Professional Documents
Culture Documents
Don T English Me I M Bleeding
Don T English Me I M Bleeding
WARNING: This story contains language that is not suitable for genius mind. Only
a person with a great sense of humor can lasts this one! GOOD LUCK! >:D
Eh ano kung hindi ako gaanong magaling sa English? Bakit ang pagsasalita lang ba
ng English ang basehan nang pagiging matalino? Kung yun nga, edi ako na ang BOB
O, kayo na ang matalino! Letche.
Basta ako maganda at maganda ulit! Ganon talaga, wag kang mainggit sakin! Yun la
ng ang maipagmamalaki ko eh!
At least I m trying my very very best until I bleed just to spoke English! Oh diba
? Oo na, wrong gramming na naman ako! Masyado kayong mapuna! Ganyan naman kayong
mga people of the Philippines. You re judging the book by its cover. Don t judge me
, I m not a book, and you re not a judge!
My English is limited edition only! Sabi nga nila sakin, sila daw yung dinudugo
yung ilong kapag ako ang kausap nila sa Englishan! Oh diba? I m so great!
Pero kapag yung mga matatalino na yung kumakausap sakin ng English, ang lagi kon
g sinasagot sa kanila:
DON T ENGLISH ME, I M BLEEDING.
Sabay walk-out!
Ako, si Felicity Domingo a.k.a FLISS! Isang dalagang maganda na nakatira sa I.S
(Informal Settler), o squatters area para sa inyong mga judge (judgemental)!
Chums note: Hello Loves! Yes, another HUMOR story. On-Going na naman! Comedy tal
aga ang specialty ko! hahaha. Dahil sa masayahin akong tao at GUSTO KO HAPPY KAY
O! Asahan nyo na ang sandamakmak na wrong grammar sa story na to. Hahaha. Salamat
sa pagbabasa ng isa na naman sa mga kabaliwan ko! This is my 4th story. <3 :)
GRAMMAR 1
Chin up. Stomach in. Chest out. SMILE. PAK!
Ilang oras nang ganyan ang posisyon ni Fliss. Nangangalay na din yung panga nya
kakangiti at nilalamig na din sya sa suot nyang pink strapless long gown na hind
i nya alam kung kanino hiniram ng kanyang Mother dear. Nararamdaman na din nya n
a konting kembot na lang, magkakapaltos na ang paa nya dahil sa kulay silver na
heels na ipinahiram sa kanya ng kaibigang si Paula. Malapit na din malusaw ang m
ake-up sa mukha nya dahil sa malamig na pawis nya.
Kaloka, kelan pa naging malamig ang pawis? Todo tiis ganda sya ngayong gabi! Dah
il mahirap kumita ng pera kaya naman pati byucon (beauty contest) eh pinatos na
nya.
Fiesta kasi sa pinakamamahal nilang baranggay Paraiso at may pa-contest. Search
for Ms. Paraiso 2012, aba syempre sumali sya! Sayang ang prize; 5k din yun. Hind
i naman kasi mayaman ang baranggay nila para magpapremyo ng milyones no. Sa mali
it na covered court nga lang ginanap yung pacontest.
And now for the Question and Answer portion, here is candidate number 5; Ms. Feli
city Domingo. Sabi ni Host
Sa wakas sya na. Syempre kung todo rampa naman sya papunta sa harapan. Kembot ku
ng kembot! Habang yung mga kaibigan nya at kamag-anak, todo cheer naman sa kanya
.
Wohoo! Go Fliss! Sigaw noong mga friends nya.
Panalo na yan! Sigaw noong mga tambay sa kanila.
Go girl sigaw ni Paula
Anak ko yan Aba at si mother dear todo cheer din.
Go ate Fliss! Sigaw naman ng bunso nyang kapatid na si Charity. Katabi nito yung i
sa pa nyang kapatid na si Harmony na tumango lang sa kanya at ngumiti.
Naks, ang supportive naman nila!
Tumahimik naman ang crowd (crowd talaga, para sosyal) noong nakapunta na sya sa
harapan na katabi ni Host na wag na nating pangalanan dahil hindi naman importan
te sa kwento.
Good evening candidate number 5 bati ni Host at itinapat kay Fliss yung mic.
Ngumiti sya at sumagot din.
Hi! Good evening to all of you! binawi ulit ni Host yung mic at nagsalita.
So, what are you feeling right now? nakangiti pang tanong ni Host.
Ito na ba yung question? Ang dali naman! sa isip isip ni Fliss.
