You are on page 1of 32

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Makaagham na Pamamaraan
Susi sa Mabisang Pamamahala sa
Panahon ng Modernisasyon

Mananaliksik:

Cao, Karina C.
Barangay Cotta, Lucena City

Capisonda, Krisnell Mae R.


Barangay Market View, Lucena City

Mendoza, Ma. Charisse J.


Ibabang Iyam, Lucena City

Tolentino, Donna R.
Barangay 8, Lucena City

Marso, 2015
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Dahon ng Pagpapatibay
Bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatamo na pangangailangan sa
asignaturang Filipino, ang konseptong papel na ito ay pinamagatang Makaagham na
Pamamaraan Susi sa Mabisang Pamamahala sa panahon ng Modernisasyon ay inihanda at
iniharap nina Cao, Karina C., Capisonda, Krisnell Mae R., Mendoza, Ma. Charisse J., Tolentino,
Donna R., at ngayon ay itinagubilin para sa kaukulang PASALITANG EKSAMENASYON.
__________________________
Tagapangulo
_________________________

_____________________

Miyembro

Miyembro

Ipinasa LUPON SA PAGSUSULIT sa pasalitang Eksamenasyon na may gradong______


noong ika,____ March, 2015.
__________________________
Tagapangulo
_________________________

_____________________

Miyembro

Miyembro

Tinanggap bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatamo ng pasang grado sa


asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik.
Naipasa ang pasalitang pagsusulit noong ika___________Marso, 2015.
___________________________
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Pasasalamat
Lubos na pinapasalamatan ng mga mananaliksik ang mga taong tumulong upang isagawa
ng matagumpay ang pananaliksik na ito.
Una at higit sa lahat, lubos kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal na nagbigay ng
lakas ng loob, tiyaga at katalinuhan. Pangalawa, sa ang aming mga magulang na sumuporta at
nagbigay tulong pinansyal sa panahon na isinasagawa ang pag-aaral na ito. Kasunod sa aming
mga guro na gumabay at mga kaibigang nagbigay inspirasyon at impormasyon upang matapos
ang pag-aaral na ito.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Paghahandog
Buong puso po naming inihahandog ang pananaliksik na ito sa aming pamilya, guro, mga
kaibigan at kapwa mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na nagbigay tulong sa
paggawa at bilang inspirasyon sa amin. Lalong- lalo na sa Poong Maykapal na nagbigay ng
katalinuhan, tiyaga at lakas ng loob upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito.
Inaalay po naming sa inyo ang pag-aaral na ito.
-

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Talaan ng Nilalaman
Pabalat
Dahon ng Pagpapatibay
Pasasalamat
Paghahandog
Talaan ng Nilalaman

i
ii
iii
iv
v

I.KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito


A. Rasyunal

Mga Mananaliksik

B. Pagpapahay ng Suliranin
C. Batayang Konseptwal
c.1 Layunin ng Pag- aaral
c.2 Kahalagahan ng Pag-aaral
c.3 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
c.4 Katuturan ng mga Katawagan

2
3-4

II. KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


A.
B.
C.
D.

Paggamit ng Teknolohiya sa Panahon ng Modernisasyon


Halimbawa ng Teknolohiya
Epekto ng Teknolohiya
Pamamahala ng Gobyerno

5-6
6-7
7-8
9

III. KABANATA III: Metodolohiya

10

IV. KABANATA IV: Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

11

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

V. KABANATA
A. Paglalagom

12

B. Konklusyon

13

C. Rekomendasyon

14

VI. Sanggunian

15

VII. Apendix
A. Liham Pahintulot
B. Balangkas
C. Pansariling Tala
VIII. Badyet

16
17-18
19-22
23

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

A. Rasyonale o kadahilanan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na pinamagatang Makaagham na


Pamamaraan Susi sa Mabisang Pamamahala sa Panahon ng Modernisasyon ay ipinapabatid sa
madla na ang pag-aaral na ito ay malaki ang tulong na maiaambag sa kanila. Ang pag-aaral na ito
ay kailangang maisagawa upang mabigyang katuparan ang mga pamamaraang hindi pa
naisasagawa. Gayundin ang tungkol sa makaagham na pamamaraan na nagmumungkahi ng tiyak
na huna-huna bilang paliwanag sa isang likas na mga sitwasyon at pangyayari. Maging ang
kaalamang taglay ukol sa modernisasyon na siyang nagpapaunlad at nagpausbong ng ating
pamumuhay gamit ang agham at teknolohiya.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

B. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang mga dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng
makabagong teknolohiya?
2. Ano ang mga halimbawa ng kapakipakinabang na teknolohiya na magagamit sa
mabisang pamamahala?

3. Ano- anong mga bagay ang nagbubunsod sa mga namamahala upang gumamit ng
makabagong teknolohiya?
4. Ano- ano ang mga positibo at negatibong dulot ng paggamit ng teknolohiya sa panahon
ng modernisasyon?
5. Ano ang pinagkaiba ng paraan ng pamamahala noong hindi pa moderno ang panahon?

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Batayang Konseptwal ng Pag-aaral


A. Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na ipabatid sa madla ang mga kabutihang dulot na
hatid ng makaagham na pamamaraan sa pamamahala sa panahon ng modernisasyon. Layunin
din ng pag-aaral na ito na ipakita ang pagkakaangkop nito sa mga umiiral na kalagayan.

B. Kahalagahan ng pag-aaral
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mabubuksan ang isipan ng madla ukol sa
paggamit ng makaagham na pamamaraan na makakatulong sa mabisang pamamahala.

C. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa mabisang pamamahala gamit ang makaagham na
pamamaraan sa panahon ng modernissyon na makatutulong sa mga mamamayan ng isang bansa.
Binibigyang pokus nito ang uri ng pamamahala na mayroon ang gobyerno ng Pilipinas.

Nakatuon din ito sa mga teknolohiyang gamit ng pamahalaan para sa mas mabilis at epektibong
serbisyong pampubliko.
D. Katuturan ng mga Katawagan
Pamahalaan- ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng
batas sa isang nasasakupang teritoryo.
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA
Brgy. Isabang, Lucena City

Teknolohiya- pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso

upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.


Pamamahala- payak na kilos o galaw ng pagtitipon ng mga tao upang maisakatuparan

ang mga layunin at adhikaing ninanais.


Modernisasyon- isang uri ng pagbabagong tradisyunal sa higit na mas maunlad at

makabagong panahon.
Pamamaraang Makaagham- o tinatawag na pamamaraang Siyentipiko. Kalaguman ng
mga tekniks sa pagsusuri ng mga balagha ang paglilikom ng bagong kaalaman, ang
pagtutuwid at pagsasakatuparan ng mga nakalipas ng kaalaman. Batay ito sa mga
ebidensya namamatyagan, emperikal, nasusukat at sumasailalim sa mga matuwdi na

prinsipyo.
Fax machine- tinatawag din itong Telecopying o Telefax isang makinang gumagana
dahil sa teknolohiyang pangtelekomunikasyon na ginagamit upang maglipat o
nagpapadala ng mga kamukhang dokumento.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Kabanata II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT
PAG-AARAL

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

A. Teknolohiya sa Panahon ng Modernisasyon


Ang epekto at kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya sa panahon ng modernisasyon ay
nagdudulot ng mas mabilis, mabisa at epektibong pamamahala ng gobyerno na siyang

inaasahang sa pagbabago ng madla at makapagbibigay ng ibat- ibang ideya at mga kaalaman na


