Professional Documents
Culture Documents
sa lindol. Sa kanyang mga sulat, lahat ai inilalarawan niya kay Pangloss. At ang
kinalabasan para kay Candide ay palaging sa tono ng: At, salamat sa iyo, nakita ko
na lahat nito ay mabuti. Kay ganda ng ating daigdig! At sa wakas, puspos pa rin
ng ligaya, pinasya niyang magpahinga sa kanyang bayan, linangin ang kanyang
sariling hardin.
Lahat ay pinapanuod ng pilosopiyang ito na parang isang pintura na yari
sa maliliwanag na kulay. Kung may kaunting itim dito o kaya dilim doon, iyon ay
pampatingkad lamang sa kolor. Ang purong optimism ay umiiral sa oryentasyon
ng aba ako. May anyong paligsahan. May himig ng: Kung nalaman mo lamang ang
lahat ng aking nalalaman, makikita mo na walang kadiliman.
Pesismismo
Kung baga sa damit, parehoong baro sa optimismo ang pesimismo, ngunit,
isinuot ng baliktad. Pinapanuod pa rin ang lahat mula sa malayo at nakikitang
madilim ang lahat. King may kaunting liwanag ditot doon, ito ay upang lalong
umitim ang dilim. Gumagalaw pa rin sa aba ako at may tono pa rin ng paligsahan:
Kung nauunawaan mo lamang ang nauunawaan ko, hindi ka palilinlang sa mga
anyo ng liwanag.
Istowisismo
Ngunit may pilosopiyang nasa larangan ng pag-aar na may isang uring
dignidad: ang istowisismo. Ito ay naninindigan na ang ultimong kalagayan ng tao
ay kadiliman. Kahit na gaano kabuti o kagaling ng tao, ang kanyang tiyak na
hantungan ay: na mawawasak siya. Kung hindi sa anomang ibang sakuna, tiyak na
mararatnan ang tao ng kamatayan. Kayat ang taong buhay ay dapat
magpakabirtud: gumawa ng mabuti, manindigan sa katarungan, huwag
pahintulutang malugmok sa kahihiyan ang kanyang pagkatao. At lahat nito ay
gagawin niya habang mulat siya na ang tinutunguhan niya ay isang tiyak at hindi
maiiwasang pagkawasak. Ngunit, pasya niya na sa lahat nitoy hindi niya ihihinto
ang pagtupad sa birtud. Pagdating ng kamatayan na siyang sukdulan na sakuna,
ang mararatnan ay hindi isang taong nasirat nabuwal ang loob, kundi isang taong
tigas-loob na tumututol sa kanyang di maiiwasang pagkawasak. Ika nga ng
makatang Romano na si Horatius: Magiba man ang kalangitan, ang madadaganan
at madudurog ay isang taong walang takot.
Hindi sa aba ako
Ang pag-asa ay nagiging posible sa taong humaharap sa karanasa ng dilim.
Ngunit hindi ito otomatik. Ang pagdanas sa dilim ay may kabalintunaan: Sa
pagdanas sa dilim, namumulatan ang tao na lahat ng mga kahulugan na mas
nakalugod sa kaniya hanggang ngayon ay may kahalo pala na pagka-walangkahulugan. Kayat kung tutuusinm ang mga naranasan niyang kahulugan ay hindi
pero alam niyang may nakakaalam ukol sa panahon. Nanalig siya sa may hawak sa
mga panahon at mga pangyayari.
