You are on page 1of 10

PRE-POST TEST FOR Gr.

8 (MGA ARALING ASYANO)


Inihanda ni: Dr. Reynaldo B. Inocian Gr. 8 AP Regional Trainer
Pangalan: _________________________________________________ Distrito ____________ Iskor: _______
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang espasyo sa tapat ng bilang nito.
Level 1 (Knowledge/Kaalaman) 15%, which includes the substantive content of the curriculum, the facts and
information that the students acquire in different types like: descriptive, procedural, episodic, and strategic. (The
Learning to Know Pillar)
(Strategic Knowledge refers to conditional/restrictive knowledge on objects, places, people, and events.)
____ 1. Saang direksyon matatagpuan ang Asya bilang isang kontinente batay sa pandaigdigang mapa?
A. hilaga
B. kanluran
C. silangan
D. timog
____ 2. Alin sa mga anyong lupa sa Asya ang di kabilang sa mga tinatawag na tangway?
A. Arabia
B. Indonesia
C. India
D. Korea
(Procedural Knowledge describes the steps involved in carrying out or performing of tasks.)
____ 3. Paano matutukoy ang pagkuha sa tiyak na lokasyon ng Asya? Ito ay makukuha sa pamamagitan ng
paggamit sa mga sumusunod MALIBAN sa:
A. latitude
B. longitude
C. equator
D. Tropic of Cancer
____ 4. Paano kinontrol ng mga kanluraning imperyalista ang Timog-Silangang Asya bilang kolonya?
A. Sinalakay agad nila ang mga bansa at pinatay ang mga mamamayan.
B. Sinakop nila ang mga pangunahing daungan at labasan ng kalakalan.
C. Gumawa sila ng mga kasunduan upang mapatibay ang kanilang mga ninais.
D. Pinadala nila ang mga misyonerong Kristiyano upang mapaamo ang mga mamamayan.
(Descriptive knowledge refers to semantic knowledge, which describes the information commonly thought as concepts
and facts.)
_____5. Tinuturing ito na pinakamahabang libingan na makikita ng isang tao mula sa buwan.
A. Angkor Wat
B. Great Wall
C. Swe Dagon
D. Taj Mahal
_____6. Ang Harappa at Mohenjo Daro ay ang dalawang kaharian na natagpuan sa lambak-ilog ng Indus na
naging sentro ng unang kabihasnan sa __________ Asya.
A. silangang
B. kanlurang
C. timog
D. timog-silangang
(Episodic Knowledge refers to the anecdotal knowledge, which pertains to information with relevant events)
_____7. Ilang karagatan ang pumapaligid bilang pangunahing hangganan ng kontinenteng Asya?
A. isa
B. dalawa
C. tatlo
D. apat
_____8. Anong pangyayari ang maaalala natin sa Tiananmen Square Massacre sa Tsina noong 1989?
A. Nagpakita na ang pamahalaang Tsino ay komunista.
B. Ito ay isang demonstrayong panawagan sa pamahalaan.
C. Ito ay hango sa People Power sa EDSA dito sa Pilipinas.
D. Pagdakip sa mga nagprotesta at pagkamatay ng 200 sa kanila.

