You are on page 1of 4

SOSYOLOHIKAL: PARALELISMO NG KWENTONG LISING SINGKOL AT KATOTOHANANG PANLIPUNAN ni Jessa V. Lebre I.

Panimula

Lipunan ang pinakamalaking salik ng pagkahubog ng personalidad ng tao. Ang lipunan ang nagtulak sa tao upang gawin at hindi gumawa ng mga bagay na maaring makakabuti o makakasama sa kanya. Ano ang Sosyolohiya at paano ito nagsimula? Bunga ng hindi pagkakasunduan sa lipunan noong panahon ng kadiliman o Dark Ages, nagsimulang magtanong ang mga tao. Ang mahabang panahong dominado ng paniniwalang panrelihiyon at kontrolado ng mga hari ay nawawalan na ng pagkontrol sa lipunan. Nagsimula nang magtanong ang mga tao sa lipunan kung talaga bang dapat sumunod sa utos ng mga hari at kung totoong ang niloloob ng Diyos ang ipinatutupad ng simbahan. Sa pasilang ng Panahon ng Kaliwanagan, ibat ibang mga pagbabago ang naganap sa lipunan. Mga pagbabagong nakaapekto ng lubos sa buong sambayan. Isa rito ang rebolusyong industriyal. Bago nagkaroon ng biglaang pagbabago sa industriya, mahaba ang panahong inilalagi ng mga tao sa kanilang tahanan. Dito lamang sila gumagawa ng kanilang mga ikinabubuhay. Isang sistemang kinasanayan nila sa mahabang panahon. Subalit dahil nga sa rebolusyong industriyal, nagbago ang lahat. Naging manggagawa sila sa mga malalaking pagawaan na nagbunga ng pagbabago sa dating nakasanayang sa bahay lamang sila nagtatrabaho. Bunga rin ng pangyayaring ito ang paglago pa ng maraming problemang panlipunan. Nagkaroon ng mga lugar na mauunlad na kasabay rin ng problema sa kawalan ng matitirahan ng mga mahihirap at pagtaas ng krimen. Ang dating lipunang pinagtitibay ng personal na ugnayan ay naging lipunan ng mga hindi magkakakilala. Nagbigay daan ang mga pagbabagong ito sa lipunan upang mag-isip ang mga tao. Nararapat bang ibalik sa dating kaayusan o bigyang solusyon ang mga problema ng lipunan? Sa ganitong sitwasyon, mahalagang mapag-aralan nang maayos ang lipunan. Dito naisip ng mga intelektwal na maaaring gamitin ang pamamaraang ginagamit sa hard sciences upang masuring lubos ang pangyayari sa lipunan. Sa ganitong kaganapan isinilang ang Sosyolohiya.

II.

Buod

Si Lising Singkol ay nanligaw kay Perlie at nakaranas ng matinding diskriminasyon. Nakipagsapalaran siya sa Maynila upang patunayan na may mararating siya sa buhay at siyay matagumpay na nakapag-asawa ng mayaman at si Lising Singkol ay umuwi sa kanilang nayon na Masaya at may naipagmamalaki.

III.

Pagpapahalaga ayon sa nilalaman

3.1 Sosyolohikal na pagsusuri Ayon kay Auguste Comte, ang Ama ng Sosyolohiya, ang mga nangyayari sa lipunan tulad ng pang-aapi sa mga manggagawa ay hindi problema. Ito ang batas ng kalikasan. Kailangang tanggapin ng mga manggagawa ang kanilang kalagayan. Ito ang pananaw ni Auguste Comte sa mga nangyayari sa lipunan noong binuo niya ang terminolohiyang sosyolohiya. Para sa kanya, hindi kailangang magkaroon ng rebolusyon bagkus ay tanggapin ng mamamayan ang naghaharing sitema. Mula sa kwento, si Lising Singkol ang imahe ng pinakamababang uri na inaapi at hinuhusgahan. Ngunit, kay Lising Singkol ang pangyayaring ito ay hindi isang napakalaking suliranin sa kanya, sa halip ito ang nagtulak sa kanya upang makipagsapalaran at hanapin ang kanyang kapalaran at umangat sa buhay. Ayon kay Herbert Spencer,ang mga nangyayari sa lipunan ay bunga ng ebolusyon. Ang lipunan ay magmumula sa pinakababang antas patungo sa pinakamataas na antas dahil ito ang sadyang landasin ng lipunan. Dahil ganito ang sitwasyon, hindi dapat tulungan ang mga naghihirap sapagkat nangangahulugan itong hindi sila nararapat sa pinakamataas na antas ng lipunan. Sa kahalaghang sosyolohikal ng kwento, ang kaabahan ni Lising Singkol ay nagpapakita ng pagkabalanse ng lipunan. May nasa mababa na kung saan silay inaapi, may mga nasa gitna na maaring kumampi sa mababa o sa pinakamataas at mayroon naming nasa tuktok na kung saan kadalasan ang naging imahe nila ay nang-aapi sa mga nasa baba. Ganito ang mukha ng lipunan, hindi magiging balanse ang lipunan kung wala ang tatlong antas ng mamamayan. Ito ang natatanging pananaw na dapat batid ng mga tao at ng mga nagsusuri sa lipunan. Makita ang pangkalahatan sa partikular. Tinitingnan ng mga sosyolohista ang pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng mga indibidwal na kasapi sa lipunan. Batid nating lahat na kahit iba-iba ang mga tao, hinuhubog pa rin ng lipunan ang kanilang kaisipan. Halimbawa nito ay ang kagustuhang pumuti ng isang indibidwal. Ang kagustuhang ito ay malamang hindi usapin sa bansang mapuputi ang mga tao. Katulad ito ng paghahangad ng mga nasa ibaba na mapunta sa itaas, ngunit sa mga nasa itaas hindi nila hinahangad na bumaba. Ang lipunang ginagalawan ng tao, ang kanyang paligid at ang mga taong kanyang nakasasalamuha ay ang siyang humuhubog sa kanyang paraan ng pag-iisip. Ang bawat pangyayaring kanyang napag-dadaanan ay dahilan upang siya ay gumalaw at kumilos na naaayon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon.

