You are on page 1of 5

PART 1: Kris Aquino explains in detail why she decided to confront her husband's caller

By Glen P. Sibonga & Nerisa Almo

Kris Aquino…"Marami po na siyempre yung


mga gustong mang-away o manggulo sinasabi,
'Ang kitid naman ng utak ni Kris! Nakalimutan
na ba niya ang kanyang nakaraan?' Simple lang
po ang sasabihin ko sa inyo. Kung anuman ang
nakaraan ko, noong July 10, 2005 pinakasalan
ako ni James Yap. For whatever I may have
gone through in my life, alam yun ni James
Yap. At pinakasalan niya ako at ibinigay niya
ang kanyang pangalan sa akin. Ngayon, sa
ilalim po ng batas... at siguro na rin sa
pagbibigay pahintulot ni James, may karapatan
ako bilang asawa niya. Na kung anuman po ang
mga pinagdaanan ko dati, past is past, and at
present I happened to be Mrs. James Yap,"
explains Kris Aquino.
Punto por punto ay inilahad ni Kris Aquino ang
kanyang panig at bersiyon ng istorya sa kinakaharap niyang malaking kontrobersiya ngayon
habang kausap ang co-host na si Boy Abunda sa kanilang programang The Buzz kahapon,
January 17.
Kamakailan ay naging laman ulit ng mga balita ang tungkol sa isa na namang kaganapan na
nagpayanig sa kanilang relasyon ng asawa niyang basketball player na si James Yap.
Matatandaang una nang nagulo ito noong maugnay si James sa isang empleyado ng Belo
Medical Clinic. Namatay nang kusa ang kontrobersiya dahil pinili ni Kris na ayusin ang kanilang
pagsasama ni James.
Pero simula nitong nagdaang linggo ay muli nahaharap sa panibagong pagsubok ang pagsasama
ng mag-asawa. Naging malaking balita ang ginawang pagsugod diumano ni Kris at
pagkumpronta sa isang babaeng nangangalang Mayen Austria, isang fan at kaibigan daw ni
James at ng PBA team nitong Purefoods Tender Juicy Giants. Halos magkapitbahay lang sila sa
Valle Verde 2, Pasig, dalawang kalye lang daw ang layo ng mga bahay nila
Ayon kay Kris, kinausap muna niya ang kanyang mga kapatid bago niya ginawa ang pagsasalita
sa The Buzz.
"I had to discuss all of this with my family in depth before I face all of you," simula niya.
"Nakiusap po nang mahinahon ang mga kapatid ko na mag-ingat ako sa mga pananalita ko and
just to stick to the facts. So, even before I came here sa dressing room, my sister Pinky said
nagsisimba siya ulit ngayon para ipagdasal ako."
At sinimulan ni Kris ang pagsisiwalat ng kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsasabi ng
kanyang karapatan bilang asawa ni James Yap.
"Boy, let me start. Marami po na siyempre yung mga gustong mang-away o manggulo sinasabi,
'Ang kitid naman ng utak ni Kris! Nakalimutan na ba niya ang kanyang nakaraan?' Simple lang
po ang sasabihin ko sa inyo. Kung anuman ang nakaraan ko, noong July 10, 2005 pinakasalan
ako ni James Yap. For whatever I may have gone through in my life, alam yun ni James Yap. At
pinakasalan niya ako at ibinigay niya ang kanyang pangalan sa akin. Ngayon, sa ilalim po ng
batas... at siguro na rin sa pagbibigay pahintulot ni James, may karapatan ako bilang asawa niya.
Na kung anuman po ang mga pinagdaanan ko dati, past is past, and at present I happened to be
Mrs. James Yap. That's the first."
THE SOURCE OF THE PROBLEM. Detalyado namang isinalaysay ni Kris ang pinagsimulan
ng problema kaugnay ng pagpunta niya sa bahay ng mga Austria.
"Point number two, I now speak to all the wives listening. Nagla-lunch kami ng asawa ko. I was
on call, may taping ako ng Kung Tayo'y Magkakalayo. Kaya lang po na-delay nang na-delay. So,
at 2 p.m. noong umuwi si James from practice. We were having lunch, magkatapat ganyan. So,
meaning to say po, we still cohabit. We still live in one roof.