1 | Page

Level 2 (Process or Skills/Kakayahan) 25%, which includes the cognitive operations that the student performs on
facts and information for the purpose of constructing meaning or understanding. (The Learning to Do Pillar)
_____9. Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Bangladesh na galing sa Bundok Himalayas at naging
dahilan ng pagkaroon ng baha, pagkapinsala ng mga pananim at pagkamatay ng mga tao tuwing
tag-ulan. Ano kaya ang pinakamabisang solusyon upang maiwasan ang mga sakunang ito?
A. Tiisin ang mga sakuna
B. Magdasal sa Panginoong Diyos
C. Magtanim ng mga puno sa gilid ng mga ilog
D. Magsilikas sa ibang bansa at doon na mamumuhay
____10. Sagana sa bulak, ginto, at ibang mineral ang Hilagang Asya. Ngunit, di sapat ang suplay ng kanilang
tubig dahil sa dahan-dahang pagbaba ng tubig sa Aral Sea at kontaminasyon ng Ilog Amu Darya at
Syr Darya dulot ng urbanisasyon. Ano kaya ang nararapat gawin ng mga naninirahan doon?
A. imungkahi sa kinaukulan ang pagpababa ng populasyon
B. ipagpatuloy ang mga nakaugalian sa paggamit ng tubig
C. burahin na ang mga pangkalakalang ruta sa Aral Sea
D. maghanap ng bagong pagkukunan ng tubig
____11. Dahil sa pagkasira ng mga kagubatan sa Timog Silangang Asya, lalong tumindi ang init ng
panahon tuwing tag-init at bagyot baha naman tuwing tag-ulan. Bilang isang Asyano, ano ang
pinakamahalagang dapat gawin upang maagapan ang ganitong problemang pangkapaligiran?
A. pangalagaan ang mga kagubatan
C. itigil ang pagputol ng mga puno
B. magtanim ng mga puno
D. parusahan ang may sala
_____12. Kung hahanapin natin ang tiyak na lokasyon ng bansang Indonesia, paano natin masasabi na ang
bansang ito ay di-kabilang sa mga bansang Asyano na matatagpuan sa hilaga ng ekwador? Ang
Indonesia ay di-kabilang kapag ang ginagamit na batayan ay ang pagbasa ng mapa mula sa______.
A. prime meridian hanggang silangan
C. ekwador hanggang hilaga
B. prime meridian hanggang kanluran
D. ekwador hanggang timog
_____13. Si Aung San Suu Kyi ay isinailalim sa house arrest sa idineklarang State Law and Order
Restoration Council (SLORC) sa Myanmar sa panunungkulan ni San Yu noong 1989. Si Suu Kyi ay
isang lider ng National League for Democracy (NLD) na kumukontra sa batas militar sa bansa.
Kung tayo ay kakampi sa kanya, anong pinakapayak na tulong ang nararapat nating gawin?
A. Pumunta sa Myanmar at pakiusapan ang mga kinauukulang opisyal.
B. Lusubin ang kulungan ni Suu Kyi at palabasin siya nang dahan-dahan.
C. Magbukas ng blogs sa mga sosyal medya para mapaabot ang ating mga pananaw.
D. Humingi ng tulong sa United Nations Organization upang mapabilis ang kanyang paglabas.
_____14. Alam natin na karamihan sa mga nanirahan sa mga bansa sa Kanlurang Asya ay mga Muslim.
Magkaiba ang kanilang kultura sa atin. Mahigpit ang kanilang batas. Kapag pagbibigyan tayong
pagkakataong magtrabaho sa isa sa mga bansa doon, ano ang nararapat nating gawin nang hindi
tayo mapahamak at walang masasakripisyo?
A. Susundin ang kanilang batas at maging marunong makisama.
B. Ipakita ang pagiging totoong Kristiyano sa loob at labas.
C. Iwanan ang Kristyanismo at maging ganap na Muslim.
D. Magdasal ng rosaryo sa mga sasakyang pampubliko.

2 | Page

_____15. Isa sa mga batayan sa paghati ng mga bansa sa ibat-ibang rehiyon sa Asya ay ang tanyag na likas na yaman ng
mga bansang kasakop. Sa halip na magkaiba ang kultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya, binigkis ng
palay ang mga bansang ito bilang isang agrikultual na produkto. Sa pag-usbong ng industriyalisasyon at
modernisasyon sa rehiyon, napag-iwanan ng pansin ang sistemang agrikultural. Ano ang nararapat gawin para
maagapan at matustusan ang kakulangan sa pagkain?
A. walang humpay na pag-aangkat ng bigas sa rehiyon
B. pagtugon sa mga hamon ng globalisasyon sa rehiyon
C. pagkaroon ng sapat na pundo at prioridad sa pananim
D. patuloy na pagkaroon ng interes sa paglago ng idustriya
_____16. Napupusu-an ni Ruben, anak ng Brahmin (pinakamataas na pangkat sa India) si Rita na galing sa Sudras (isang
alipin sa lipunan). Sa batas at paniniwala ng mga Hindu, ang ganitong sitwasyon ay higpit na ipinagbabawal.
Ano ang karapat-dapat nilang gawin upang sila ay maging malaya sa kanilang pag-iibigan?
A. Sundin ng tama ang batas
C. Tanggapin ang kaparusahan ng batas
B. Baguhin ang batas
D. Maghiwalay nang aayon sa kanilang desisyon
_____17. Nang sumiklab ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig, halos lahat ng mga bansa sa Asya ay napinsala.
Maraming mga Asyano ang nagsilikas at nagtago habang ang iba ay nagdusa at pinarusahan ng kamatayan.
Paano sana maiwasan ang pinsalang ito sa gitna ng kaguluhan?
A. magmakaawa sa mga sundalong Hapones C. lumaban ng patago at palihim
B. magpatiwakal sa sarili
D. sundin ang batas ng pamahalaang Hapon
_____18. Walang sapat na suplay ng tubig ang bansang Saudi Arabia maliban sa kaunting oases o mga balon ng
preskong tubig na matatagpuan sa mga salat na bahagi ng malawakang disyerto sa buong bansa. Paano nila
praktikal na matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa tubig?
A. mag-angkat ng tubig sa mga karatig rehiyon ng bansa
B. umiwas sa mga gawaing may gamit ang tubig tulad ng paglalaba
C. lumikas at pumunta sa ibang bansa na may sapat na suplay ng tubig
D. gumamit ng mga kasangkapang industriyal pang-alis ng tubig-alat sa dagat
_____19. Ang suttee o sati ay isang boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng
asawa. Ang tradisyong ito ay bahagi na ng kulturang Hindu. Paano ito gagawin ng isang babaeng balo?
A. Manood at maghintay sa apoy para siya ay masunog.
B. Sunugin muna siya nang buhay bago ang bangkay ng kanyang asawa.
C. Manood at tumalon sa apoy kasabay ang pagsunog sa bangkay ng asawa.
D. Manood muna sa pagsunog ng bangkay ng kanyang asawa bago siya tumalon.

