You are on page 1of 2

Pagsasaka/Paghahalaman

-Ang pagsasaka at paghahalaman ay isang gawain na nakatuon sa pagtatanim ng


ibat ibang uri ng halaman at pananim. Ang pangunahing pagkain sa ating bansa tulad
ng bigas ay nagmula sa gawaing ito.
- Ang Pilipinas ay isang bansa na kung saan ang agrikultura ay isa pa rin sa pangunahing
nagpapatakbo at nagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Sa kabuuang lupang sakop nito,
47% (mga 13M ektarya) ay ginagamit sa ibat-ibang
gawaing pang-agrikultura na
kung saan, mahigit na 80% ay nakatanim sa palay, mais at niyog.
- Ang sakahan sa Pilipinas ay karaniwang pangmalitan at nakasalalay sa pantaong
paggawa (manual labor). Ang mga tinatawag na magsasaka sa Pilipinas ay magkakaiba,
may nagsasaka na ang ani ay pambenta (commercial), mayroon naman na nagbebenta
lamang kapag sobra ang ani sa pangangailangan ng pamilya (semi-commercial), at
mayroon ding magsasaka na ang ani ay para lang sa pangangailangan ng pamilya
(subsistence).
- Ang pang-apat na klaseng magsasaka na malakaki ang prosyento sa buong bansa ay
ang mga manggagawang bukid na walang sariling upa.

You might also like