You are on page 1of 1

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat!

Ako po, ang inyong lingkod, Konsehal EA Aguinaldo, ay


kumakatawan po sa buong lokal na pamahalaan ng Kawit,
upang kayoy bigyang pugay at pasasalamat sa pakikilahok
at pagdalo ngayong hapon para saksihan ang isang
napakahalagang kabanata ng ating paglilingkod dito sa
Kawit.
Alam nyo po, napakahalaga ng ating pakikilahok sa
pagtatakda ng mga programa, plano at tanaw-pananaw ng
kasalukuyang administrasyon para sa mahal nating bayan
ng Kawit. Ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ay isa
sa mga dokumentong magbibigay ng ideya sa inyo, bilang
aming mga boss o pinaglilingkuran, kung paano gumagawa
ng struktural na desisyon ang lokal na pamahalaan kaugnay
ng paggamit ng mga lupain nito. Sumasagot ito sa tanong na
nasaan na tayo ngayon? Saan natin gustong tumungo
hinggil sa pag-unlad? at Paano natin makakamit ang
progresibong estado? Isa itong bunga ng pagpaplanong
inilalatag sa inyo bilang mga mamamayan at negosyante ng
Kawit upang malaman ninyo kung ano at paano pinatatakbo
ng gobyerno ang isang bayan.
Ang iba pang detalye ay tatalakayin ng ating Municipal
Planning and Development Council (MPDC) sa mga susunod
na oras kaya naman hindi ko na ito patatagalin pa.
Muli, mabuhay kayo at maraming maraming salamat
po!

You might also like