3 | Page

Hanapin ang bansang Pilipinas na gamit ang Mapang Pandaigdig na ipinakita batay sa kahilingan sa ibaba.

_____20. Saan makikita ang tiyak na lokasyon ng bansang Pilipinas sa Timog Silangang Asya?
A. 16 degrees North latitude; 106 degrees East longitude
B. 15 degrees North latitude; 100 degrees East longitude
C. 19 degrees North latitude, 96 degrees East longitude
D. 14 degrees North latitude; 121 degrees East longitude
Level 3 (Understanding/Pag-uunawa) 30%, the enduring big ideas, principles, and generalizations inherent to the
discipline, which may be assessed using the 6 facets of understanding: explain, interpret, apply, perceive,
empathize, and intuit. (The Learning to Be Pillar)
(1. Can Explain means to provide thorough, supported, and justifiable accounts of phenomena, facts, and data)
_____21. Ang mga ibat-ibang uri ng orkidyas ay matatagpuan sa mga tropikong bansa tulad ng Pilipinas,
Singapore, at Thailand. Ang pagtatanim at pangangalaga nito ay nagdudulot ng kabutihan sa
larangan ng _______________ na pamumuhay ng mga Asyano.
A. agrikultural
B. industriyal
C. komersiyal
D. sosyal
_____22. Nilusob ng mga Mongol sa pamumuno ni Kublai Khan ang kahariang Tsino at itinayo ang
dinastiyang Yuan noong 1278-1368 B.C. Ano ang naging bunga ng pananalakay na ito sa mga
Tsino?
A. Pinairal ang pilosopiyang Confucianismo sa bansa.
B. Natututo ang mga Mongol sa kultura ng mga Tsino.
C. Nagtagumpay ang mga Mongol sa kanilang hangarin.
D. Nabuksan ang Tsina sa mga kanluraning manlalakbay.
4 | Page

(2. Can Interpret means to tell meaningful stories; offer apt translations; provide revealing historical or personal
dimensions to ideas and events; make it personal or accessible through images, anecdotes, analogies, and model)
_____23. Ang kaharian ng Sumer ay nakaambag ng pagsusulat ng cuneiform (wedge-shaped writing) at sa
pagpapatayo ng ziggurat bilang pangunahing istruktura. Ang mga ito ay nagpapatunay na
pinahalagahan at pinagyaman na ng mga Sumerian ang __________________.
A. edukasyon, sining, kultura, relihiyon at pulitika
C. edukasyon, sining, at kultura
B. edukasyon, sining, kultura, at relihiyon
D. edukasyon at kultura
Basahing maigi ang mga impormasyong nasa ibaba at sagutin ang mga katanungan sa aytem bilang 24 at 25.
Bansa