Isa pang katangian ng umaasa ay ang pasensya. Ang pag-asa ay naisisilang
sa abot tanaw ng pakikipagkapuwa tao, ng katapatan sa kapuwa tao. Kayat
palaging umiiral sa pasensya. Kung pinagpapasensyahan mo ang isang tao,
pinapaligiran mo siya ng isang papawirin na ginagawang posible na tumubo ang
kanyang pagkatao. Ang pagtubo ay parang musika na may sariling ritmo at
kompas. Kailangan mong galangin ang ritmo at sundan ang kompas ng tugtugin,
kung hindiy masisira ang musika. Ganoon din ang pagtubo. Sa alamat ni Mencius,
mau magsasakang ibig pabilisin ang pagtubo ng palay, kung kayat hinatak niya
ang mga tanim, na nagsimatay tuloy. Ang nananatiling tapat sa kapuwa taoy
iniintindi, sinusubaybayan, ginagalang ang ritmo at kompas ng kanyang
pagpapakatao. Hindi ipinipilit sa kanya ang alam kong ikabubuti mo. Hindi rin
bastat pinapabayaan. Kung wala ka nang hinihintay sa isang taoy kinokondena
mo siya sa pagkabaog. Ang nagpapasensyay naniniwala na ang buod ng kanyang
kapuwa ay kabutihan, na ang tunay na udyok niyay tumubo, na ang magagwa ng
kumakaibigan ay maghintay at magsubaybay. At natututuhan niyang
pagpasensyahan ang kanyang sarili. Ang bawat isa sa atin ay may batang menor de
edad sa loob niya, hindi matino, nagdadadabog. Kailangang hanapin ang buod ng
kanyang kabutihan, pagpasensyahan, patubuin.
Pangyayari at kahulugan
Ang pangyayari ay maaring ituring na isang bastat nagkataon lamang.
At anomang nakikitang kahulugan ng pangyayari ay maaring ituring na
ipinapalagay lamang, bunga ng mga di-namamalayang pagnanais lamang.
Meron namang ibang pagtanaw na nakikita ang nagkataon at ang kahulugan
bilang nagtatalaban at bumubuo sa isang talagang totoo, isang buong meron.
Maihahambing ito sa nakikita ng mata. Kung nakikita ko an gisang
tandang, at ang pumapaligid sa kanya ang gulo at alingawngaw ng sabungan; at
kung mamayay makita ko ang parehong tandang at ang pumapaligid sa kanya ay
kabukiran na kanyang piangpapasyalan . . . ang bawat pagpakita ng tandang ay
may kakaibang kahulugan. At ang bawat kahulugan ay tumatalab sa buhay ng
tandang, bahagi ng kanyang meron bilang nilalang na buhay.
Sa bagay na ito, parang nakikiusap si Marcel kay Hume. Ayon kay Hume,
ang kaya lamang tanawin ng tao ay ang mga dumidiin sa kanyang pangdama (sense
impression). Tawagin nating mga impresyon sa pandama. Para kay Hume, ang
impresyon ng nasa harapan, at ang impresyon ng pumapaligid (background: sa
kanyang teksto, dalawang beses na ginagamit ni Marcel ang katagang Ingles na
background) ay palaging hiwalay sa isat isa. Gingiit naman niMarcel na sa
mismong pagtanaw, ang mga sari-saring impresyon ay sama-samang bumubuo ng
isang karansan. At hawig dito, sa nibel ng kahulugan, ang pangyayari at kahulugan
umiiral sa aking pagbabahala na baka hindi bumalik ang anak ko mula sa digmaan,
sa aking pagsisikap na buhayin ang aking talino na gagamitin ko para sa aking
kapuwa, sa aking pag-aalaga sa aking kalusugan upang lumakas ang aking
katawan sa paglingkod sa kapuwa. Sa pagsikap at panalangin, sa tapat na
pananalig, umaasa ang tao habang siyay nakikisangkot sa makalupang pangyayari.
Sa ganoon ay kakapit siya sa presensiya ng matibay at magpakailan man na
pagkalinga. Sapagkat namumulatan lamang niya ang presensiyang ito sa tapat na
pakikisangkot sa mga pangyayaring makalupa. Kayat unti-unti siyang natatauhan
na ang mga pangyayaring makalupa na parang alanganin ay parang alanganin
lamang. Sapagkat, ika nga ng tula:
Hindi ka maaring mahulog ng mas malalim kaysa kamay ng Diyos
Sa isang paningin, parang hindi gaanong importante ang detalye ng buhay lupa,
palibasay parang alanganin at matutupad din naman sa buhay na walang hanggan, ngunit, sa
wasto at tunay na paningin, ubod na mahalaga ang buhay lupa at buhay panahon, sapagkat ang
pananatiling tapat sa alanganin ay siyang kaisa-isang landas sa isang tunay na pagkagat at
pananatiling tapat sa tao at sa Diyos, at sa ganyat kaisa-isang landas sa buhay na walang
hanggan.
