You are on page 1of 3

"Tulong Para Kay Mr.

KSP"
Sinulat nina Nikko Carisma at Ana Sarmiento ng Junior - G
MGA TAUHAN
Mariana Constanza [Ginoong Pasta, Ana Sarmiento] - Si Mariana Constanza ay isang tanyag na anak ng may-ari ng isa sa mga pinakamalaking kompanya sa Pilipinas at dahil dito, nakapag-aral siya ng Business at nakakauha ng Master's Degree sa Unibersidad ng Harvard. Kasalukuyan siyang COO ng nasabing kompanya at dahil sa kanyang maraming nakamit na parangal bilang isang negosyante, libo-libo ang humingi ng mga payo sa kanya pagdating sa negosyo at marami siyang kakilalang mga impluwensyal na personalidad. Subalit, sa likod ng maraming tao, matigas ang kanyang mukha at tila nakasimangot. Pumapanig lamang siya sa mga tingin niya ay mananalo o may alas sa lipunan. Kang Seong Pyo [Quiroga, Nikko Carisma] - Isa siyang businessman mula sa South Korea na madalas mapadaan sa Pilipinas dahil sa kanyang negosyong kainan; mapagbigay siya at matulugin sa mga Pilipino, kahit hindi pa niya gaanong gamay ang kanilang wika. Mr. KSP ang karaniwang tawag sa kanya ng mga kakilalang Pilipino. Ngunit paminsan-minsan, sumipsip siya sa mga may kapangyarihan upang mabawasan ang buwis ng mga gamit na inaangkat niya mula sa ibang bansa o mapabilis ang mga transaksyon. Dati na siyang humingi ng tulong kay Mariana, ngunit hindi ito pumayag dahil hindi pa popular ang kultura ng South Korea noong mga panahong iyon.

Tagpuan: Tema:

Board room ng kompanya ni Mariana Constanza Ang talamak na panlilinlang at pandaraya na ginagawa ng mga may kapangyarihan para panatilihin ang kanilang impluwensya.

Buod:

Binisita ni Mr. Kang Seong Pyo si Mariana Constanza upang humingi ng tulong para sa kanyang negosyo. Marami siyang dalang mamahalin na regalo upang makuha niya ang pabor ni Ms. Constanza. Sa umpisa ayaw ni Ms. Constanza tulungan si Mr. KSP at siya ay sobrang masungit. Ngunit noong narinig niya na tinatawagan si Mr. KSP ng maraming sikat na negosyante, umiba ang kanyang ugali at pinag-iisipan na niyang tulungan si Mr. KSP.

KSP (Please wait.)

(Ipinasok ni KSP ang mga shopping bags sa board room) Mariana (nabibighani sa mga dalang gamit ni KSP, ngunit tinatago ito sa kanyang pagkamasungit) May 'taste' ka rin naman pala sa gamit, ano?

KSP , Ms. Contanza. Sana, gusto po niy--

Mariana (pagalit) Ano ba ang tingin mo sa akin, ha? Tanga? Do you think I'm that stupid? Kilala kita, Mr. Kang Seong Pyo. Hmm. Mas magandang Mr. KSP na nga lang ang itawag ko sa iyo. Tingin mo hindi ko alam kung saan galing iyang pinambili mo diyan? KSP Ano p-?

Mariana Alam kong smuggled yang mga pinamili mo. Wais ka rin, ano? Natuto naman ako kahit walang guro, walang akademya o permiso ng kahit na sino. Ang sino mang nais matuto ay matututo. Mas madali 'yan kung ikaw ang mag-aasikaso niyan. KSP Eh ano gusto ako gawa? Utang? Kailangan ko ng tulong mo! Pag talo sa hugal hini na mayad. Ganwon din sa negwosiyu.

Mariana Gusto sana kitang tulungan pero masyadong delikado ang hinihingi mo. Kailangan kong mag-ingat sapagkat marami akong ari-ariang dapat ingatan.

KSP (tutunog ang cellphone) Ah! Mr. Catkiong, may ari ng Jolibee! I was wondering when you would call! Ayus kwo na pwo mana planseu palla sa 35 million dollar project na sobllang lakee ng kikitain mula sa mana mall!

KSP (tutunog ang cellphone) Ah! Mr. Sia! Kumusta naman po ang Mang Inasal? Ano po? Ay sinyo! Akyen talo, akyen maksak! Ah, kailangan niyo ng raw materials? Sige. Let's talk about it next week.

KSP (tutunog ang cellphone) Ah! Misteo Zobel de Ayala! Makukuha niyo yung 50 million dollars next month. Ne, kamsahabnida!

KSP (tutunog ang cellphone) Mr. Gates, salamat po at nakapag-invest po kayo sa aking negosyo! Malaking tulong po ang mga computer systems upang mapaganda ang serbisyo sa sking restaurant! Sige na! Kayo hini alam akyen talo, akyen maksak? Ay, Sinyoliya Contanza, akyen hapay!

(habang patuloy na kinakausap ni KSP ang kanyang mga kliyente, mas lalong naiingit si Mariana)

Mariana Ano na ang kailangan mo, 'ha?

KSP Ah, gusto ko po sanang matuto kung paano magpatakbo ng restaurant. Gustong-gutso nila ang mga pagkaing inihahain ko, pero gusto kong iwasan yung buwis. Paano maiiwasan yun? Mariana Baliw ka ba? Ang pagsalungat sa mga panukala kahit mas nakakatulong ito kaysa sa gobyerno ay hindi maganda! Hindi pwede yang hinihingi mo!

(Aalis si Mariana at susundan ni Quiroga na siyang pilit na nilalayo sa sarili) KSP Ahh ganun palla heh? (nag-isip siya ng matagal) Gusto niyo pa po ng shoes? Bags? Perfume?

- WAKAS -

You might also like