You are on page 1of 10

PAGMIMINA SA KARAGATAN AT BAYBAY-DAGAT (MARINE MINING)

Inihanda ng Defend Ilocos Against Mining Plunder (DEFEND ILOCOS) para sa Ilocos Summit on Mining & Climate Change

Patuloy ang pagtaas ng kahalagahan ng pagsasaalang-alang ng pagmimina ng mga mahahalagang mineral sa karagatan, baybay-dagat at dalampasigan (tutukuyin natin ang pagmimimina sa mga bahaging ito sa mga susunod na talata bilang MARINE MINING) dahil na rin sa pagkaubos ng deposito sa mga dating lugar na minimina, pagliit ng mga lugar na maaring minahin sa kalupaan (dahil na din sa malawakang aplikasyon, operasyon, at mahigpit na pagtutol ng mamamayan), pangangailangan ng papataas na teknolohiya at napakamahal na pamamaraan ng pagkuha at pagproseso ng mga ito. Ang Marine Mining ay isang malawak na terminong ginagamit kaugnay ng eksplorasyon, patutukoy, at pagkuha ng mga yamang-mineral (kasama na ang mga buhangin at graba) na may mahahalagang gamit pangekonomiya mula sa deep ocean, continental shelf, coastal zones, onshore (dalampasigan) at maging ng mga estuarine areas (bukana ng ilog na nakaadugtong sa karagaatan). Ang pagmimina sa naturang lugar ay nasa pamamahala ng mga kinauukulang bansa kung ito ay nakapaloob sa 368 km (200 nm) Exclusive Economic Zone (EEZ) habang lahat ng labas sa EEZ ay nasa pamamahala naman ng United Nations International Seabed Authority (UN-ISA). Batay sa itinatakda ng panuntunan ng ISA, ang alin mang pagmiminang gagawin sa loob ng EEZ ay nararapat na may sapat na bahaging mapupunta sa kinauukulang bansa mula sa kita at mga buwis sa operasyon.

Sa katunayan, ang pagbibigay diin sa pagpapaunlad ng marine mining ay nakaangkla sa layuning (1) magkapagbigay daan sa pagkuha sa napakalaking suplay ng ibat ibang uri ng mineral, (2) mas madaling pamamaraan ng transportasyon patungong pamilihan, (3) minimal na pangangailan ng imprastraktura, at (4) simple at minimal na rekurso para sa ekstraksyon at pagproproseso kumpara sa mga nakasanayang pagmimina sa kalupaan. Mayroon lamang apat na bansang may batas ukol sa regulasyon at pagbibigay ng lisensya sa deep sea mining, ang Japan, Papua New Guinea, New Zealand at Vanuatu. Ngunit inaasahang sa sabay na pagunlad ng teknolohiya para dito at ng napakataas na demand para sa mga mineral na makukuha mula rito ay lalaki pa ang bilang ng mga ito. Habang ang pinakamahuhusay at magagandang erya at deposito (na matatagpuan sa Pacific at Indian Oceans) ay nasa ilalim na ng lisensyang ibinigay sa US, Japan, Germany, United Kingdom, Russia, Korea, Italy, China at India.

Mineral sa Karagatan Tinatayang 60% ng kalupaan sa mundo ay matatagpuan sa ilalim ng dagat na may lalim na humigitkumulang na 2000 metro, kalakhan sa eryang ito ay nananatiling hindi nagagalugad ng tao. Ang potensyal para sa suplay ng mahahalagang mineral, lalo na ng mga metal ay sinimulang pagtuunan ng pansin noon pang 1960 lalo na ng mga imperyalistang nasyon sa pangunguna ng US at Great Britain bilang pagtugon sa papataas na pangangailangan ng kanikanilang mga gobyerno at negosyo, at pagtitiyak ng kontrol sa malawak at mataas na suplay ng mga pangunahing mineral. Batay sa nanaliksik na isingawa ng US Department of Interior, Mineral Management Services (MMS), mayroong mahigit 90 na mineral at materyal na pangunahing kinakailangan sa internasyunal na pamilihan na matatagpuan at maaring minahin mula sa karagatan. Ang mga ito ay karaniwang nahahati sa limang grupo:

Sa mga ito, 32 ang kinakapos ang US habang 20 naman ang kakapusan sa pandaigdigang pamilihan. Tinatayang 60 mula sa 90 na mineral na matatagpuan sa kalupaan ay may mas malaking deposito sa karagatan at sobra-sobra pa upang tugunan ang 30 sa 32 kulang na mineral na pangangilangan ng US at ng iba pang bansa. Ito ay nakabatay lamang sa EZZ na saklaw ng mga bansa, labas pa sa bahaging kontrolado ng UN-ISA.

Ang mga nabanggit na mga materyal ay nabibilang sa 4 na uri ng deposito sa karagatan at baybay-dagat batay sa kanilang mga pangekonomiyang kahalagahan deep sea bed industrial mineral deposits, deep seabed metallic mineral deposits, shelf industrial mineral deposits, at shelf placer mineral deposits.

Karaniwang matatagpuan ang mga mechanically concentrated mineral deposits gaya ng ginto at ilan pang mabibigat na mineral (kagaya ng magnetite) sa continental shelf, na iniaanod ng mga ilog na dumudugtong sa karagatan mula sa kabundukan at kalupaang pinagmulan nito. Habang ang mga chemical at biological deposits gaya ng polymetallic modules ay sa deep seabed deposits naman matatagpuan. Pinakamayan sa mineral ang mga placer deposits sa sediment-bedrock interface sa surf zone kung saan nagsisilbi itong salaan at imbudo sa pamamagitan ng paghihiwalay ng maalalaki at magagaan na mga mineral at naiiwan naman ang mas maliliit at pinong mabibigat na mineral bilang mga lag sediments. Matatagpuan at nakakalat ang ibat ibang deposito ng mineral mula sa surf zone hanggang sa average na 6000 m na lalim at 8,000 km mula sa dalampasigan. Batay sa dalawang kumpanyang nagsasagawa ngayon ng deep seabed mining operation ang Nautilus ng Canada (mayroong 9.5 % na pag-aari dito ang Barrick ang pangunahing kumpanya sa pagmimina ng ginto) at Neptune ng Autralia, may potensyal na 12.5% copper at 15 grams na ginto sa bawat tonelada kada taon. Ang karaniwang grado ng copper sa mga minahan sa kalupaan ay 1-2% habang 1-3 gramo naman sa ginto, itinuturing ng napakataas ng 5 gramo na karaniwang nakukuha na sa malalalim na minahan.

Bagamat itinuturing na bata pa -- bagong pag-unlad at larangan ito sa industriya ng pagmimina (kumpara sa pagmina ng gas at langis), ang marine mining ay matagal ng pamamaraan sa nasabing industriya na gumagampan at nag-aambag ng malaking bahagi sa ekonomiya ng ilang bansa. Noong 1986, mayroon ng 7 pangunahing pangangailangang mineral sa pandaigdigang pamilihan na minimina ng 29 na bansa sa ganitong pamamaraan. Kung susuriin batay sa kasaysayan at kalagayan sa buong mundo, ang marine mining ay matagal-tagal ng isinasagawa sa malapit sa dalampasigan (nearshore inner continental shelf waters) sa lalim na kulang-kulang 200 metro. Ang pagmimina ng diamante, phosphate, titanium at tint ang ilan sa mga naunang naisagawa. Samantalang ang mga manganese nodules na mayaman sa nickel, copper at cobalt ay siya namang pinagtuunan ng pansin sa deep sea mining. Katunayan, ang pinakamalaking produksyon ng ginto sa pamamagitan ng offshore na pagmimina, bago ang kasalukuyang isinasagawa ngayon sa Alaska ay matatagpuan sa Pilipinas na nagluwal ng 14 milyong gramo (500 000 oz) ng ginto mula 1920s hanggang 1940s. Kaugnay nito, maari ding makakuha ng mataas na grado ng mga mamahaling metal gaya ng ginto at platinum mula sa dalampasigan (beach) at baybaydagat (nearshore) ng Alaska, British Columbia, Nova Scotia, Pilipinas at Russia. Samantalang ang Indonesia naman at Thailand ay nangununa noong dekada 80 sa pagmimina ng tin na may humigitkumulang na 25 offshore dredges operation. Ang pagmimina ng diamante ang isa sa pinakamalawak na marine mining operation sa buong mundo, kalakhan nito ay matatagpuan sa baybayin ng mga bansa sa Africa.