Itinapat ulit ni Host yung mic kay Fliss habang ang lahat ay naghihintay ng sago
t ng ating bida.
Huminga sya ng malalim, basta malalim wag na nating sukatin pa, ngumiti sya yung
labas ang ngipin at saka sumagot ng bongang-bonga.
I am so nervousing right now. As in! My hands is vibrating and my heart is faster
! Like you know, when your teacher make you reciting in math subject. The feelin
g is mutual! And and I get so weak in the knees I can hardly speak. I lose all con
trol and it knocks me right over my feet. I can t explain why your love makes me w
eak --- by Jojo! sagot nya with matching pahawak hawak pa sa dibdib para kunyari
feel na feel nya.
Napakanta tuloy ako sa sobrang kaba! sabi ni Fliss sa sarili
Nganga naman si Host.
Sheeeet, napahanga ko ata sa English ko si Host kaya hindi na nakapagreact ng hus
to. Proud na sabi ni Fliss sa sarili.
Yung audience naman; laglag panga sabay nagpunas ng ilong. Pati sila napahanga D
AW nya.
Yung mga kamag-anak at kaibigan nya naman
hahaha. Ibang klase ka talaga Fliss! Ikaw na! Go Fliss. Wohooo. Sigaw ng mga kaibi
gan nya at todo palakpak pa.
Walang duda, panalo na talaga yan! Sigaw ng mga tambay sa kanila.
Buti na lang talaga maganda ka Girl! Sigaw ni Paula.
Anak ko talaga yan! proud na sabi ni Mother dear.
Go Ate! Kapatid mo pa rin ako kahit anong mangyari! Haha sigaw ni Charity, binatuk
an naman sya ni Harmony na napapailing na lang sa tabi.
Noong nakarecover na si Host
Ahh I s-see. *iling sabay tsk* Anyway, here is your question
Ay? Akala ko pa naman yun na yung question. Tinodo ko pa naman lahat ng baon kong
English. Kaasar ha, nag-effort ako sa pag-sagot noon! pagmomonologue ni Fliss.
What will you do if you could change the world? pang bigating tanong ni Host
Tumahimik si Fliss, pati na din ang crowd. Noong nag-process na sa utak ni Fliss
ang tanong, ngumiti sya at sumagot.
Wow that is a wonderful question! Can you replay the question please? magalang na
tanong nya. Napailing naman ulit sa kanya si Host at binasa ulit yung tanong.
What will you do if you could change the world? at bumuntong hininga pa ito.
Change the world? Babaguhin ko ang mundo? Paano ko naman gagawin yun? Baliw ba sy
a? Sino bang gumawa ng tanong na yun? Tsk. Kung presidente nga ng Pilipinas hind
i mabago ang sitwasyon naming mahihirap, ako pa kaya na 20 years nang nabubuhay
na mahirap, babaguhin ang mundo? tanong ni Fliss sa sarili.
At tulad ng karaniwang sinasabi nating mga Pinoy kapag hindi na natin alam ang g
agawin, kahit nananahimik naman ang taong yun ay palagi pa rin nating dinadamay.
Bahala na nga si Batman.
Tumingin sya sa audience, saka kay Host at saka sumagot.
Oh. Thank you very much for replaying the question. If I could change the world,
I will be the sunshine in your universe. Baby if I could change the world --by E
ric Clapton. Sagot ni Fliss.
Ganyan ang ating bida, kahit anong ibato mong salita, phrases o tanong pa man ya
n, kaya nyang idugtong sa kantang alam nya. Noong napansin nyang hindi nagreact
ang crowd at waley ang sagot nya, mabilis syang nakabawi at sumagot ng bongga.
Just joking! Peace! Seriousness, if I could change the world, I am going to turn
around the poor and the rich. The rich is going to be poor and the poor is going
to be rich. You know, so that the rich can experience what is the feeling of be
ing poor. Because the feeling is not mutual! It s hard, you know? Try it! And of c
ourse --- WORLD PEACE! Sagot nya at kumaway pa sa lahat with flying kiss.
Ang mga nanonood naman kahit nagpupunas ng ilong eh todo palakpak pa rin sa kany
a. Kahit sablay ang English nya, may ilan pa ring nakaintindi dahil sa word na P
oor at Rich. Syempre naman, nakarelate ang mga taga I.S (informal settlers)
Sheeeeeet, ang dami ko ng fans! Hindi na lang yung kamag-anak at mga kaibigan ko
yung pumapalakpak sakin. Hahaha, ang galing galing ko talaga! I am so proud of m
Tawa pa tay. Tama yan! Asar na sagot naman nya saka pumasok sa loob ng bahay at umu
po.