"Sinagot ni James ang telepono... Again, I will understand James when he told me na, 'Alam mo
kung may itinatago ako sa iyo, hindi ko naman siguro sasagutin ang phone in your presence.' I
heard a girl crying. Magkatapat kayo, minsan may maaaninag ka talaga doon sa conversation lalo
na kung nakikinig ka, di ba? Kasi it was quiet and I could hear a voice very clearly saying,
'James, tell me what's wrong with me? Ginawa ko naman na ang lahat.' And then, ang sinagot po
ng asawa ko, 'Alam mo kung ayaw sa iyo, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo.' And then I
heard more crying. Until... James could see, kasi ganyan, di ba? [inilalarawan ni Kris ang
posisyon nilang mag-asawa]. Ang kilay ko po umaabot na sa kisame namin. So, sinabi ni James,
'Alam mo, mamaya na lang tayo mag-usap.'"
At hindi na nga napigilan ni Kris na mag-usisa kay James tungkol sa babaeng caller.
"So, nagtanong po ako, 'Babe, what's that?' Ganun na ang tono ko. 'Si Mayen!' Sabi ko, 'O, what
does she want with you?' Okay, dati po nag-o-order kami ng cupcakes at mga cookies sa kanila.
Pero through phone lang yan. I didn't know how she looks, okay.
"And then I said, 'Is she crying over you? What's happening?' Tapos ang sinabi ni James sa akin,
'No, ang sinabi niya, iniwan daw siya ng boyfriend niya for another girl kaya iyak siya nang
iyak.' Sabi ko, 'Friend mo yung guy?' Hindi. Sabi ko, 'Ano ang pangalan nung lalaki?' Some
Cabahug. That was the last name na binanggit. Sabi ko, 'O, kung hindi mo kaibigan, bakit ikaw
ang iniiyakan?' And sinabi niya, 'Hindi ko nga alam, e.'
WANTED TO CONFRONT MAYEN. Dito na nagsimulang mairita si Kris hanggang sa
maisip nga niyang gusto niyang puntahan ang bahay ni Mayen.
"Alam mo, parang nababastos ako... 'Are you telling me the truth ba talaga na may boyfriend
iyan na iniiyakan? Baka naman obsessed iyan sa iyo?' So, I told James, 'Anyway, they live two
streets away. Gusto ko siya puntahan para naman makita niya that I'm a real person at nababastos
ako sa ginagawa niya. Kasi the whole time na nag-away tayong dalawa bago mag-Pasko, umalis
ka dito sa bahay na ito, and yet wala akong pinagsabihan except my closest family. In the merely
five years of our marriage, all the time na nagkagulo tayong dalawa, wala akong lalaking
iniyakan.' Of course, I'm not counting you as lalaki, you get it [sabi niya kay Boy]?
"You know what I'm trying to say, di ba po? Pino-point out ko lang kay James na sabi ko,
'Parang it's not proper. Baka naman she's under the illusion that I'm not a real person and I only
exist on TV. So, gusto kong pumunta doon para maramdaman niya na flesh and blood, tao ako at
misis mo ako.'"
Naghanda na si Kris para umalis. At plano nga niyang pumunta muna sa bahay ni Mayen bago
siya magpunta sa taping ng kanyang teleserye. Pero nakatanggap muna siya ng tawag mula sa
kanyang pinsan na si Rina Teopaco.
"So, now, naligo na po ako. Inaayusan na ako ni Bambbi Fuentes [makeup artist]... I am sorry na
mangdadamay po ako ng ibang tao, pero kamag-anak ko naman sila at humingi ako ng permiso.
My cousin Rina who is closest to me... ninang ni both Josh and Baby James, called me while
Bambbi was doing my makeup. And ang sinabi sa akin ni Rina, 'Cuz [short for cousin],
tinawagan ako nitong si Mayen, umiiyak. Pupuntahan mo raw siya at aawayin. Tinawagan daw
siya ni James at sinabihan na mag-sorry na lang sa iyo.'
"Sabi ko, 'Cuz, tinawagan siya ni James?' So, I said, 'I think I really better go there and find out
for myself what's really going on. So, ang sinabi ng pinsan ko, 'Cuz, huwag ka nang pumunta.