Kaugnay nito, ang pagmimina ng buhangin para sa mga industriyal na pangangailangan bilang sangkap sa kongkretong ginagamit sa konstruksyon (aggregates), pantambak at pang-rehabilitate ng dalampasigan at ekstraksyon ng mga mineral na nakahalo dito kagaya ng ginto, platinum, magnetite, pilak at iba pa ang pangunahing anyo sa kasalukuyan. Nakapaloob sa pamamaraang ito ang buong proseso ng aktwal na pagtanggal ng buhangin mula sa dalampasigan, baybay-dagat, mga bukana ng ilog at maging sa mga lawa. Pinaghihiwalay ang buhangin at ang mga kinakailangang mineral sa pamamagitan ng tubig at iba pang pamamaraan habang ang mga latak o basura mula sa proseso ay agad ibinabalik. Pamamaraan at Proseso ng Pagmimina Sa kabila ng pagkakaiba ng kalagayan ng mga minahan, ang pamamaraan na ginagamit sa pagmimina ay maaring ikategorya sa apat na grupo kapwa sa kalupaan o sa dagat: scraping the surface, excavating a pit or quarry, tunnelling underground, extracting the minerals through a bore hole or other conduit as a fluid. Ang lahat ng pamamaraan na ginagamit sa marine mining ay variation at innovation lamang ng mga ito. Kadalasang ang paggamit ng draga (dredge) bilang paraan ng pagkuha ng mineral sa marine mining. Ang mga offshore dredges ay maituturing na lumulutang na planta para sa pagmina at ilang minimal na pagproproseso ng mga nakukuha mula sa ilalim ng dagat (washing, sorting, at concentration). Ang mga dumi o basurang mula sa pagsasagawa ng mga nasabing proseso ay agad itinatapon sa dagat. Sa kasalukuyan mayroong tatlong pangunahing disenyo ng draga na ginagamit sa pagsasagawa at operasyon ng mga offshore mining platform sa mundo. Ito ay ang wire-line, bucket-ladder at ang hydraulic o airlift.

Sa kabuuhan, ang pagproproseso para sa mga mineral na makukuha mula sa marine mining ay hindi naiiba sa isinasagawa sa mga mineral na nakukuha sa kalupaan, ang pagkakaiba lamang ay maaring

mismong sa karagatan gawin ang proseso (para sa malalaking offshore flatforms) o di kayay pagdala ng mga mineral sa mga plantang malapit sa erya ng minahan. Ang Pandaigdigang Pangangailangan sa Bakal at Pagmimina ng Magnetite Ang iron ang pang-apat na pinakamaraming depositing mineral at sunod ito sa aluminium bilang pinkamalaking deposito ng metal sa kalupaan ng mundo. Sa kasalukuyan, bagamat ginto at diamante ang nangungunang mga mineral na may mataas na halaga sa pandaigdigang pamilihan, ang bauxite, iron ore at copper ang nangunguna pa rin sa pangangilangan ng mga imperyalistang bansa dahil sa ginagampanan nitong papel bilang pangunahing materyal na ginagamit sa ibat ibang industriya. Nitong mga nakaraang dekada, unti-unti ng nahihirapang tugunan ng mga nangungunang bansa sa pagmimina at pagexport ng mga mineral gaya ng Canada, Brazil,Australia, Japan, Gran Britanya, Germany, Russia at New Zealand ang pangangilangan sa Asya lalo na ang papataas at sustenidong na importasyon ng China at India para sa mga mineral na nakaugnay sa produksyon ng bakal at alloys. Lumiliit na din ang suplay ng mineral para sa bakal (iron ore) na pangunahing isinusuplay ng Australia, New Zealand, Brazil, at India para sa mga umuunlad na ekonomiya sa Asya. Ito ay bunsod ng paghipit sa mga regulasyon sa pagmimina sa mga nsabing bansa at pagsasabansa ng ilang minahan ng iron ore sa India. Habang patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng isinusuplay ng kumpanyang Vale ng Brazil. Partikular sa iron sand at paglikha ng bakal, ang China ang pangunahing nagpapaikot sa palitan sa merkado nito at maging ang mga itinuturing