Populasyon

Gulang
Life
0-14
15-65
65+
Expectancy
Brunei
399,687
25
71.3
3.7
75.96
Cambodia
14,805,358
31.9
64.3
3.8
65.52
Indonesia
229,964,723
27
66.6
6.4
71.05
Laos
6,320,429
36.1
60.1
3.7
56.96
Malaysia
27,467,837
29.4
65.5
5.1
73.55
Myanmar
50,019,775
27.1
67.8
5.1
64.9
Philippines
91,983,102
34.3
61.3
4.3
71.38
Singapore
4,736,878
14
78.3
7.8
82.06
Thailand
67,764,033
19.5
71
9.5
73.36
Timor
1,133,594
43
53.5
3.5
67.61
Vietnam
88,068,900
24.9
69.6
5.5
71.94
Source: (en.worldstat.info/Asia/List_of_countries_by_net_migration_rate)

Growth
Rate
1.73
1.78
1.10
2.29
1.70
1.75
1.93
0.86
0.60
2.0
1.10

Kasarian
Babae
206,305
7,244,747
114,807,198
3,153,478
13,946,639
24,433,683
46,327,763
2,380,071
33,327,947
577,044
11,922,786

Lalaki
193,382
7,560,611
115,157,525
3,166,951
13,521,198
25,586,092
45,655,339
2,356,807
34,436,086
556,550
11,657,434

_____24. Anong implikasyon ang nararapat maiugnay natin sa paglobo ng populasyon ng mga bansang
Indonesia at Pilipinas?
A. Dulot ng kahirapan, di alam ng mga mamamayan sa dalawang bansang ito ang pagpaplano ng
pamilya.
B. May kinalaman ang lokasyon at hugis ng dalawang bansa sa paglaki ng kanilang populasyon.
C. Dahil sa relihiyong Kristyanismo at Islam umusbong ang populasyon sa dalawang bansa.
D. Nagkasundo ang mga lider ng dalawang bansa na palakihin ang kanilang populasyon.
_____25. Pinakamataas ang life expectancy (kahabaan ng buhay ng tao bago mamamatay) sa Brunei at Singapore kung
ihahambing sa mga karatig-bansa sa Timog-silangang Asya. Ano kaya ang mahihinuha natin ukol dito? Ang
dalawang bansang ito ay __________________ sa buong rehiyon.
A. pinakamayaman at pinakaprogresibo
C. pinakamatatag ang pulitikal na aspeto
B. pinakatanyag o pinakasikat
D. pinakama-igting ang relihiyon ng tao
(3. Can Apply means to provide for an effective use and adapt what we know in diverse contexts.)
_____26. Isa sa walong landas ng paniniwalang Budismo ay ang tamang pananalita. Sa anong larangang pang-akademiko
ito nararapat malinang?
A. Araling Panlipunan
C. Edukasyon sa Pagpapakatao
B. Panitikang Pilipino
D. sa lahat ng asignaturang ito
_____27. Nasabi sa doktrina ng Jainismo na bawal pumatay ng insekto. Ito ay tinatawag na ahimsa isang
pagrespeto sa mga bagay na may buhay. Sa kabuuan, ang paniniwalang ito ay nakatutulong bilang supporta sa
__________.
A. pagpreserba ng kalikasan
C. paniniwalang pang-asetiko
B. pansariling interes
D. punto de bista ng lipunan
5 | Page