Ang umaasa ay nananatiling tapat sa ubod-tigib-apaw na Ikaw, at
nananatili ding tapat sa di magmamaliw na partisipasyon ng mga halaga, mga
ikaw. Iyang dalawang katapatan ay nagtatalaban, bumubuo sa isang mayamang
abot tanaw ng pag-asa. Ang nasa abot tanaw na ito ay walang dahilan kailan man
na sumuko sa tentasyong mabuwal ang loob, walang dahilan kailan man na
mababa ang tingin sa kaninomang kapuwa. Ang pagbitiw sa pag-asa ay isang
pagtataksil sa ikaw at sa Ikaw.
Pag-asa at kadiliman
Sa umaasa ang kalagayang kadiliman ay parang mabangis na hayup na
kanyang pinapaamo sa pamamagitan ng pasensya. Natatauhan siya na ang
kalagayan na pparang nakakasira ay, sa katotohanan, isang kalagayan na
maaringmagpatubo. Sa pasensya nag-aapuhap siya at natutuklasan niya ang ritmo
ng pagtubo at bumabagay siya rito. At ang dilim na parang mabangis na naninira
ay nagiging maamong papawirin na nagpapatubo.
Ang taong umaasa ay sabik mabuhay. Sa pinakatinding tentasyon na
sumuko sa kamatayan, maari pa rin niyang ipunin anglakas ng kanyang kalooban
at pasyahing manabik sa buhay. Ang pananabik sa buhay ay parang apoy.
Sinusunog ang mga sagabal sa liwanag at ginagawang liwanag ang dilim,
ginagawang buhay ang kamatayan.
Inaasahan kita alang alang sa amin
2.
12. Hindi ko naman ibig sabihin na ang bawat segurado ako o duda ako ay hindi
maiiwasang masangkot sa paninindigang binibigyan diin dito. Ngunit, ito
ang tiyak: na noong aking inungkat at diniin ang paninindigang aba-ako,
hindi ako talagang sumalungat o lumihis sa kahulugan o katutubong kilus
ng segurado ako o ng duda ako. Ibang iba ang nangyayari kapag ang
usapan ay ukol sa umaasa ako. Dito, wala, at hindi maaring magkaroon,
ng anomang tono ng paghamon o paggising ng galit. Sa kabilang panig
naman, napakadaling mangyari na ang hamon at galit ay nagiging buod ng
duda ako" at segurado ako. Bakit may ganitong pagkakaiba? Tiyak na
sapagkat iba ang tinutunguhan ng umaasa ako. Sa umaasa ako walang
anomang paggiit na bumabaling sa, at sabay lumalaban sa, isang
kinakausapna talagang kaharap o kayay ginuguni-guni. Totoo nga na
walang anomang pagbabawal na, ayon sa pagkakataon, ay sabihin ko;
Umaasa ako; ikaw namay hindi umaasa." Ngunit, walang kulay, ni
katiting, ng mabagsik na pagkalugod sa sarili; habang napakadalas naman
mangyari na ganyan ang kulay ng segurado ako o ng duda ako.
13. Lilinaw ito, sa palagay ko, kung pagtitiyagaan lamang natin ng kaunti, na
kilatisin ang pagkakaiba ng pag-asa at optimismo. Pagkakaiba na maaring
mag-anyong mas nasa antas ng musika kaysa sa antas ng lohika. Kayat
madali na ring mangyari na napagkakamalan. Ngunit, kamali rin angituring na hindi importante, itong pagkakaibang ito.
14. Optimista ang taong may matatag na paniniwalao, sa ilang kaso, bastat
may malabong kutobna ang mga bagay ay nakatakdang maaayos din.
Sadya kong sinabing mga bagay; maaring ang usapan ay ukol sa isang
tiyak na sitwasyon o sa isang tumpak na problema; o baka ang mga
tinatanaw naman ay bastat kahit anong problema o hindi
pagkakaunawaan o paghihidwaan, na sa karaniway bahagi ng buhay.
