You are on page 1of 8

Ang pagsulat ay nangangailangan ng pagiging malikhain.

Tumutugon ito sa ating damdamin at saloobin.


Sa Paraang ito, gumagaan an gating pakiramdam
Anumang ideya ang lumulutang sa iyong isip ay maaaring maislin sa mga simbolikong larawan sa
pamamagitan ng pagsulat
Sumasalamin ito sa iyong kahusayan sa pagpapahayag ng damdamin
Lahat tayo ay may kakayahang sumulat, makabuluhan man kawili wili o realistiko
Ang pagsulat maaaring higit pa sa kasanayan kung saan itoy minsan nang nagging makapangyarihan at
nagging sandata tungo sa kalayaang minimithi.
Kasanayan kung saan ikay makikipagbuno sa mga
Kasanayan dahi nangangailangan ito ng
Mga ideyang umaapaw sa utak mo na tilay ayaw kang patigilin ayaw patahimikin ayaw
Sa pagsulat ang tanging mayroon ka ay ang iyong sarili
Ang pagsulat ai parang isang sundalo mga baling hindi mo alam kung kelan mauubusan
Ibig ko sanang lumaya sa patuloy na nag-aalab na adhikang makasulat ng mga bagay na may kabuluhan,
na sukat magbago ng takbo ng mundo, sa patuloy kong pagiging apektado sa mga karahasan, kahirapan
at samut saring uri ng kasamaang nagpapahirap sa sanlibutan, at kagustuhang isiwalat ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsulat, na para bang napakamakapangyarihan ko at kaya kong ibsan ang sakit ng
bayan sa pamamagitan lamang ng bolpen at papel. Subalit kailanmay hindi ako nagtagumpay sa
pangarap kong tumigil

Ang Kahalagahan ng Pagsulat


Mahalaga ang pagsulat sa bawat indibidwal dahil dito sa ating mundo maraming bagay tayonf
natutuklasan at pilit na tinutuklas upang mapaunlad ang ating kaalaman at mas mapalawak ang
ating kaisipan. Ang pagsulat ay isang mahalagang sangkap at paraan ng pakikipagugnayan,
pakikipagkomunikasyon at pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsulat. Maraming gamit
and pagsulat katulad ng mga; pag papahayag ng saloobin, opinion, katotohanan at naglalahad ng
damdamin na nais ipabatid sa mga mambabasa. Noong tayo ay bata pa lamang tinuruan tayong
magsulat at habang lumilipas ang panahon mas pinapaunlad natin ang ating mga stratehiya ng
pagsulat, ang konsepto, ideya at mga panuntunan nito dahil dito mas nalulutas natin ang mga
pagbabago dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya. Dahil sa mga mas pinaunlad at
makabagong kagamitan medyo nababwasan ang mga manunulat dahil mas tinatangkilik ng iba
ang makabago at modernong paraan. Ang pagsulat ay kaagapay ng pag basa kung sa ganun
napakahalaga ng mga bagay na ito dahil dito napapaunlad natin ang ating isipan at kaalaman. Sa
mga nagpapakadalubhasa ang nakagawiang pagsulat ay napakahalaga dahil dito mas
nabibigyang diin ang mga damdamin na nais na ipahiwatig. Alam nating may mga taong
madaling matuto tungo sa pagsulat dahil mas madaling maunawaan ang mga bagay- bagay pag
ito ay nakalahad kaya't wag nating baliwalain ang pagsulat dahil isa ito sa kasangkapan na
humuhubog sa ating kaalaman sana ay mas paunlarin pa natin ang pagsulat.

PAGSULAT

Ay walang katapusan at paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha ng maayos na


sulatin.
Nangangailangan ng tiyaga
Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at
koneksyon ng pag-iisip.

Ano ang sulat?