_____28. Ang pagsusuot ng belo ng mga kababaihang Muslim noon ay isang bahagi ng kulturang Islamiko na
nagpapatuloy hanggang ngayon. Ito ay tanda ng pagrerespeto nila sa mga kaugaliang _______________ ng mga
Asyano.
A. ispirituwal
B. taglay
C. pangkasarian
D. urbanisado
(4. Can Perceive means to offer to see and hear points of view through critical eyes and ears; to see the big picture.)
_____29. Ayon kay Lao Tzu kapag ikaw ay nalulumbay, nabubuhay ka sa nakaraan; kapag ikaw ay abalang-abala,
nabubuhay ka sa sa hinaharap; kapag ikaw ay mapayapa, nabubuhay ka sa kasalukuyan. Anong mensahe ang
nais niyang iparating sa ating lahat bilang Asyano?
A. Ang pagiging kontento kung ano man ang meron sa atin
B. Ang pagkakaiba ng ating pananaw sa bawat panahon
C. Ang pagiging matapat palagi sa ating mga paniniwala
D. Ang pagka-maalalahanin ng tao sa kanyang kapwa
_____30. Ang reinkarnasyon ay isang doktrinang Hindu kung saan ang namatay na katawan ng tao ay pinaniniwalaang
isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang. Anong kahalagahan ang mapupulot natin dito bilang isang
Kristiyano?
A. Ang tao ay binuo ng katawan at kaluluwa bilang dalawang elemento.
B. Kailangang paghandaan ng tao ang kanyang sarili bago siya mamatay.
C. Papanig ang tao sa kabutihan at iwasan niya ang mga masamang gawain.
D. Hindi ito dapat paniwalaan kasi ito ay labag sa mga itinuturo ng Kristiyanismo.
_____31. Likas sa mga Muslim ang pag-aayuno bilang isa sa Limang mga Haligi ng Islam. Ang mga mananampalataya
ay umiiwas sa pagkain at pag-inom. Higit sa lahat, iniiwasan din nila ang sekswal na relasyon sa asawa. Anong
kabuuang pananaw, ang pinahahalagahan nito?
A. ang pagnilay-nilay sa buhay na may ugnayan kay Allah
B. ang pagiging masunurin ng tao sa kanyang kapwa-tao
C. ang ispiritwal na bagay na sumasaklaw sa bawat nilalang
D. ang pag-aalinlangan ng tao sa kanyang Dakilang Lumikha
(5. Can Empathize means to provide to find value in what others might find odd/alien; perceive sensitively on the basis of
prior direct experience.)
_____ 32. Tanyag ang mga Hapones sa hara-kiri o seppuku (ang pagpapakamatay kapag nabigo sa
mga hangarin tulad ng pagkatalo sa dwelo o sa digmaan). Pinagmamalaki at sumisimbolo ito ng
kanilang katapangan at katapatan sa tungkulin sa kanilang lider at sa bayan. Kapag may
dumating na kabiguan sa ating buhay, anong uring hara-kiri ang dapat nating pairalin?
A. magpatiwakal gamit ang lubid
C. manatiling tapat sa mga panata at dasal
B. uminom ng lason
D. gumamit ng baril at iputok sa ulo
_____33. Palaging wagi ang mga taga-Britanya sa lahat ng Digmaang Opium noon sa Tsina. Kung sakaling
nangailangan noon ang Tsina ng kakampi, anong uring tulong ang naibigay sana natin sa kanila?
A. Magpadala ng pwersa militar at makilahok sa digmaan.
B. Harangin ang mga barkong sinakyan ng mga sundalong Ingles.
C. Pabayaan ang mga Tsino sa kanilang laban sa mga kanluranin.
D. Bigyan sila ng babala na ang opium ay nakakasama sa katawan.
(6. Can Intuit means to recognize the personal style, prejudices, projections, and habits of mind that both shape and
impede our understanding like we are aware of what we do not understand and why understanding is so hard.)
6 | Page

____34. Anong suhestiyon ang maiparating mo sa lipunan noon pagkatapos mong suriin ang mga impormasyong nailatag
sa tsart sa ibaba?

Ang Babaeng Asyano sa Sinaunang Lipunan


Kodigo ni Hammurabi
Kodigo ni Manu
Ang babaeng hindi tapat sa kanyang
asawa ay parurusahan ng kamatayan.
Mahighpit ang pagbabawal sa paglahok
ng babae sa kalakalan.

Ang isang babae na nakipag-relasyon at


nakipagtalik sa mataas na uri ng lalaki sa lipunan
ay mapupunta sa impyerno. Sa kasalan,
ipinagkaloob ang dote sa pamilya ng babae at
hindi sa kanya.

A. Mababa ang tingin ng babae sa antas ng lipunan at pangalawa lang sa mga lalaki.
B. Ibasura ang dalawang kodigo na naging batayan sa pagpapatakbo sa lipunan.
C. Baguhin ang probisyon ng kodigo ukol sa kababaihan na walang pagkiling.
D. Bigyan ng pagkakataon ang isang babae na sumikat sa kanyang landas.
____35. Basahin ang tsart na nasa ibaba tungkol sa dalawang imperyong napili. Anong punto de bista
ang mahihinuha mo mula noon hanggang sa makabagong panahon batay sa ilustrasyon?
Ang Babaeng Asyano sa Sinaunang Panahon
Imperyong Chaldean
Imperyong Mogul
(612-539 B.C)
(1526-1857)

Pinatayo ni Nebuchadnezzar ang Hanging


Garden of Babylon o Tore ni Babel sa Bibliya
na umabot sa 75 na talampakan ang taas. Ito
ang pinakamagarang tanawin sa sinaunang
panahon na pinagawa ni Nebuchadnezzar para
sa kanyang asawang may sakit na si Amytis, na
labis na nalungkut nang bumisita ito sa
kaharian ng Medea, isang kaharian na
matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Persia.