makakatulong upang makalikha ng pagbabago tungo sa pag-unlad ng mabisang pamamahala.
Ayon kay D. Chandler (1996) ang teknolohiya ay may malaking impluwensya sa
sosyalidad dahil sa mga bago at kapakipakinabang na naidudulot nito sa sangkatauhan.
Sinabi naman ni M. Underwood (2009) na ang teknolohiya ay isang kasangkapan sa
pakikipagkomunikasyon. Napapadali at napapabilis nito ang pagsagap ng mga balita. Sa
kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang pag-imbento ng mga makabagong teknolohiya. Halos
sa lahat ng paggalaw ng tao ay may teknolohiyang kasama. Isa na dito ang gadget. Nakapaloob
sa kategorya ng gadyet ang cellphone, laptop, computer at tablet. Ang cellphone ay isang uri ng
gadyet na mainam na gamitin para sa mas madaling paraan ng pakikipagkomunikasyon.
Ayon naman kay Isabalita T. Manayan, sa paglakad ng panahon ay nagkakaroon tayo ng
tinatatawag na globalisasyon at patuloy na umaangat at umuunlad ang bansa. Sa mga pribado
at panggobyernong opisina ay gumagamit na ng mga makabagong teknolohiya para sa kanilang
pakikipagtransaksyon.
Ayon sa Manilla Bulletin, isang bagong pag-aaral ukol sa pangkalahatang
pakikipakompetensya ay ipinaparating na ang Tsina ay malapit ng makakompetensya ang US
bilang pangunahing tagapagpatakbo ng ekonomiya ng mundo- isang posisyong
pinanghahawakan ng US simula pa noong katapusan ng World War II. Kapag itoy nangyari,
mamarka ito sa unang pagkakataon sa loob ng isang daang taon na ang dalawang bansang ito ay
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA
Brgy. Isabang, Lucena City

makikipagkompetensya sa patas na pamumuno.Isang halimbawa ng pag-aaral na ito na ang Tsina


ay malapit ng malagpasan ang US sa kritikal na abilidad sa pagpapaunlad ng agham at
teknolohiya. Magkagayon man, nabansagan na ang Tsina ay High Tech Indicators sa
isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa Georgia Institute of Technology ay malinaw na
ipinapakita na ang makapangyarihang organisasyon ng Asya ay may mas malaking aspirasyon at

ito ang isa sa kadahilanan kung bakit naudyok ang Pilipinas na makipagsabayan sa paggamit ng
mga makabagong teknolohiya para sa mas mabisang pamamahala.
Ayon sa Science and Technology Post, sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng ibatibang imbensyon ang basehan ng kaalaman ng bawat isa.
Ayon kay Alex Vincent Mendoza, sa bilis ng takbo ng ating pamumuhay, ang babagalbagal ay walang patutunguhan. Ito ang bagong prinsipyo sa kasalukuyan. Hindi masama ang
pag-unlad. Itoy nagpapakita na tayoy may kakayahan at talinong umangat sa ating pamumuhay.
Napakalaki na ng pinagbago ng ating pamamaraan sa pamamahala ng gobyerno.Unti-unti ng
nawawala ang makalumang pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon at pagbibigay ng
impormasyon sa mga madla dahil sa pag-usbong ng modernisasyon.
B. Halimbawa ng mga Teknolohiya
Ayon kay Norman Bordadora na siyang naglathala ng balitang Government using fax
machines to send weather alerts, sa panahon ngayon kung saan ang mga impormasyon ay
maipapadala sa pamamagitan ng internet, ang ibat- ibang ahensya ng Pilipinas ay patuloy pa rin
nagpapadala at tumatanggap ng agarang impormasyon tungkol sa mga maaring sakuna na
mangyayari sa ating bansa. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) gumagamit ng mga fax
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA
Brgy. Isabang, Lucena City

transmission upang ma-alerto ang mga local na yunit ng gobyerno sa maaring mangyari sa ating
bansa.
Ayon sa Manila Bulletin na inilathala ni Melvin G. Calimag, isang halimbawa sa mabisang
pamamahala ay ang pagkakaroon ng mga proyektong pang- E-Government na tumutukoy sa
pagkakaroon ng inobasyon sa mga teknolohiya na magagamit ng mga local na yunit ng gobyerno
para mapaunlad ang pamamahala sa kanilang nasasakupan. Nakapaloob din sa artikulong ito na

