You are on page 1of 2

Flordelisa Pelare

I- integrity

Maria makiling

Si Maria Makiling sa Bundok Makiling.


Sa alamat ng Pilipinas, si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling,
isang bundok na matatagpuan sa Los Baos, Laguna. Nilalarawan siya bilang isang magandang
dalaga na may mahabang buhok at kulay kayumangging kaligatan.
by:walter jhon sabanal Alamat ni Mariang Makiling Nasa pagitan ng Laguna at Quezon ang
bundok Makiling. Kalakip na ng kulturang Pilipino ang mga kuwentong bumabalot sa bundok na
ito. Hindi kumpleto ang bundok Makiling kung ipwepwera si Mariang Makiling sapagkat ang
bundok Makiling at si Mariang Makiling ay nagbibigay buhay sa bawat isa. Sinasabing si
Mariang Makiling ay hindi lamang nakikipanirahan sa bundok Makiling. May mga
nagpapatunay na ang nabanggit na kabundukan ay kay Mariang Makiling. Isang misteryo si
Mariang Makiling. Ang maraming taong nakakita at nakadaupang palad daw ng dalaga ay
nangalilito at hindi na nakababalik pa sa kani-kanilang pinanggalingang tahanan. May mga
nagpapatunay na pawang nawawala silang parang bula. Ang mga ilan-ilang sinuswerteng
nakauuwi pa ay nagmimistulang estatwa, hindi makapagsalita at nakatulala. Mabibilang mo sa
daliri ang ilang pinagbabalikan ng diwa na kapag nagsalaysay na ay lagi nang misteryosang
dalaga ang kwento nila. Sapagkat ibat-iba ang salaysay, ang mga kwentong nagkakaugnay ang
pinaniniwalaan larnang na may patotoo at pagpapatunay. Ang mga pinagtagni-tagning kwento ay
nagsasaad na si Mariang Makiling daw ay nakatira sa isang nagliliwanag na kaharian na
napapalibutan ng mga puno at halamang kung hindi hitik ng bunga ay marangya namang
pinamumulaklakan ng mga petalyang kulay dilaw, pula o lila. May ilan ding nagpapabulaan sa
kwento na nagsasabing kitang-kita ng kanilang mga mata na sa isang dampa lamang na
nabububungan ng pinagtagpi-tagping sawali nakatira si Maria. Na ang dalaga ay nagbabayo ng
palay, namimitas ng mga gulay at nanunungkit ng mga prutas araw-araw. May naniniwala sa una.
Mayroon din sa ikalawa. Pero may nagbibigay diin na si Maria sapagkat may iba-ibang
katauhang misteryosa ay maaaring mabuhay na isang diwata o isang mortal na dalaga. May isang
katulong na nagpapatunay na isang umaga ay nakita niya si Maria na pumasok sa isang

Flordelisa Pelare

I- integrity

talahibang malapit sa paanan ng kabundukan. Takang-taka siya sapagkat parang manipis na


hangin lang itong inihip kaya di man lang nahawi ang mga nadaanang halaman. Nang magbalik
ay dala na ni Maria ang isang bungkos ng mga puting bulaklak ng talahiban na masaya niyang
ipinanhik sa kabundukan. Nagtataka ang nakasaksi sapagkat parang nakaangat sa lupa ang mga
paa ng dalaga. Sa pakiwari niya si Maria ay isa ngang ada. May ilang namamasyal sa
kabundukan na nagpapatunay namang kitang-kita nila si Maria na umuupo sa matatarik na gilid
ng bundok. Iwinawasiwas niya ang mahabang buhok na sa kaalinsanganan ng hapon ay
naghahatid ng mabining hanging nagpapalamig sa kapaligiran at nagpapasaya sa mga hayop sa
kabundukan. Kung ganda ang pag-uusapan wala na raw tatalo sa kariktan ni Maria. Siya ay may
balingkinitang pangangatawan, mabibilog na mga mata, maninipis na mga labi at malamyos na
tinig ng isang mortal na dalaga at misteryosang Engkantada. Karaniwang nakikita siyang
namamasyal sa paligid ng kabundukan kung umagang kasisikat pa lang ng araw. May
nagsasabing matapos makapananghalian ay umuupo ang ada sa mga tipak ng bato habang
pinanunuod ang marahang agos ng ilog. May ilang nagpapatunay na kung gabing maalinsangan
at natutulog na ang lahat ay naglulunoy daw si Maria sa malamig na bukal. Usap-usapan ng lahat
ang magandang alpa na tinutugtog ni Maria kung kabilugan ang buwan. Ang sinumang
nakaririnig nito at nagbabakasakaling maghanap ay nangalilito raw. Sa halip na matunton ang
kinaroroonan ni Maria ay napapalayo pa ito sa kaakit-akit na Engkantada. Lubhang matulungin
si Mariang Makiling. May ilang nagsasabing nag-aanyong magbubukid daw si Maria na
nagmumudmod daw ng luya sa lalong pinakamahirap na magsasaka. Kataka-takang ang mga
nabanggit na luya ay nagiging ginto raw kapag naiuwi mo na. Bukas ang mga palad ni Maria sa
mga karaniwang mamamayang naninirahan sa paligid ng kabundukan. Kapag may bininyagan,
kinasal o namatayan ay pinahihiram ni Maria ng mga nakatagong kasuotan at kasangkapan. Ang
mga mag-anak na tinutulungan ay inoobliga niyang maghandog ng isang dumalagang manok
bilang kabayaran. May nagpapatunay na mahirap kalabanin si Mariang Makiling. Minsang
papalubog na ang araw ay may nangahas mamaril ng mga baboy-damo sa paanan ng bundok.
Kahit binawalan na ni Maria ay sumige pa rin sila. Hinabol nila nang hinabol ang isang baboydamo hanggang sa makaakyat sa bundok. Nagalit si Maria sa kapangahasan. Nang dumidilim na
ay takang-taka sila sapagkat ang baboy-damo na hinahabol nila na sumuot sa mga kasukalan ay
lumabas kasama ang isang kumpol pa na baboy-damong nanghahaba ang mga pangil at
mapupula ang mga mata. Natakot sila sa laki ng mga hayop na papalapit sa kanila. Ang higit na
matapang na manunudla ay nakapagpaputok pa pero ang naduwag ay nagtatakbo na. Maya-maya
lang ay nadinig sa kabundukan ang napakalakas na hiyaw ng pagmamakaawa ng pobreng
kaluluwa. Naswertehan ng naduwag na makababa kaagad ng bundok. Narating kaagad nito ang
bayan na takot na takot na humihingal. Kinaumagahan ay pinagkaguluhan ang bangkay ng
matapang na mangangaso. Hindi na nakilala ang tunay na anyo nito. Nagbulung-bulungan ang
lahat na kinalaban daw siguro ng mangangaso ang kapangyarihan ng Engkantada ng
Kabundukan. Naniniwala sila na sa alinmang labanan, tiyak ang pagwawagi ni Mariang
Makiling na Diyosa ng Katarungan. Kung noong unang panahon ay nagbabalatkayo si Mariang
Makiling upang tumulong sa mga magsasaka, ngayon ay hindi na napagkikita ang Engkantada at
ang pagtulong ay nahinto na. Hindi raw kasi nagsasauli ng kagamitan ang marami sa kaniyang
pinahihiram. Marami daw ang hindi nagbibigay ng dumalagang manok na dapat ay handog. At
napakarami na raw ngayong nagiging pangahas na gustong galugarin upang maangkin ang
kabundukan. Ito ang pinagmulan ng alamat ni Mariang Makiling.

You might also like