Nagisnan ang ilog na itim ang tubig Lumaking paligid ng bundok na umuusok Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok
Ito ang buhay ng anak ng Pasig Pa-swimming swimming sa itim na tubig Playground lang ang bundok ng basura mo Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo
Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko
Akala ko'y ganoon talaga ang mundo Hanggang nakakita ako ng lumang litrato Di maniwalang Pasig din ang tinitignan ko Kaibigan ano ang nangyari dito (Anong nangyari? Anong nangyari?)
Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di n'yo alam ang tinatapon n'yo Ay bukas ko at ng buong mundo
Huli na ba ang lahat Patay na ba ang ilog at dagat Kapag Pasig ay pinabayaan Parang bukas ang tinalikuran
Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di n'yo alam ang tinatapon n'yo Ay bukas ko at ng buong mundo
Anak ng Pasig naman kayo May bukas pa ang ating mundo.