You are on page 1of 1

HEKASI VI

Date: Lunes, Oktubre 14, 2013 I. LAYUNIN: Naipapakita ang mga kanais-nais na kilos ng isang matapat na mamamayang Pilipino tungo sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino II. PAKSANG-ARALIN Pagiging Mamamayang Pilipino/Pagkawala at Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayan. Sanggunian: BEC III B.1, p. 21 Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 140-143 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bagong Bansa 6 , pp.144-148 Kagamitan: Larawan ng mga mamamayang Pilipino Pagpapahalaga: Pagtittiwala sa sarili III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain: 1. Balitaan: 2. Balik-aral: Anu-ano ang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan? Bakit kailangang maningil ng buwis ang pamahalaan? B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Pagpapakita ng larawan Anu-ano ang karapatan at pananagutang ito kaugnay ng pagiging mamamayang Pilipino? 2. Paglalahad: Ayon sa Saligang Batas, sinu-sino lamang ang maituturing na mamamayan ng bansa? 3. 4. Basahin ang teksto

Pagtalakay: Ano ang dalawang kahulugan ng pagiging mamamayang Pilipino. Anu-anong katangian ang kailangang taglayin ng isang mamamayang Pilipino? Sinu-sinong mga dayuhan ang hindi pinapayagang maging naturalisadong mamamayang Pilipino? C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Sino ang mamamayang Pilipino Dalawang uri ng mamamayang Pilipino 1. Katutubong mamamayang Pilipino 2. Mamamayang naturalisadao 2. Paglalapat: Kung ikaw ay pipiliin ng iyong pagkamamayan, pipiliin mo bang maging Pilipino? Bakit? 3. Pagpapahalaga: Paano mo maipapakita ang pagiging mamamayang Pilipino? IV. PAGTATAYA: Sagutin ang mga sumusunod 1. Ang ama ni Roel Torres ay isang mamamayang Pilipino. Si Roel ay _____________. 2. Ang ina ni Tina Duarez ay isang mamamayang Pilipino. Si Tina ay ______________. 3. Maaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino ni Theresa Johnson dahil _________. M.L. I.D. V. KASUNDUAN: Ipaliwanag ang mga sumusunod. 1. Ano ang ibig sabihin ng pagkamamamayan? 2. Paano makakamit ang pagkamamamayang Pilipino? 3. Paano magiging naturalisadong mamamayang Pilipino? 4. Paano mawawala ang pagkamamayang Pilipino? 5. Paano muling nakakamit ang pagkamamayang Pilipino?

You might also like