Ang sulat ay isang salita, salita na kung saan masasabing ginawa ng isang tao, hindi mabubuo
ang sulat kapag wala ang tao, sa sulat, naipapakita natin kung ano tayo, kung ano ang mga iniisip
natin at kung ano ang katangian ng taong nagsusulat nito.
2. Anong gamit sa pagsulat?
Unang una isip. Paano ka magsusulat kung wala kang iniisip. Ang mga gamit sa pagsulat ay
daliri kung ang gamit mo ay ballpen,pentelpen,marker,lapis,crayola atbp. Maarong daliri ulit
dahil sa teknolohiya ngayon, andiyan na ang computer, keyboard at mga touch screen na
gadgets.
3. Paano sumulat?
Kapag nag iisip ka may maisusulat ka, ang isip na sinamahan ng puso ay ang pinaka mainam na
estilo ng pagsusulat, dahil nagagawan mo ng paraan maipahayag ang mga bagay na naiiisip at
nararamdaman mo. Kumuha ng papel at lapis at umpisahang magsulat, kung puro teknolohiya ka
naman, tumapat ka sa kompyuter at umpisahan ang pag-gawa ng kwento o nobela.
4. Ano ang pagsulat at anong kahalagahan nito?
Parang ito yung tanong na kung ano ang sulat, pero ang pagsusulat ay paglalahad kung ano ang
alam mo, malaki ang halaga nito, na eensayo ang iyong isip kapag ginagawa mo ito. Nailalahad
mo ang mga impormasyon na nakatago sa utak mo. Malaki ang kahalagahan nito, dahil sa bukod
na natututo ka na, nakakatulong ka pa sa ibang tao.
5. Ano nga bang dapat sundin sa pagsusulat?
Kung ako ang tatanungin. Wala naman talagang rules dito. Siguro kung meron man siguraduhin
mong walang taong maapektuhan sa isusulat mo, ibig kong sabihin hindi mo sinisiraan ang
pagkatao nito. Ayos lang magsulat hanggat nakakatulong ka sa maraming tao. Tulad ng
ginagawa ko madalas, marami akong pinapatamaan pero maraming tinatamaan na walang
naapakan na tao.
6. Para sa kagustuhan mo o para sa kagusutuhan nila?

Kung ikaw ay laging sumusubaybay sa mga isinusulat ko. Mapapansin mo na ito ay para sa akin
at the same time para sa kagustuhan nila. Isinusulat ko ang aking mga napagdaanan at magugulat
na lang ako na ganun din pala ang nangyari sa kanila, masasabi nating kapag nagkaroon ka ng
isang karanasan o kaya naman isang problema, malalaman mong hindi ka nagiisa.
7. Anong mahirap sa larangang ito?
Ang mahirap sa larangang ito ay ang mga kritiko, mga kritiko na pilit sisiraan ang gawa mo, mga
kritikong pwede ring makatulong mapaganda pa ang mga isinusulat mo. Hindi kasi lahat ng tao
pabor sa sinasabi mo, at hindi rin naman lahat ng tao maiintidihan ang mga isinusulat mo. Dapat
masyado na tayong mature para sa mga bagay na ito.
Hindi mo rin maasahan ang isang tao basahin ng buo ang mga inilagay mo, sabi nga sa isang
pag-aaral ang tao daw babasahin lang kung ano ang kailangan niya. Kaya hindi lahat ng oras
mababasa nila ang mga isinulat mo.
Dapat palagi kang may punchline para ma enjoy nila ang mga isinusulat mo, kailangan malalim
ka magisip para yung taong makakabasa nito alam na seryoso ka at hindi nagloloko.
Sana nasagot ng mataba kong utak ang gusto mong malaman.
Bob Ong, Jay Panti, Eros A. Atalia, Ricky Lee
pagsusulat, simula sa mga gustong paksain papunta sa paano nila itinatawid ang kanilang mga gustong
sabihin.

Ano nga ba ang pagsusulat para sa akin? Kung ako'y inyong tatanungin, marami
akong maaring kahulugan na ibigay ng pagsusulat. Na ang pagsusulat ay isang
hobby... Na ang pagsusulat ay ang panandaliang pagtakas sa realidad. Na ang
pagsusulat ay ang sumasalamin sa ating pagkatao... sa ating kaluluwa... sa ating
buhay at sa ating mapaglarong isipan.
Bata pa lang ako, hilig ko na ang pagsusulat. Isang umaga, alas-singko ng umaga
sa aking pagkakatanda, ay pinasok ko ang isang lumang kuwarto na siyang
imbakan ng aking mga kuwaderno at kung anu-anu pang papel na ang laman ay
ang aking mga sinulat na tula, kuwento at ng aking mga nadarama. Naisip ko na..
"Aba, nag-improve na pala ako sa aking pagsusulat".
Gusto ko maging katulad ni William Shakespeare, ni Bob Ong, ni Emily Dickinson at
ni Rainer Maria Rilke... ngunit, kailangan kong gumising sa isang realidad na hindi
ako magaling magsulat. Ngunit pinipilit kong magpakahusay, dahil ito ang aking
pangarap. Ang pagsusulat, para sa isang katulad ko, ay hindi lamang isang
simpleng hobby o isang eskapo sa tunay na buhay... ngunit ang pagsusulat ay
aking buhay.
Ito ang nagpapalakas sa akin. Ito ang nagpapawala ng aking mga suliranin. Ito ang