Binibiro lang, di pa nasanay. Kumain na kayo? concern na tanong ni Father bear.
Bakit tay, may makakain ba? singit ni Charity na umupo sa tabi ni Fliss.
Wala nga eh. Hahaha. Sagot naman ni Father bear, natawa na lang sila sa sagot ng t
atay nila. Kahit kelan talaga, hindi sya nauubusan ng pagtatawanan.
Hay nako, Felimon. Lahat na lang dinadaan mo sa biro. Sita naman ni Mother dear ka
y Father bear. Si Felimon Domingo, tricycle driver. Madalas inaatake ng rayuma k
aya madalas ding walang kita.
Oy hindi totoo yan ha. Sineryoso naman kita ahh. hirit pa ni Mang Felimon na nilapi
tan ang asawa na kinikilig. Kala mo teenager!
Ayon oh, pumipibibiteens. Hirit ni Charity.
Kamusta naman tuhod mo tay? tanong ni Fliss habang inilalagay sa istante yung troph
y at sash na nakuha nya.
Ayun, nakirot pa rin sagot ni Father bear habang kinakalkal ang dala ng mag-iina n
ya.
Kahit anong halukay ube ang gawin mo dyan, wala kang mapapala dyan. Puro gamit la
ng yan ng anak mo! saway naman ni Mother bear
Nagbabakasakali lang na may naligaw kahit isang balut. Hirit pa ni Father bear
Asa ka tay, mani nga na tig-lilimang piso wala eh. Balut pa kaya na kinse pesos na
! Pangmayaman na ang balut ngayon, hindi na affordable. Sagot ni Fliss na naghihi
lamos na sa lababo.
Naks, affordable
spell nga? tanong ni Harmony na kanina pa tahimik na nakikinig sa
usapan ng pamilya nya.
Tinapos muna ni Fliss ang paghihilamos nya, syempre nag-uumpisa na syang mag-spe
ll sa utak nya. Noong hindi sya sure sa tamang spelling, nagpunas na sya ng mukh
a at saka sumagot
Bigla akong inantok, napagod kasi ako eh Sagot naman ni Fliss habang humihikab at
nag-unat pa, kaya naman tinawanan na lang sya ng pamilya nya.
Bago tuluyang umakyat sa second floor ng bahay nila! Yes, hindi lang pangmayaman
ang second floor, meron din sa I.S nyan, yun nga lang, pag-akyat ng hagdan, pin
tuan kaagad ng kwarto, wala ng ekek pa!
Nay oh iniabot ni Fliss yung 1,500 kay Mother dear. Syempre si Mother hindi na uma
rte at tinanggap agad ang pera na pambayad ng water bill, electric bill, at bilb
il joke lang yung huli.
Salamat nak ha. ngumiti na lang si Fliss at lumapit kay Harmony.
Hamy, oh at saka ibinigay ang 500 kay Harmony na pambayad sa kung anong tour, prog
ram, projects at kung ano ano pang may kinalaman sa extra-curricular activities
na wala namang kinalaman sa course na kinukuha nya.
OO, mas magastos pa ang minor subjects kesa sa MAJOR subjects. Kaya ihanda nyo n
a ang bulsa ng mga magulang nyo at i-brief nyo sila ng husto sa mga gagastusin n
ila, kapag nag-college na kayo.
Salamat te tumango lang si Fliss at ngumiti. Aakyat na sana sya para matulog noong
humirit si Charity
Ate, pano ko? Ganon-ganon na lang, pagkatapos kitang icheer ng todo? Nakangiting t
anong ni Charity habang nakalahad ang kamay at naghihintay ng grasya. Kinuha nam
an ni Fliss ang kamay ng kapatid at nakipag-shakehands.
Super duper mega over thank you for your supportiveness, Chary! OA na sabi ni Flis
s sabay bitaw sa kamay ng kapatid.
Ok na ba? Napasalamatan na kita, pwede na akong matulog? sarkastikong tanong nya p
a.
