunduhan na narihan sa mga monateryo pinamumunuan ang mga monghe ng mga abbot sumusnod sa patakarang ora et labora o work and prayer ni San Benedicto naging katuwang ng Papa sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo Alyansa ng mga Papa at ng mga Franks sa Kanlurang Europa Noong huling bahagi ng ika-5 siglo, nagtatag ng sariling bansa ang mga Frank, isang tribong Aleman, sa hilaga at silangan ng Gaul. Ang bansang ito ay naging isang imperyo at kinilalang pinakadakila noong maagang panahong medyibal. Si Clovis, Hari ng mga Frank nagsimula bilang hari ng isang maliit na grupo ng mga Frank nang lumaon, napasakamay niya ang pinka huling labi ng imperyong Romano sa Gaul, na kung saan sinunod niyang lupigin ang iba pang kaharian ng mga Frank pinapagsak nila ang mga Visigoth sa timog Gaul noong 507 AD

nahimok sa Kritiyanismo nang mapagtagumpayan nila ang isang malaking digmaan na kung saan sila ay humingi ng tulong sa Diyos ng mga Kristiyano, na sinundan ng kanayng mga nasasakupan isa siya sa mga unang haring Germanic na naging isang Katoliko-Romano at unang tumanggap ng Kredo ng Nicea nilupig niya ang mga Kritiyanong Arian mula sa kautusan ng Papa kanyang tinuan: .. hindi ko matitiis na ariin ng mga Arian ang alinmang bahagi ng Gaul. Sa tulonng ng Diyos, magagapi natin ang sila at masasakop natin ang kanilang mga lupain 511 AD namatay si Clovis at hinati ang kanyang mga nasasakupan sa apat niyang anak na nagpatuloy sa pagpapalawak ng kaharian, subalit ang mga sumunod pa sa kanila ay mahihina, imoral, at lassenggo na tinaguriang walang sibling hari Paghahari ng Pamilyang Carolingian Pagsikat ng mga Mayor ng Palasyo mga katiwala ng palasyo na sumalo sa mga tungkulin ng hari na hindi magampanan ng tama Pepin isang mayor ng palasyo (mayor of the palace) na humwak sa mga kalupaan ng mga Frank at nang lumaan ay kinilala bilang nag-iisang pinuno ng mga Frank nakiisa at sinuportahan ang mga gawain ng Papa sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Charles Martel 714 AD tinanggap ang tungkulin mula sa kanyang ama napabanatog sa kanyang pagtalo sa mga Muslim sa Battle of Tours dahil sa tagumpay, napanatili ng Europa ang pagiging Kristiyano nito kinilala siyang Charles Martel o Charles ang Martilyo Pepin ang Pandak (Pepin the Short) humalili sa kanyng amang si Charles Martel pinaburan ng Papa na mamuno sa mga Frank kaysa sa mga walng silbing hari bilang pagtanaw ng utang na loob sa Papa, tinulungan niya itong magapi ang mga Lombard at ibinigay niya sa Papa ang mga nabawing teritoryo na tinaguriang Donasyon ni Pepin na pinagsimulan ng mga Papal States Ang Imperyo ni Charlemagne 768 AD minana ng dalawang anak ni Pepin ang kanyang mga nasasakupan, sila ay sina Charles at si Carloman Carloman namatay noong 771 AD at mag-isang pinamunuan ng kanayng kapatid ang buong imperyo Charles (Charlemagne o Charles the Great) humalili sa kanyang ama at kapatid ipinagpatuloy ang pagtulong sa Papa 4

sa kanayang panahon, ganap ng nagapi ang mga Lombard at kinilala siya bilang hari ng mga Lombard kasabay ng kanyng panlulupig ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo nagtalaga ng mga konde na mamahala sa kanyang mga nasasakupan at kinakailangang sumunod sa batas ng missi dominici o mensahero ng panginoon ipinares niya ng kanyang kabisera sa Aixla-Chapelle (ngayoy Achaean, Kanlurang Alemanya) itinaguyod ang dating mga mahuhusay na kalinangan na tinaguriang Carolingian Renaissance hinimok ang mga pari na mag-aral at palawakin ang kanyang mga nasasakupan sinuportahan ang pagtuturo ng Simbahan ang muling pagbabalik ng inters sa pagaaral ay nakatulong sa pagbuhay ng kulturang Romano at sa pagkalinang ng sibilisasyon ng kanlurang Europa Pagpuputong ng Korona Kay Charlemagne 800 AD naglakbay sa Roma upang magsimaba sa pagdiriwang ng araw ng Pasko 25 Disyembre habang nagdarasal ay nilapitan siya ng Papa sabay sabing: Kay Charles Augustus ang korona ng Diyos sa dakilang emperador ng mga Romano, mahabang buhay at tagumpay Walang nakakababatid kung itoy pinagkasunduan nila ng Papa o hindi. Alinman ang totoo, isang bagay ang pinatotohanan ng seremonya na buhay pa

ang diwa ng Imperyo ng Roma, na malakas pa rin ang determinasyon ng maibabalik ang kaisahang politikal sa buong Europa. Ipinapahiwatig ng koronasyon ni Charlemagne na kinikilala ng Papa ang pagiging pinuno ng estado ni Charlemagne, na si Charlemagne ay naging pinunong emperador sa kalooban ng Diyos at nasa panig niya ang Simbahan. Subalit, ang bagay na ito ay hindi pawang mabuti para sa hari. Ipinakita ng seremonya na may karapatan ang Simbahan na pumili ng emperador ng Roma. Mula noon, inangkin ng mga Papa at mga hari na ang bawat isa sa kanila ang may pinakamataas na kapangyarihan Ang Paglitaw ng Sibilisasyong Sangkakristiyanuhan ang paglitaw ng isang kaispan na pinaghalong politika at pananampalataya na nagbunga ng isang sibilisasyon Sangkakristiyanuhan sa daigdig ng Sangkakristiyanuhan, ang Kristiyanismo ang tangi at pinakamalaki na puwersa na umugit sa buhay, simulain, at paniniwala ng mga tao itinuring mga tao ang kanilang mga sarili bilang isang Kristiyano hindi bilang isang Romano ang kaisahang ito sa Europa ay tumagal ng 700 taon

Inihanda ni: RHED ARCELON SALONGA duc it altum

You might also like