sa pamamagitan ng ICT, ang kanilang mga proyektong ipinanukala ay magreresulta sa


pagkakaroon ng pagbabago sa pamamahala at pagpapadala ng pampublikong serbisyo.
Batay sa internet, ang SIPAG (Sustaining Intervention for Poverty Alleviation and
Governance) ay nagkaloob ng IT Package para sa siyam na munisipalidad ng Region IV-B.
nakapaloob sa IT Package naito ang mga computer sets, hardware, software at internet
connections. Ito ay naglalayon na magpatupad ng mga programang aalalay sa mga local na
pamahalaan upang mas mapabilis pa ang pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan, sa
pamamagitan ng modernong teknolohiya. Sa pamamagitan din ng IT Package, mas magiging
mabilis at episyente para sa social workers ang pagsasagawa ng case management.

C. Mabuting Epekto ng Teknolohiya


Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan na nangyayare o ang

pagpapadala ng impormasyon
Mas mapapabilis at mapapadali ang mga Gawain
Global Networking
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA
Brgy. Isabang, Lucena City

D. Masamang Epekto ng Teknolohiya


Technicism o ang pagigigng kampante sa paggamit ng teknolohiya
Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman na maaaring humantong sa mali-maling
sitwasyon.
E. Pamamahala ng Gobyerno
Dito sa Pilipinas, ang pamahalaan ay isang demokrasya dahil ang kapangyarihan ng
namamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ito ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang
namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan.

Batay sa Wikipedia, ang pampublikong pangangasiwa (o pampublikong administrasyon) ay


isang disiplina sa ilalim ng mga agham panlipunan kung saan umiinog ito sa mga pampublikong
aspekto ng pamamahala. Kasama rito ang mga patakaran at programa ng pamahalaan kung saan
sinasama ang pagpapatupad, pagbubuo at pagsasaayos sa mga ito. Ito ay naglalayon upang
makaiwas at mabago ang pagkakaroon ng isang bulok at kurakot na pamahalaan. Ito rin ay
naglalayon upang magkaron ng mas mabisa at maaasahang pamahalaan para maihatid ang
pinakamaayos na serbisyo sa taumbayan. Sakop din ng pampublikong pangangasiwa ang mga
pag-aaral tungkol sa pampamahalaang pananalapi, patakaran, organisasyon, kayamanang tao at
pagbubuo ng mga proyekto sa pamahalaan. Sinasabing nagmula sa agham pampolitika ang
pampublikong pangangasiwa, ngunit ipinagtatalo ito.
F. Kahalagahan ng Teknolohiya sa Pamahalaan
Sa kasalukuyang panahon na kung saan ang kaalaman ay laganap dahil sa natatanging
kakayahan ng internet, naglitawan ang mga website na nagging mabisang instrumento ng
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA
Brgy. Isabang, Lucena City

maraming institusyon upang maghatid ng mahhalagang impormasyon at pribadong sector at


maging ang pamahalaan. Sinasagisag ng mga detalyeng isinapubliko sa pamamagitan ng mga
website ng isang ahensya ng gobyerno ang pagiging matapat nito sa paglilingkod sa bayan.
Malalaman dito ng mga tao kung ano na nga ba ang pinagkakaabalahan ng pamahalaan at kung
anon a ang narrating nito. Kung nais naming makipag-ugnayan ng tao sa isang ahensya, mabisa
rin ang websites na kung saan matatagpuan ang mga numero na maaari mong tawagan at
padalhan ng mga hinaing.
Marapat lamang na paglaanan ng karagdagang pondo ang pagsasamoderno dahil di lamang
nito pinapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo sa taumbayan kundi iniaangat din nito ang antas

ng demokrasya ng bansa. Sa pamamagitan nito maaaring mabawasas ang korupsyon na


nangyayare sa bansa.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA III

METODOLOHIYA

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Metodo
Ang kabanatang ito ay kinakapalooban ng mga pamamarang ginamit ng mga
mananaliksik para sa pagkalap ng mga impormasyon na may kaugnay sa nasabing pag-aaral.