lahat-lahat para sa akin. Mapa-blog man yan o old school, wala na sa akin iyon...
basta ako'y makapagsulat lamang. Iniisip ko, kung gagaling ako, anung mapapala
ko? Sisikat? Bibigyan ng parangal?
Ngunit sa aking bawat sinusulat, isa lamang ang aking pakay - ang makapagpabago
ng buhay ng ilan na sumusubaybay sa bawat artikulong sinusulat ko, mapa-Ingles
man o Tagalog. Marami na akong nakikilala na buhay na 'din nila ang pagsusulat, at
natutuwa ako sa kanila dahil marami 'din palang nakakaintindi ng aking hilig.
Natutuwa din ako, sapagkat, ang aking mga magulang, kapamilya at aking mga
kaibigan ay nauunawaan ang pagkahumaling ko sa isang mundong punung-puno ng
letra, tagumpay at pagkabigo.
Pagsulat... ito na ang aking buhay. Pagsulat... hindi ako mabubuhay ng wala ka.

ANG PAGSULAT AY INTELEKTWAL NA GAWAIN


Kakaiba ang papel na pinanggagalingan ng manunulat. Ang kanyang labor ang kanyang
puhunan. Pero hindi rin naman siya lubos na laborer. Gawaing intelektwal ang kanyang inilelabor. Binabayaran siya para makapag-isip, at maisulat ang kanyang iniisip.
Di tulad ng kanyang kapatid sa factory, may panahon siyang umangas (angst). At ito ang
kanyang pangunahing puhunan. Pinakikinabangan niya ang I love you world at ang I hate you
world modes niya. Parehong pwedeng maging basis ng kanyang bagong kwento o tula.
Parehong pwedeng maging dakila.
Kung iisipin, angas naman talaga ang nagpapagalaw ng utak ng manunulat na nag-uudyok sa
kanyang imahinasyon para dalhin siya sa mga insight at persperktibang hindi pa lubos na
nararating. Angas ang nagpapaikot ng mundo ng manunulat. Ito ang kapasidad ng manunulat na
maging kritikong panlipunan o maging pasibong nilalang. Ito ang nagiging paksa ng kanyang
love stories, protest poems, columns at one-act plays. Titigan lang ang sunset, maglakad sa
beach, sumama sa rally, may nahihimok nang kakatwang statement ang manunulat hinggil sa
mga event na ito ay may sinasaad na komentaryo.
Angas ang hindi pagtanggap sa kasalukuyang kaayusan. Kaya ka nga gagawa nang statement
dahil unhappy ka sa kalagayan. Angas ang may hindsight sa mga pangyayari. Binasted ka na
nga, may gusto ka pang sabihin sa pagkabasa mo sa ulan. Ang kape ay hindi lamang kape. Ang
pagkatimpla nito ay naihahalintulad sa pagtimbang sa pag-ibig. Angas ang puhunan sa
intelektwal na gawain ng manunulat. Pero hindi kasobrahan.
Hindi ka maaring maging walking angas. Hindi cute ito. Nakakabwisit din pagdating ng
ikalawang araw. Pwede kang magkaroon ng angas day-maging yelo, bato, halaman, cactus, kung
anong objek mo nais. Pero hindi pwedeng ito ang being mo. Walang taong gustong kumapit sa
cactus, maging partner ito, maliban sa kapwa cactus. Maaring maging co-dependency, feeling
cacti kayo sa desert. Walang gustong makapareha itong mga objek na ito dahil mas perfect
naman ang mga tunay na objek. Bakit ka magpapabwiset sa isang taong bato kung mas perfect