Hindi na kailangan pang sabihin na ang optimismo ay kayang magpakita
sa di hamak na ibat ibang anyo. Merong optimismo na purong damdamin
at optimismong nagpapanggap na palaisip (sa katotohanan naman, baka
purong damdamin lamang na nagbabalatkayo). May mga optismismo na
ang hangarin ay manindigan lamang sa mga pagmumuni-muning
nagmumula sa karanasan. Sa kabilang panig, merong mga optimismo na
ang inaangking tuntungan ay mga pangangatuwirang metapisiko, at pati
teolohiko.
Subalit, kumikiling ako sa paniniwala, na itong mga pagkakaibang
ito ay hindi talagang malalimkahit na, sa unang paningin ay maaring
humilig ang tao sa ganyang pag-aakala. Ngunit, tiyak pa rin na lahat ng
mga uri ng optimismo ay naninindigan sa kaisa-isang ayos ng kalooban, sa
harapin sa mulat mula pa. Ang pag-asa ay hindi maaring iparis na walang
anu-ano, sa isang kilus ng 1oob na ipinagtatanggol ang sarili. Itong kilus na
ito ay upang huwag ako masiraan ng 1oob, ngunit manatiling buo at ligtas,
laban sa panganib ng malabis na pagdidibdib sa mga hirap ng pagsubok. O
marahil mas eksaktong sabihin: hindi ang kaligtasang ito ang tahasang
tinatangka; at kung nanatilingang ligtas ang 1oob ko, itoy isang uring
padaplis na epekto. Ubod ng liwanag na ang pag-asa ay may kinalaman,
hindi sa mga nasa 1oob ko, sa mga sakup ng aking buhay-ka1ooban, kundi
sa mga sumasaakin na hindi nanggagaling sa anoman sa mga kaya kong
gawin. Ang pag-asay may kinalaman, 1alo na sa mga hindi nakasalalay sa
mga magagawa ko sa aking sarili. Inaasahan ko . . . na darating ang nawala,
na matatalo ang kaaway, na papayapa muli ang aking bayan at babalik ang
kalayaan na inagaw ng sakuna. Mauulit yata ang napahiwatig na sa itaas,
na ang pag-asa ay isang poder na pinapaagos muli ang nanigas na
kalagayan. Nararapat hanapin ngayon ang papaano at ang uko1 sa ano
ng hustong paggalaw ng poder na ito.
24. Masusi nating tuonan uli, ang isang pambuhay na halimbawa. Matagal na,
na ang isang amay hindi nakatatanggap ng balita sa kanyang anak. Itoy
naglalakbay sa isang misyon sa malayong lupain. Sinabi niya sa kanyang
mga minamahal na huwag silang mababalisa, kung sakali hindi siya
makasulat sa kanila. Ngunit lubhang matagal na naman na wala silang
naririnig sa kanya. Kayat hindi maiwasan na si1ay mangamba. Baka
nangyari na ang kanilang lubhang kinatatakutan. Ngunit matibay-1oob pa
rin ang amang umaasa. Araw araw hinihintay niya ang sulat na aahon sa
kanya sa kanyang lubusang pagkaligalig.
Pagtaboy sa pag-asa kung sasabihin niya: Ang aking paghihintay
ay paulit-ulit nang nabigo; ang buong probabilidad ay na mabibigo ako
ulit ngayon. Sa ganyang salita, ipinahahayag niya na hindi na
mapapagaling ang sugat na pinatalab sa kanya ng paghihiwalay . . .
mismong sugat ang pagkahiwalay. Hindi na ako maaring maging iba sa
sugatan at taong wasak na nandidito ngayon. Kamatayan lamang ang
magiging wakas ng aking sakit, Ngunit hindi mapapawi ang sakit, kundi
sa pagpapawi sa aking sarili, Ganyan lamang ang magagawa ng tadhana sa
akin: katwang doktor, na hindi marunong magpagaling sa sakit kundi sa
pagpatay sa maysakit.
Ang tumataboy sa pag-asa ay hindi lamang isang nagmamasid.
Ang isinasaharapan niya ay hindi lamang iyang malagim na paulit-ulit, iyang
pagiging walang hanggan ng isang sitwasyon na kanyang kinaiipitang
parang barkong naiipit sa yelohan. Sa isang pagbabalintunang hindi
madaling isipin, inaantabayanan niya ang paulit-ulit; nakikita niya lahat sa
29. Kailangang tanungin ngayon kung ano ang mga dapat tupdin upang
maligtas ang pag-asa. Ang ibig kong sabihin: upang makilala natin na ang
pag-asa ay may taglay na halaga na hindi kayang sirain nitong masugid na
pagtutol na ito, kahit na may kabuluhan pa rin ang ganitong pagtutol sa
napakaraming kasong partikular.