Sabi ko nga e. Sige ate, goodnight! sagot ni Charity
Kaya naman tuluyan ng umakyat si Fliss sa kwarto nilang magkakapatid; napalit ng
damit at natulog na.
chums note: I need help! Wala pa akong FINAL na katawang tao ni Fliss. Iniisip k
o kasi kung si Alex Gonzaga, Sheena Halili o Jenica Garcia. Kung may suggestions
kayo just tell me. Pinay po ahh mas ok kung comedian. Babaguhin ko din yung cov
er kapag may final na Thai Actress kasi yung nasa cover. Dahil originally HS dapat
si Fliss, eh since nagbago ang isip ko dahil ang pangit kung nag-aaral sya tapo
s simpleng English lang eh sablay pa! xD
GRAMMAR 2
GRAMMAR 2
Nakahanda na ba ang mga tissue/panyo/laylayan ng damit? Kung OO, edi basa na!
Nagmamadali si Fliss na kumilos dahil may job interview pa sya ngayong araw. Hin
di naman bigating interview yun, sa isang school canteen sya magtratrabaho kung
sakaling pumasa sya at magustuhan sya noong may-ari. Nangangailangan daw kasi ng
kahera, chika sa kanya ni Paula.
Skinny jeans at polo shirt na kulay sky blue plus flats shoes na black. Ganyan k
asimple ang suot nya. Naghead band lang sya na kulay puti na walang kahit anong
design, at saka nagmake-up ng simple lang; foundation at lipstick. Make-up na sa
kanya yun dahil hindi naman sya marunong mag-make up. Si Paula lang naman ang n
agmamake-up sa kanya.
Bumaba na sya dala ang short brown envelope na may lamang resume, baranggay clea
rance, cedula at voters ID. Pumunta kaagad sya sa kusina at ininom ang kape na n
akalagay sa lamesa, kahit hindi nya alam kung sino ang may-ari noon.
San ka pupunta? tanong sa kanya ni Aling Trinidad noong makita syang bihis na bihi
s. Hindi nga pala nya nasabing may job interview sya.
I have walk. Sagot nya habang inaayos ulit ang buhok sa harap ng salamin.
San nga? Tanong ulit ng Nanay nya.
Sanay na ang Nanay ni Fliss sa mali mali nyang English, kahit ang Tatay, dalawa
nyang kapatid at si Paula naiintindihan ang English nya. Sa araw-araw ba naman n
ilang marinig si Fliss na mag-english, ewan ko lang kung hindi pa sila masanay.
Minsan talaga parang imbestigador si Inang mother sa isip-isip ni Fliss
somewhere over the rainbow .I m going away Nay, bye. Sabi ni Fliss at mabilis na lumab
as ng bahay nila.
Ayaw nya pa kasing sabihin ang tungkol sa job interview dahil baka umasa lang yu
ng Nanay nya tapos hindi sya matanggap. Sasabihin nya lang kapag sure na syang m
ay trabaho na sya.
Habang naglalakad si Fliss palabas ng looban nila, nadaanan nya ang tindahan kun
g saan nakatambay madalas ang kanyang masugid na manliligaw na si Tres.
Ang pamilya din ni Tres ang may-ari noong sari-sari store, kaya naman madaling n
akakautang si Fliss.
Good morning Fliss! nakangiting bati ni Tres. Ngumiti na lang ng alanganin si Flis
s, hindi naman kasi nya type si Tres, lalo pa dahil asar sya sa dalawang babaeng
kapatid nito na sina Una at Dos.
Kelan mo ba ako sasagutin? tanong ni Tres
Sasagutin ng good morning? Tomorrow! sagot ni Fliss at naglakad na, sinundan naman
sya ni Tres.
Eh bilang manliligaw? pangungulit ni Tres.
When you graduating from college tuloy lang sya sa paglalakad.
Medyo natagalan bago ma-gets ni Tres yung sinabi ni Fliss 1,2,3,4,5 seconds, bago
sya nakasagot.
Graduate na ako next year, ibig sabihin girlfriend na kita next year? lalong nagka
roon ng pag-asa si Tres.
When you graduating from college and when you have work. patuloy ni Fliss.
Napa-isip naman si Tres.
Sasagutin mo na ako kapag may trabaho na ako? paninigurado ng binata.
When you graduating from college and you have work and you have house and lot wala
ng ganang sagot ni Fliss.
Sasagutin mo na ako? kulit ng binata.
When you graduating from college and when you have work and you have house and lo
t and have a c-- naputol ang pagsasalita ni Fliss dahil pinagpatuloy ni Tres ang
sasabihin nya
kapag may kotse na ako? tapos sasagutin mo na ako? naiinip na tanong ng binata
Not yet already. sabi ni Fliss with matching wasiwas ng hintuturo nya signing no .
Ano pang gagawin ko para sagutin mo ako? desperadong tanong ni Tres.