A. Internet
Gumamit ang mga mananaliksik ng ibat- ibang websayt katulad ng google.com at
ask.com na nagbigay ng agarang imporamsyon sa aming mga sinaliksik. Isa na rito ang
tl.m.wikipedia.org/ wiki/ pamamaraang-makaagham.

B. Dyornal/ News Clippings


Tumungo rin ang mga mananaliksik sa pampublikong silid aklatan katulad sa City
Library upang mangalap ng impormasyon. Bagamat wala kaming nakuhang mga datos sa
libro, mayroon naman kaming mga dyornal at news clippings na nakalap upang
masuportahan ang aming pag-aaral. Kumuha kami ng mga datos sa Science and Technology
Post Vol. XXIII First Quarter 2005 kung saan kami ay nakakuha ng halimbawa ng
teknolohiya na maaaring gamitin ng pamahalaan para sa mas mabisang pamamahala.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA IV

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Ipinapakita ng
grap sa

itaas na sa
paggamit ng

manual

na proseso sa

pamamahala ay malaki ang nakokonsumong oras kumpara sa naibibigay na serbisyo. Alam


naman naten na sa manual na proseso ay nangangailangan ng bilis at liksi upang maisagawa ng

maayos ang mga dapat gawin ngunit kung minsan ay hindi naman ito nabibigyang pansin ng
gobyerno.
Samantalang sa paggamit ng teknolohiya ay kokonting oras ang nakokonsumo at mas
napapabilis at madami ang nabibigyang serbisyo. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga
makaagham na pamamaraan sa pamamahala ay mas nagiging epektibo at episyente ang
pagbibigay serbisyo ng gobyerno. Mas nagkakaroon ng karapatang malaman ng madla ang mga
impormasyong nanggagaling sa pamahalaan.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Paglalagom
Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay napatunayan na malaki ang kakayanan
ng mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya, patunay rito ang mga pagkilala at paghikayat ng
pamahalaan na malinang pa ang mga kakayanang ito. Tunay nga na ang teknolohiyang ito ay
nakakatulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Napabatid nito ang malaking epekto ng paggamit ng teknolohiya sa panahon ng
modernisasyon, maging mabuti man o masama ito. Ang pakikipagsabayan ng Pilipinas sa
ibat-ibang bansa ay nagpapatunay na may kakayahan tayong gumamit ng mga makabagong
teknolohiya subalit sa kabila nito ay hindi sapat ang ibinibigay na atensyon ditto katulad na
lamang ang kakulangan sa mag kagamitang teknolohiya at kakulangan ng kaalaman ng mga
tao sa paggamit nito.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Konklusyon
Sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik ay nabatid ang ibat- ibang epekto, kahalagahan
at mga suliraning kaakibat ng paggamit ng teknolohiya para sa mas mabisang pamamahala.

1. Isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng


makabagong teknolohiya, ay ang hindisapat na pagbibigay ng atensyon ng ibat ibang
ahensya ng gobyerno upang matulungan sila na malinang ang kanilang mga kakayahan at
hindi rin sapat ang mga teknolohiyang maaaring magamit at mapagaralan.
2. Sa aming ginagawang pananaliksik, ay nagkaroon ng mga kaalaman sa mga
teknolohiyang ginagamit sa kasalukuyang panahon sa mas mabisa at epektibong
pamamahala ng gobyerno. Isa na rito ang pagkakaroon ng weather fax machine na kung
saan ay magagamit ito ng ahensya ng PAGASA para mas mapadali ang paghahatid nila
ng impormasyon na nais iparating sa mamamayan.
3. Isa sa mga bagay na nagbunsod sa pamahalaan na gumamit ng mga teknolohiya ay upang
makipagsabayan sa mga namamahala sa loob man o labas ng bansa. Mapadali ang
proseso ng mga gawainat gayundin ang paghahatid ng agarang serbisyo at
pakikipagtransaksyon.