Pinatayo ni Shah Jahan ang Taj Mahal sa Agra,


India noong 1631 at natapus noong 1653 para
sa kayang asawa na si Arjumand Bano Begum
na naging Mumtaz Mahal na ang kahulugan
(Jewel of the Palace) na namatay sa kanyang
14 na panganganak. Ang pagpapagawa nito ay
natapos sa loob ng 22 na taon na may
dalawampung libong manggagawa. Ang
palasyong ito ay isa sa mga tourist
attractions sa India ngayon na kinuha sa
Persian, Hindu at Islamikong disenyo.

A. Magarbong istruktura para sa kasikatan


B. Lubos at tapat na pagmamahal ng isang asawa
C. Pamanang naiwan ng panahon na may saysay
D. Gagawin ng makapangayarihang tao ang kahit ano
Level 4 (Products/Performance/ Produkto) 30%, which includes the real-life application of understanding as
evidenced by the students performance of authentic tasks like: the use of lateral and vertical transfer of learning.
(The Learning to Live Together Pillar)

7 | Page

Lateral Transfer occurs when the student performs a novel task about the same level in different contexts in various
disciplines like recognizing the lessons learned in Social Studies book in producing a desired output in the most
creative and reflective way.

____36. Alam natin na ang Bangladesh ay nakararanas ng salinization o ang unti-unting panunuot ng
tubig-alat (salt-water) sa kanilang mga ilog. Kunwari, ttutulungan natin sila sa larangan ng
isang mabisang kampanya. Ano kaya ang pinakamainam na pamagat ng ating TV talkshow na
patok sa diwa at damdamin ng mga Bengali na walang masasaktan at walang kinikilingan o
personal bias?
A. Ang Hamon ng Kalikasan
C. May Bukas Pa Bangladesh!
B. Gumising Ka Bangladesh!
D. Inang Kalikasan: Nababahala?
_____37. Pinatibay ni Emperador Shih Huang Ti ang dinastiyang Chin at itinayo ang Great Wall of China para mapigilan
ang paglusob ng mga sundalong Mongol sa hilagang Tsina. Kung sa ngayon ito mangyayari, ano kaya ang ibang
dapat gawin ni Shih Huang Ti maliban sa pagsasagawa ng Great Wall upang mapalago ang ugnayang panlabas ng
kanilang bansa?
A. Dumulog at humingi ng tulong sa United Nations.
B. Makidigma sa tulong ng sandatahang lakas ng bansa.
C. Magkaroon ng usaping pangkapayapaan sa bawat panig.
D. Himukin ang bawat isa sa pagbuo ng pwersa sa katahimikan ng lahat.
____38. Si Puyi ay ang huling batang emperador ng dinastiyang Manchu sa Tsina. Kasabay ng kabiguan ng Rebelyong
Boxer na pinamumunuan ni Emperatriz Dowager Tzu-hsi, naglaho sa wakas ang imperyong Tsino. Kapag ninais
natin na di magtagumpay ang pangyayaring ito, ano kayang mensahe ang ilalagay natin sa billboard sa mga
siyudad at matataong lugar sa Tsina upang manatili si Puyi sa kanyang panunungkulan?
A. Ang larawan ng marahas na kaguluhan sa Tsina katapat ang nakapaskil: Panatilihin ang
kanluraning prinsipyo!
B. Ang larawan ni Puyi na may nakapaskil: Ipaglaban ang nasyonalismo!
C. Ang larawan ng buong imperial regency at si Puyi na nakangiti
D. Isang walis na sumisimbolo ng pakikipagkapit-bisig ng mga tao
____39. Dahil sa puwersa ni Mao Zedong, napilitang lumikas ang grupo ni Heneral Chiang-kai-shek sa isla ng Formosa o
Taiwan at doon itinayo ang Republika ng Tsina noong 1949. Sakaling tayo ang naging saksi, sa anong uring
gawain natin maipapakita sa kanila ang matagumpay nilang pagpupunyagi laban sa mga komunista?
A. ipasara ang mga daungan at labasan ng isla sa buong Tsina
B. magkaroon ng malawakang pistahan sa buong bansa
C. itaguyod ang bansa sa makabagong pamamaraan
D. magpasalamat sa lahat na lumahok sa digmaan
____40. Nahati sa dalawang bahagi ang bansang Vietnam: hilaga at timog. Ang Hilagang Vietnam ay sinupurtahan ng
komunismo at demokrasya naman sa Timog Vietnam sa ilalim ng Estados Unidos. Gusto ng karamihan ang buong
pagkakaisa ng dalawa sa isang bansang may matatag na pagkakapagbuklod-buklod. Anong uri ng programang
pangtelebisyon ang ipapalabas natin upang mauunawaan ng karamihan ang inaasam-asam na pagkakasundo ng
dalawang bansa?
A. Ito ay ipapalabas bilang magarbong telenobela.
B. Ito ay ipapalabas bilang isang pangkaraniwang balita.
C. Ito ay pagkakasunduan ng isang usaping pampulitikal.
D. Ito ay pag-uusapan sa isang sikat na talk show sa bansa.
____41. Si Polpot ay hindi pinayagan ng Estados Unidos at ng buong komunidad panlabas na bumalik sa Cambodia dahil
sa kanyang karahasan sa pamummuno ng genocidal Khmer Rouge o ang pagpatay ng mga kalalakihan sa bansa
8 | Page

