You are on page 1of 3

KABANATA 5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom Sa kabuuan , napatunayan ng mananaliksik sa mga talatanungan na ginamit at sinagutan 30 respondente na hindi pa handa ang ating mga magsasaka sa pag-gamit ng combine harvester . Gayundin di maiiwasan na may mga nagmamay-ari ang gumamit nang ganitong makinarya sa kadahilanang may matipid, mas mabilis at mas naiiwasan ang pagka-aksaya ng palay pag tag-ulan. Lumalabas sa resulta na hati ang pananaw ng mga magsasaka pagdating sa pag-gamit ng combine harvester lalo nat iilan sa kanila na pagsasaka lamang ang tangi nilang ikinabubuhay at pinangbubuhay sa kanilang pamilya. Napatunayan din ng mananaliksik na iba parin talaga ang pag-gamit ng man power pagdating sa bukid, dahil sa pagtututlungan ng mga magsasaka at dahil ito ang kanilang propesyon , ang kanilang buhay.

Konklusyon Natuklasan ng mananaliksik sa mga talatanungan ang mga sagot sa epekto ng combine harvester sa mga magsasaka. Sa pag-gamit ng pagsisiyasat at pag-intindi sa mga sagot ng magsasaka . At ito ang mga sagot at tugon sa suliranin: Ang sagot ng mga magsasaka sa pag-gamit ng combine harvester ay hindi pa sila handa sa pagpapatupad sa pag-gamit nito. Tanging pagsasaka lamang ang ikinabubuhay ng mga magsasaka sa Barangay ng Catulinan.

Hindi pa napapanahon ang pag-iimplemente nito sa ating bansa, sa katunayan sana magkaroon ng programa na syang makakatulong upang mas lalong maintindihan ng magsasaka ang combine harvester.

Sa kasalukuyan, ang mataas na lebel ng teknolohiya sa bukid ang syang patuloy na nagpapahirap sa buhay ng mga magsasaka. Nasasapawan sila sa mga gawaing bukid na syang nagigigng dahil na mawala sila ng hanapbuhay.

Mas pabor parin ang mga magsasaka na mapanatili muna ang nakasanayang pagsasaka sa bukid kahit mahirap ito. Kahit mahirap isinasaalang-alang nila ang hirap upang magkroon sila ng trabahong kahit hindi madali ay giinto sa kanilang pananaw.

Rekomendasyon Narito ang mga rekomendasyong maiibigay ng mananaliksik sa mga taong babasa ng pananaliksik na ito, at mga taong makikinabang at pwedeng matulungan ng pananaliksik na ito. Buong pagpapakumbaba mula sa mananaliksik at may mabuting intension ang pagbibigay ng mga iilang rekomendasyon.Narito ang ilang mga rekomendasyon : 1. Magkaroon ng mga pamalit na hanap-buhay na syang makakatulong sa ating magsasaka na matustusan ang kanilang pamilya at kanilang sarili. 2. Magkaroon ng programa sa hanapbuhay ang ating gobyernor upang makapagsimula ng negosyo ang mga magsasakang maaapektohan sa pag-gamit ng combine harvester. Negosyo syang magiging tulay upang mabawasana ng

mga taong naghihirap para sa kakaunting kita mula sa bukid na kanilang gagapasin. 3. Matutuo ang mga taong mag-aral mabuti upang pagdumating ang panahong handa na ang bansa sa pag-gamit ng combine harvester ay may dunong at katalinuhan silang magiging puhunan upang magkaroon ng trabaho na syang bubuhay sa kanilang pamilya, magtutustos sa pagkain nila araw-araw at trabahong maaring magbago sa buhay ng mga mahihirap. 4. Magkaroon ng seminar at iilang pagpupulong / usapang bayan na syang magpapaliwag sa mga mabubuting maaring gawin ng combine harvester para mas lumawig ang pag-iisip at pag-unawa ng mga magsasaka sa makinarya ito na kung tawagin nila ay halimaw.

You might also like