naman ang batong pinulot at itinabi mo mula sa dalampasigan ng Batanes? Walang may
pasensya sa mga taong may angas lifetime.
Ano mang sobra ay may kalabisan. Kaya ang angas ay dapat maximahin sa produktibo nitong
antas ang kapasidad nitong makapag-usad ng bagong pagtingin sa kapaligiran. Hindi
produktibo ang manlumo sa angas. Ang manunulat ay sumasalok lamang sa balon nito para
makapagsulat. Kapag hindi na siya makapagsulat dahil sa angas, mas naging makapangyarihan
na ito. Sa ganitong kalagayan, walang laban ang manunulat. Maari niyang pagbigyan ang
pagtatagumpay ng angas, pero hindi gawing lubos ang Miss Universe walk at wave nito.
Kailangang pahantungin ng manunulat ang angas sa puntong maari siyang mag-snap out of it.
Hindi lubusang mag-snap lamang.
Ang manunulat ay kilala lamang sa kanyang huling sinulat. Dahil wala namang full-time na
maganda sa pagsulat ang part-time writing at part-time writers. Hindi naman part-time job ang
pagsulat. Full-time commitment ito. Kaya kahit manipis ang opus ng manunulat, maari pa rin
siyang bansagan ang sarili bilang manunulat. Pero inuunahan ko na ang aking sarili.
Ang gusto kong sabihin ay ganire: kung walang lifetime walking angas, dapat wala ring lifetime
walking writers block. Hindi excuse ang pagkakaroon ng miserableng buhay sa hindi pagsulat.
Kung iisipin naman talaga, lahat tayo ay nasa loob ng isang miserableng mundo. Kung hindi
miserable ang mundo, ano pa ang magiging lahok sa ating pagsulat. Kaya nga kailangan ng
angas, kailangan din ng akto ng pagsulat.
Ang akto ng pagsulat ay isang memorialisasyon ng kaganapan. Inaalala natin ang isang
pangyayari, madalas kalahok ang isang tao man lamang, at ang ating relasyon sa pangyayari at
tao. Ine-entomb natin para ma-enshrine ang moment. Para tayong kumuha ng instamatic shot ng
pangyayari. Frozen ito pero beautiful pa rin. Kahit anong pait, anghang, lupit o asim ng buhay,
kapag isinulat na ine-estheticize o pinagaganda natin ang pangyayari. Sa mga nakalutang na akda
air-tight ang capsule ang bangkay ng ating akda. Nakalutang sa glass case, beautiful sa
kanyang frozen moment.
Mahalaga ang memorialisasyon dahil wala naman, maliban sa rulers at philosophers na
gumagawa nito. At madalas pa, nagagawa nila ito dahil sa fasistang ideolohiya. Maaring gayon
din ang manunulat, pero ang kagandahan ng kanyang akda ay ang panahong mayroong kultural
na pagkakaiba sa paraan nito ng pagbasa. Ang hindi pinansing mga akda ay maaring dakilain sa
hinaharap, kapag mayroong matiyagat competent na scholar na makaka-unearth nito sa
archives. Pero ang hindi maaring mangyari ay ang pagbasa sa mga ginawa ng manunulat, at
least, sa kanyang lifetime.
May pagtataya ang gawaing intelektwal ng manunulat. Dahil siya ay part-time writer, part-time
someone else, implicated ang kanyang sinusulat sa iba pa niyang trabaho batay sa kanyang iba
pang pinaggagagawa. Madalas, hinuhusgahan ang kanyang pagkatao batay sa kanyang nonwriting activities
Madali kasing ma-usurp ang manunulat dahil part-time identity lamang ito. Kaya para mabuhay,
ang manunulat ay gagawa pa ng ibang bagay, kadalasan, extension ng kanyang intellectual work.

Maari siyang magturo o speech writer, maging artistic director, maging undersecretary, at kung
ano-ano pa. Ang iba pang gawain ng manunulat ay kanyang nakamit dahil sa kanyang
kredensyal bilang manunulat. Mas nauna siya siyang nakilala sa mga larangan bilang manunulat.
Dahil kulang ang kabuhayan ng manunulat, isa na naman itong afinidad niya sa laborer,
kailangan niyang magtrabahong makakapagbayad ng bills. At isinasangkalan nga niya ang
kanyang prestihiyosong posisyon bilang manunulat. Itinataya niya ang kanyang pagsulat sa
timbangan ng ibang mga tao at larangang handang magbayad sa kanyang serbisyo at prestihiyo.
Madalas, nilalamon siya ng sistema, tulad ng paglamon sa maraming manunulat ng angas at
writers block. Sa ganitong pagkakataon, kapag ang kanyang pagiging manunulat ay naging
isang mas tagong identidad, hindi na siya intelektwal.
Kaya ang intelektwal ay parating nasa panig sa labas ng establisyimento, bagamat mayroon ding
intelektwal ng estado. Pero oxymoronic ang huli, hindi ka maaring maging intelektwal kapag
binabayaran ang iyong serbisyo lampas pa sa tunay nitong halaga. Kailangan, tulad ng laborer,
nasa survival wage lamang. Sobra pa rito, managerial position na ito kung baga. Iba na ang
ipinaglalaban mo, hindi na ang iyong sariling paninindigan. Yung paninindigan na ng lubos na
tumatangkilik at nagbabayad sa iyo. Mahirap maging manunulat-intelektwal, pero ito ang higit
na kailangan n gating panitikan at lipunan.