Huminto na sa paglalakad si Fliss at hinarap ang binata. Nakukulitan na sya dito
, pero hindi nya magawang magalit dahil magkababata silang dalawa.
ak ni manong guard. Na-gets naman ni manong guard yung sinabi ni Fliss dahil sa
pagturo sa ID na hawak nya.
ID simpleng sagot ni manong guard
You see the look in your eyes, that is ID so I can enter the gate. At derederetsyo
na sanang papasok si Fliss kaya lang hinarang ulit sya.
Hindi ka nga pwedeng pumasok, hindi ka naman estudyante dito eh. Sita na naman ni
manong guard na konti na lang ay papatak na ang dugo sa ilong dahil sa babaeng k
akaiba kung mag-english.
Napatingin pa si Fliss sa nilakaran noong gwapong lalaking sinusundan nya kaya l
ang sa kasamaang palad hindi na nya matanaw ang lalaki. Kaya naman naiinis nyang
hinarap si manong guard.
What is the problem of the you, manong? Can t you see, can t you see, are you blind?
I have ID so I can enter the gate. Stop harassing me! I just wanting to entering
the gate, why you no understanding my situation? Is you have no heart? How coul
d you sabi nya at OA na nagdrama sa harap ng gate, paanong OA? Naglupasay? Hindi
naman.
Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa dibdib nya na parang akala mo nasaktan ng to
do, with matching papikit pikit para piliting magkaluha at biglang lumapit kay m
anong guard, inilagay ang kamay sa magkabilang balikat nito at saka mahinang niy
ugyog.
GANYAN LANG NAMAN KA-OA.
Shock naman si manong guard sa ginawa nya, napahinto din ang ilang naglalakad pa
pasok sa loob ng school. Lahat nakatuon ang atensyon sa babaeng nagsalita at OA
na nagdradrama sa harapan ng kawawang si manong guard.
Ilang segundo pa ang lumipas noong biglang nagpalakpakan ang mga estudyante at u
sisero sa nasaksihan nila sabay tawa ng malakas.
WOW, just wow
The best ka Ate! HAHAHA
Ikaw na HAHAHAHA
Panalo ka. HAHAHA
My humor is now activated. Ha-ha-ha sabi noong nerd student, ibinaba pa nya ang ma
kapal nyang libro at saka pumalakpak.
Napatingin si Fliss sa paligid nya, imbis na mahiya sa ginawa nya .
Thank you so much for the claps claps and laughing. For the support and everythin
g, I am so happiness like you all the feeling is very mutual. Muah, muah, muah pagp
apasalamat nya at nagawa pang mag-bow, nakangiti syang nag-flying kiss at saka k
umaway ng pang byucon.
Bago pa nya tuluyang makalimutan, hinila nya si manong guard sa tabi nya at itin
aas ang kaliwang kamay saka sila nag-bow. Wala namang nagawa si manong guard kun
g hindi ang matuwa na lang din sa kanyang biglaang pagsikat.
Kung kanina eh naka-poker face lang si manong, ibahin nyo ngayon dahil all smile
sya labas pa ang ngipin na may absent na isa sa taas.
Naputol ang kasiyahan nila noong tumunog ang school bell, kaya naman dali daling
nagsialisan ang mga estudyante na nagpunta sa kanilang mga klase.
Sinabi na din ni Fliss kay manong guard ang totoong sadya nya sa school na yun e
xcept sa gwapong sinusundan nya na hindi na nya nakita. True enough, nangangaila
ngan nga talaga ng kahera sa CAFETERIA tinama kasi sya ni manong guard noong sab
ihin nyang canteen. Cafeteria daw dahil sosyal doon.
Ang ending? Pinapasok na sya ni manong guard at itinuro kung nasaan ang CAFETERI
A. Friends na rin sila ni manong guard.
Natawa ako sa mga comment sa first chapter, bumaha ng dugo ang comment box dahil
unang kabanata pa lang ang dami ng nahawa kay Fliss. Maraming salamat sa pagmam
ahal sa kanya. Mat cameo role si Fliss sa first chapter ng Avah Forever Maldita,
mababasa nyo doon kung paano nya sagutin ang FOREVER maldita na si Avah Chen. <
3chums
GRAMMAR 3
GRAMMAR 3
Namiss nyo ba si Fliss? xD
i lang naman yung gagawin mo eh. Ang kailangan lang dito, mahaba ang pasensya mo
lalo na sa mga maarteng estudyante dito, pero yung iba mababait naman. Saka dap
at bibilangin mo lang ng mabuti yung isinusukli mo para hindi ka ma-short. Sabi n
i Bubble kay Fliss habang pinupunasan ang ibabaw ng counter.
