You are on page 1of 2

Kabanata I

Panimula

Sa mabilis na pag-usbong ng makabagong teknolohiya, naging parte na ito ng ating


pang-araw-araw na buhay na syang tumutulong sa atin upang mapabilis at mapadali ang mga
gawain. Nabuo ang ang mga bagong teknolohiya na ito dahil sa pag-unlad at pagpapalawak ng
mga kaalaman ng tao bilang pagbabahagi para sa ating kinabukasan.

Ngayong kasalukuyan, mga makabagong teknolohiya na ang ang hanap at solusyon sa


mga problema na kinakaharap tulad na lamang ng mga mag-aaral ngayon na gumagamit ng
ICT bilang isang epektibong solusyon para sa kanilang mga akademikong gawain, ngunit di nila
alintana ang mga nagiging epekto nito sa kanila. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay
hindi masama ngunit ang tuluyang paglimot sa mga bagay na ating kinagisnan ay hindi
nararapat. Ang mga bagong teknolohiya ay nagpapakita ng pagbago ng sistema at daloy ng
pamumuhay ng tao ngunit sa paggamit nito dapat alam natin ang maaaring maging bunga nito
lalo pa't hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo ay gumagamit nito.

Ang paggamit ng ICT ang nakikitang mabisang lunas ng mga estudyante sa kanilang
gawain ngunit ang paggamit nito ay dapat wasto, dahil napakalawak nito at maaaring magdulot
ng di kanais-nais sa gumagamit nito. Ang mga bagong teknolohiya ang siya ngayong
pinagkukuhanan at ginagamit bilang paglinang sa kaalaman ng mga mag-aaral.

Layunin ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng ICT o ng mga


bagong teknolohiya sa mga mag-aaral na nasa ika-labing isang baitang ng BBNHS, ng sagayon
ay mas mapadali at mapalawak nila ang kanilang kaalaman na siyang makatutulong para
matapos ang mga akademikong gawain. Layunin din nito na masuri ang mga nagiging epekto
ng ICT sa mga gumagamit nito.

Mga tiyak na layunin:

a. Mailahad ang epekto ng ICT sa isang indibidwal na gumagamit nito.


b. Lubos na maunawaan at mapalawak ang kaalaman sa paggamit ng ICT.
c. Maipakita ang kahalagahan ng ICT sa mga mag-aaral na gumagamit para sa kanilang
akademikong gawain.
d. Makapagbigay opurtunidad para sa mga susunod na mananaliksik na may nais, na tulad
sa paksang ito.

You might also like