Huwag mo na silang pag-aksayahan ng panahon.' And then she said, 'Remember, there's so much
to lose, ikaw yung sikat.' And I told Rina, 'Cuz, naman, kung hindi ko kayang ipaglaban ang
rights ko as a wife because I'm a public figure, e, di lahat na lang ng babae mapi-feel puwede nila
akong apak-apakan. So, I said, 'No, I'm going.'"
MEETING MAYEN'S MOTHER FIRST. Sa kabila ng mga taong nagsasabing huwag na
niyang puntahan si Mayen, hindi pa rin nagpapigil si Kris.
"Ang daming nag-try pigilan ako but I went, okay. So, I rang their bell and I want to make it
very clear, binuksan po ako ng pintuan ng gate nung nanay [Minna Austria]. Mahinahon po at
niyaya pa nga akong pumasok sa loob nila because they were entertaining guests. She mentioned
the former head of Poveda. She mentioned that there was a bishop there and all. So, I said, 'No,
Ma'am, it's okay. I would just like to stay here and I just wanted to let you know that your
daughter has really been calling my husband and I'm not comfortable about it.'"
Pinabulaanan ni Kris ang lumabas na balitang nagsisigaw at nagmura siya. Sinabi lang daw niya
kay Mrs. Austria na hindi niya nagugustuhan ang ginagawang pagtawag kay James ng anak
nitong si Mayen.
"Boy, I just want to make it clear. Never po akong nagmura. Never po akong nanlait ng tao.
Ipinaramdam ko lang ang aking displeasure. Kasi nga asawa po ako at parang... I don't know
what the word is. Pero parang nao-awkward ako na may babaeng tawag nang tawag sa asawa
ko."
Gayunpaman, humingi ng tawad si Kris kay Mrs. Austria kung nasaktan man niya ang
damdamin nito.
"I'll take this opportunity now. My sister Viel asked me to please apologize to the mother
because sinabi ni Viel, 'It wasn't the mother calling your husband. The mother was gracious
enough to meet you outside.' So, Mrs. Austria, on behalf of my family, hindi naman nga po kayo
ang nanggulo sa asawa ko. So, humihingi ho ako ng tawad sa inyo na pati po kayo nadamay dito.
Hindi ko ho kagustuhan na saktan ang damdamin ninyo. Ang kagalit ko po yung anak ninyo."
CONFRONTING MAYEN. Sumunod na isinalaysay ni Kris ang paglabas na ni Mayen mismo
para harapin siya. At dito na naganap ang kontrobersiyal na komprontasyon sa pagitan nina Kris
at Mayen.
"Okay, may I go on with the story? It was very, very calm, Boy, the whole time. Kaya lang
lumabas siya [Mayen]... the girl came out and said, 'I don't know why I have to say I'm sorry to
you. James said to me to say I'm sorry. But I didn't do anything wrong.'
"Eto lang po, kung yung mismong asawa ko feeling dapat mag-sorry na itong babae na ito sa
akin, siguro nga pati yung asawa ko, na-realize na may mali sa sitwasyon. So, ang sinabi ko sa
kanya, 'Asawa ako ni James. I'm his wife. And in my opinion, what you're doing is wrong. And I
came here very graciously, sabi ko, and as politely as I can, to please ask you to please stop
calling my husband."
Pero nangatuwiran pa raw si Mayen sa kanya.
"And then ang sinabi po niya sa akin, 'But I don't even call James that often.' Sabi ko, 'So, bakit
nung may problema ka na sa boyfriend mo'—kung meron talagang boyfriend... di ba, Boy?
Hindi talaga tayo sigurado. E bakit problema yun ng asawa ko? Kasi hindi ko talaga
maintindihan at nakikiusap ako.
"Tapos sinabi ko, 'Hindi sikreto sa buong Pilipinas kung ano ang mga pinagdadaanan namin ni
James. Siguro naman, and I addressed this to the mother, 'I'm sure, Ma'am, you would not want
your daughter to be a contributing factor to the demise of my marriage. And I'm sure as a
married woman, you don't blame me, and you cannot blame me, for wanting to save my
marriage.' End of story po.
Kung maayos daw ang pagpunta niya roon ay maayos din siyang umalis.
