You are on page 1of 1

Kween Yasmin at ang kanyang esophagus

Isang 19-anyos na vlogger ang sumikat sa social media, lalo na sa TikTok, matapos siyang
maging guest sa isang comedy podcast at ipinakita ang kanyang talento sa impromptu
spoken poetry.

Noong ika-12 ng Disyembre, 2023, si Jasmin Marie Malixi Asistido, na kilala rin bilang Kween
Yasmin, ay naging guest sa The KoolPals comedy podcast at ipinamalas ang kanyang
impromptu spoken poetry na pinamagatang 'Esophagus'.

"Esophagus esophagus, habang tayo'y kumakain sa hapag kainan. Syempre, hindi


mawawala ang iyong esophagus. Mananatili 'yan, panghabang-buhay. Iingatan,
papahalagahan mo 'yan. Dadaloy-daloy sa iyong sinapupunan and I thank you ," tula ni
Kween Yasmin.

Matapos ang kanyang impromptu spoken poetry, naging viral siya at trending sa social
media. Si Kween Yasmin ay isang humorous na tao. Gayunpaman, kilalanin natin ang ibang
bahagi ng kanyang pagkatao.

Sa isang panayam sa CEO confessions, ibinahagi ni Kween Yasmin ang kanyang mga
karanasan. Sinabi niya na ang kanyang ina ay pumanaw at iniwan siya ng kanyang ama upang
magkaroon ng bagong pamilya. Nang tanungin kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang
ina, siya ay napahinto at sinabing, "Ma, balik ka na," at ito ay nagpaiyak sa kanya. Ngayon,
ang tanging meron siya ay ang kanyang tita, pamangkin, ate at asawa nito.

Tinanong din si Kween Yasmin sa panayam tungkol sa kanyang buhay sa kanilang tahanan.
Sinabi niya ng tapat na iba ang kanyang personalidad doon. Siya ay quiet nonchalant sa
bahay nila , at ang tinatawag niyang pamilya ay hindi sumuporta sa kanya nang simulan niya
ang kanyang sariling karera. Sa bahay, siya ay tahimik at karamihan ng kanyang oras ay
ginugugol niya sa kanyang silid, nag-iisa. Dagdag pa niya, nararamdaman niya lamang ang
tunay na siya at masaya kapag kasama niya ang kanyang mga kaibigan sa labas, o harap ng
kanyang smartphone.

Sa huli, marami parin tayong hindi alam tungkol kay Kween Yasmin. Pero napakabiyaya
nating mapasaya ng kanyang kakaibang pagkatao at nakakatawang personalidad - isang likas
na kasanayan ang ginagamit niya upang aliwin at pasayahin ang mga tao. Kaya atin siyang
suportahan ay tayo ay magkaroon ng kagandahang-loob.

You might also like