30. Tiyak na dito natin dapat alalahanin ang nakilala na natin sa itaas: ang
pagkakaiba ng umasa at umasa na. Kapag mas nagpapatangay ang pagasa sa kahiligang kumabit, na parang hinipnotisa, sa kaisa-isang larawan,
mas dapat ituring na hindi maaring pabulaanan ang nailahad nang
pagtutol. Sa kabilang panig, kapag mas nilalampasan ng pag-asa ang guniguni, hanggat sa ipinagbabawal ko sa aking guni-guni na subukan man
lamang ilarawan ang aking ninanais, mas lumilitaw na itong tutol na ito ay
siya ring nagpapabulaanan sa sarili.
31. Magtataka pa rin tayo kung iyay hindi isang pag-iwas na mandaraya. Ang
totoo ay, mula sa unang sandali na akoy sinaklaw ng isang pagsubok, gaya
ng sakit o ng pagkapatapon, ang aking pinakamatinding idinadalangin ay
na akoy makalaya. At inilalarawan ko sa aking sarili, malinaw man o
malabo, ang paraan, kung papaano ito magaganap. Anoman ang kaso,
ginuguni-guni ko, ginagawa kong totoong totoo sa aking sarili. At sa
mismong iglap, ang kahiligan koy maniwala. Kayat pareho yata ang galaw
ng sikolohikong mekanismo, pati kapag ang aking malay taoy hindi
hipnotisado ng kaisa-isang eksaktong larawan.
32. Dapat itugon na, sa ganyang pangangatwiran, ay ginagawa kong labis na
payak ang isang kalagayan ng kalooban. Hayagan na nating inilahad na
umiiral sa buod ng kalagayang ito ang isang tuksong sumuko at itaboy ang
pag-asa. Hindi ako makahinga sa katayuang kinaroroonan at parang
kinakukulungan ko. Hilig kong isipin na hindi ito maaring magbago.
Kayat, sa aking paningin, wala akong kadahi-dahilang ipalagay na may
sisingit na himala na huhubugin ang lahat sa anyong umaayon sa aking mga
ninanais.
Pagmasdan natin na ditoy may ibang sikolohikong mekanismo, na
ang galaw ay baliktad sa direksyon ng mekanismong ginagawang
katibayan ng mgallll naninindigan na paglilinlang ang umiirai sa puso ng
pag-asa. Samakatuwid, kailangang aminin, sa mga sitwasyon at mga
pagsubok na ating isinasaisip dito, na ang malay tao ay naiipit sa pagitan
ng dalawang mekanismo na gumagalaw sa magkabaliktad na direksyon.
At kapag isinama sa hanay ng mga unang napatunayan itong
napagmasdan na ito, unLi-unti naiing makikilala ang lihim na pakikipagkasundong bumubuklod sa pag-asa at sa kalayaan. Pag-asa at kalayaan
ay kapuwa sakop ng haring bisa ng mapagkilatis na pasya.