"Nagpasalamat ako for their time. Sumakay ako sa aking kotse. Papunta na ako sa taping. At 6
p.m. ang dami na pong nagtatawagan sa akin dahil hindi ko naman po ipinagkalat sa publiko ang
pangyayari. Yung mga kapitbahay namin, puwede naman pong patunayan na hindi ako
nagsisisigaw doon. Because kung gusto ko talagang magsisisigaw, Boy, you experienced it kung
gaano kalakas ang boses ko. But I was in perfect ka-control. I went to work that day. Tuluy-tuloy
ang buhay."
GETTING NOYNOY INTO THE ISSUE. Hindi na raw dapat magre-react si Kris pero
napilitan na siya dahil nadamay na sa isyu ang kapatid niyang si Noynoy Aquino, na
kumakandidatong pangulo ng bansa sa nalalapit na eleksyon.
"Unfortunately, noong Friday, ang mga kamag-anak niya nagpa-interview na sa Inquirer at front
page kami. Ngayon po, kaya po ako nagsasalita simpleng-simple lang, dinamay niyo ang aking
kapatid. Ano ba ang kinalaman ni Noynoy dito? Bakit ang pagkakandidatura ni Noy ay gagawin
po nating isyu in something that is simply a domestic issue.
"But now I want to say thank you because may ethics committee ang ABS-CBN, e. I'm not
allowed to talk about my brother on air because magkakaroon daw tayo ng biases. But because
my brother is in the news and I am part of that news story, it gives me the opportunity to speak
about my brother. So, Boy, pagbibigyan niyo ako, magsasalita po ako tungkol kay Noynoy."
Isang staff ng The Buzz ang nagtangkang pigilan si Kris pero nagtuluy-tuloy pa rin ang TV host-
actress.
"No, you cannot stop me, Ian," sabi ni Kris. "Okay, magtutuluy-tuloy ako. Kasi po ang sinasabi
doon [news], karapat-dapat ba sila sa Malacañang? Hindi naman po ako ang binoboto ninyo, si
Noynoy. Sino ba si Noynoy?
"Hindi sikreto sa inyong lahat noong hindi approve si Noy sa way of life ko... noong
kinuwestiyon ni Noy ang moralidad ko. Hindi po niya ako kinausap. Hindi ako kinunsinti ng
kapatid ko. Kung isumatutal ninyo, for almost seven years, sum it all up in totality, Noy and I
had a difference. May distance sa aming dalawa kasi nga si Noy ayaw yung pamumuhay ko."
DEFENDING NOYNOY. At dito na ipinagtanggol ni Kris si Noynoy
"In other words, Noy is of good moral character. Hindi niya kinunsinti ang ginawa ko.
Pangalawa po, si Noy has been trying to salvage our marriage. In our long conversation, noong
iniiyakan ko si Noy, ang sinabi po ni Noy sa akin, 'When you went into that marriage, you knew
what the responsibilities were.' And ang tawag niya sa akin Kristina... 'Kristina, eto na lang, mas
matanda ka, mas marami ka nang pinagdaanan sa buhay. Emotionally and intellectually, you are
more mature. So, so much more is expected of you."
Ang payo raw ni Noynoy sa kanya ay isipin ang kapakanan ng kanyang dalawang anak.
"At ang binanggit ni Noy sa akin, 'Ang dapat mong isipin ngayon si Baby James. Baby James is
only two years old. Set aside selfish interest. Set aside your pride. But try to save this because the
one who will suffer the most here is an innocent child.'
"Ngayon kung sasabihin niyo sa akin na masamang tao pa si Noy, e, hindi ko na ho kayo
maintindihan dahil tama ang moralidad ng kapatid ko at tama naman po ang tinuturo niya sa
akin. For me to try to save the family. Kung tatanungin niyo po ako, yun nga ho ang mga... I
guess the moral standing ni Noy is something I can be very proud of.
"Secondly, bilang kapatid ni Noy, ipintas niyo na lahat ng gusto ninyong ipintas sa akin, pero
hindi ako magnanakaw, hindi ako mamamatay-tao, hindi po ako sinungaling. So, bakit po ako
makakasira kay Noy?"

You might also like