Sasagot pa sana si Fliss pero nag-salita ulit si Bubble.
Kapag ganitong oras wala pang masyadong estudyante dito kaya linis linis lang ang
gagawin mo. Kapag nakita mong malinis naman, mag-linis ka pa din, kasi nakakahi
ya naman kay Madam kung maaabutan nya tayong nakatambay lang. 9am, 12pm at 4pm y
un yung mga oras na madaming tao dito kasi break na ng mga estudyante. Patuloy pa
nito habang nag-wawalis.
Ahh ok. So
bitin na sagot ni Fliss.
Ito pa pala, wag mong kalimutang bumati sa mga professors dito lalo na sa Dean. K
a-close ni Madam yung mga yun. Wag mo ding kakalimutang ngumiti, kasi ayaw ni Ma
dam ang nakasimangot, malas daw kasi sa negosyo. Dagdag pa ni Bubble habang nag-m
a-mop.
Hindi na tinangka pa ni Fliss na mag-salita.
May tanong ka pa ba? nakangiting tanong ni Fatima na tumigil na sa paglilinis at t
umayo sa harapan ni Fliss.
You love speaking no? puna ni Fliss.
Ay hindi naman. Makwento lang talaga ako, pero hindi naman ako madaldal. Nga pala
, ilang taon ka na ba? tanong ni Bubble.
20. How a-- tipid na sagot ni Fliss.
bout you? patuloy na tanong ni Fliss sa utak nya dahil naunahan na naman syang mag
-salita ni Bubble.
Ahh, magkasing edad lang pala tayo. Kwento ka naman, kanina pa ako nag-kwekwento
eh sabi pa ni Bubble, napagod ata kakasalita.
Nag-hintay pa ng ilang segundo si Fliss bago mag-salita. Baka kasi may sasabihin
pa si Bubble eh maputol na naman yung sasabihin nya. Noong hindi nagsasalita si
Bubble, nag-salita na si Fliss.
I don t know what to story eh. I m not noisy, so my classmates in elementary don t writ
ing my name on the noisy list when the teacher is away. Kwento ni Fliss.
Napakamot naman ng ulo si Bubble.
Bakit ang hilig mong mag-english? Eh mali naman yung grammar mo? pagtataka ni Bubb
le.
Ngumiti naman sya.
Just like your reasoning for being noisy. Nakangiting sagot nya. Hindi naman na-ge
ts ni Bubble kaya ang tanging nasagot nya lang ay
HUH?
Sabi mo kanina, makwento ka lang pero hindi ka madaldal. Ako naman, nag-eenglish
kahit mali pero hindi ako bobo. Nakangiting sagot nya.
Napanganga naman si Bubble sa sagot ni Fliss.
Sorry ha. biglang sabi ni Bubble sabay hawak pa sa kamay ni Fliss.
Why you sorry? nagtatakang tanong nya.
Eh kasi akala ko kaya ka nga-eenglish ng mali kasi bobo ka sa English matapat na s
agot ni Bubble.
Natawa na lang si Fliss.
Bakit ang pagsasalita lang ba ng English ang basehan ng pagiging matalino? Kung y
un nga, edi bobo nga ako. natatawa na lang na sagot ni Fliss.
uyy, hindi no. Alam mo, nakakatuwa ka. Ang saya mong kasama, sigurado na hindi ma
giging boring dito simula bukas, kasi nandito ka na. Saka, masanay ka na sa pagi
ging makwento ko ha. natutuwang sabi ni Bubble.
Ikaw din, sana masanay ka sa pag-eenglish ko kahit mali. Kapag nag-tagal, ma-gege
ts mo din naman yung mga sinasabi ko eh. Pero ngayon, sige, mag-tatagalog muna a
ko. sabi ni Fliss at hinampas pa si Bubble sa braso.
Pagkatapos i-tour ni Bubble sa cafeteria at ipaalam sa kanya ang mga basic ay na
g-paalam na sya dito pati na din kay Madam Rosa. Nakangiti syang naglalakad papu
nta sa may gate.
matutuwa si mother dear kapag nalaman nyang may work na ako! At humanda sakin si
Paolagirl, hindi nya sinabi sakin na Tita nya pala si Madam! pag-mo-monologue ni
Fliss.
ala pa rin sa inyo ang gustong makipag-hiwalay. Kapag nagmahal kayo, buong pagka
tao nya ang dapat nyong mahalin, hindi kung ano lang ang gusto nyo sa kanya. Naka
ngiting sagot ng Nanay nila
Nasa kalagitnaan sila nang pag-momoment noong biglang dumating si Mang Felimon,
at napatingin sa kanilang mag-iina na nakakunot ang noo.