Ang imahinasyon ang pangunahing lahok sa pagsulat, lalo na ng panitikan. Malaya at hindi ito.
Malaya dahil sa indibidwal na antas ay mayroong sapat na ahensya ang manunulat para
magkaroon ng kumbiksyon bilang mamamayan at iba pang identidad, kahit pa ito ay sabjek ng
mas makapangyarihan na estado. Overdetermined rin naman ang akto ng pag-eehersisyo ng
manunulat ng kanyang kalayaan. Tila mayroon siyang kalayaan gayong ang kanyang pagpipilian
na opsyon ay napili na ng mga aparatong represibo at kultural ng estado. Kaya rin hindi siya
lubos na malaya, at ito ang dahilan kung bakit pinapaslang ang mga peryodista, intelektwal,
manunulat at aktibistadahil may limitasyon, para sa estado, ang pwede at hindi pwedeng
malikha ng imahinasyon.
Malaya at mapanganib ang imahinasyon, pero ito ay kung pipiliin lamang. Ang rekurso ng
pagiging malaya ay pagiging mapanganib. Hindi kakambal ng kalayaan ang burgis na kasiyahan,
ligtas na posisyon ito. Ang kasiyahan ay nanggagaling sa mga bagong paraan ng paglalahad ng
nauna nang sinasabi hinggil sa porma ng panitikan at pagkatao sa lipunan. Defamiliarization ang
tawag rito, at kung gusto mong maging major dito, kailangang paglaruan mo ang porma ng
panitikannang hindi ganap na nae-alienate ang mambabasa kundi ang suma-total ay
nasisiyahan ito sa sensasyon ng pagtunghay sa reinbensyon ng porma at laman para ilahad ang
isang familiar na bagay bilang hindi familiar.
Malikhain ang panitikan sa ganitong antas. Tunay na wala nang masasabi hinggil sa engrandeng
kaalaman at realisasyon sa buhay. Ang tangi na lamang magagawa ay ilahad ito sa kakaibang
paraan, na parang engrande pa rin pero hindi inihahayag na engrande nga ito. Patagong proyekto
ng pagtatayo ng monumento. At ito ang extra-challenge sa manunulat. Paano itatago ang
monumento habang ginagawa ito?