na rare earth metals sa ksalukuyan. Noong 2005 nagimporta ito ng 1.108 milyong tonelada o 76.2% mas malaki kaysa sa nakaraang taon. Ang pagtaas na ito ay nagpatuloy sa average na 47.9% kada taon. Nitong 2011, inabot ng China ang pinakamalaking bolyum ng iron-sand import na 68.97 milyong tonelada sa unang kwarto at umabot ng 334.25 milyong tonelado noong Agosto. Habang ang presyo naman ng iron-sand ay patuloy sa pagtaas ng average na 66.1% kada taon mula sa nauna ng nabanggit na taon na nagkakahalaga ng $10.44 bilyon. Pangunahing dahilan dito ay ang mataas na pangangailangn nito ng bakal at kawalan nito ng sapat deposito ng iron sand sa kanyang nasasakupang teritoryo. Ito ang dahilan kung bakit nagsusumikap ang China (at maging ng iba pang bansa) na makapagpaunlad ng katayuan sa pagmimina at makapwesto sa mga susing lugar ng deposito ng iron sand sa Asia at Pasipiko kagaya ng Pilipinas. Ang mga pangunahing mineral para sa produksyon ng bakal ay ang hematite, magnetite, titanomagnetite, goethite at siderite. Ang iron sand o ang akumulasyon ng magnetite at ilmenite ang pinakakomon na deposito ng mineral para sa bakal. Matatagpuan ang pinakamalaking deposito nito sa New Zealand habang may malaking potensyal naman ang Japan, Pilipinas at Indonesia. Sa kasalukuyan, hematite at magnetite ang karaniwang ginaganamit na mineral upang pagkunan ng bakal na pinangungunahan ng Autralia, India at Brazil ang pagmimina at paglalako. Ngunit dahil na din sa hindi sapat na suplay ng hematite na tinukoy ng tatlong malalaking kumpanya ng bakal (Asia Iron Holdings, Ltd; Atlas Iron, Ltd; at Gindalbie Metals, Ltd) noong 2008, napagtuunan ng sapat na pansin ang malawakang pagmina at paggamit ng magnetite bilang alternatibo. Sa kabila ng mas mataas na presensya ng bakal sa hematite, maituturing na mas tipid at malaki ang kikitain sa pagmina ng magnetite dahil sa mga sumusunod: Dahil sa mataas na magnetism, simple lang ang pamamaraan ng paghihiwalay nito mula sa mga latak o kasamang dumi sa pamamagitan ng magnet. Kapag konsentrado, ang magnetite ay may kabuuhang 68-70% bakal kumpara sa hematite na 5865% ng bakal lamang.

Mas kakaunti ang impurities ng konsentradong magnetite kumpara sa hematite na naglalaman ng maraming silica, alumina, phosphorous, manganese at iba pa kung kayat mas magiging magastos ang pagproseso dito. Mas malawak ang at mas madaling tukuyin ang mga lugar na mayroong malalaking deposito ng magnetite. Karaniwang makukuha sa mga deposito (placer) ng magnetite ang ginto, titanium at vanadium na may malalaking importansya at may mataas na halaga sa pamilihan.