33. Pagmuni-munihan natin, halimbawa, ang kaso ng maysakit; Malinaw na
kung kakabit siya sa ideya na gagaling siya sa 1oob ng isang eksaktong
pagdaloy ng panahon, manganganib siyang mawalan ng pag-asa kung
hindi pa siya napagagaling sa petsang itinakda niya. Ang natatanging
gawain ng mapagkilatis na pasya rito, ay ilahad na kahit na lumampas na
itong pagdaloy na ito, at hindi pa siya napagagaling, malawak pa rin ang
larangan ng pag-asa. Nag-aanyo rito ang pag-asa na nakatali sa isang
metodo ng paglalampas. Sa paggamit sa metodong ito, ang isip ay
tumatawid sa ibayo ng mga paglalarawan at pagsasapormula, na sa
simuiay kaakii-akit kayat maaring maging sanhi ng pagkabara. Tiyak, sa
halimbawang tinitingnan, na hindi petsa lamang ang nakataya. Para
bagang may isang himig, sa ispiritwal na musika man lamang, na kayang
dalisayin at tahasang baguhin ang mismong ideya ng pagpapagaling. Ang
unang hilig ng maysakit ay sumigaw; "Lubusan na akong napahamak kung
hindi ako gumaling!" Sa kanyang kamusmusan inaakala niyang sa
kalusugan lamang may kaligtasan. Mula sa sandaling hindi na siya
naghahagiiap sa isang absuaksyo, kundi talaga na niyang nauunawaan sa
kanyang kaibuturan . . . ang ibig kong sabihin, kapag na/eita niya na
maaring hindi siya lubusang mapahamak, kahit na hindi siya mapagaling,
buong kaiinawang lumilitaw na ang kalooban niyay nasa paninindigang
nagbago ng dihamak . . . ukol sa kung gagaling siya o hindi. Muli niyang
nakamtan ang kalayaan; ang kakayahang lumuwag at umaliwalas na
mahaba-haba na nating Linalakay sa itaas.
34. Makatotoong sabihin, mula sa ganitong paningin, na makalilitaw na
ngayon ang tunay na kahulugan ng pagkakaiba ng taong may
pananampalataya, at ng taong wala. Ang may pananampalataya ay iyong
hindi pahihinto sa anomang di maigpaw na sagabal sa landas ng
pagsasaibayo. Sabihin pa natin, upang maging tumpak ang kahulugan ng
katagang "sagabal, na sa antas na nilalagyan ko ng kondisyon ang aking
pag-asa, linalagyan ko ng hangganan ang proseson matatahak ko upang
akoy makaraos laban sa lahat ng mga sunod-sunod na pagkabigo. Higit pa
riyan, kinukulong ko sa kagipitan ang isang bahagi ng aking katauhan.
Ako ay lihim ngunit tunay na sumasang-ayon, na, kung sa isang
ekasaktong punto ay nabigo ang aking pagsisikap, wala na akong
mababalingan laban sa kawalang pag-asa at tiyak na doon na ako
mapapahamak.
56. Ang tugon dito ay: Na itong mismong pagtutol na ito, na ipinapalagay na
totoo, ang siyang dapat tanggihan o lampasan. Sa isang paraang kapanipaniwala.
Tiyak na hindi dapat ipagkaila na ang pagtutuol na itoy may
inilalahad na katinuhan, kung ang usapan ay ukol sa isang proyekto na
ang hantungan ay pagbuo sa isang gawaing materyal: pagtayo sa isang
pantalan o sa isang piramide, paghukay sa isang tunel o paggawa ng dam
sa isang ilog. Katuwiran, sapagkat ang payak na tinatalakay ay ang
pagsagawa sa ilang mga resultang materyal, na ang pan1oob na kalagayan
ng gumagawa . . . mas hustong sabihin; ng kasangkapan . . . ay maari at
dapat ituring na nakabitin sa mismong resultang ito. Sa katotohanan, ang
mga ganyang resulta ay makukuha rin yata ng mga walang awang kapatas
na namumuno, sa hagupit ng latigo, sa isang lahi ng mga nasisindak na
alipin.
Ngunit, alalahanin natin na ang mga ganyang pagsasagawa ay
hindi bunga ng anomang tunay na paglikha, ng anomang pag-ibig sa bagay
na nililikha. At doon, at doon lamang, sa kinaiiralan ng ganyang pag-ibig
ay maari at nararapat na pag-usapan ang pag-asa. Itong pag-ibig na ito ay
isinasa-katawan ang sarili sa isang gawain na wala sanang katotohanan
kung hindi dahil sa pag- ibig na ito.
Samakatuwid, hindi eksakto kung sasabihin natin na ang pagasay isang payak na suhetibong pampasipag. Baliktad ang katotohanan.
Ang pag-asay sangkap na kailangan upang mabuhay ang proseso ng
paglikha.