Madalas sabihin ng nakakatanda, Gamitin mo ang iyong imahinasyon. Tila ito ang alamat ng
pinya, kaya naparusahan ang babaeng tamad na maging matinik na halaman at prutas, Gamitin
mo ang iyong mata, hindi ang iyong bibig. Bawal mag-ingay ang babae. Madalas sabihin ng
mga nakakatandang manunulat, show dont tell. Kung gayon, ang imahen ng matimtimang
babae ang kognitibong mapa ng pagiging malikhain sa pagsulattahimik hindi garapal,
masunurin hindi nagbabalikwas, internal hindi palabas ang gawi.
Kapag nagsusulat, nagbibigay-ngalan sa karanasan: ang dapat mabatid ng mga Tagalog, ang
pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma, kung ang tula ay isa lamang, azucarera,
kristal sa uniberso, at iba pa. Tila hindi pa nararas ito ng tao kaya hinahawi ng manunulat ang
mapa ng karanasan hinggil rito. Kung gayon, may bagong perspektibaat ang kahilingan ay
mapagpalaya itoang manunulat sa karanasan sa lipunan.
Ang kakatwa rito ay ang perspektiba ng manunulat, sa akto ng pagsulat, ay humahawi rin ng
mapa sa paraan ng pagsulat at sa panitikan. Ibig sabihin, ang naisulat na tula tungkol sa paksang
ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma ay tumutukoy rin sa paraan ng pagtula
ng makatang nagsulat nito. Bawat tula ay manifesto hinggil sa panulaan, at bawat pagtula ay
manifesto hinggil sa panitikan. O di ba, napakalaking atas tuloy ang pagsusulat.
Malikhain ang pagsulat dahil ito ay lumilikha ng bagong paraan ng kognitibong pagmapa sa
karanasang pinapaksa nito. Ang panlaping ma sa salitang-ugat na likha ay tumutukoy sa
batayang katangian ng pagsulatmasalapi, maalam, matanong, at iba pa. Nililikhang
intrinsikong katangian sa paglikha ang pagiging malikhain nito. Arkitekto ang manunulat kung
gayonnagtatayo ng struktura ng panitikan, struktura ng karanasan, at maging struktura ng
karanasan sa panitikan. Ang unlaping in naman ay tumutukoy sa pagiging definitibo ng
katangian ng pagiging aksyon bilang deskripsyon ng likhaito ay hindi lamang nag-uutos
(likhain), kundi nagsasaad ng pagkilos sa pang-uri (malikhain). Kung gayon, paratihang
isinasaad ng katangiang malikhain na ang proseso ay parating dinamiko, fluido, at patuloytuloy sa pagdaloy. Hindi pala naikakahon ang pagiging malikhain.
Naikakahon ito dahil mayroong limitasyon. Ang mismong pagpili ng manunulat na maging
manunulat at hindi tubero, tagapastol ng kalabaw o nagtitinda ng droga sa kantokahit
malamang ay parating may katambal na paggawa sa kahalintulad o suplementaryong trabaho
dahil sa pang-ekonomikong kalagayan ng manunulatay nagsasaad na ng orihinaryong
limitasyong pang-ekonomiko ng manunulat. Hindi pera ang dahilan ng kanyang pagsulat gayong
pera ang hinihimok na dagdag sa kanyang kultural na kapital. Kung magtagumpay ang pera,
hindi na siya manunulat sa artisanong paraan kundi manunulat na siya sa ilalim ng poder ng
kapital. Kung hindi naman, at sa maraming pagkakataon ito ang kalakaran, ang aspirasyong
maging dakila ang paratihang nasa likod ng pag-akda at pagiging malikhain. Kung gayon, ang
pagiging malikhain ay nakaangkla sa utopia ng pagiging dakila.
Sa bawat akdang naisulat at naitanghal bilang panitikan, dumaraan ang naisulat sa serye
ng paglimi ng mga tradisyong makakapagtanghal na ito nga ay dakilang panitikan, at kung
magkagayon, na ang manunulat nga ay dakilang pantas. Ang institusyonal na praktis tulad ng
pampanitikang kontests, publikasyon, workshops, pagtatanghal, organisasyong pangmanunulat,
pag-aaral at kritisismo, at iba pa ay bahagi ng pagtahip na maghihiwalay ng ipa sa bigas. Sasalain

pa itotulad ng paghihiwalay ng mismong mga daliri sa nakasamang bato at palay sa bigasng


mas mahabang tradisyong pinanggagalingan ng mga larangang pampanitikan. At ang
kolektibong karanasan ng mga ito ang magtatanghal kung ganap nga bang dakila ang akda.
Kung gayon, ang pagiging malikhain ay ang kapasidad ng akda na hindi lamang
maitanghal na dakila ng mga higanteng tradisyon sa panitikan kundi ang pananalig na rin sa
mismong diwa ng tradisyon bilang hulmahan ng kagalingan. Bagamat ang tradisyon ay may
tatanghaling paisa-isang panitikang rebelde, ang mga ito naman ay incorporatable na rebelde na
nagbibigay-prestihiyo pa rin sa establisyimento ng tradisyon. Wala ring dinadakila ang tradisyon
na xerox lamang nang mga naunang kagalingan. Ang panuntunan ay mayroong ibang garden
variety na iniluluwal ang bawat pagsulat.
At ito ang kinahaharap ng manunulat. Paano magiging tunay na malikhain kung mayroon
nang parametro nang paglikha, ng likhain at pagiging malikhain? Ano pa ang pwedeng
magagawa para maging malikhain? Ang dilemma ko ay kapag may masasabi pa ako, nagawa na
ito, at kung gayon, naging bahagi na ng tradisyon.
Kung gayon na naman, ang maaring pag-isipan ay ang tradisyon. Mayroon bang nasa
labas nito? May posisyong ng pagsulat ba na nasa labas ng pagiging dakila at pagkita sa
panulatan? Kung mayroon, pagbati dahil mayroon naman palang ibang landas na maaring
tahakin patungo sa nais mapuntahan.

You might also like