Ang kasaysayan ng pagmimina ng iron ore sa Pilipinas ay nagsimula pa bago dumating ang mga Kastila pero ang opisyal na pagdedetalye dito ay naisaga lamang noon 1664 na kaugnay ng magnetite-hematite sa Sta. Ines at Bosoboso, Tanay sa probinsya ng Rizal. Gayun din ang pagmimina ng magnetite sa Angat, Bulacan boong 1783. Ang natagpuang malaking deposito sa Mambulao Bay sa Camarines Norte noong 1834 ay hindi gaanong nabigyan ng atensyon hanggang sa pagsakop sa Pilipinas ng mga Hapon noong WWII kung saan isinailalim sa pangangasiwa ng gobyernong-militar ang pagmimina sa kalupaan at dalampsigan nito ng magnetite. Noong Dekada 50 nagsimulang magmapa at magpaaunlad ng mga lugar na maaring pagkunan ng iron ore sa Pilipinas dahil sa pagngangilangn ng US at ng mga kaalyado nito sa Asya Pasipiko. Isa sa pinakamalaking nakinabang sa pagmimina ng magnetite sa baybayin ng Hilagang Luzon mula Dekada 70 hanggang 90 ang Japan. Sa kasalukuyan, mga kumpanyang nakabase o may pag-aari ang China sa mayorya ng mga kumpanyang nagsasagawa ng pagmimina ng magnetite sa bansa. Epekto ng Marine Mining Bagamat patuloy ang pagpapalalim at pananaliksik sa mga negatibong epekto ng marine mining sa kalikasan, sa kabuuhan maari ng hatiin o pagsamasamahin ang ibat ibang epekto sa sumusunod na mga kategorya: BIO-PHYSICAL 1. Pagkabulabog ng sea floor. Pagkalat ng mga pinong latak sa tubig ng karagatan dahil sa pagkabulabog ng mga ito sa paghuhukay (dredging), na sanhi ng pagkabara ng feeding mechanism ng mga organismong sinasala ang tubig upang makakuha ng pagkain. Nakakasagabal din ito sa photosynthesis at unti-unting natatabunan ang mga corals na maaring magdulot ng kanilang pagkamatay. 2. Polusyon ng katubigan. Polusyon sanhi ng pag-angat ng mga masusustansyang latak o bagay mula sa ilalim paibabaw sa karagatan na nagbibigay puwang sa mabilis at sobrang paglago ng mga algae (algal bloom) na makakaapekto sa malusog na palitan ng oxygen at maging sa buong food chain. Pinakaapektado dito ang mga isda at corals. 3. Pagbabago sa istruktura, lalim ng dagat at unti-unting pagguho ng dalampasigan. Pagbabago ng lalim at kaayusan ng kalupaan sa ilalim ng dagat (change in bottom bathymetry) na lumilikha ng malaking epekto sa pagkilos ng alon at palitan ng sediments na nagiging sanhi ng malawakang erosion o pagguho ng dalampasigan. Ang mga istrukturang inilalagay sa dalampasigan ng

