You are on page 1of 3

RETORIKA

ni Danilo V. Sumaljag Jr.



Retorika bilang isang sining ng paggamit ng wika
Sa paraang pasulat man o pasalita
Susing ginamit upang makakita
Katotohang hangad ng bawat maralita

Ginamit sa pinakamabisang paraan
Ngayon at magpakailanman
Nagdulot ng pagkakaisat pagtutulungan
Upang mga Pilipino ay magkaunawaan

Pinasimulan bilang isang sistema ng pakikipagtalo
Noong ikalimang siglo bago pa man dumating si Kristo
Athens na nagging institusyong demokratiko
Naitakda sa pangangailangan ng serbisyong pampubliko

Nagsagawa ng pag aaral ang matalinong si Phythagoras
Mga paksang pinaglalaban at estilo sa pagbigkas
Binatikos ni Socrates, siya raw ay matikas
Sa panahon daw kasi na iyon, hindi sustansya ng talumpati ang likas
Retorika ay hinati sa limang pangunahing kategorya
Imbensyon, pagsasa ayos, istilo, paghahatid at memorya
Bawat isa ay may pinupunterya
Magkakaibang paraan at pinagbatayang ideya

Ayon sa pilosopiya, kakambal ng tao ang wikang kanyang kinagisnan
Nalalaman ang pinanggalingang kultura samakatuwid
Ang kadalubhasaan sa wika at kung paano ito ginamit
Anumang oras, yun lamang ang kapalit

Retorika ay maaaring matutunan
Kahit na hindi ito ang wikang kinagisnan
Napakaraming pwedeng maimpluwensyahan
Ng turo ng mga guro maging sino ka man

Anumang bagay sa mundo ay may limitasyon
Tulad din ng retorika kung sa imahinasyon
Ang pagkahasa ng isip dulot ng paglipas ng panahon
Ay layunin ng tao sa lahat ng pagkakataon

Layuning din nitong bigyang buhay ang mga salitang bibitawan
Dahil kund hindi, ang sasabihin lang ng kausap ay aywan
Na para bang isang bangkang walang sagwan
Kapag hindi ka maintindihan, bigla ka na lamang iiwan

Ngunit minsan ay hindi mabisa ang retorika
Kung wala kang pnagkaiba sa poste na puro ka lang dada
Bigyang pansin naman ang iyong tindig
Upang makaagaw pansin sa iyong mga tagapakinig

You might also like