4. Sa aming ginawang pag-aaral ay napag-alaman namin na mayroong mabuti at masamang


epekto ang nadudulot ng paggamit ng teknolohiya. Ang mabuting dulot ay ang
pagkakaroon ng Global Networking o pagpapalitan ng impormasyon sa buong mundo at
para naman sa masamang epekto ay ang technicism o ang pagiging komportable ng mga
tao sa paggamit ng teknolohiya.
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA
Brgy. Isabang, Lucena City

5.

Noong unang panahon, lahat ng uri ng pamamahala ay ginagamitan ng manwal na


paraan. Lahat ya kumikilos gamit lamang ang lakas ng katawan at talino. Samantalang
ngayon, kaunting pagod na lamang ang gagamitin at kaunting oras ang gugugulin sa
pagpapalitan at pagbibigay ng impormasyon.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Rekomendasyon
Ang mga Pilipino ay natural na mahilig sa makabagong teknolohiya. Ngunit ano nga ba
ang naging malaking papel ng mga Pilipino rito at ano- ano ang mga epekto ng mga nagawang
teknolohiya. Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng mga
mananaliksik ang rekomendasyong ito.

Nararapat lamang na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa pagpapalaganap ng mga

nasabing teknolohiya para sa ikakaunlad ng bansa.


Para sa pamahalaan, nararapat lamang na mag-organisa ng mga seminar na magtuturo sa

tao ng tamang pag gamit ng teknolohiya.


Para sa madla, kinakailangan nilang magkaroon ng tamang disiplina sa paggamit ng
makabagong teknolohiya ng sa gayon ay maiwasan ang mga suliraning maaaring
kaharapin nito.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

VI. Sanggunian
Artikulo sa Dyaryo at Magasin

Calimag, Melvin G.2007,Hunyo 8.Municipalities Stand on Technology with new Egovernment. Manila Bulletin. Pg.8
Bardadora, Norman. 2011,Disyebre 30.Govt. using fax machine to send weather alerts.
no.22. Phil. Daily Inquirer
Calica, Aurea.2009,Abril 1. Public Accountability. Manila Bulletin. Pg. 10

Internet Sources at mga Websayt


www.academia.educ/7897657/Arkitektura_at_Globalisasyon_sa_Pilipinas.com
www.slideshare.net/mobile/lanceabalos/aralingpanlipunan
http://www.slideshare.net.mobile/marcomed/grade-8-aralingpanlipunan-quarter4
http://tinagalogko.blogspot.com
http://www.egov-conference.org/glosary/electronicgovernment
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/PAGASA

Vol. 27

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Apendiks

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Marso 21, 2015


Gng. Ivy Rose A. DeClaro, RL
OIC Librarian
M.L.Tagarao, Lucena City

Dear Maam
Maligayang Pagbati po sa inyo. Kami pong mga mananaliksik ay malugod na humihingi ng
pahintulot sa inyo na makapagsagawa ng pananaliksik at pangangalap ng mga datos kaugnay sa
isinasagawang konseptong papel na may pamagat na Makaagham na Pamamaraan Susi sa
Mabisang Pamamahala sa Panahon ng Modernisasyon. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng
ibat-ibang impormasyon at datos na aming nakita sa loob ng City Library. Kabilang na rito ang
mga dyornal at newsclippings na aming nagamit. Kasabay nito ang pag-okupa ng kompyuter
upang makapanaliksik sa ibat-ibang websayt ng sa gayon ay magkaroon at madagdagan pa ang
aming mga nalikom na datos. Maraming salamat po sa inyong lubos na pang-unawa at
pagbibigay ng pahintulot sa paggamit ng silid-aklatan.