Ano na namang kadramahan yan, Trining? tanong pa nito.
Wala, sinasabi ko lang sa mga anak mo na wag silang mag-aasawa ng maaga. Para hin
di agad makunsume sa magiging asawa nila. Ang hirap kaya magkaroon ng asawa ng m
aaga. Sagot naman ni Aling Trinidad at saka tumayo at pumunta sa kusina.
Anong problema noong Nanay nyo? Hindi naman nag-asawa ng maaga yun ahh. sabi pa ni
Mang Felimon.
Bakit tay, ilang taon ba si Nanay noong nagpakasal kayo? Tanong ni Charie.
29. Ewan ko sa Nanay nyo, kung ano-ano sinasabi sa inyo. Naka-drugs ba yun? pabiro
ng tanong ni Mang Felimon sa mga anak.
Hoy Felimon, narinig ko yun! sigaw pa ni Aling Trinidad.
Tay, kinikilig ka pa ba kay Nanay? natatawang tanong ni Fliss.
Sinong kikiligin sa boses ng Nanay nyo? bulong nito, nagtawanan naman silang mag-a
ama sa sinagot ng tatay nila.
Narinig ko ulit yun! sabi pa ni Aling Trinidad.
Buti hindi nyo hinihiwalayan si Nanay kahit na lagi kayong sinisigawan. Sabi pa ni
Fliss.
Ang tawag dun, pagtyatyaga. Sagot pa ni Mang Felimon at saka ulit tumawa.
Eh tay, mahal mo pa ba si Nanay? tanong ni Charie.
Nasa harapan nyo ba ako ngayon, kung hindi? Kahit ganyan yang Nanay nyo, ganyan n
a talaga yan. Hahahaha. Natatawa pang sagot ni Mang Felimon.
Napangiti na lang si Fliss. Lahat ng ni-role play nya sa utak nya, nawala na dah
il sa pag-uusap nilang mag-iina.
Hindi talaga ako regular na nag-uupdate. Kung kelan ko lang maisipan. :P
GRAMMAR 5
GRAMMAR 5
6:00 a.m
Maaga gumising si Fliss dahil ngayon ang unang araw nya sa trabaho. Bago kasi ma
g alas otso kailangan nasa cafeteria na sya. Dahan dahan nyang inayos ang kama n
ya para hindi magising si Charie
hapon pa kasi ang pasok nito kaya naman mamaya
pa rin ito gigising.
Kinuha nya ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto nila at napakuno
t ang noo nya noong mapansing wala sa tabi ni Charie si Hamy. Bumaba na lang sya
ng tahimik.
Naabutan nya sa kusina na nagkakape ang Nanay nya, mga ganitong oras kasi naka-a
lis na ang Tatay nya para mamasada ng tricycle.
Bat ang aga mo ata? tanong sa kanya ni Aling Trining saka humigop ng kape.
Nay did Hamy went home tonight? tanong nya.
Napakunot naman ang noo ng Nanay nya dahil hindi kaagad nito na-gets ang sinabi
ng anak.
Ahh. Hindi. Nag-paalam sakin noong isang araw gagawa daw sya ng thesis ba yun? Ka
ya dun natulog sa kaklase nya. Mamaya pa uuwi. sabi ni Aling Trining.
Thesis? Ano ba yun? Tsk. Tanong ni Fliss sa sarili. Hindi nya kasi naranasan yun.
Ahh. I see the look in your eyes! Nay, I has work na. pagbabalita nya habang nag-t
itimpla ng kape.
Napalingon naman sa kanya ang Nanay nya.
Alam ko, tinext sakin ni Paola. Hinihintay ko lang na ikaw ang mag-sabi sa akin. s
agot naman ni Aling Trining.
Si Paola talaga! Nawala na yung element of surprises! Tsk. Nay, do you have cash?
I will pay you someday. Nahihiyang sabi ni Fliss.
Pamasahe na lang kasi ang natira sa kanya ngayon at paniguradong kakapusin sya d
ahil may mga kailangan pa syang ipasang requirements. Mag-rerenew pa sya ng NBI
clearance at dahil pagkain ang hahawakan nya kailangan pa nyang kumuha ng health
certificate.