kumpanya para sa kanilang operasyon ay maari ring makaapekto sa natural na daloy ng tubig, hampas ng alon at suplay ng sediments na nakadaragdag sa erosyon. 4. Pagkawasak ng tahanan at spawning ng mga isda. Pagkasira ng mga tahanan ng mga organismo hanggang sa pagkawala ng mga ito sanhi ng mga nauna ng nabanggit na epekto. Natatabunan din ng mga kumakalat na sediments ang mga itlog ng mga isda na nakakalat sa mga corals at maging sa mga halamang dagat. ECONOMIC 1. Pangisdaan. Ang polusyon mula sa pagmimina gaya ng mga nabanggit sa itaas at maging ang tunog ng makina, ang pagkasira ng mga tahanan at pagkasira ng food chain ay nagdudulot ng pagliit o maging pagkawala ng malaking bilang ng mga isda sa baybay-dagat. Dahil dito, apektado ang sustenableng pangingisda sa karagatan at maaring makaranas ng biglaang pagliit ng huli ang mga mangingisda. Bulnerable din ang mga palaisdaang malapit sa dalampasigan dulot ng pagbaha at unti-unting pagliit ng distansya nito sa dalampasigan. 2. Kalupaan at gastos sa mga istruktura. Ang pagguho ng dalampasigan ay maaring maging sanhi ng pagkasira ng mga tahanan, mga negosyo, mga pampublikong istruktura at maging ng turismo sa gaya ng nangyari sa La Union. Nagiging bulnerable din ang mga residenteng malapit sa dalamaapasigan sa pagbaha at iba pang sakunang nakaugnay sa dagat o pagbagyo. Kaugnay ng erosion na dulot nito ang pagtatayo ng mga sea wall at breakers na lubhang napakamahal. Ngunit ayon sa pananaliksik, maliban sa pagiging mahal ng mga ito, hindi ito sapat na nakakatulong sa pagpigil ng erosion bagkus ay mas marami ang pagkakataong nakakadagdag ito sa pagbilis ng erosion sa kabuuhan ng dalampasigan. 3. Agrikultura. Apektado sa erosion ang mga taniman at sakahang malalapit sa dalampasigan. Sa ibang lugar, hindi na rin napapakinabangan ang mga sakahang inaabot ng tidal surge o pagbaha ng tubig alat. May mga lugar ding apektado ang suplay ng patubig para sa sakahan dahil sa napakalaking pangangailangan ng tubig sa pagproseso, ginagamit ng kumpanya ang mga ilog bilang suplay ng tubig sa paghihiwalay ng magnetite/iron ore sa buhangin at iba pang impurities (kailangan ng 20, 000 m3 para sa pagproseso ng 50, 000 m3 ng ironsand). SOCIO-POLITICAL
1. Paglabag sa Karapatang Pantao. Maliban sa paglabag sa karapataan ng mamamayan para sa ligtas at maayos na kapaligiran, nakakaranas din ng pandarahas at pananakot, maging ng aktwal na pagpatay mula sa mga kumpanya ng minas at gobyerno ang mga mamamayan ng mga lugar na may malakas na pagtutol sa pagsasagawa ng pagmimina. 2. Pag-abuso ng kapangyarihan ng Nasyunal na Gobyerno. Sa mga lugar kung saan nakikipagkaisa ang mga local na opisyal ng gobyerno (antas munisipyo at probinsya) sa pagtutuol sa mga minahan, ginagamit ng

gobyerno nasyunal ang lahat ng rekurso at awtoridad nito ang upang gipitin o di kaya ay mapalitan ang mga namumuno. 3. Di pagkakaunawaan sa hanay ng mga residente. Ginagamit ng kumpanya at gobyerno ang ganid na opisyal ng barangay at residente upang hatiin ang hanay ng mamamayan sa pagtutuol ng pagmimina. Karaniwan ay nagtatayo pa ang mga ito ng ibat ibang organisasyon o institusyon bilang daluyan ng kanilang proyekto at suhol upang lansihin at pahinain ang pagtutol ng mamamayan.