noong dekada 80. Sa sining biswal, anong uring hayop na sumisimbolo sa kanyang karahasan at sa kabutihang
naitulong ng Estados Unidos ang maaring iguhit natin sa isang editorial cartoon ng isang pahayagan?
A. liyon at tupa
C. buwaya at sawa
B. kalapati at palaka
D. elepante at kordero

____42. Ang yamang likas sa mga bansa sa Asya ay naging dahilan ng kanluraning kolonisasyon. Ang krusada ay isa sa
mga kanluraning pamamaraan upang makarating sa Asya noong 1096 hanggang 1273. Ngunit, ang lahat ng uri ng
krusada ay di nagtagumpay. Kapag ang kontekstong ito ay ilalahad sa isang tunggalian o pagdedebate, ano kaya
ang pinaka-akmang proposisyon?
A. Krusada: Batayan sa matagumpay na Pananakop C. Krusada sa Gitna ng Pagbabago
B. Ang Mabuti at Masamang Epekto ng Krusada
D. Krusada: Naiintindihan Mo Ba?
Vertical Transfer occurs when the student learns from simple to more advanced or complex skills in Social Studies in a
specific context in producing a desired output in the most critical manner.
____43. Nalaman ng mga Tsino na unti-unting nalulong sa opium ang karamihan sa kanila. Ito ay dinala ng mga
imperyalistang Ingles na naging ugat ng mataas na Digmaang Opium sa Tsina. Upang hindi maging halata sa mga
sundalong Tsino ang kanilang pakikipaglaban para sa mga kalaban, ano ang pinakamabuti nilang gawin kung
sakaling ito ay mangyayari sa ngayon?
A. magbubuwis ng maraming buhay para sa bayan
B. mananahimik muna at paplanuhin nang husto ang nararapat gawin
C. magsilikas ng palihim patungo sa ibang bansa at humanap ng matiwasay na buhay
D. makipagkasundo sa mga kanluraning opisyal at aayusin ang gusot sa kanilang samahan
____44. Isinara ng mga negosyanteng Ottoman ang unang ruta ng kalakalan sa Asya laban sa mga bansang kanluranin
maliban sa Italya. Nanatili ang mga Italyanong mangangalakal dahil sa mataas na binayad nila sa mga opisyales
ng mga Ottoman. Dahil dito, napilitan ang ibang kanluraning bansa na maghanap ng panibagong ruta. Nakatulong
ba sa kanila ang pagtuklas ng panibagong ruta?
A. Hindi, dahil malaking halaga ng pera ang kanilang ginugol sa nasabing paglalakbay
B. Hindi, dahil sa pampulitikang hamon ng pananakop sa mga sinakop na bansa
C. Oo, dahil sila ay nagwagi sa kanilang inaasam-asam na hangarin
D. Oo, dahil sila ay natalo sa kanilang pakikipaglaban
____45. Ang paglakbay ni Marco Polo sa Tsina nang higit sa 11 na taon ay isang malaking ambag sa mga kanluranin
upang malaman nila kung gaano kayaman ang Asya. Ano ang naging kapani-paniwalang ebidensya nito?
A. Ang pagpili ni Kublai Khan sa kanya bilang tagapayo
B. Ang kanyang paglakbay sa ibat-ibang bansa bukod sa Tsina
C. Ang pagsulat niya ng isang aklat ukol sa kanyang karanasan sa Asya
D. Ang kanyang pag-uwi sa Italya noong 1295 at pagbatikos sa kinauukulan
____46. Nakararanas ng maraming ulan ang bansang India at Bangladesh, tigang at mala-disyertong rehiyon naman sa
Afghanistan at sa Kanlurang bahagi ng Tsina. Ang sistema ng klima sa mga lugar na ito ay may ugnayan sa
pormasyon, hugis, at taas ng Bundok Himalayas at kasabay din ang direksyon ng hangin na nagmula sa
Karagatang Indian. Anong uring mapa ang ating gagamitin batay sa nailarawan sa kontekstong ito?
A. mapang historikal
C. mapang kultural
B. mapang pang-ekonomiko
D. mapang heograpikal
____47. Makukulay ang kultura ng mga Asyano sa Timog-Silangan dahil ito ay naimpluwensiyahan ng dalawang
magarbong sibilisasyon ng India at Tsina. Kung maipapakita natin ito sa isang sining biswal, sa anong uring
sining ito magandang titingnan?
A. pagsulat ng isang nobela
C. pagpinta ng balangkas ng senaryo
9 | Page

