You are on page 1of 2

The Natural Philosopher

Hapon na ng dumating ang nanay ni Sophie sa kanilang bahay at siya ay tinawag nito dahil mayroong
sulat para sa kanya. Dahil ito ay walang stamp, inisip ng kanyang nanay na ito ay isang love letter kaya kahit
nakakairita, hinayaan nalang nya ito para hindi malaman ang kanyang sikreto.
Nang buksan ni Sophie ang sulat, may tatlong tanung ang nakasulat dito:
-Mayroon bang pangunahing sangkap na pinagmulan ng lahat ng bagay?
-Pwede bang maging alak ang tubig?
-Paano makakagawa ng isang buhay na palaka gamit ang tubig at lupa?

Pinagisipan ni Sophie ang mga tanung hanggang sa pagpasok nya kinabukasan. Sa kanyang paguwi,
dinatnan nya ang isang makapal na sobre para sa kanya. Ito ay kanyang itinago at maya maya ay binasa.

Bawat pilosopo ay may kanya-kanyang proyekto. Ang iba ay nakatutok sa pag-aaral kung paano
nabuhay ang halaman at ang mga hayop. Ang iba ay nakatutok sa pagaaral kung meron nga bang Diyos o wala.
Bawat pilosopo ay may isang paksang tinutuligsa sa kanilang pagaaral ng kanilang proyekto.

Ang mga sinaunang Griyegong pilosopo ay tinatawag nilang natural philosopher. Naniniwala sila na
ang lahat ng bagay ay may isang pinagmulan na isa pang bagay. Ang isang pang bagay na ito ay sumasailalim
sa mga pagbabago upang makalikha ng panibagong bagay. Ang katanungan ay ano ang isa pang bagay na ito na
pinagmulan ng lahat ng bagay? Paano ito nagbabago para makalikha ng bagong bagay? Ito ang pilit na
sinasagot ng mga pilosopo.
May mga pilosopo na nagmula sa Miletus ang nagobserba at nag-aral sa mga katanungang ito. Isa sa
mga ito si Thales, isang Griyegong kolonista ng Asia. Ayun sa kanyang pag-aaral, ang lahat ng bagay ay
nagmula sa tubig. Naobserbahan niya sa Ehipto kung paano nabuhay ang mga halaman pagkatapos ng baha sa
Nile Delta. Kung paano nagkabulate sa ilalim ng lupa pagkatapos ng mga pag-ulan. Lahat ng ito ay galing sa
tubig ayon sa kanya. Sinabi din niya na ang bawat bagay ay may tagalikha at tagaprotekta. Sa kanyang
imahenasyon, an gating mundo ay puno ng life germs.
Si Anaximedes ay isa din sa mga pilosopo na nagaral sa mga katanungang ito. Siya ay nagmula din sa
Miletus. Sa kanyang paniniwala, ang ating mundo ay isa lamang sa madaming mundo na nagiiba at nawawala
ng walang katapusan. Sinabi niya na ang lahat ng bagay ay nagmula sa isang hindi alam na organism o bagay na
limitado lamang sa mundo kaya naman ang pagbabago at pagkawala ng mga bagay na ito ay walang katapusan.
Ang lahat ng bagay ay nagmula sa isang bagay na hindi nauubos o hindi natatapos ang pagbabago.
Isa din si Anaximenes sa mga pilosopong nagmula sa Miletus na nagaral sa mga katanungan na ito.
Ayon sa kanya, ang lahat ng bagay ay nagmula sa hangin. Kapag ang hangin ay tinumpok at pinagsama-sama,
nakalilikha ito ng mga bagong bagay gaya ng tubig, lupa, at apoy. Nagmula ang kanyang ideya sa ideya ni
Thales.
Lahat ng mga ideya na ito ay may punto ngunit kung ang tubig, ang hindi alam na bagay, at ang hangin
ang sinasabi nilang pinagmulan ng lahat, saan ito nagmula? Paano ito nagbago? Ang mga katanungan na ito ang
nakakuha ng atensyon ng mga pilosopo mula sa Timog Italya. Sila ay tinatawag na Eleatics.
Isa sa kanila si Parmenides. Pinaniniwalaan niya na walang bagay ang nagbabago pero ayon sa kanyang
obserbasyon ay ang kapaligiran ay nagbabago pero pinanindigan parin niya ang kanyang rason. Sinabi niya na
ang lahat n gating nakikita sa ating mundo ay hindi makatotohanan at nagbibigay ng maling impormasyon
tungkol sa ating pinagmulan.
Kabaligtaran naman ito ng paniniwala ni Heraclitus, isang pilosopo na nagmula sa Ephesus sa Asia.
Ayon sa kanya, an gating kapaligiran ay puno ng natural na pagbabago. Lahat ng bagay ay may kanya-kanyang
paggalaw dahilan ng mga pagbabago nito. Naniniwala din sya sa tinatawag niyang God ang nagpapagalaw at
nagpapabago sa mga bagay.

Ayon naman kay Empedocles na nagmula sa Sicily, may mga tama at mali sa mga ideya ng mga
pilosopo. Ang pinakamalaking pagkakamali nila ay inisip nila na sa isang organism o bagay lamang nagmula
ang lahat. Ayon sa kanya, ang mga bagay ay nagmula sa apat na elemento; hangin, tubig, lupa, apoy. Ang mga
ito ay tinatawag niyang roots. Pinagsasama-sama ito ng pwersa na tinatawag niyang love at pinaghihiwalay
ito ng pwersa na tinatawag niyang strife.
Ang lahat ng sinabi ng mga pilosopo na ito ay mali sa pananaw ni Anaxagoras. Ayon sa kanya, ang lahat
ng bagay ay nagmula sa hindi nakikitang particles. Halimbawa nito ang minusde particles o tinatawag niyang
seed na pinagsasama-sama ng pwersang tinatawag niyang order upang makagawa ng ibat-ibang parte n
gating katawan. Naniniwala sya na ang lahat ng buhay ay gawa din sa sangkap ng mundo.
Lahat ng sinabi at mga paniniwala ng mga pilosopong ito ay maaring tama o maaring mali. Pero ang
tunay na kasagutan sa mga tanong ay malalaman natin kapag nalaman na natin ang pananaw ni Democritus.
Sa nabasa ni Sophie, napagtanto nya na ang pilosopiya pala ay kapanapanabik pagaralan dahil siya ay
natututo sa paggamit ng kanyang sariling common sense.

You might also like