3.1.a.Sa kalagayang sosyal o pangkabuhayan

Hindi maitatatwang maraming magkakaugnay na yunit sa lipunan. Bawat yunit ay may kanyakanyang tungkuling dapat gampanan. Parang sinasabing kailangan talagang mayroong mahirap at mayaman, ang mga mahihirap ay magsisilbi sa mga mayayaman. Dapat tanggaping ganito talaga ang katotohanan ng buhay isang maayos na sistema. Tinitingnan sa oryentasyong ito na mayroong obhetibong realidad realidad na walang kinikilingan. Ang kwentong Lising Singkol ay isang konkretong paglalarawan ng realidad sa buhay. Ipinapakita nito na ang tao sa lipunan ay may antas na kinabibilangan. May mga taong api, may mga taong nag-aapi ngunit ang bawat ato sa isang kinabibilangang antas ay may kalayaang paunlarin ang sarili at pumili ng landas na tatahakin. Mailalapat dito ang teoryang Structural-functionalism, kung saan tinitingnang ang lipunan na binubuo ng ibat ibang yunit na magkakaugnay-ugnay. Bawat yunit na ito ay dapat kumilos ng ayon sa inaasahan sa kanya ng lipunan upang hindi magkaroon ng problema. Parang sa katawan ng tao, kapag nagkaroon ng problema sa isang bahagi, naaapektuhan ang buong katawan.

3.1.b. Kultural Maari ding tingan ang kwentong Lising Singkol sa angulong kultural. Ang kultura ay ang gawi, paniniwala at paraan ng pamumuhay ng isang kinabibilangang lipunan. Ang kilos ng tao at ang kanyang paraan ng pag-iisip ay apektado ng kultura ng kanyang lipunan. Ang lipunan ay produkto ng tuluy-tuloy na ugnayan ng mga tao sa lipunan. Sa bawat ugnayang ito, nakabubuo sila ng mga simbolo at binibigyan nila ng sariling kahulugan. Ibig sabihin, ang realidad ay nakabatay sa kung paano binibigyang kahulugan ng mga tao sa kanilang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Sa kwentong Lising Singkol, ang kilos ng bawat karakter ay maaring hatid ng kulturang kanilang kinalakhan. Ang paglalasing ni Lising Singkol at ng kanyang mga kaibigan ay maaring ito ang kanilang nakikita sa pang-araw-araw na buhay mula pagkabata hanggang sa nakuha nila ito. Ang pag-akyat ng ligaw ay maaring isa sa naging kultura nila, kung kaya ang kanyang pormal na pakikipag-usap at paghingi ng kamay ni Perlie ay isang matibay na katibayan na maaring ang ganitong gawain pagdating sa pagtatapat ng pag-ibig kay kanila nang kinagawian. Dapat nating palaging tandaan ang salitang verstehen ang pag-unawa kung paanong binibigyang kahulugan ng tao ang mundo. Ginagamit ang Symbolic-interactionism theory sa ganitong pag-aaral. Sa teoryang ito, sinasabing ang kilos ng mga tao ay nakabatay sa kung paano nila binibigyang kahulugan ang bawat pagkakataon. Halimbawa, bakit hindi natin pinagsasabihan ng masama ang ating mga magulang, dahil sa ang alam natin, dapat natin silang igalang.

IV.

Implikasyon

Maliwanag ang usaping puno ng tunggalian ang lipunan. Kitang-kita ang hindi pagkapantaypantay ng mga mayayaman at mahihirap. Ang katotohan ay mayroong nakalalamang sa lipunan at mayroong mga nalalamangan. Kaya, ang tao bilang sentro ng lipunang kanyang kinabibilangan ay kailangang alam ang kanyang tungkulin dito. Ang pagiging mahirap ay hindi isang problema, maikakaila ng tao ang yaman pero hinding hindi ang kahirapan, sa halip ito ay isang pagsubok upang ang tao ay magpunyagi nang sa ganoon ay siya ay umangat sa buhay.

You might also like