Tinext kasi sya ni Madam Rosa kagabi para ipapaalala yung mga requirements na ka
ilangan pa nyang ipasa. Ngayon kasi, ipapakita lang sa kanya yung mga ginagawa d
oon. Mabuti na lang talaga at mabait ang magiging amo nya dahil pinagbigyan syan
g makapagtrabaho kahit di pa kumpleto ang requirements nya.
Meron pa, may 500 pang natira dun sa binigay mo sakin noon. Sagot ni Aling Trining
.
Can I borrow? Nakapikit na tanong ni Fliss.
Kunin mo na lang sa tukador ko mamaya. Maligo ka na. Ipag-priprito na lang kita n
g itlog para di ka na bumili ng tanghalian mo. utos ng Nanay nya.
Thanks Nay. Sagot nya saka naligo.
6:45 a.m
Paalis na si Fliss ng bahay noong saktong dumating naman ang kapatid nyang si Ha
rmony. Babatiin sana ni Fliss ang kapatid noong nag-dere-deretsyo ito sa loob ng
bahay nila at hindi sya pinansin.
Oh nandyan ka na
pati ang Nanay nila ay napatigil sa sasabihin dahil umakyat na ng
kwarto si Harmony.
What s the problem of her? tanong ni Fliss.
Baka pagod lang. Lumakad ka na. sabi na lang ni Aling Trinidad.
Hindi na lang pinansin ni Fliss ang inasal ng kapatid kaya naman nagkibit balika
t na lang sya at umalis ng bahay nila.
Habang naglalakad, nag-dadasal sya na sana kahit ngayong umaga lang na to ay hind
i nya makita si Tres. Mahihirapan na naman kasi syang bastedin ang binata kahit
araw-araw na nyang ginagawa iyon.
Malapit na sya sa may tindahan nina Tres kaya naman binilisan nya ang lakad nya
at yumuko pa sya para matakpan ng mahaba nyang buhok ang mukha nya. Pero masyado
ng matalas ang mata ni Tres pagdating sa kanya kaya agad sya nitong tinawag.
Hi Felicity! bati pa ng binata.
Bahagyang bumagal ang paglalakad ni Fliss para ngitian ang binata.
Hi. Mahinang bati ni Fliss.
Kinilig naman si Tres kaya napangiti - labas ang ngipin. Buti na lang at bagong
toothbrush. Kung hindi bawas pogi points sya.
Aga natin ngayon ahh. pag-uumpisa ni Tres ng topic at sinabayan pa sa paglalakad s
i Fliss.
Syempre, crush nya ang ating bida kaya kailangan pahabain ang usapan kahit wala
naman dapat pag-usapan. Mga style eh!
Somewhere down the road. Naiilang na sagot ni Fliss.
Oy, alam ko din yang kantang yan. Favorite mo din yun? Pareho pala tayo. Tuwang-tu
wa namang sabi ni Tres.
Huminga ng malalim si Fliss
basta malalim saka nagsalita.
Tristan. Sabi ni Fliss, tumigil pa sya sa paglalakad kaya naman napatigil din si T
res.
Bakit? tanong ni Tres.
Time first! sabay harang ni Fliss sa kanang palad nya sakto sa muka ni ni Tres mga
1 inch na lang ang pagitan ng palad nya sa muka ng binata.
Game over, I m late. Babye! mabilis na paalam ni Fliss at naglakad din ng mabilis.
At sa pangalawang pagkakataon, naiwan na namang nakatanga si Tres.
Tristan Angeles, ang binatang umiibig ng wagas sa kababata nyang si Fliss ay nafriend zoned na naman mga kaibigan!
Ano dre? Sukuan mo na kasi si Fliss! pang-aasar ng mga tambay sa tindahan nila at
nagtawanan pa.
Oo, mag-aala syete pa lang ng umaga may tambay na. Sisipag no?
Dinedma na lang ng binata ang kantyawan ng mga tambay at nagbantay na ulit ng ti
nadahan nila. Napansin naman sya ni Una kaya sinermonan na naman sya.
Ang dami-dami namang babae dyan, pinagpipilitan mo yung sarili mo sa babaeng di k
a naman gusto. Naiinis na sabi ni Una.
Lalo tuloy nadagdagan ang pagkainis ni Una kay Fliss dahil sa pang-babasted na n
aman nito sa Kuya nya.
Iba kasi sya. tipid na sagot ni Tres.
Bukod sa mali-mali ang English nya, ano pang pinagkaiba nya? tanong pa ni Una. Hin
di talaga mawala ang inis sa tono ng boses nya.