57. Baka meron pang magsabi: Ang pag-asang pinag-uusapan natin ngayon . .
. hindi bat may katuwang pagkakaiba sa pag-asang dinepinisyon na,
bilang pagtugon sa sitwasyong bumabalot sa pagkabihag? Maari namang
isipin na, kahit na magkaiba ang anyo, may natatakpang pagkakaisa sa
buod. Huwag nating lilimutin na, sa totoo, ang umiiral na kondisyon ng
tao, kahit na sa mga pagkakataon na parang pangkaraniwan ang lakad ng
buhay, ay palaging nananatiling pagkabihag. Ito ay dahil sa samot saring
pagka-alipin na nakatalaga na dapat niyang tiisin. Gawa ng meron siyang
katawan at, mas malalim pa, dahil sa gabing tumatalukbong sa kanyang
simula at sa kanyang katapusan.
Maituturing nating tiyak, na kahit na anomang paglikha na
ginaganap ng tao, ay nakatali sa kondisyon, sa dalawang kahulugang
ibinigay na sa salitang ito. Kung ating tutuusin, ang paglikha ay siyang
kaisa-isang paraan na ipinagkaloob sa atin upang mapasabog natin ang
liwanag sa ating bilangguan.
kapag nasabi ang lahat, baka tanda ng isang tulong, na higit sa natural ang
pinanggagalingan? Mag-iingat akong huwag makipagsapalaran sa
larangan ng teolohiya. Ngunit, sa pananaw ng pagmumuni-muning
pi1osopiko, totoo yata sa magkabilang panig at, samakatuwid, hindi rin
totoong sabihin na ang pag-asay nakasalalay at hindi nakasalalay sa aking
sarili.
67. Kayat ang lumalabas ay na ang kahulugan ng pananaliksik na ito ay
1umalabo kapag ang nakasangkot ay ang kaloob-looban na ako.
Nakasalalay ba sa akin na ako ay mapag-ibig o na meron akong talinong
mapaglikha? Tiyak na hindi, ngunit, tumpak na itoy dahil sa hindi rin
nakasalalay sa akin kung ako bagay ako o hindi ako.
Sa kabilang panig naman, aaminin natinat hindi natin
kailangang punahin ang mga hidwaang pi1osopiko ukol sa kalayaangpumasiya ng tao, at wala naman itong kinalaman sa usapan ditona nasa
akin kung gaganapin ko ang ganyang proyekto, kung tutulak ako sa
ganyang paglalakbay, ganyang pagdalaw, kung kikilus akong ganyan,
atbp. . . . at na magaganap din ang mga iyan ng ibang tao sa lugar ko.
Kayat hinahatid tayo ng ating pagmumuni-muni sa balintunang
paninindigan: na ang nakasalalay sa akin ay hindi talaga dikit sa akin,
nananatiling may pagka-nasa-labas-ko (o nandodoon man o walay
pareho).
Ngunit, kailangang idagdag na ang isang biyaya . . . anoman ang
uri nito . . . ay hindi kailanman bastat isang puro at simpleng tinanggap ng
taong pinagdulutan, upang ang gagawin lamang niyay ihanap at bigyan
ito ng lugar sa kanyang sarili. Ang talagang totooy na ang biyayay isang
panawagan at ang nakasangkot ay ang pagtugon. Para bagang nagsilang
ng isang malaking ani ng mga posibilidad ang biyaya, at ang mga ito ang
dapat nating pagpilian. Sa mas tumpak na salita: Dapat nating
pangatawanan na tupdin ang mga posibilidad na mas umaangkop sa
paanyayang sumusulpot sa atin mula sa ating kalooban. Sa paanyayang
itoy walang ibang nagaganap sa buod kundi; nagiging tagapamagitan ang
ating mismong sarili sa mismong ating sarili.
68. Itong malawak na pagmamasid na ito ang dapat pagmulan ng pagkilala na
sabay totoot hindi totoong sabihin na nakasalalay sa atin kung tayoy aasa
o hindi. Sa ugat ng pag-asay meron talagang iniaalok sa atin; ngunit, kaya
nating tanggihan ang pag-asa . . . gaya ng pag-ibig. At walang duda na
maari nating ipagkanulo ang pag-asa . . . gaya rin ng ating kakayahang
ipagkanulo at hamakin ang ating pag-ibig. Sa lahat nito lumalabas yata na
ang papel ng Kairos ay: bigyan ang ating kalayaan ng pagkakataong
Le Peuch
Enero 1942