MGA SANGUNIAN AsiaInfo Services, China's Iron Sand Import Surging, http://business.highbeam.com/74/article-1P1106150254/china-iron-sand-import-surging, Visited 30 November 2011 CHINA STRATEGY MONITOR, Price for Iron Sand up by 46% in the first half of the year, http://csminsights.com (Retrieved 05122011) COMPREHENSIVE INDUSTRY DOCUMENT ON IRON ORE MINING http://www.cpcb.nic.in/upload/NewItems/NewItem_105_iron_ore_mining_31.07.08.pdf (Retrieved 05122011) Continental Shelf Associates, Incorporated. (1993 March). Synthesis and Analysis of Existing Information Regarding Environmental Effects of Marine Mining. Retrieved from http://www.boemre.gov COASTAL ECOSYSTEM http://pdf.wri.org/page_coastal.pdf (Retrieved 05122011) COASTAL BEACH ECOSYSTEM www.vliz.be/imisdocs/publications/54601.pdf (Retrieved 05122011) Cruickshank, M. (n.d). Marine Mining: An area of critical national need. Retrieved from http://www.allbusiness.com/environement-natural-resources Crutchfield, J. (n.d.) Effects of Mineral and Petroleum Extraction on Living Resources of Continental Shelf Waters. Retrieved from http://procs.gcfi.org/pdf/gcfi_21-5.pdf Deep Sea Mining: Questions & Answers.(n.d). Retrieved December 8, 2011 from Ocean and Communities website, http://www.oceanandcommunities.org DMITRE MINERALS (IRON ORE) http://outernode.pir.sa.gov.au/minerals/geology/minerals_mines_and_quarries/commodities/iron_ore (Retrieved 05122011) Bayani, J.K. (2007).Economic Vulnerability and Adaptive Capacity to Coastal Erosion: A Case Study in La Union, Philippines, College of Economic and Management, University of the Philippines Los Banos. http://network.idrc.ca/uploads/user-S/11782643521Jamie.pd (Retrieved 05122011) Hale, P. (1990). Global Overview of Exploration and Mining Activities, South Pacific Applied Geosciences Commission (SOPAC). Retrieved from http://dev.sopac.org.fj/VirLib/MR0104.pdf Hale, P. (1998) Placer Minerals, Nearshore Mineral Workshop. Retrieved from http://www.bren.ucsb.edu INTERNATIONAL STEEL STATISTICS BUREAU, http://www.issb.co.uk/asia.html

Iron ore deposits in foreign countries. Reports compiled at the Board of Trade from information collected by H.M. diplomatic and consular officers (1906). http://www.archive.org/stream Murton, B.J. (2001). Global Review of Non-living Resources on the Extended Continental Shelf, Brazilian Journal of Geophysics, (18)3. Retrieved from http://www.scielo.br/scielo.php?script=sci_arttext&pid=S0102261X2000000300007 OFFSHORE DREDGING AND DISPOSAL ACTIVITIES http://www.nefsc.noaa.gov/publications/tm/tm209/pdfs/ch6.pdf (Retrieved 12052011) Pratt, W (1916). The Iron Ores of Philippine Islands, Transactions of the American Institute of Mining Engineers. Retrieved from http://oneocean.org/download/db_files PROTECTION OF SEABED ENVIRONMENT http://www.isa.org.jm/files/documents/EN/Brochures/ENG4.pdf (Retrieved 12052011) SAND MINING http://www.isa.org.jm/files/documents/EN/Brochures/ENG4.pdf (Retrieved 12052011) SAND MINING FACTS -- Ojos Negros Research Group http://ponce.sdsu.edu/three_issues_sandminingfacts01.html (Retrieved 12052011) Siringan, F. & Jaraula (2002). Lan configuration changes along Aringay-Bauang coastal zone: possible causes and mitigation measures. Terminal Report, Marine Geology Laboratory, National Institute of Geological Sciences, University of the Philippines, Diliman. Siringan, F., R. Berdin, Y Sta. Maria (2004). Coastal erosion in San Fernando, La union: Trends, causes and possible mitigation measures. Terminal Report, Marine Geology Laboratory, National Institute of Geological Sciences, University of the Philippines, Diliman. Stablum, A. 2006, August 21). Is marine mining the wave of the future? The Namibian. Retrieved from www.namibian.com Uda, T. (2006). Beach erosion Arising from Artificial Land Modification. Journal of Disaster Research, 2(1), 29-30. Retrieved from http://www.fujipress.jp/JDR/DSSTR00020001.html VALUES OF PHILIPPINE COASTAL RESOURCES http://oneocean.org/download/db_files/values_of_coastal_resources.pdf (05122011) Vongvisessomjai, S. (n.d.). Shoreline Erosion Due to Offhosre Tin Mining. School of Civil Engineering, Asian Institute of Technology, Thailand. Retrieved from journals.tdl.org/ICCE/article/viewArticle/5189

You might also like