B. paghubog ng isang palayok

D. pagguhit ng nabanggit na rehiyon

____48. Napansin natin na ang mga tratado o kasunduang nagawa sa pagitan ng mga kanluraning imperyalista at
kolonyang bansa ay di pantay kaya naging dahilan ito ng pag-aklasan ng mga nasyonalistang lider laban sa
pamamahalang dayuhan. Kung maibabalik natin ang ganitong sitwasyon sa ngayon, ano ang pinakamainam gawin
ng mga Asyano?
A. Sasayaw tayo sa musika dahil ayaw nila ang kaguluhan.
B. Magkaroon ng mga pagtatalo ukol sa mga usaping hinaharap
C. Makipagkasundo sa kinauukulan at pag-uusapan ang mga ito nang matino
D. Sumangguni sa himpilan ng radyo o telebesyon at sa mga pribadong sektor ng lipunan
____49. Masyadong malupit ang kultura sa mga kababaihang Asyano noon ukol sa tradisyon at paniniwala gaya ng
suttee sa India (o ang pagsunog ng isang balong babae kasabay sa kabaong ng kanyang asawa), ang foot
binding sa Tsina (o pagbigkis ng mga paa ng mga babae sa murang edad), at ang pagsusuot ng mga mabibigat na
patong-patong na singsing sa leeg ng isang babae sa Burma. Ang mga ito ay dahan-dahang nawawala na sa
ngayon dahil sa _______________.
A. pag-usbong ng makabagong pananaw sa karapatang pangkasarian
B. bagong teknolohiya at malawakang diseminasyon sa medya
C. paglabag ng karapatang pantao, kultura, at relihiyon
D. kahinaan ng pananaw at saloobin ng isang babae
____50. Sumiklab ang Rebelyong Sepoy sa India dahil sa paggamit ng mga sundalong Ingles ng grasa ng baka sa paglinis
ng kanilang mga sandata at sa pagkain ng karneng baboy. Ang mga ito ay labag sa kultura ng mga Hindu at
Muslim sa bansa. Ito ay isang konsepto ng etnosentrismo na isa sa pinakamahalagang usapin sa antropolohiya.
Anong malikhaing gawain ang nararapat nating planuhin kung sakaling tayo ay isa sa mga mamamayan ng India
at upang maitigil din ang rebelyon?
A. Magkaroon ng madaliang negosasyon para sa lahat na mga naapektuhan
B. Magkaroon ng pampublikong diskusyon ng pantay-pantay
C. Ipaubaya na lamang ang kaguluhang ito sa Dakilang Diyos
D. Idaan sa pag-aayuno kapag sasapit ang kwaresma

Maraming Salamat!

10 | P a g e

You might also like