Mga Mananaliksik
Cao, Karina C.
Capisonda Krisnell Mae R.
Mendoza, Ma. Charisse J.
Tolentino, Donna R.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Balangkas ng Pag-aaral
I. KABANATA I: Ang Suliranin At Kaligiran
A. Rasyunal
B. Pagpapahayag ng Suliranin
C. Batayang Konseptwal
1. Layunin ng Pag-aaral
2. Kahalagahan ng Pag-aaral
3. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
4. Katuturan ng mga Katawagan
II. KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Pag-aaral
III. KABANATA III: Metodolohiya
Pamamaraang Pananaliksik
A. Dyornal
B. News Clippings
C. Internet/ Websayt
IV. KABANATA IV: PAgsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
V: KABANATA V:
A. Paglalagom
B. Konklusyon
C. Rekomendasyon

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Badyet
A. Benepisyong Salapi

Kagastusan
1. Kompyuter

50

Halaga

2. Print

150

3. Folder

20

220

Kabuuang Halaga
B. Benipisyong Di- Salapi

Iskedyul
Araw at Oras
Lunes at Miyerkules

Gawain
Pananaliksik

1:00 pm- 4:00 pm


Martes
Pananaliksik at Pagtatayp
2:00 pm- 5:00 pm
Biyernes

Pagbabalangkas

12:00 pm- 4:00 pm


Sabado
1:00 pm- 5:00 pm

Pagrerebisa

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si Krisnell Mae R. Capisonda, 16 na taong gulang at pangatlo sa apat na


magkakapatid. Inalagaan at buong pusong minahal nina Natalio P. Capisonda at Lucila R.
Capisonda. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa gobyerno at aking ina ay isang may bahay. Sa
kasalukuyang taon, ako ay nag-aaral ng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena at
kumukuha ng kursong Pampublikong Administrasyon.
Sa aking paglaki, ako ay may kaakibat na mga pangarap na nais matupad. Kaya
pinagsisikapan ko ang aking pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ako ng magandang trabaho
at buhay para sa hinaharap.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si

Karina C. Cao,

17 na taong gulang at pang-apat sa limang magkakapatid. Ang aking mga magulang ay sina
Benjamin Cao at Cecilia Cao. Ang aking ama ay laborer at ang aking ina ay isang may bahay. Sa
kasalukuyang taon, ako ay nag-aaral ng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena at
kumukuha ng kursong Pampublikong Administrasyon.
Sa kasalukuyan ay may mga pangarap akong nais maabot sa aking paglaki.Kaya lubos
akong nagsisikap sa aking pagaaral upang maabot ang mga ito at magkaroon ng magandang
buhay at bilang ganti na din sa paghihirap ng aking mga magulang para akoy makapagaral.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA


Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si
gulang at

Ma. Charisse J. Mendoza, 17 na taong


panganay sa tatlong
magkakapatid. Ang aking

mga

magulang ay sina Carlos

Mendoza at Ma. Lourdes Mendoza. Ang aking ama ay tricycle driver at ang aking ina ay isang
may bahay. Sa kasalukuyang taon, ako ay nag-aaral ng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng
Lucena at kumukuha ng kursong Pampublikong Administrasyon.
Mahirap man ang aming katayuan sa buhay ay sisikapin kong makatapos sa aking pagaaral nang sa gayon ay makatulong ako sa aking mga magulang bilang ganti sa kanilang
paghihirap at pagsasakripisyo upang ako ay mapag-aral.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si Donna R. Tolentino, 21 taong gulang. Ako ay nakatira sa 56 Bonifacio St. Brgy. 8
Lungsod ng Lucena. Pangatlo sa pitong magkakapatid, apat na lalaki at tatlong babae. Ang aking
ina ay si Veneracion tolentino at ang aking ama naman ay si Danilo Tolentino. Ang aking ina ay
mayroong maliit na tindahan samantalang ang aking ama naman ay isang empleyado ng
gobyerno. Sa kasalukuyan, ako ay nag-aaral sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na
kumukuha ng Pampublikong Administrasyon.

You might also like